St2-Mapeh 5-Q1W1-8 '20-'21

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of San Pablo City
San Francisco District
SAN JOAQUIN ELEMENTARY SCHOOL

Unang Lagumang Pagsusulit/Summative Test 1


MAPEH 5 – Quarter 1
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ______________________
Baitang: _________________________________________ Guro: Ma’am Saira T. Agencia

MUSIKA
I. PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
2
1. ? _____
Ilan ang beat o kumpas ng mga nota at pahinga sa isang measure sa time signature na
4
3
2. Ilan ang beat o kumpas ng mga nota at pahinga sa isang measure sa time signature na ?_____
4
4
3. Ilan ang beat o kumpas ng mga nota at pahinga sa isang measure sa time signature na ?_____
4

II. PANUTO: Gumawa ng mga rhythmic pattern sa bawat measure ayon sa nakasaad na time signature.

4-5
2
4

6-7
3
4

8-10
4
4

SINING
PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod. Isulat ang mga sagot sa patlang.

_____ 11. Ito ang kapistahan na ipinagdiriwang ng mga taga-San Pablo sa Laguna tuwing darating ang ika-15 na araw ng
Enero. Ano ito?
A. Anihan Festival C. Coconut Festival
B. Sinukmani Festival D. Paru-paro Festival

12.13. Gamit ang cross-hatching at contour shading technique, lagyan ng disenyo ang banga na makikita sa ibaba.

_____ 14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng larawan ng kilalang arkitektural na disenyo na makikita sa
Lungsod ng San Pablo?
A. B. C. D.
_____ 15. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga sinaunang kagamitan o kasangkapan na impluwensya sa atin
ng mga dayuhan?
A. Ipagmamalaki, tatangkilikin at aalagaan ito bilang pagapapahalaga.
B. Ito ay aking sisirain at ipagtatatapon dahil wala itong pakinabang.
C. Hindi ko ito papansinin dahil wala akong hilig dito.
D. Hindi na dapat pa itong pahalagahan

_____ 16. Paano mo isasagawa ang exhibit gamit ang iyong mga likhang sining?
A. Sa pamamagitan ng pagtatago ng mga ito sa aking taguan.
B. Sa pamamagitan ng pagtatanghal at pagpapakilala ng mga ito sa mga tao.
C. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ito.
D. Sa pamamagitan ng pagpapasa nito sa guro.

17-18. Gumuhit ng isang ARTIFACT (SINAUNANG 19-20. Gumuhit ng isang SINAUNANG GUSALI na
KAGAMITAN) na nagpapakita ng 3D effect gamit ang makikita sa inyong pamayanan.
cross-hatching at contour shading.

PANGKATAWAN
PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

_____ 21. Ano ang tawag sa kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang-araw-araw na Gawain nang hindi kaagad
napapagod at hindi na nangangailangan ng karagdagang lakas sa oras ng pangangailangan?
A. Mental fitness C. Emotional fitness
B. Social Fitness D. Physical fitness

_____ 22. Ito ay ang mga sangkap ng physical fitness na tumutukoy sa kalusugan.
A. Health-related fitness C. Mental-related fitness
B. Skill-related fitness D. Social-related fitness

_____ 23. Ito ay ang mga sangkap ng physical fitness na tumutukoy sa kakayahan sa paggawa.
A. Mental-related fitness C. Health-related fitness
B. Social-related fitness D. Skill-related fitness

_____ 24. Ito ay ang kakayahang makapaglabas ng puwersa nang mabilisan batay sa kombinasyon ng lakas at bilis ng
pagkilos.
A. Muscular endurance C. Power
B. Coordination D. Balance

_____ 25. Ito ay ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnnan at
kasukasuan.
A. Cardiovascular endurance C. Muscular Strength
B. Flexibility D. Body Composition
_____ 26. Ito ay ang kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa nang walang
kalituhan
A. Balance C. Coordination
B. Power D. Reaction Time

_____ 27. Ang isang halimbawa ng gawain upang malinang ang balanse ng katawan ay ________________.
A. Stork Stand test C. Ruler Drop Test
B. Sit and Reach D. Zipper test

_____ 28. Paano isinasagawa ang larong Batuhang Bola?


A. Ito ay may isang taya na hahabol sa iba pang mga kalaro upang magkaroon ng panibagong taya.
B. Nilalaro ito sa pamamagitan nang pagtataya ng isa upang bantayan ang lata at ang iba naman ay papalo
sa lata gamit ang tsinelas, kung sino ang mahuli ng taya ay siyang papalit sa kaniya.
C. Ginagawa ito sa paraan na may dalawang grupo na ang isa ay siyang babato ng bola at ang isa naman ay
siyang nagsisilbing target.
D. Maaari itong laruin ng ilan lamang o kaya ay pangkat. May ilan na siyang papalo sa kahoy na stick at
ang iba nman ay siyang tagasalo.

_____ 29. Paano isinasagawa ang larong Syato?


A. Ito ay may isang taya na hahabol sa iba pang mga kalaro upang magkaroon ng panibagong taya.
B. Nilalaro ito sa pamamagitan nang pagtataya ng isa upang bantayan ang lata at ang iba naman ay papalo
sa lata gamit ang tsinelas, kung sino ang mahuli ng taya ay siyang papalit sa kaniya.
C. Ginagawa ito sa paraan na may dalawang grupo na ang isa ay siyang babato ng bola at ang isa naman ay
siyang nagsisilbing target.
D. Maaari itong laruin ng ilan lamang o kaya ay pangkat. May ilan na siyang papalo sa kahoy na stick at
ang iba nman ay siyang tagasalo.

_____ 30. Paano mo maipapakita ang pagiging responsable, magalang at patas sa pakikipaglaro?
A. Mandadaya ako upang siguradong ako o grupo ko ang mananalo.
B. Maglalaro ako nang tama, nasunod sa mga patakaran at tatanggapin ko kung anuman ang maging
resulta ng laro.
C. Pauuwiin ko ang mga ayaw kong kalaro dahil hindi ko naman sila gusto.
D. Hindi ako maglalaro dahil ayaw ko makisalamuha sa iba.

PANGKALUSUGAN
PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

_____ 31. Ito ay ang ating abilidad na makapagsaya sa ating buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang-araw-araw
na pamumuhay.
A. Kalusugang Ispiritwal C. Kalusugang Sosyal
B. Kalusugang Mental D. Kalusugang Emosyonal

_____ 32. Ito ay nagbibigay ng kagaanan ng kalooban at katiwasayan sa pakiramdam na nakatutulong sa positibong
pananaw.
A. Kalusugang Ispiritwal C. Kalusugang Sosyal
B. Kalusugang Mental D. Kalusugang Emosyonal

_____ 33. Ito ay nagpapakita ng isang uri ng kalusugan na nagpapakita ng pakikisalamuha at pakikipagkapwa tao.
A. Kalusugang Ispiritwal C. Kalusugang Sosyal
B. Kalusugang Mental D. Kalusugang Emosyonal

_____ 34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita o palatandaan ng isang malusog na relasyon?
A. Pakikipaglaro sa kapuwa at aawayin ito kapag ayaw na.
B. Pakikisalamuha sa mga tao nang may paggalang at kagalakan.
C. Pangungutya ng mga tao kapag gusto at pagtatawanan sila.
D. Pagbalewala sa mga taong nais makipagkaibigan sa iyo.

_____ 35. May mga bata na nagungutya at nang-aasar sa iyo tuwing bakanteng oras sa klase ninyo. Paano mo
mapapanatili ang iyong mabuting pakikipag-ugnayan maging ang iyong kalusugang mental, emosyonal at sosyal?
A. Hayaan na lamang sila hanggang sa ako ay maubos ang pasensya.
B. Makipag-away upang tumigil sila sa ginagawa nila.
C. Hayaan sila at maging positibo, magsabi sa iyong guro ng iyong mga nararanasan at saloobin sa kanila.
D. Sigawan sila at abangan sa oras ng awasan.

_____ 36. May mga bata na nagungutya at nang-aasar sa iyo tuwing bakanteng oras sa klase ninyo. Paano mo
mapapanatili ang iyong mabuting pakikipag-ugnayan maging ang iyong kalusugang mental, emosyonal at sosyal?
A. Hayaan na lamang sila hanggang sa ako ay maubos ang pasensya.
B. Makipag-away upang tumigil sila sa ginagawa nila.
C. Hayaan sila at maging positibo, magsabi sa iyong guro ng iyong mga nararanasan at saloobin sa kanila.
D. Sigawan sila at abangan sa oras ng awasan.

_____ 37. Alin sa mga sumusunod ang paraan na magandang gawin upang mapamahalaan ang di-magandang relasyon?
A. Hayaan na lamang lumipas ang di-magandang relasyon.
B. Magkaroon ng komunikasyon sa mga tao sa paraang ikaw pa ang nagmamataas.
C. Magpakita ng positibong pananaw, lutasin ang mga problema at tanggapin na ang bawat tao ay
magkakaiba.
D. Maging isang modelo ng pagpapakita ng di-magandang relasyon

_____ 38. Ito ay tumutukoy sa pabago-bagong emosyon ng tao.


A. Social Anxiety C. Panunukso o Teasing
B. Pagkasumpungin o Mood Swings D. Panliligalig/Panlulupig o Harassment

_____ 39. Nakita mo ang isang bata na tinutukso ng mga batang mas matanda sa kanya. Ano ang iyong gagawin?
A. Agad kong susugurin at sasaktan ang mga ito.
B. Tatakbo ako palayo dahil baka madamay pa ako.
C. Makikisama sa kanila at tutulong sa pang-aasar.
D. Pagsasabihan ko sila at pagbabawalan na huwag ng gawin ito.

_____ 40. Alin sa mga sumusunod ang mga bagay o tao na makakatulong sa iyo kapag nararanasan mo ang problemang
pangkalusugan?
I. Mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo
II. Mga kalaro o kabarkada
III. Pamilya, mga kamag-anak at ilang propesyunal
IV. Masusustansiyang pagkain at ehersisyo
A. II-III B. I-II C. III-IV D. I-
IV

You might also like