Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

University of Mindanao

College of Teacher Education “Physically Distanced but Academically Engaged”

UNIVERSITY OF MINDANAO

College of Teachers Education

BSED and BEED

Physically Distanced but Academically Engaged

Self-Instructional Manual (SIM) for Self-Directed Learning


(SDL)
Course/Subject: FIL 211 Estruktura ng Wika

Name of Teacher: Elleine Rose A. Oliva

THIS SIM/SDL MANUAL IS A DRAFT VERSION ONLY; NOT FOR


REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OUTSIDE OF ITS INTENDED USE. THIS IS
INTENDED ONLY FOR THE USE OF THE STUDENTS WHO ARE OFFICIALLY
ENROLLED IN THE COURSE/SUBJECT. EXPECT REVISIONS OF THE MANUAL
2

INTERAKTIBONG TALAHANAYAN NG NILALAMAN

Paunang Pahina 1

Talaan ng Nilalaman 2

Balangkas ng Kurso 4

Linggo 1-3
Ponolohiya 8
Paglinang ng Talasalitaan 8
Pangunahing Kaalaman 9
Tulong sa Sarili 15
Subukin mo 16
Suriin mo 17
Ilahat mo 17
Tanong at Sagot 18
Talaan ng mga Susing Salita 18

Ortograpiyang Filipino 19
Paglinang ng Talasalitaan 19
Pangunahing Kaalaman 19
Tulong sa Sarili 23
Subukin mo 24
Suriin mo 24
Ilahat mo 24
Tanong at Sagot 25
Talaan ng mga Susing Salita 25
Linggo 4 – 6
Morpolohiya
Paglinang ng Talasalitaan 29
Pangunahing Kaalaman 29
Tulong sa Sarili 33
Subukin mo 34
Suriin mo 34
Ilahat mo 35
Tanong at Sagot 36
Talaan ng mga Susing Salita 36

Kayarian ng Salita
Paglinang ng Talasalitaan 36
Pangunahing Kaalaman 36
Tulong sa Sarili 56
Subukin mo 57
Suriin mo 60
Ilahat mo 61
Tanong at Sagot 61
Talaan ng mga Susing Salita 61

Linggo 7 – 9
Sintaksis
Paglinang ng Talasalitaan 62
Pangunahing Kaalaman 62
Tulong sa Sarili 68
3

Subukin mo 68
Suriin mo 69
Ilahat mo 70
Tanong at Sagot 72
Talaan ng mga Susing Salita 71

Estrukturang Pambalarila

Paglinang ng Talasalitaan 72
Pangunahing Kaalaman 72
Tulong sa Sarili 80
Subukin mo 80
Suriin mo 80
Ilahat mo 81
Tanong at Sagot 81
Talaan ng mga Susing Salita 81
4

Course Outline: FIL 211 – ESTRUKTURA NG WIKA

Course Coordinator: Dr. Elleine Rose A. Oliva


Email: eoliva@umindanao.edu.ph
Student Consultation: TTH 11:00 am hanggang 12:00 ng tanghali
Mobile: 0998-4915700
Phone: (082) 2273166 or 3050647 loc. 102
Effectivity Date: June 2020
Mode of Delivery: Blended (On-Line with face to face or virtual sessions)
Time Frame: 54 Hours
Student Workload: Expected Self-Directed Learning
Requisites: None
Credit: 3
Attendance Requirements: A minimum of 95% attendance is required at all
scheduled Virtual or face to face sessions.

Patakarang Balangkas ng Kurso

Areas of Concern Details


Contact and Non-contact Hours Ang 3-yunit na kursong pansariling-instraksyunal
na manwal na dinisenyo para sa pinaghalong
paraan sa paghahatid ng pagtuturo kasabay nang
nakatakdang harapan o virtual na pagtatakda. Ang
inaasahang bilang ng oras ay magiging 54
nakapaloob dito ang harapan o virtual na
pagtatakda. Kasama ang harapang pagtatakda sa
pagtatasa ng kabuuang pagtataya (mga
pagsusulit) sapagkat ang kursong ito ay mahalaga
sa pagsusuri sa lisensya para sa pagkaguro.
Assessment Task Submission Ang pagpasa ng mga pagtatasa ay nakatakda sa
ika-3, ika-5, ika-7 at ika-9 na linggo sa bawat
termino.

Ang mga ipapasang mong pagtatasa ay nararapat


na may pabalat na pahinang papel na kung saan
nakalagay ang mga sumusunod: pamagat ng
pagtatasa, gurong tagapangasiwa, petsa ng
pagpasa at ang pangalan ng mag-aaral.

Ang mga dokumento ay ipapasa mo sa iyong


gurong tagapangasiwa gamit ang BlackBoard.
Maaring mo ring i-download sa Blackboard ang
mga karagdagang materyal tulad ng mga rubrik.
Inaasahan din na nabayaran mo na ang iyong mga
bayarin sa bawat eksaminasyon. Ang permit ay
maaring ipasa sa ating BlackBoard. Kung
mayroong problema makakaharap huwag mag-
5

atubiling tanungin ako para hindi masayang ang


inyong panahon at malutas agad ang mga
suliranin.

Dahil ang kursong ito ay patungkol sa panulaan at


bahagi ng licensure exams kaya kombenasyon ng
pagpipilian na pagsusulit at proyekto ang mga
pagtatasang gagamitin. Ang mga nakatalagang
iskedyul ay nakasulat sa huling bahagi ng manwal
na ito.

Turnitin Submission (IF Upang matiyak ang katapatan at pagiging tunay,


NECESSARY) ang lahat ng mga gawain sa pagtatasa ay
kinakailangan na isinumite sa pamamagitan ng
Turnitin na may isang maximum na
pagkakaparehong index ng 30% pinapayagan.
Nangangahulugan ito na kung ang iyong papel ay
lumampas sa 30%, hihikayatin ang mga mag-aaral
ang muling isulat ang kanyang papel o ipaliwanag
na pasulat sa koordinator ng kurso ang mga
dahilan ng pagkakapareho o pagkakatulad ng
gawain. Bilang karagdagan, kung ang papel ay
umabot sa higit sa 30% na pagkakapareho index,
ang estudyante ay maaaring ipatawag para sa
isang pagdidisiplina alinsunod sa OPM ng
Unibersidad ang Intellectual and Academic
Honesty

Maari po lamang na huwag kalimutan na ang


walang katapatan sa akademikong gawain tulad
ng pagdaraya at ipagawa sa ibang mag-aaral o tao
upang makumpleto ang gawain ay may matinding
parusahan (pagsaway, babala, at pagpapatalsik).

Penalties for Late Ang puntos para sa isang partikular na pagtatasa


Assignments/Assessments na ipinasa matapos ang itinalagang oras na
walang anumang pasabi upang naaprubahan ang
hinihinging palugit na oras, ay mababawasan ng
5% ng posibleng pinakamataas na marka. Maaring
ang pagbabawas ng puntos ay gagawin sa bawat
araw.

Gayunpaman, kung ang huli na pagsusumite ng


papel sa pagtatasa ay may wastong dahilan,
sumulat at pumasa isang liham na
pagpapaliwanag at kailangan itong maaprubahan
ng tagapangasiwa ng kurso. Kung kinakailangan,
ipakita / ilakip ang mga ebidensya.
Return of Ang mga gawain sa pagtatasa ay ibabalik sa iyo
Assignments/Assessments ng dalawang (2) linggo pagkatapos ng
6

pagsusumite. Ito ay ibabalik sa pamamagitan ng


email o sa pamamagitan ng portal ng Blackboard.

Kung may mga pagkatang gawain sa ating kurso,


magkakaroon tayo ng virtual na pagkikita gamit
ang google meet o zoom kung mahihirapan kayo
hahanap ako ng iba pang platform na pwede
nating gamitin sa ating virtual na pag-uusap. Sa
pamamagitan nito malalaman kung lahat ba ng
mga meyembro ng grupo ay gumagawa at
nakikibahagi sa gawain.
Assignment Resubmission Maaring humiling sa pamamagitan ng pagsulat sa
tagapangasiwa ng kurso ang iyong hangarin na
muling isumite ang isang gawain sa pagtatasa.
Ang hindi pagpasang muli ay tanda na

Ang pagpasang muli ay nakatuon sa kabiguan ng


mag-aaral na sumunod sa panuntunan at iba pang
mga batayan tulad ng mga pamantayang pang-
edukasyon sa literasiya o iba pang mga
pangyayari e.g. sakit, aksidente sa pinansiyal na
mga hadlang.

Re-marking of Assessment Kung sa tingin mo ay may pagkakamali sa iskor na


Papers and Appeal ibigay ay maari mong hilingin sa pamamagitang ng
pagsulat sa iyong tagapangasiwa ng kurso ang
hangarin na mag-apela sa marking ibinigay sa
isang gawain sa pagtatasa. Ang liham ay dapat na
malinaw na ipaliwanag ang mga kadahilanan /
puntos upang palitan ang grado. Ang
tagapangasiwa ng kurso ay makikipag-usap sa
mga mag-aaral sa pag-apruba at hindi pagtanggi
sa kahilingan.

Kung napatuyan Kung tinanggihan ng


tagapangasiwa ng kurso, maaari mong ipatuloy
ang iyong kaso sa pinuno ng programa o dekana
kalakip ang liham ng kahilingan. Ang panghuling
desisyon ay magmula sa dekana ng kolehiyo.

Grading System Mga gawain – 30% (including BlackBoard forum


and mga gawain na nakasaad sa manwal)
1st exam (MCQ Test) – 10%
2nd exam (MCQ Test) – 10%
3rd exam (MCQ Test) – 10%
Final exam (MCQ and Product) – 40%
Preferred Referencing Style (IF APA 6th Edition (may halimbawa na nakalagay sa
THE TASK REQUIRES) BlackBoard)
Student Communication Kung wal ka pa, kinakailangan kang lumikha ng
isang umindanao email na kinakailangan upang
7

ma-access ang portal ng BlackBoard.


Pagkatapos, dapat irehistro ng iyong
tagpangasiwa ng kurso ang mga mag-aaral upang
magkaroon ng access sa mga materyales ng
kurso. Lahat ng mga pormat ng komunikasyon:
chat, pagsumite ng mga gawain sa pagtatasa, mga
kahilingan atbp ay dapat sa pamamagitan ng
portal at iba pang mga platform na kinikilala sa
unibersidad.

Maaari tayong mag-usap sa pamamagitan ng


nakatakdang harapang sesyon upang sabihin at
itanong ang iyong mga isyu at alalahanin.

Para sa mga mag-aaral na hindi nakapaglikha ng


kanilang email, mangyaring makipag-ugnay sa
tagapangasiwa ng kurso o pinuno ng programa.
Contact Details of the Dean Dr. Jocelyn Bacasmot
Email: jbacasmot@umindanao.edu.ph
Phone: 082-3050647 local 102
Contact Details of the Program Dr. Maribel Abalos
Head Email: mabalos@umindanao.edu.ph
Phone: 082-3050647 local 102
Students with a Special Needs Ang mga mag-aaral na may mga espesyal na
pangangailangan ay dapat makipag-ugnayan sa
tagapangasiwa ng kurso tungkol sa uri ng kanyang
espesyal na pangangailangan. Depende sa uri ng
pangangailangan, ang tagapangasiwa na may
pag-apruba ng program head ay maaaring
magbigay ng alternatibong mga gawain sa
pagtatasa o pagpapalawig ng ng nakatakdang
panahon ng pagsusumite ng mga gawain sa
pagtatasa. Gayunpaman, ang mga alternatibong
gawain sa pagtatasa ay dapat pa rin pagkamit ng
ninanais na mga resulta ng pagkatuto ng kurso.
Online Tutorial Registration (IF Kinakailangan mong mag-enrol sa isang tukoy na
NECESSARY) oras ng tutorial para sa kursong ito sa
pamamagitan ng portal na www.cte.edu.ph.
Mangyaring tandaan na mayroong nakatalagang
panahon ng pagtatakda para sa pagpapatala sa
tutorial.
Help Desk Contact 0923-602-8780
Email: BSED@umindanao.edu.ph
Library Contact Tel No. + 63 305-0640
Email: library@umindanao.edu

GSTC CTE Facilitator Contact GSTC HEAD


Ronadora E. Deala
ronodora_deala@umindanao.edu.ph
09212122846
8

GSTC FACILITATOR
Ivy Jane S. Regidor
0910-568-1081
Ms. Kyle Sophia S. Mediadero
0977-136-2208

Course Information – see/download course syllabus in the Black Board LMS

CC’s Voice: Mabuhay sa magiging guro sa hinaharap! Samahan mo ako sa paglalabay


ng kursong Fil 211 (Estruktura ng Wika). Alam kong nais mong maging
mabisa at mahusay na guro sa Filipino at nakikita ko na sa hinaharap ikaw
ay tatayo sa harap ng klase na may kahandaan at kagalingan sa pagtuturo
ng wikang Filipino at ang mga panuntunan ukol dito.

CO Bago ang aktwal na pagsasagawa ng pagtuturo, kailangan mo munang


harapin ang mga mahahalagang kasanayan sa pagtuturo sa Filipino at isa
na dito ang pagkatuto ng estruktura ng wika, tulad ng naipapaliwanag mo
ang mga bahagi ng pananalita at wastong gamit nito. Nasusuri ang mga
pangungusap ayon sa wastong gamit at pananalita. At nakabubuo ng
banghay-aralin at modyul ayon sa napiling bahagi ng pananalita na maaring
ponema, ponolohiya, morpolohiya, o sintaksis.

Tara! Simulan mo ng lakbayin ang mundo ng balarilang Filipino. Tandaan sa


bawat balakid na kakaharapin mo nandito lang ako na gagabay at aakay sa
iyo sa pagtuklas ng bagong kaalaman.

Malawak na Pagtingin

Linggo 7-8: Unit Learning Outcomes (ULO): Pagkatapos ng yunit na ito,


inaasahang kayo ay:

1. Nakasusuri at nakagagamit ng mga angkop na pamamaraan sa pagbuo ng


pangungusap.

2. Nakasusuri at nakagagamit ng wastong mga salita sa pangungusap

ULO1: Nakasusuri at nakagagamit ng mga angkop na pamamaraan sa pagbuo ng


pangungusap

Paglinang ng Talasalitaan

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi: ang paksa at panaguri. Ang paksa ang
pinaguusapan sa pangungusap. Ang panaguri naman ay nagbibigay komento o
tumatalakay sa paksa.
9

Pangunahing Kaalaman

SINTAKS (Palaugnayan)

Sa nakaraang paksa ay tinalakay natin ang tungkol sa ponolohiya at morpolohiya ng Filipino.


Nalaman natin na ang Filipino, tula ng alinmang wika, ay may sariling set a tiyak nadami ng mga
ponema o makabuluhang mga tunog. Ang mga ponemang ito ang ating pinagsasama-sama sa
isang natatanging paraan upang bumuo ng mga morpema.

Ngayon naman ay pag-uusapan natin sa pagkakataong ito ang mga sistema ng pagsasama-
sama o pag-uugnay-ugnay ng salita upang bumuo ng pangungusap. Sa payak na payak na paraan
ay tatalakayin natin ang iba’t ibang balangkas ng mga batayang pangungusap sa Filipino at kung
papaanong ang mga ito’y mapapalawak.

Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa ulo. Ang patapos na himig
na ito ang nagsasaad na naipapahayag na ng nagsasalita ang isang iwa o kaisipang nais niyang
ipaabot sa kausap.

Ito’y binubuo ng isang salita o mga salita na nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.

Mga Halimbawa:

1.Nanay!
2. Aray!
3. Magandang umaga po.
4. Sulong!
5. Halika.
6. Mamaya.
7. Opo.
8. Maraming magagandang pook sa Pilipinas.

Ang SUGNAY ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panag-uri na maaring may
buong diwa o di – buong diwa.

1. Sugnay na di makapag-iisa – may simuno at panaguri ngunit walang buong


diwa.
Halimbawa: 1. Umawit siya.
2. Mabilis silang magtrabaho.

2. Sugnat na makapag-iisa – may simuno at panaguri na may diwa.


Halimbawa: 1. Nang si Leo ay dumating.
2. Sapagkat siya’y nanalo.

Ang PARIRALA ay lipon ng mga salitang walang simuno at paanaguri may iba’t ibang uri
ito ayon sa kayarian
1. Pariralang Pang-ukol – binubuo ng pang-ukol na sa at layon.
(pangalan at panghalip)
Halimbawa: 1. Sa Legaspi
2. Ng ibon
3. Hinggil sa tubig
2. Pariralang Pawatas - binubuo ng pantukoy at pawatas na pandiwa
(may panlapi)
10

Halimbawa: 1. Sa nanatili
2. Ang mga tumayo
3. Ang mga lumabas
3. Pariralang Pangngalang – diwa- binubuo ng pantukoy at pangngalang
pandiwa
( pag+salitang-ugat)
Halimbawa: 1. Sa pag-tuklas

Mga Pangungusap na may Panaguri at Paksa

May mga pangungusap na binubuo ng alawang panlahat na sangkap: panaguri at


paksa.

1. Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Nasa


paksa ang pous ng sinabi sa loob ng pangungusap. Sa ating pagsusuri, ang
simuno ay tinatawag nating paksa sapagkat higt na angkop ang salitang paksa
sa tunay na kahulugan ng kinakatawanan nitong bahagi ng pangungusap.

Ang paksa ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na gumaganap


ng kilos o pinagtutuunan ng iwang isinasaa sa pandiwa.

Halimbawa:

Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.

Mayroon din namang paksa n sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na


isinasaad sa paniwa.

Halimbawa:

Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan.


Pinakain ng masarap na pagkain ng mga taganayon ang mga turista.

Upang lubos na maiintindihan ito, palalawakin ang paksang ito sa kasunod na


mga balangkas.

Mga Uri ng Paksa

Maipakikita sa mga sumusunod na balangkas ang mga uri ng paksa:

1. Paksang Pangngalan

Pangungusap

Panaguri Paksa
11

Pangngalan
Halimbawa:

a. Sumulat ng talambuhay ang pinuno.


b. Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

2. Paksang panghalip

Pangungusap

Panaguri Paksa

Panghalip

Halimbawa:

a. Kami ay delegasyon ng Pilipinas.


b. Sila ay gumagawa ng mga sasakyang pangkalawakan

3. Paksang pang-uri

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-uri

Halimbawa:

a. Hinahangaan ang matatalino.


b. Kapuri-puri ang mga masisipag.

4. Paksang pang-abay

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-abay

Halimbawa:

a. Ang dito ay maghintay lang muna.


b. Ang doon ay pasulungin agad.
12

5. Paksang pandiwa

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pandiwa

Halimbawa:

a. Huwag mong gamabalain ang nananalangin.


b. Mahuhusay ang mga namumuno.

6. Paksang pawatas

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pawas

Halimbawa:

a. Hilig niya ang magtinda.


b. Kinalilibangan ko ang magbasa.

Mga Kailangan sa Mabisang Pangungusap

1. Kaisahan – ang pangungusap ay may kaisahan kung ang bawt bahagi ay tulutulong
sa natatangi o pangunahing diwa. Dito’y hindi nararapat na isama
ang walang kaugnayan sa isa’t isa.

Mga Halimbawa:

Mali: Si Luisa ay nag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, matataas


ang markang nakukuha at buhat pa sa malayong lalawigan.

Tama: Si Luisa na buhat pa sa malayong lalawigan at nag-aaral sa Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas ay halos mapabilang sa mga matatalino dahil
matataas ang markang nakukuha niya.

2. Kakipilan – Ang pangungusap ay may kakipilan kung ang pagkakahanay ng mga


13

bahagi ng pagpapahayag ay nagbibigay-linaw sa kani-kanilang


pagkakaugnay-uganay.

Mga Halimbawa:

Mali: Ang paaralang malapit sa amin bago’t malaki ay pinag-aaralan niya.

Tama: Ang bago’t malaking paaralang pinag-aaralan niya ay malapit sa amin.

3. Pagbibigay-diin – Ito’y kahawig din ng kakipilan, lamang may panuntunang sinusunod


sa karaniwang pagpapahayag ang pag-aayos ng mga pananalita upang mabigyang-
diin. Sa isang pagpapahayag, karaniwang inilalagaya ang mga di mahahalagang
pananalita

Mga Halimbawa:

Mali: Ikaw ay mag-aaral nang mabuti, ang inaasahan ng inyong mga magulang.

Tama: Ikaw ay inaasahang mag-aaral nang mabuti ng iyong mga magulang.

Kayarian ng Pangungusap

Ayon sa mga napag-aralan na, ang pangungusap ay may tatlong kakayahan:


sangkap, gamit at kayarian. May apat na uri ang kayarian o pagkakabuo ng pangungusap.
Ito’y payak, tambalan, hugnayan at langkapan.

Payak – nagpapahayag ng isang buong diwa lamang.

Hal.
Ang KKK ay isang proyekto ni Pangulong Marcos.

Tambalan – ito’y binubuo ng dalawa sugnay na makapag-iisa na pinag-uugay ng


pangatnig.

Hal.
Ang ina’y nagtitinda sa pamilihang bayan at ang anak ay nag-aalaga ng
bata sa bahay.

Hugnayan – binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o mahigit sa dalawang


sugnay na di-makapag-iisa.

Hal.
Ang nagwagi sa paligsahan ay sinabitan ng kuwentas na sampaguita nang sila ay
dumating.

Langkapan – ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit
pang sugnay na di makapag-iisa.

Hal.
14

Si Elena ay hindi pinag-aral ng kanyang mga magulang at hindi na pinansin ng


kanyang mga kapatid, nang matuklasang siya’y may kapisang lalaki sa
dormitoryong kanyang tinitirhan.

Mga Pangungusap a Walang Paksa

Sa Filipino, may mga pangungusap na walang paksa. Sundan ang mga


halimbawa.

1. Mga Pangungusap na Eksistensyal


Nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, bagay, at
iba pa. Pinangungunahanito ng may at mayroon.
Hal.
a. May mga turista ngayon sa Liliw.
b. Mayroong ganito rito.

2. Mga pangungusap na Paghanga


Nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong
pangungusap.

Hal.
a. Kayganda ng tanawin sa Pilipinas!
b. Ang tapang mo pala!

3. Mga maiikling sambita


Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing
oantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Hal.
a. Ay!
b. Aray!

4. Mga Pangungusap na Pamanahaon


Nagsasaad ng oras o uri ng panahon ang mga ganitong
pangungusap.

Hal.
a. Alas-dos na.
b. Mainit ngayon.
c. Umuulan.
d. Maaga pa.

5. Mga Pormularyong Panlipunan


May pagbati, pagbibigay-galang, atb, nakagawian na sa lipinang
Pilipino.

Hal.
a. Magandang umaga po.
b. Tao po.
c. Mano po.
d. Salamat po.
15

e. Maligayang kaarawan.

Tulong sa Sarili: Maaari ka ring sumangguni sa mga mapagkukunan sa ibaba


upang matulungan kang maunawaan ang aralin:

Almario, V. (2015). KWF Manual sa masinop na pagsulat, 2nd ed. Maynila: Komisyon ng
Wikang Filipino.

Cena, R. (2011). Gramatikang Filipino: Balangkasan. Quezon City: University of the


Philippines.

Gonzales-Garcia, L. (1999). Makabagong grammar ng Filipino. Manila: Rex Book Store.

Malicsi, J. (2013). Grammar ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wiakng Filipino, Unibersidad ng
Pilipinas.

Santiago, A. & Tiangco N., (2003). Makabagong balarilang Filipino. Manila: Rex Book Store.

Subukin Mo

Tukuyin ang kayarian ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot bago
ang bilang.

A. PAYAK B. TAMBALAN C. HUGNAYAN D. LANGKAPAN

1. Sinabugan ng mababangong bulaklak ang panauhing pandangal at sinigawan ng


“Mabuhay”.
2. Ang kagandahang panlabas kung minsan ay mandaraya.
3. Ang pinagtatalunan ng komperensya ay kung bakit kailangan nating magplano ng pamilya.
4. Amg kayamanan dawn g tao ay hindi madadala sa kabilang buhay.
5. Ang bagay na ito ay ginawa niya alinsunod sa tagubilin ng kanyang mga magulang.
6. Ang “Panitikang Pilipino” na hiniram ko sa aklatan ay hiniram n gang aking kaibigan nang
kanyang makita.
7. Alinsunod sa bagong patakaran ang “Faculy of Atrs and Science” ay magkakaroon ng
minsan isang buwang pagpupulong.
8. Ang balita sa radio ay tungkol sa malakas na bagyo sa Mindanao.
9. Ang taong palalo ay nilalayuan ng kaibigan.
10. Ang aking bunsong kapatid ay tumuulong sa paglilinis ng bahay at ako naman ang
nagluluto kapag hindi kami pumapasok sa paaralan.

Suriin Mo
Bumuo ng tig dalawang pangungusapa batay sa kasunod na balangkas.

1. Paksang Pangngalan
Pangungusap

Panaguri Paksa
16

Pangngalan
a.
b.

2. Paksang panghalip
Pangungusap

Panaguri Paksa

Panghalip
a.
b.

3. Paksang pang-uri

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-uri

a.
b.

4. Paksang pang-abay

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-abay

a.
b.

5. Paksang pandiwa
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pandiwa
17

a.
b.

6. Paksang pawatas
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pawas

a.
b.

Ilapat Mo
Sa araling ito, natutunan mo na may apat na balangkas ng pangungusap.

Ang payak na pangungusap ay mayroon lamang isang buong diwa o kaisipan. Ito
ay maaaring may iisang paksa at iisang panaguri. Ngunit maaari rin itong magkaroon
ng iisang paksa at dalawang panaguri o dalawang paksa at iisang panaguri. Maaari
na buuin ito ng ng dalawang paksa at dalawang panaguri. Ang pangungusap na
tambalan naman ay mayroong dalawa o higit pang ganap na sugnay.

Ang sugnay ay grupo ng salita na may paksa at panaguri. Ganap na sugnay ito
kapag kayang makapag-isa at may buong diwa. Sa madaling salita, ang ganap na
sugnay ay payak na pangungusap. Ang di-ganap na sugnay ay hindi kayang
makapag-isa ngunit may tulong ito sa pangungusap. Gumagamit ng mga pangatnig
sa pagbuo ng pangungusap na tambalan. Ang pangungusap na hugnayan naman ay
binubuo ng isang ganap na sugnay at ng isa diganap na sugnay. Ang pangungusap
na langkapan naman ay binubuo ng isa o mahigit pang ganap na sugnay at ng dalawa
o mahigit pang di-ganap na sugnay.

Tanong-Sagot

May nais ka pa bang malaman bukod sa mga paksang natalakay sa ating aralin.
Maaari mong itala ang iyong mga katanungan na may kaugnayan sa aralin sa ibaba.

May mga tanong ka bang nais mong magkaroon ng paglilinaw?


Mga Tanong/Isyu Mga Sagot

1.

2.

3.
18

4.

5.

Talaan ng mga Susing Salita


Sa bahaging ito ay makikita mo ang listahan ng mga susing salita na
makatutulong sa iyo sa pag-alaala ng mga mahahalagang konsepto , ideya,
teorya, pangalan ng tao at iba pang mga terminolohiya.

Payak Paksa Karaniwan


Tambalan Panaguri Di-karaniwan
Laguman Hugnayan Walang Paksa

Kung nasagutan mong lahat ang mga gawain, binabati kita! Maaari ka nang
magpatuloy sa susunod na aralin.

ULO2: Nakasusuri ang mga pangungusap gamit ang tuntunin sa


pagpaparirala sa wikang filipino.

Paglinang ng Talasalitaan
Upang maging madali ang pag-unawa sa mga konsepto sa aralin na ito ay
bibigyan nating ng pagkakahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito.

Karaniwan o Tuwid - Kapag nagsisimula sa panaguri at nagtatapos sa simuno.

Di-Karaniwan o Kabalikan - Kapag nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa


panaguri. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap.

Pasalaysay o Paturol - Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan, opinyon, pahayag,


kaisipan o pwede ring pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).

Patanong - Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong, at tandang


pananong (?) ang bantas sa hulihan nito.

Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat,


paghanga, panghihinayang at iba pa. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!).

Pautos - Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito. Ito
ay maaring magtapos sa tuldok (.) o tandang padamdam (!).

Pangunahing Kaalaman

MGA URI NG PANGUNGUSAP


19

Nauuri ang pangungusap sa Paturol, Pautos, Patanong at Padamdam.

1. Paturol- ang nagpapahayag ng impormasyon at nilalagyan ng bantas na tuldok (.).


• Noong ika-2 ng Pebrero, 1993 pumutok ang bulkang Mayon.
• Si Presidente Fidel V. Ramos ang pumalit kay Presidente Corazon Aquino.
• Si Supremo Soledad Suarez ang namumuno sa Iglesia Mistika.
• Nasa Lecheria, Laguna, ang Watawat ng lahi.
2. Pautos-Pakiusap ang nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap na karaniwang
nilalagyan ng kuwit (,) kapag may tinatawag at nagtatapos sa tuldok (.).
Karaniwang nilalagyan ng panlaping maki-at paki ang mga salitang-ugat na
pandiwa upang magpahayag ng pakiusap at paggalang.
• Jose, pakikuha mo naman ang baso.
• Makiraan nga. Ilarawan mo ito.
• Mely, Pakidala naman ito roon.
• Tumakbo ka na.
3. Patanong- ang nag-uusisa o nagtatanong, nilalagyan ng bas a loob ng
pangungusap o nilalagyan ng tinatawag na panghuling tanong pagkatapos ng
pangungusap at nagtatapos sa pananong (?). Ang ba ang kataga o marker na
patanong.
• Anong oras na ba?
• Kailan ba matatapos ang mga brownout?
• Matatapos din iyon di ba?
• Nanalo ako ng kotse, totoo ba?
• Dadalhin na rito, tunay ba?
4. Padamdam- ang nagpapahayag ng masidhing damdamin na nagtatapos sa
padamdam (!).
• Salamat po Diyos ko!
• Naku po!
• Nanalo ako!
• Talagang mahiwaga!

TUNTUNIN SA PAGPAPARIRALA SA WIKANG FILIPINO

May mga tuntuning dapat isaalang-alang sa pagpaparirala. May kaugnayan ito sa


pagbubuo ng mga pangungusap.

PP (Pangungusap)= P (Panaguri) + S (Simuno)


P= PD (Pariralang Pandiwa)/ PN (Pariralang Pangngalan)
PH ( Pariralang Panghalip) /PU (Pariralang Pang-uri)
PD= Pd (Pandiwa) +/- K (kaganapan)
Pd= asp. (aspekto) + pl (panlapi) + s.u. (salitang-ugat)
1 2 3
Asp= asp 1 (ginanap) asp (ginaganap) asp 3 (gaganapin)
pl=- um-, mag-, mang-, in-, an-, i/ ipang-, ika-,…atb
s.u.= alis, luto, hiram, dala, punta, sama, etc.
20

K= kg (kaganapang gol), kl (kaganapang lokatib), kb (kaganapang benepaktib), kk


(kaganapang kawsatib), kd (kaganapang direksyunal), ka (kaganapang aktor), ki
(kaganapang instrumental).

kg = ng + Pn g
kl = sa + Pn l pang-uri (pu) pang-angkop (pang-akp)
kb = para + Pn b pang-abay (pa) panghalip (ph)
kk = dahil sa + Pn k pantukoy (pt) pandiwa (pd)
kd = sa + Pn d pangatnig (pgt)
ka = ng + Pn a pandamdam (pdm)
ki = sa pamamagitan ng + Pn i
PN= M (Marker)/M (m) + Pn
(pangangalan)/ Pn(si) (pangngalang pantanging-ngalan)

M= ang, ng, sa, si, ni, kay


M (m) = ang mga, ng mga, sa mga, sina, nina, kina

Pn= tao, bata, lalaki, babae at iba pa.


Pn(si) = Lorna, Roberto at iba pa.

PH = M + Ph1 /Ph2 /Ph1 p(m) /Ph2 p(m)


Ph1 = ako, ikaw, siya
Ph2 = ito, iyan, iyon
Ph1 (m) = tayo, kami,kayo, sila
Ph2 (m) = ang mga ito, ang mga iyon, ang mga iyan

PU = M + Pu/Pu p
Pu = pl (panlapi) +s.u. (salitang-ugat)
Pu(m) = maramihan
Pl = = ma-, pala-, mapang-, -an, atbp.
s.u. = ganda, buti, hinhin, atbp.
S = M + PN/PH/PU/PD

PAG-IISTRUKTURA NG PANGUNGUSAP
BATAY SA TUNTUNIN NG PAGPAPARIRALA

Bahagi ng pagkaalam sa wika ang kaalaman kung paanong pinagsama-sama ang


tinatawag ng constituent o mga sangkap at mapangkat-pangkat ang mga ito. Ang
kaalamang ito ang maaaring katawanin ng set ng mga patakarang matatawag na
pagpaparirala. Ito ang kasangkapan sa pag-aaral ng sintaktika ng anumang wika.
Makikitang buhat ito sa simpleng istruktura tungo sa malawak na istruktura.

a. Pangungusap-------- Panaguri + Simuno


PP--------------- P + S
b. Panaguri-------------- Pariralang Pangngalan
P----------------- PN
c. Pariralang Pangngalan- Marker + Pangngalan
PN------------- M + Pn
21

d. Simuno--------------- Pariralang Pangngalan


S ----------------- PN
e. Pariralang Pangngalan- Marker + Pangngalan
PN------------ M + pn
22
23
24
25
26
27

Tulong sa Sarili: Maaari ka ring sumangguni sa mga mapagkukunan sa ibaba


upang matulungan kang maunawaan ang aralin:

Almario, V. (2015).KWF Manual sa masinop na pagsulat, 2nd ed. Maynila: Komisyon ng


Wikang Filipino.

Almario, V. (2018). Sining ng paglikha at panghihiram ng salita. Maynila: Komisyon ng


Wikang Filipino

Alicio, Atilio V. [2009]. Advanced Filipino for Filipino Speakers (Reader). Imprints – UCSD
Bookstore: La Jolla, California.

Alicio, Atilio V. [2007]. Filipino Linguistic Analysis (Reader). Imprints - UCSD Bookstore: La
Jolla, California.

Bernales, R. (2007). Komunikasyon sa makabagong panahon. Valenzuela City: Mutya Publishing


House. Inc.
Dillague, Nora M. et al. [Ikatlong Edisyon 2005]. Sandigan, Ikaapat na Taon. Phoenix Publishing
House, Inc.: Quezon City, Philippines.

Orito, R. Semantiks. Retrieved from https://www.academia.edu/9397803/semantiks.

Palabuuan ng pangungusap. Retrieved from http://www.scribd.com/doc/17128250/Filipino 1-


Palabuuan - Ng – Pangungusap (Sintaks)

Santiago, A. (2003). Makabagong balarilang filipino. Recto Avenue: Rex Book Store.
Tumangan, A. P. (2000). Sining ng pakikipagtalastasan. Valenzuela City: Mutya Publishing
House Inc.

Trudgill, Peter [2003]. A Glossary of Sociolinguistics. Oxford University Press Inc.: New York.

https://www.academia.edu/9397935/SINTAKSIS

https://samutsamot.com

Binabati

Subukan Mo

Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga


sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam),
PU (pautos), at PK (pakiusap).
____ 1. Dito tayo sasakay ng dyip.
____ 2. Dadaan po ba kayo sa palengke?
____ 3. Hoy, bawal sumingit sa pila!
____ 4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.
____ 5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.
____ 6. May bakanteng upuan pa ba?
____ 7. Huwag kang sumabit sa dyip.
28

____ 8. Walong piso ang pasahe.


____ 9. Pakiabot po ang bayad ko.
____ 10. Kunin mo ang sukli.
____ 11. May bababa ba sa highway?
____ 12. Pakibaba po kami sa palengke.
____ 13. Para po!
____ 14. Naku, bawal tumigil ang dyip diyan!
____ 15. Sundin mo ang mga batas trapiko.

Suriin Mo

Mula sa estruktura ng pangungusap batay sa tuntunin ng pagpaparirala. Bumuo ng Tree


Diagram sa bawat pangungusap sa ibaba.

1. Ang mungkahi ay punagtibay ng mga kasapi.


2. Nag-aaral ng Filipino ang maraming Banyaga sa Pilipinas
3. Tungkol sa pagpaplano ng pamilya ang ibibigay na seminar.

Ilapat Mo
Natapos mo ang ang masalimuot nap ag-aaral ng estruktura ng wika ayon sat untuning
pambalarila. Nagawa mon a rin ang pagsusulit ukol dito. Ngayon naman ay gumawa ka ng
dalawang (2) pangungusap at gawan mo ito ng Tree Diagram. Ilagay sa A4 na may palugit na 1
pulgada sa bawat sulok at gumamit ng Arial na font style 12 font size. Maging gabay ang mga
halimbawa sa itaas.

Tanong-Sagot

May nais ka pa bang malaman bukod sa mga paksang natalakay sa ating aralin. Maaari
mong itala ang iyong mga katanungan na may kaugnayan sa aralin sa ibaba.

May mga tanong ka bang nais mong magkaroon ng paglilinaw?


Mga Tanong/Isyu Mga Sagot

1.

2.

3.

4.

5.

Talaan ng mga Susing Salita


Sa bahaging ito ay makikita mo ang listahan ng mga susing salita na
makatutulong sa iyo sa pag-alaala ng mga mahahalagang konsepto , ideya,
teorya, pangalan ng tao at iba pang mga terminolohiya.
29

Estruktura Pautos Pariralang Pangngalan


Pangungusap Patanong Pariralang Pandiwa
Payak Padamdam Pariralang panaguri
Paturol Pariralang Panghalip Pariralang Pang-uri

Natapos mo na ang huling bahagi ng ating aralin. Binabati kita dahil naging maagap ka
sa pag-unawa at pagsagot sa mga pagtatasa upang matapos ang kurso. Hiling ko na hindi
mo sana makakalimutan ang mga bagong kaalaman dahil makatutulong ito sa iyong
pagpapalawig ng krunungan upang maging handa sa pagiging guro sa Filipino sa
hinaharap.

Ang pinakapangunahing Pagtatasa sa kursong ito ay makasulat ka ng mabisang


Banghay aralin sa pagtuturo ng wika at modyul sa isang partikular na paksa sa
Estruktura ng wika. Haggang sa muli nating pagkikita sa mga susunod nyo pang kurso.
Mabuhay ka at magsumikap pang maiigi upang magkaroon ng siksik, liglig at nag-
uumapaw na karunungan.

Inihanda ni:

Elleine Rose A. Oliva, EdD.

Ipinagtibay ni:

Jocelyn B. Bacasmot, PhD.


Dean, CTE

You might also like