Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagbasa sa Filipino

Ikawalong Linggo
Filipino 8
Ang Hudhud ni Aliguyon
(Buod)

Noong unang panahon, mula sa bayan ng Hannanga, isinilang ang isang


lalaking si Aliguyon na anak ng magkasintahang si Amtalao at Dumulao. Siya
ay isang matalino at masigasig na binata na gustong mag-aral ng maraming
bagay na kinakailangan niya.

Tinuturuan at kinukwentuhan siya ng kanyang ama, at natutunan rin niya


kung paano lumaban at gumamit ng mahika. Bata pa man siya ay isa na
siyang tunay na pinuno.

Nang lumaki si Aliguyon, siya mismo ang nagtitipon ng mga hukbo para
labanan ang mga kaaway ng kanyang ama na si Pangaiwan mula sa bayan ng
Galigdigan.

Nagtangkang hamunin ni Aliguyon si Pangaiwan subalit hindi siya nasagot


kundi hinarap siya ng anak ni Pangaiwan na si Pumbakhayon. Katulad ni
Aliguyon, mahusay rin si Pumbakhayon sa pakikipaglaban at mahika. Ang
dalawang mandirigma ay naglaban ng tatlong taon ngunit sa mga taong ito ay
ni isa sa kanila ay walang nagpakita nga senyas ng pagkatalo.

Sa huli, ang dalawang mandirigma ay nirerespeto ang isat isa at tumigil ang
kanilang laban. Gumawa sila ng kasunduang kapayapaan sa Hannanga at
Daligdigan at naging matalik na magkaibigan.

Umunlad ang dalawang bayan. Naging mas lumago ang pagkakaibigan ni


Aliguyon at Pumbakhayon nang nagpakasal si Aliguyon sa kapatid ni
Pumbakhayon na si Bugan; at si Pumbakhayon naman ay nagpakasal sa
nakababatang kapatid ni Aliguyon na si Aginaya.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa ½


lengthwise.

1. Sino si Aliguyon?
2. Ano-ano ang mga katangian ni Aliguyon?
3. Sino ang nakalaban ni Aliguyon?
4. Ilarawan ang naging labanan sa pagitan ng dalawa.
5. Kanino nagpakasal ang dalawang mandirigma?

You might also like