Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagbasa sa Filipino

Ikalawang Linggo
Ipe

Maliit pa lamang si Ipe nang maulila sa magulang. Ang ama niya ay nilamon
diumano ng dagat habang nangingisda samantalang ang kanyang ina naman ay
namatay sa sakit na pulmonya. Sa awa ng kaniyang tiyahin, si Ipe ay inampon na
nito at itinuring na tunay na anak.
Bata pa lamang ay nakitaan agad si Ipe ng pambihirang lakas ng kaniyang
tiyahin. Nariyang lumangoy siya na parang isdang kayang huminga sa ilalim ng
tubig. Kung panahon naman ng taniman, daig pa ni Ipe ang kalabaw sa sipag sa
pagtutusok ng uhay ng palay. Halos isang araw lamang niya tinatamnan ang isang
buong ektarya ng lupain ng kanyang tiyahin.
Isang araw ng anihan, binisita sila ng nagpakilalang nagmamay-ari ng lupang
sinasaka ni Ipe. May titulo siya diumano ng nasabing lupain. Labis itong
ikinalungkot ng kaniyang tiyahin. Wala silang nagawa nang paalisin sila sa kanilang
lipain. Natagpuang nakabitin sa isang puno ang kaniyang tiyahin. Napilitang
mamundok si Ipe. Doon niya nahanap ang kapayapaang wala sa kapatagan.
Humawak siya ng armas at binalikan ang kumamkam sa kanilang lupain. Magmula
noon naging usap-usapan sa Cavite ang pangalan ni Ipe. Sa tuwing may napapatay
na asendero ay hindi maiwasang mapag-usapan ang kaniyang pangalan. Bayani ang
turing ng mga magsasaka kay Ipe.

SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA TANONG (Isulat ang sagot sa hiwalay na


papel)

1. Paano ipinakilala ang pangunahing tauhan sa teksto?

2. Ano-ano ang mga pagsubok sa buhay na dinanas ni Ipe? Paano niya nalagpasan
ang mga ito?

3. Sa iyong pansariling pananaw, nararapat ba na ganuon ang ginawa ni Ipe sa


nangamkam ng lupain ng kaniyang tiyahin? Pangatuwiranan.

4. Bayani nga bang maituturing ang pangunahing tauhan? Bakit?

5. Para sa iyo, malinaw ba ang pagkakasalaysay sa kuwento? Paano mo nasabi?

You might also like