PT Pagsulat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ABSTRAK

PAMAGAT: BUNGA NG KAWALAN NG MGA AKLAT SA MGA MAG-AARAL NG IKA-11 BAITANG


SA KOLEHIYO NG LA CONSOLACION NG RINCONADA, LUNGSOD NG IRIGA

May-akda: Rheanne R. Osea, Pearl Angieline R. Galicia, Shenny Claire A Moran, at Ivan Andrae F.
Martin

Pangunahing Ideya: Kawalan ng mga Aklat sa mga mag-aaral ng ika-11 Baitang

Buod:

Ang nilalaman ng pananaliksik na pinamagatang “Bunga ng Kawalan ng mga Aklat sa mga Mag-
aaral ng ika-11 Baitang ng Kolehiyo ng La Consolacion ng Rinconada, Lungsod ng Iriga, 2019-2020”
ay naglalayong masuri ang papel na ginagampanan ng mga aklat sa buhay ng mga mag-aaral at ang
maaring maging epekto sa pagkawala nito. Tutugunang sagot nito ang mga sumusunod na
katanungan:

Tukuyin ang propayl ng mga respondiyente batay sa mga sumusunod:


Gulang
Kasarian
Pang-akademikong pagganap

2) Ano ang kahalagahan ng mga aklat sa pang- akademikong interes ng mga mag-aaral?

3) Masasabi nga bang sagabal o tulong sa pag-aaral ang mga aklat?

4) Aling sanggunian ang mas ginagamit ng mga guro sa ika-11 baitang, panteknolohiya o mga
aklat?

5) Ano-ano ang mga epektong dulot nito sa pagpapahusay ng pang-akademikong responsibilidad


sa mga mag-aaral?

Ang mga sumusunod ay ang nabuong lagom mula sa mga datos na nakalap:

I.

Ang gulang na 17 ang may pinakamalaking sakop na kumakatawan sa mahigit kalahating


porsiyento ng kabuoang bilang ng mag-aaral, kasunod nito ang may edad na 16 na bumubuo ng
32% ng populasyon, at ang 18 taong gulang na may 11 mag-aaral katumbas ng 12% ng kabuoang
populasyon.Ang mga mag-aaral ng ika-11 baitang ay binubuo ng 88% mag-aaral na may edad 16
hanggang 17.

II.

Pinakamaraming mag-aaral mula sa ika-11 baitang ang mas naeengganyong gumamit ng


powerpoint na presentasyon upang matuto ng talakyan, sinundan ito ng mga hand-outs mula sa mga
gurong ipinapaphoto-copy na lamang sa mga estudyante bilang gabay sa mga tatalakayin. Sumunod
naman ang mga aklat at ang pinakahindi gamitin sa pag-aaral lalo na sa makabagong panahon
ngayon ay ang visual aids.Mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang nasa presentasyon na nasa
telebisyon dahil ito ay mas nakakaakit tingnan upang ganahang makinig.

III.

Hindi nagkakalayo ang pagitan ng kalimitan at bahagdan sa pagitan ng mga kababaihan at


kalalakihan sa kanilang naramdamang kaginahawaan sa kawalan ng mga aklat sa pag-aaral. Ayon rito,
64% ng mga kalalakihan ang nagsasabing nakakaginhawa sa pakiramdam ang hindi na pagdadala ng
mga aklat na pareho lang din para sa mga kababaihan sa bahagdang 65%.Mas marami naman sa mga
lalaki ang naninindigang hindi magaan sa pakiramdaman ang kawalan ng mga aklat sa bahagdang
26% kung ihahambing sa mga kababaihang 21% lamang. Hindi rin sigurado ang 10% mula sa
kalalakihan sa kanilang nararamdaman na hinigitan naman sa mga kababaihan sa bahagdang 14%.

IV.

Ang mga babae at lalaki ay may parehong bahagdan na 52% pagdating sa pagpili ng
mas mainam na sanggunian na pinagkukuhanan ng impormasyon, ang aklat.Habang ang teknolohiya
naman ay mayroong magkapareho ring bahagdan na 48%. Ngunit sa parehong aklat at teknolohiya,
mas maraming bilang ng mga babae ang pumili sa bawat kasagutan.

V.

Mas maraming mga kababaihan ang sumasang-ayon na ang mga aklat ay nagpapaalab sa
responsibilidad na dapat ay tinataglay ng mga mag-aaral sa bilang na 21 at may bahagdang 44% na
hindi naman nagkakalayo sa bilang ng mga kalalakihan na sumang-ayon sa bilang na 19 at
bahagdang 46%. Ang mga hindi naman naniniwala na ito ay nakatutulong ay mas marami sa mga
kababaihan na may 23% habang ang sa kalalakiha’y 14% lamang. Sa mga hindi naman sigurado kung
ito nga ay nakatutulong sa pagkaresponsable ay may bilang na 17 mula lalaki at 16 sa babae na may
mga bahagdang 40% at 33%.
Ang Batang Ayaw Maligo
Ni: Beng Alba
(SINOPSIS)

Si Popong ang batang ayaw na ayaw maligo. Sa tuwing maririnig niya ang salitang ito’y
ramdam niya agad ang pagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang katawan. Sa kahit anong
pamamaraa’y hindi niya talaga gustong linisin ito mapakuskos man ng balat, pagdampi ng madulas
na sabon, at lalong-lalo na ang tubig na sa katawan niya’y bubuhos. Parati siyang pinagsasabihan ng
kanyang mga magulang na maligo ngunit kung ano-anong pagdadahilan ang ginagawa niya
matakasan lamang ito. Kung hindi siya’y may sakit o may pinapanood ay itatago niya ang sabong
panligo at sasabihing ubos na ito para lamang hindi siya matuloy sa banyo. Nang minsa’y umalis
papuntang kabilang bayan para tumulong sa isang medical outreach ang kanyang mga magulang,
naiwan siya sa kanyang Lola Erlinda. Tatlong araw ito at masayang-masaya si Popong sa kanyang
nabalitaan. Sa tuwing tinatanong ng kanyang lola kung naligo na siya’y sasabihin niyang “oo” at
ipapakitang basa ang kanyang buhok at bagong palit ang sando kahit pa’y hindi naman talaga siya
naligo. Minsan pa nga’y idadahilan niyang ang nangangamoy-araw sa bahay ay ang alagang aso
niyang si Blackie sa halip na umaming siya talaga ang bunga ng masamang amoy.

Sa unang araw na wala ang kanyang mga magulang ay isiniksik niya ang kanyang katawan sa
ilalim ng kama’t ikinuskos ito sa sahig ng kuwarto habang masayang naglalaro. Sa ikalawang araw ay
umakyat siya sa puno ng bayabas at hinabol ang mga pato sa bakuran. Dumating ang ikatlong araw
at hindi pa rin siya naliligo kung kaya’t masangsang na ang kanyang kamoy, magulo ang buhok, at
kay dungis na ng katawan. Matapos ang ikatlong araw ay pasukan na naman nila sa eskuwelahan.
Dahil tanghali siyang nagising, hindi na siya nakapag-ayos ng sarili’t nakapagsepilyo. Pinaalalahanan
siya ng kanyang lola na maligo ngunit sa pagbalik na lamang daw galing eskuwelahan dahil baka
siya’y mahuli sa pagpasok. Masaya siyang pumasok upang makita ang mga kaibigan at makapaglaro
ng holen at patintero. Sa paglalaro ng patintero’y hindi niya nataya sila TJ at Tintin kung kaya’t hindi
na siya isinali sa ikatlong pagkakataon. Kamot siya nang kamot at hindi mapakali na naging dahilan
upang mawalan ng konsenstrasyon sa paglalaro. Inasar siya ng kanyang mga kaibigan na hindi naligo
at ito’y lubos niyang ikinalungkot. Sabi ng mga kaibigan niya’y makakasali lamang siya ulit kung
nakaligo na siya. Napagmasdan niya nga kung gaano kalilinis ang uniporme ng mga ito, maaayos ang
buhok, mababango’t kay puputi ng ngipin na ibang-iba sa kanya. Dali-dali siyang umuwi at naligo
gamit ang pinakamabangong sabon at pinakamalaking labakarang nahanap niya at doon niya
napagtanto kung gaano kagaan at sarap sa pakiramdam ang maligo. Matapos niyang maligo’y
saktong dumating na galing sa kabilang bayan ang kanyang mga magulang at masaya siyang
sinalubong. Ikinuwento nilang nagkaroon ng sakit sa balat ang mga bata sa medical outreach dahilan
ng labis na pagsusugat sa balat. Naalala ni Popong na muntikan nang magsugat ang balat niya dahil
sa kakakamot, buti na lang at naranasan na niya ang maligo. Natuwa ang kanyang mga magulang
nang matutong maligo ang kanilang anak at si Popong nama’y nangakong susundin na parati ang
iniuutos ng kanyang mga magulang na alam niyang para rin sa ikabubuti niya.
BIONOTE

RHEANNE R. OSEA. Labing-walong taong gulang, panganay sa dalawang


magkakapatid, anak nina Anajiena R. Osea at Warren M. Osea. Ipinanganak
sa iba’t-ibang
siya noong paaralan
ika-27 simula primarya taong
ng Nobyembre tulad ng DSPC,
2002 MTAP,
sa East Bible Medical
Avenue Quiz Bee, at
Science Quiz Bee.
Center, Sa sekundarya
lungsod ng Quezon.nama’ySiya’y
RSPC, nakapagtapos
Istoryang Suanoy, ng atprimarya’t
patimpalak sa
pagsasayaw. Maramipag-aaral
sekundaryang na rin siyang nasalihang
sa Kolehiyo ng Lapatimpalak sa loob
Consolacion, ng paaralan
lungsod ng Irigagaya
at ng
pagsulat ng tula, sanaysay,
kasalukuyang pagsulat ng kanta,
nasa ika-labindalawang pagtalumpati,
baitang. Kinuha niyajazzangchant,
strandpag-awit,
na
pagsayaw
HUMSSat pagdrama
na magigingparatulay
sa kuwentong
upang maabotitatanghal sa entablado.
niya ang pangarap Dahil sa kanyang
na maging
pagpupursige
magalingsanapag-aaral
abogada. ay Bata
nakapagtapos
pa lamang siyaaybilang
mulatsalutatoryan
na siya sa samundong
elementarya’t
balediktoryan naman at
kinagagalawan sa may
Juniormithiing
High. Parati
maging rin siyang inihahalal
instrumento bilang pangulo ng
ng pagbabagong
klase kinakailangan
simula ika-8 baitang
sa ating kung
bansa.kaya’t
Siya’y natuto
paratingsiya kung papaano
kabilang ang mamuno at
sa mga patimpalak
makisama sa mga taong nasasakupan. Ngayong siya’y nasa Senior High School na ay
hindi pa rin siya susuko sa laban kahit pa may kinahaharap na pandemya,
mapatunayan lamang ang kanyang kakayahan at determinasyon na makapagtapos ng
pag-aaral para sa magandang kinabukasang ninanais.

ABAKA Footwear Corporation


Lungsod ng Pasig, Metro Manila

MEMORANDUM

Para sa: Mga kasapi sa paggawa ng Abaka Footwear (tsinelas, bota, sapatos,
sandals)
Mula Kay: Rheanne R. Osea, Pangulo, Fashion Footwear Corporation
Petsa: Ika-23 ng Marso 2021
Paksa: Panukalang proyekto sa pagpapagawa ng kagamitang pampaa
gamit ang abaka

Maligayang Araw!
Malugod ko kayong iniimbitahan na maging kasosyo ng aming korporasyon
sa gaganaping Footwear Fashion Show sa ika-17 ng Abril 2021. Itatampok ng aming
grupo ang mga disenyo ng kagamitang pampaa na gawa sa mga materyales mula sa
ating bansa kung saa’y isa na nga rito ang abaka. Inaanyayahan ko kayong dumalo sa
pagpupulong na gaganapin upang mapag-usapan ang patungkol sa panukalang
proyektong ito. Ang pulong ay gaganapin sa Conference room ng ika-10 palapag sa
gusali ng West Coast, silid 145 mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Ituturing kong napakalaking tulong ang inyong pakikilahok sa paglikha ng mga
kagamitang pampaang pokus ng aming fashion show. Maraming salamat sa inyo!
Katitikan ng Pulong
(Pinakaunang Homeroom PTA Miting)

Petsa: ika-15 ng Pebrero 2020


Oras ng Pagsisimula: 1:00 ng hapon
Oras ng Pagtatapos: 2:30 ng hapon
Pook: Silid ng 10-Compassion, Blg. 214
Kolehiyo ng San Viaris Aleman, lungsod ng Taguig, Metro Manila

Adyenda:
1. Eleksiyon ng mga opisyal para sa Homeroom PTA
2. Mga patakaran at regulasyon ng paaralan
3. Form 137 para sa mga mag-aaral na bagong lipat ng paaralan
4. Sertipiko ng Kapanganakan (NSO)
5. Sistema ng Pagmamarka sa K-12
6. Proyekto ng PTA
7. Iba pang mahahalagang alalahanin

Pagpapatuloy sa Kaganapan ng Miting:


1. Pagpapatawag ng isang pagpupulong sa oras na 1:00 ng hapon ni Gng. Maricar A. Bautista,
guro ng 10-Compassion.
2. Ang sumusunod ay ang napagkasunduang bagong hanay ng mga opisyal para sa taong
2020-2021:
Pangulo: Arianna B. Palenato
Bise Presidente: Roel C. Aligara
Kalihim: Josephine A. Morata
Tresurero: Michael O. Penisoto
Awditor: Joel A. Laxamana
Mga PIO: Marivell G. Harelas
Gian F. Markus
3. Inulit talakayin ni Gng. Bautista ang tungkol sa mga patakaran at regulasyon ng paaralan:
 Ipinagbabawal ng paaralan ang mahabang buhok para sa kalalakihan kung kaya’t
dapat ay panatilihing may maayos na gupit ang mga ito.
 Susuotin lamang ng mga mag-aaral ang pormal na uniporme tuwing Lunes
hanggang Biyernes, maliban sa Huwebes.
 Tuwing Huwebes, kinakailangang magsuot ng puting kamiseta na kapares ay maong
na pantalon ang mga mag-aaral. Pupuwede ring gumamit ng makukulay na kamiseta
basta’t nagtataglay ng logo ng paaralan na nakaimprinta sa gitna.
 Ang katamaran at pagliban ng klase ng mga mag-aaral ay itatala ng naatasang
monitor ng klase upang magsilbing batayan ng mga magulang kung nais alamin ang
katayuan ng kanilang anak sa loob ng silid-aralan. Kung hindi magbibigay ng
“excuse letter” ang mag-aaral sa kadahilanan ng kanyang pagliban ay maaari siyang
madrop-out sa paaralan. Bilang karagdagan, magsasagawa ang guro ng pagbisita sa
bahay kung maganap ang sitwasyong katulad nito.
4. Pinaalalahanan din ni Gng. Bautista ang mga magulang ng mga mag-aaral na bagong lipat
sa paaralan na asikasuhin ang form 137 sa dating paaralan at mga magulang na ang mga
anak ay hindi pa nagpapasa ng sertipiko ng kapanganakan (NSO).
5. Sistema ng Pagmamarka:
Kaalaman : 15%
Proseso/Kasanayan : 25%
Pag-unawa : 30%
Produkto/Pagganap : 30%
6. Sumang-ayon ang mga kumatawang opisyal na ang proyekto ng PTA sa taong 2020-2021
ay ang pagpapagawa ng aparador para sa apatnapu’t dalawang mag-aaral at pagpintang
muli ng silid-aralan. Para maging posible ito’y nagkasundo silang magbabayad ang bawat
mag-aaral ng P70.00 hanggang Pebrero 25, 2020.

Inihanda ni:
Rheanne R. Osea
Kalihim ng Klase

Ang abstrak ay isang mahalagang bahagi ng pang-akademikong sulatin sapagkat nilalaman


na nito ang mahahalagang elemento ng buong artikulo o ulat kung kaya’t mabibigyan na
ng pangunahing ideya ang mambabasa. Dahil sa mga importanteng detalye tulad na lang
ng introduksiyon, konklusyon, resulta, at iba pang datos, mas nagiging madali para sa
mambabasa ang intindihin kung ano ang pokus at layuning ng kanyang binabasa. Ito ay
ginagamit sa mga disertasyon, tesis, report, teknikal na pagsulat, siyentipikong papel atbp.
Lalo pa ngayon na kinakailangan ang tesis para pumasa sa akademikong antas maging
propesiyonal na kwalipikasyon, mahalaga na maging maalam tayo kung papaano ito isulat
dahil malaking papel ang ginagampanan nito sa ating pananaliksik. Ito’y isang
intelektuwal na pagsulat sapagkat nahuhubog nito at napapatalas ang ating isipan sa
pagpapaikli at organisa ng datos sa paraang malinaw at lohikal. Dahil rito’y napapataas
ang kalidad ng ating pag-iisip dahil mas maraming kakayahan ang ating nagagamit lalo na
ang pang-kaisipan. Nakaramdam ako ng satispaksyon at tuwa habang ito’y aming isinulat
sa grupo dahil ang pagsulat nito’y isang hudyat na naging matagumpay ang pagtatapos ng
aming pananaliksik dahil naibuod namin ang mga nilalaman ng aming pag-aaral. Lahat ng
aming pinaghirapan sa riserts ay nagiging mas makabuluhan sa tulong ng abstrak dahil
ito’y nagbibigay rin ng kasiguraduhan na natamo namin ang layunin ng aming pag-aaral.
Ang synopsis o buod ay karaniwang inilalagay upang mas madaling maintindihan ng mga
mambabasa ang pangunahing ideya ng teksto. Ito ay nagsisilbing siksik na bersiyon ng
teksto na naglalaman din ng mahahalagang detalye. Sa lagay ng isang maikling kuwento,
nilalaman nito ang mahahalang tauhan, tagpuan, problemang kinaharap, at wakas ng
kuwento. Dahil sa mga ibinahaging detalye, hindi na kailangang basahin ng mambabasa
ang bawat linya/pangungusap dahil nakuha na niya ang nais ipahiwatig sa akda. Maiiwasan
ang kalituhan na dulot ng kumplikadong pag-intindi sa mahahabang pangungusap dahil
nagawa naman itong paikliin sa pinakamabisang paraan. Ito’y nagpapasunod-sunod ng
mga pangyayaring nangyari sa akda nang walang nalilipasang detalye. Napapanatili nitong
kumpleto ang diwa ng akda gamit ang sariling pagpapahayag ng kuwento. Ginagamit ito
sa mga tekstong naratibo tulad ng maikling kuwento, alamat, sanaysay, at pati na rin sa
mga pelikula. Naranasan ko na ang magsulat ng buod sa paggawa ng “book report” na
kinakailangan para sa silid-aklatan. Dahil na rin sa karanasang iyon bawat pirmahan ng
“clearance” ay nahubog masyado ang aking kaalaman sa pagorganisa ng paksa at naging
mas masining ako sa pagbigay ng sariling interpretasyon dito. Ginamit na rin namin ito sa
pagsusulat ng mga sanaysay mula sa napanood na ulat o pelikula kung kaya’t naging mas
malawak ang aming kaalaman at kakayahang intindihin ang isang komposisyon. Naging
mas matalas ang aming isipan sa pagtanda ng mahahalagang detalyeng basehan ng aming
buod at isa mang pagsubok ay, nakatulong naman para sa pagpapagana ng kaisipan.
Nakaramdam ako ng tuwa at satispaksyon dahilan sa nasubok ang aking kakayahan sa
pagtanda ng mga detalye at ang sining ng tamang pagsusulat na magiging makabuluhan
para sa mambabasa. Ako’y napuno ng positibong kaisipan dahil nalagyan ko ng sariling
atake at mas binuhay ang tekstong aking ibinuod na mas kokonekta sa mambabasa.
Ang bionote ay nagtataglay ng pinaikling talambuhay ng isang panauhin, ang kanyang
propayl. Karaniwang nilalaman nito ang kanyang kapanganakan, paaralan, mga natamong
parangal, at mga naisulat na akda. Ito ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa taong itinatampok na magsisilbing gabay ng mga mambabasa upang mas
makilala ang may-akda at pumulot ng inspirasyon mula sa kanya. Gamit na rin ang mga
mahahalagang datos tungkol sa kanya, mas magiging madali ang paghahanap ng kaugnay
na akdang kanya ring naisulat na maaaring makatulong sa pag-aaral o kahit sa pang-
personal lang na interes. Dahil sa pagbibigay ng maikling pasilip sa buhay ng may-akda,
magiging madali ang pag-unawa sa kanyang karakter na may malaking bahagi sa kanyang
naisulat. Mas mauunawaan natin kung ano ang nakatagong mensahe na nais iparating ng
may-akda sa kanyang komposisyon dahil repleksiyon ito ng kanyang mga karanasan sa
buhay. Ito ay karaniwang nakikita sa likod ng pabalat ng libro na may kasamang larawan
ng may-akda. Magagamit ito upang mas maging kapani-paniwala at maasahan ang isang
akda tulad ng mga aklat sa silid-aklatan na sanggunian ng itinututo sa mga paaralan.
Mahalaga ito dahil kinikilala ang likha ng mga may-akda na mas magpapahanga sa
magbabasa at isa pa’y para magsilbing alaala ng may-akda na pupuwedeng makatulong sa
iba. Ito ay isang intelektuwal na pagsulat dahil sumasalamin ito sa kakayahan at kaisipang
taglay ng mga may-akda na siyang ibinuod para mas maunawaan ng mambabasa.
Naramdaman ko ang pagkatuwa dahilan sa mas nakilala ko kung sino talaga ako, kung ano
ang aking mga kakayahan, at ano ang mga natamo ko na sa aking buhay bilang mag-aaral.
Napagtanto ko na kung may pagkakataong maging may-akda ako ng isang aklat, isa itong
malaking gantimpala na aking makakamit kapalit ng mga paghihirap at dedikasyong
ibinuhos ko sa aking aklat.
Ang memorandum o memo ay isang sulating nasa papel na karaniwang ginagamit sa mga
pagpupulong na taglay ay isang mahalagang mensahe na nagpapaalala ng mahalagang
layunin na dapat gawin ng isang grupo. Ito ay naglalaman ng katawan ng mensahe,
nagpadala ng sulat, mga makakatanggap, lugar ng pagpupulungan, at iba pang
mahahalagang detalye na madaliang maiintindihan ng pinagbigyan nito. Sa pagbibigay ng
memorandum ay masisigurong lahat ng taong kinakailangan sa pagkumpleto ng layunin ay
makakapunta at walang makakalimot. Halimbawa na lang ng pinagagamitan nito ay ang
memo ng paaralan para sa mga mag-aaral o magulang na tatalakay sa mahahalagang
paksang nais nilang iparating sa pamamaraang simple, direkta, at malinaw. Kung
mayroong problemang dapat masolusyunan ay mabilisang matatapos kung lahat ay may
kaalaman sa sitwasyong nangyayari. Hindi na kinakailangang manghula ng nakatanggap
ng memo kung ano ang punto ng mensahe sapagkat nakalahad na ang lahat ng detalyeng
kinakailangan. Hindi na siya mag-aatubiling pumunta sa pagpupulong o sumunod sa
nakasaad dito dahil alam niya ang papel na kailangan niyang gampanan. Ito ay isang
intelektuwal na pagsulat dahil nahahasa ang pagsulat ng tao sa pamamaraang simple
ngunit malinaw para mas mabilis maunawaan. Nagagamit niya ang kakayahan niya sa
pagoorganisa ng detalye para maengganyong dumalo at makilahok ang napagbigyan ng
memo. Nakaramdam ako ng tuwa dahilan sa masaya pala talaga ang gumawa ng
mensaheng maikli ngunit alam kong kumpleto para maipahayag ang aking saloobin at
pinaplano sa ibang tao na agad naman nilang mauunawaan dahil hindi ito kumplikado.
Ang katitikan ng pulong ay isang mahalagang sulating nagdodokumento ng mga
mahahalagang talakayan at napagkasunduan sa pagpupulong na naganap. Ito ay
nagtataglay ng mga datos tulad ng pangalan ng mga dumalo, paksa ng pagpupulong,
petsa, oras ng pagsisimula’t pagtatapos, pook na pinagpulungan, at ang mga hindi
nakadalo rito. Napakaimportante ng katitikan ng pulong sapagkat nagsisilbi itong rekord o
ebidensiya ng mga napag-usapan at tumitiyak na ang layunin o agenda ng pagpupulong ay
masusunod. Dahil nga sa ito ay pagdodokumento, madaling makuhang muli ang mga
mahahalagang detalye at mababalikan ito kung kinakailangan. Pupuwede rin itong
magsilbing gabay para sa susunod na pulong na gaganapin gamit ang mga napag-usapang
detalye para sa pagpapahusay. Nagiging kapaki-pakinabang ito sa lahat ng klase ng
pagpupulong tulad ng sa paaralan at opisina/kumpanya dahil dito ibinabase ang mga
gagawing desisyon para sa pagbabagong gaganapin. Mas magiging maayos ang
pagpaplanong gagawin sapagkat ito’y napagusapan at napagkasunduan nang karamihan.
Kung mayroong mangyaring hindi ayon sa inaasahan ay wala ring masisisi sapagkat lahat
naman ay nakilahok sa pulong. Isa itong intelektuwal na pagsulat dahil kinakailangan nito
ng matalas na isipan at kaalaman sa pagtanda ng mga datos na mahahalaga at kung
papaano ito ioorganisa para maging makatotohanan at malinaw. Kinakailangan ng malakas
na pandinig at malawak na pag-unawa para walang makaligtaang impormasyon na bahagi
ng layunin ng pagpupulong. Kung ito’y naisulat nang malinaw at kumpleto, mas magiging
epektibo ito para sa mga hihingi ng dokumento. Sa una ay nahirapan ako sa pagsulat na ito
sapagkat kailangan kong mag-isip ng paksang iikutan ng aking pagpupulong maging mga
pangalan ng dadalo pero kung sa personal na paglikha nito’y hindi naman din mahirap sa
halip, nakakaengganyong gawin sapagkat para bang ako ang napagkatiwalaang gumawa
ng mahalagang sulatin na magiging basehan ng aming desisyon at aksiyon. Nakakatuwa
dahil nasusubok nito ang galing ng tao sa pag-intindi’t pagpapaiksi ng mga impormasyon
pero naandun pa rin ang detalyeng mahalaga sa usapan. Isa ring gantimpala ang makagawa
ng katitikan ng pulong sapagkat mas napaghuhusay ang angking galing sa pagpapasunod-
sunod ng impormasyon at pagpapaikli nito gamit ang isipan.

You might also like