Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Wikang Filipino ating bigyan ng pangunawa,

Hindi ito basta-basta para balewalain nalang bigla,

Huwag ito hatakin pababa,

Bagkos ipagmalaki at huwag ipahiya.

“Pagpapahalaga ng wika”, kay daling sabihin,

Ngunit ito ba ay isinasagawa natin?

Bakit patuloy na inaayawan ang wika na ating kinagisnan?

Atin itong pagisipan, Wikang Filipino, wika ng iyong tahanan!

Hahayaan nalang ba natin unti-unting mawala,

Ang minsa’y pinaglaban ng madla?

Hindi masamang humanga at gumamit sa wika ng banyaga,

Ngunit huwag naman sana natin hayaan at pabayaan ang sarili nating wika.
Asul na simbolo ng kapayapaan,

Puti na nagrerepresenta ng kalayaan,

Pula na nangangahulugan ng kagitingan,

Kabataan, mahalin mo ang Pilipinas, ang ating sariling bayan.

Wika ay ating kayamanan,

Atin itong ingatan,

Patuloy na pangalagaan,

Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaintindihan.

Wikang Filipino ang naging daan,

Upang makamit natin ang kalayaan,

Nagsilbing boses at sandata ng mga mamamayan,

Para maipanalo ang laban.

Dumaan ang madaming araw,taon at buwan,

At madaming lenguahe at wikang banyaga ang ating natutunan,

Tayo ay tuluyan ng naimpluwensyahan,

Ng modernong mundo na ating ginagalawan.


Madami pang paraan para ito’y tangkilikin,

Gamitin ang teknolohiya sa tamang gawain,

Wikang Filipino ating palawakin,

Ipalaganap ang ating salita,

Ikalat ang natatangi nitong ganda,

Hiyas ito ng Pilipinas,

Huwag natin itong hayaang kumupas.

You might also like