Fil Module2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

10/30/2020 MODYUL BLG.

2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Site: New Era University Printed by: Zuriel P. San Pedro


Course: Filipino sa Piling Larangan Date: Friday, 30 October 2020, 4:25 PM
Book: MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 1/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Description

Tatalakayin ang kalikasan ng akademikong pagsulat, mga layunin gayundin ang iba’t ibang gamit nito partikular sa kung saang bahagi pa ito
nakatutulong sa lalong paglinang ng kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 2/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Table of contents

1. Ang Akademikong Pagsulat


1.1. Panimula
1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto
1.3. Panimulang Gawain
1.4. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
1.5. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1.6. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1.7. LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1.8. TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1.9. MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1.10. Maiksing Pagsusulit
1.11. Talakayan
1.12. Takdang Aralin
1.13. Mga katanungan
1.14. Sangguniang Ginamit:

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 3/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Ang Akademikong Pagsulat

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 4/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.1. Panimula

           Ang akademikong pagsulat ay tumutukoy sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming kadahilanan. May iba't ibang anyo ang
akademikong pagsulat, at bawat isa sa mga iyon ay may kalikasang ikinaiiba sa iba.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 5/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naibibigay ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat

b.  Naibabahagi ang ambag ng aralin sa kaunlarang panlipunan

c. Nakagagawa ng isang akademikong sulatin batay sa paksang ibinigay


ng guro

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 6/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.3. Panimulang Gawain

Pindutin ang larawan upang masagutan ang forum

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 7/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.4. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

          Ano nga ba ang AKADEMIKONG PAGSULAT? Paano nga ba ito mabibigyang kahulugan?

          Ang pagbibigay kahulugan  sa terminong "akademikong pagsulat" ay tulad ng pagtatanong sa isang tao kung ano ang "mansanas. " Ang
pinakareaksiyong makukuha sa isang taong tatanungin, kung hindi man "Ahh…” o "Hmm..." ay malamang isang paglalarawan sa mansanas o
kaya'y simpleng pagbibigay kahulugan sa mansanas bilang "isang prutas". Ang huli, sa halip na magbigay ng kalinawanagan tila magiging sanhi
ng kalabuan (http://www.writeawriting.com)

          Kung kaya hindi sapat ang maglahad ng isa o ilang depinisyon para sa akademikong pagsulat. Kailangan, para sa layunin ng kalinawan,
ang mailarawan nang sapat ang kalikasan, katangian, layunin at tungkulin nito.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 8/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.5. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

         Mahirap lapatan ng isang simpleng depinisyon ang terminong "akademikong pagsulat" dahil tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa
para sa maraming kadahilanan. Mayroon ding iba-ibang anyo ang akdemikong pagsulat, at bawat isa sa mga iyon ay may kalikasang ikinaiiba
sa iba.

         Ang isang pangmalawakang depinisyon na  gawaing pasulat na  maibibigay para sa AKADEMIKONG PAGSULAT  ay anomang pagsulat
na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito ng anumang itinakdang
gawaing pasulat sa isang setting na akademiko. Ginagamit din ang akademikong pagsulat para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at
mananaliksik o inilalahad sa mga publikasyong binabasa ng guro at mananaliksik o inilalahad sa mga komprehensya
(http://grammar.yourdictionary.com)

         Mabibigyang kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o
argumentatibo at ginagawa ng mga mag –aaral,  guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa. Sa
pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo (http://grammar.about.com)

          Kung gayon, sa pagsusulat ng mga akademikong papel, kailangang tandaan ng sinomang mag-aaral ang kinalalagyang akademikong
komunidad na may malinaw na inaasahan o ekspektasyon kung paano ginawa ang akademikong pagsulat. Iba-iba man ang ekspektasyon ng
iba-ibang komunidad, may ilang kalikasan ng akademikong pagsulat na sinunod ng nakakarami. Tatlo sa mga ito, ayon kina FULWILER AT
HAYAKAWA (2003), ay ang sumusunod:

1. KATOTOHANAN. Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng
disiplinang makatotohanan.

2. EBIDENSIYA. Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensiya upang suportahan ang
katotohanang kanilang inilalahad.

3. BALANSE. Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng
wikang walang pagkiling, seryoso at di emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 9/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.6. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

          Natalakay na ang akademikong pagsulat ay nagtataglay ng kalikasang katotohanan, katibayan, balanse. Sa isa namang kahulugang
nauna ring tinalakay binanggit na ang ilan sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay ang pagiging tumpak, pormal, at impersonal at
obhetibo nito. Hindi mahirap unawain kung bakit kinakailangan ang mga nabanggit na katangian sa akdemikong pagsulat, bagamat ang ikatlo
ay masasabing hindi aplikable sa mga anyo ng akademikong pagsulat na tatalakayin sa ikatlong yunit ng aklat na ito.
         Ayon sa http://www.uefap.com ang akademikong pagsulat sa wikang ingles ay LINEAR. Walang dahilan upang hindi mailapat ang gayong
obserbasyon sa wikang Filipino o sa iba pang wika. Ibig sabihin, ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may tinutumbok na isang
sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento ng walang digresyon o repetisyon. Ang
layunin nitoy magbigay ng impormasyon sa halip na umaliw. Gumagamit ito ng istandard na porma ng pagsulat ng wika.

         Ayon muli sa http://www.uefap.com. ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang mga sumusunod:

1. KOMPLEKS. Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahabang salita, mas
mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin- pansin sa ano mang pasulat
na gawain.

2. PORMAL. Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay na pagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita
at ekspresyon.

3. TUMPAK. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.

4. OBHETIBO. Karamihan sa mga anyo ng akademikong pagsulat sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip na personal. Ang pokus kasi nito
kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang argumentong nais gawin.

5. EKSPLISIT. Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto. Resposibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa
mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan
ng paggamit ng iba't ibang signalling words.

6. WASTO. Ang akademikong pagsulat ay gumagamit nang wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit
ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

7. RESPONSIBLE. Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga
ebidensiya, patunay o ano mang magpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din niyang maging responsable sa hanguan ng pagkilala sa
ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan na isang PLAGYARISTA.

Sa mga katangiang natalakay ay maidaragdag ang sumusunod na mula naman sa http://www.vsm.sk:

8. MALINAW NA LAYUNIN. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay sa isang paksa. Ang mga tanong
na ito ang nagbibigay ng layunin.

9. MALINAW NA PANANAW. Hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sorses. Samantalang ang
manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa
paksa ng kanyang papel. Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.

10. MAY POKUS. Bawat pangungyusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi
kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

11. LOHIKAL NA ORGANISASYON. May sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Karamihan ng akademikong papel ay may
intoduksiyon, katawan, at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.

12. MATIBAY NA SUPORTA. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at magkaugnay para sa pamaksang pangungusap at tesis na
pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping
pahayag o quotations.

13. MALINAW AT KUMPLETONG EKSPLANASYON. Napakahalaga nito, dahil bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa
tungo sa ganap pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa
bawat punto ng manunulat.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 10/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
14. EPEKTIBONG PANANALIKSIK. Sa karamihan ng mga hanguan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng napapanahon,
propesyunal at akdemikong hanguan ng mga impormasyon. Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito,
mahalagang maipamalas ang intelektuwal na katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong impormasyon o datos.
Iminumungkahi rito ang dokumentasyon sa estilong A.P.A. 

15. ISKOLARLING ESTILO SA PAGSULAT. Kakaiba ang estilo sa akdemikong pagsulat, kaysa ibang uri ng pagsulat tulad halimbawa sa
malikhaing pagsulat. Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian. Kailangan ding
madaling basahin ang akdemikong papel, kung kaya't napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas at
bokabularyo sa pagsulat nito. Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-iingat, kung hindi man ng kakulangan ng
kaalaman sa wika.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 11/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.7. LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

          Nabanggit na rin na ang akdemikong pagsulat ay may malinaw na layunin. Sadya, ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at ang mga tanong na ito ay nagbibigay ng layunin ng isang akademikong papel. Ang mga
karaniwang layunin ng akademikong pagsulat ay manghikayat, magsuri o magbigay-impormasyon (http://wwwvsm.sk) 

1. MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN. Sa akdemikong pagsulat na ito, layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na
maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na ito, pumipili siya ng isang sagot sa
kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang katwiran at ebidensya, at tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa
paksa. 

Halimbawa nito ay ang pagsulat ng POSISYONG PAPEL.

2. MAPANURING LAYUNIN. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga imposibleng sagot sa
isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat, madalas iniimbestigahan ang mga
sanhi, eneeksamin ang mga bunga o epekto. Sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin. 

3. IMPORMATIBONG LAYUNIN. Sa impormatibong akademikong pagsulat, ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang
mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba ito sa sinundang layunin dahil hindi tinutulak o
pinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling pananaw sa mambabasa, manapa'y kanyang pinapalawak ang kanilang pananaw hinggil sa
paksa. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng ABSTRAK.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 12/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.8. TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT

           Ayon sa http://www.vsm.sk. “Academic papers are a specially designed torture instrument.” Gustong- gusto umano itong gamitin ng
mga guro dahil hindi sila direktang sangkot sa torture. Ang mga estudyante mismo umano ang nagtotorture sa kanilang sarili sa
pamamagittan ng hindi pag-alam kung paano isusulat ang kanilang papel at sa paghihintay ng pinakahuling sandali bago simulan ang
pagsulat ng kanilang papel.
Maraming dahilan kung bakit isang pangangailangan ang akdemikong pagsulat sa lahat ng antas ng pag-aaral. May mga tungkuling
ginagampanan kasi ang gawaing ito na lubhang mahalaga. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. ANG AKDEMIKONG PAGSULAT AY LUMILINANG SA KAHUSAYAN NG WIKA. Sa apat na makrong kasanayang pangwika, pagsulat ang
pinakahuli. May dahilan ito. Pagsulat kasi ang pinakahuling natututunan ng isang tao at siyang pinakamahirap linangin, kumpara sa pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa, kaya sa gayon na lamang ang pagtutuon at pansinin ng mga paaralan sa kasanayang ito. Nalilinang din ang
kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral, sa pamamagitan kasi ng aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintaktika sa mga gawing
pasulat, nalilinang ang kakayahang linggwistik ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan naman ng paglalapat ng mga prinsipyong
pangkomunikasyon sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang pagmatik ng mga mag-aaral. Samantala sa pag-oorganisa ng mga
akademikong papel ay nalilinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-aaral. Mga kakayahan humuhubog sa mga mag-aaral upang maging
mabisang komyunikeytor.

2. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY LUMILINANG NG MAPANURING PAG-IISIP. Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang
proseso kaysa bilang awtput. Ang prosesong ito ay kinasasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang
gawain.

Ang isang mahusay na manunulat ay isang mahusay na mambabasa. Halos imposibleng makasulat ng isang akademikong papel ang isang
manunulat nang hindi nagbabasa. Sa puntong ito ang manunulat ay nagsusuri ng kanyang binabasa. Pumapaloob din siya sa  sub-proseso ng
mapanuring pagbasa  tulad ng pagkaklasipay o pag-uuri, pag-uugnay ng mga konsepto, pagbuo ng lagom at kongklusyon at iba pa. Ang mga
gawaing ito ay lumilinang ng kritikal na pag-iisip na kailangang-kailangan upang ang isang inibidwal ay maging matagumpay hindi lamang sa
akademya, kundi lalo't higit sa iba't ibang gawain at larangan sa labas ng paaralan.

3. ANG AKADEMIKONG  PAGSULAT AY PAGHAHANDA SA ISANG PROPESYON. Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng
mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat. Halos lahat ng maiisip na propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat. Halimbawa: 

Doktor- gumagawa ng medical abstract at patient's medical history

Abugado- nagsusulat ng mga pleadings at position papers

Pulis- gumagawa ng police report at blotter

Arkitekto- gumagawa ng project proposal

Inhinyero- ay halos katulad ng arkitekto

Ang mga guro ay regular na pinagagawa ng action research. Karaniwan din sa negosyo ang pangangailangan ng feasibility study. Ang iba pang
propesyonal ay hihingan ng kung ano-anong pasulat na report pagkaminsan man o palagian sa pribado man o publikong sektor.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 13/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.9. MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

          Maraming anyo ang akademikong pagsulat. Pinakapopular na marahil sa mga ito ang REACTION at TERM PAPER dahil sa dalas na
pagpapagawa nito sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 14/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.10. Maiksing Pagsusulit

Pindutin ang imahe upang masagutan ang maiksing pagsusulit

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 15/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.11. Talakayan

Pindutin ang imahe upang masagutan ang talakayan

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 16/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.12. Takdang Aralin

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 17/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.13. Mga katanungan

May mga katanungan ba o kalituhan hinggil sa  ating aralin o gawain?

Pundutin ang imahe upang maipost ang katanungan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 18/19
10/30/2020 MODYUL BLG. 2- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

1.14. Sangguniang Ginamit:

Bernales, Rolando A. et al., 2016. Filipino sa larangang akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Garcia, Florante C. 2017. Filipino sa piling larang. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc.

Hanguang elektroniko:

http://www.writeawriting.com

https://grammar.yourdictionary.com/

https://www.thoughtco.com/english-grammar-4133049

http://www.uefap.com/

http://www.vsm.sk/svk/

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3862 19/19

You might also like