Modyul Blg. 1 - Mga Batayang Kaalaman Sa Pagsulat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

MODYUL BLG.

1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA


PAGSULAT

Site: New Era University Printed by: Joshua C. Macawile


Course: Filipino sa Piling Larangan Date: Thursday, 3 December 2020, 10:00 AM
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA
Book:
PAGSULAT

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 1 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

Description

Sa bahaging ito ay ipinapakita ang iba’t ibang pagpapakahulugan sa pagsulat, mga pananaw sa pagsulat na tumutukoy sa kung paanong
tinitingnan ang pagsulat batay sa mga aspektong bumubuo o nakapaligid dito at mga uri nito na umuugnay sa layunin ng manunulat sa
pagsulat ng isang akda.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 2 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

Table of contents

1. Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat


1.1. Panimula
1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto
1.3. Panimulang Gawain
1.4. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT
1.5. PANANAW SA PAGSUSULAT
1.6. LAYUNIN SA PAGSULAT
1.7. ANG PROSESO NG PAGSULAT
1.8. MGA URI NG PAGSULAT
1.9. Maiksing Pagsusulit
1.10. Maiksing Pagsusulit (Muling Pagsagot)
1.11. Talakayan
1.12. Takdang Aralin
1.13. Rubriks
1.14. Mga katanungan
1.15. Sangguniang Ginamit:

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 3 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1. Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 4 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.1. Panimula

Minsan may nagsasabing kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil nng isang tao, hindi rin siya sa pag-iisip. Isang
mapapanaligang pananaw ito sa pagpapaunlad n isang tao , hindi lamang sa pagtugon sa mga personal na panganagilangan, kundi maging
sa propesyunal na larangan. Dahil sa pagsulat,naitatala ng tao ang lahat ng karunungan at kaalaman, mula sa mga pansariling
karanasanhanggang sa mga kaalaman ng pang edukasyon.

Hindi basta -basta natututunan ng tao ang pagsulat sapagkat kinakailangan pa niyang magsanay sa pagpili ng paksa , organisasyon
ng diwa,gramatika at lohika ng presentasyon ng ano mang paksang nais talakayin.

Ngunit bago natin talakayin ang kasanayang ito , talakayin muna natin ang iba't ibang pagpapakahulugan at paglalarawan ng pagsulat.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 5 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang mga batayang kaalaman sa pagsulat

b. Naipaliliwanag sa klase ang kahalagahan ng aralin

c. Nakapagsusuri ng sulatin batay sa layunin at kaisipan ng may-akda

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 6 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.3. Panimulang Gawain

Pindutin ang larawan upang masagutan ang forum

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 7 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.4. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT

Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong
salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kani- kanilang kaisipan.

Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin, Ito ay pisikal sapagkat ginagamit dito ang
kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.

Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng
kaalamang teknikal at pagkamalikhain.

1. Ayon kina XING AT JIN (1989), sa BERNALES , et al., 2006), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa
.

2. Sinabi ni BADAYOS (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakakarami sa atin
maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo
ng kasanayang ito. Sa pagkakataong ito, maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo.
Subalit mayroon tayong magagawa. Napag-aralan ang wasto at epektibong pagsulat.

3. Ayon naman kay KELLER (1985, sa BERNALES et al., 2006) ang pagsulat ay biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao.

4. Samantala, ganito ang paglalarawan nina PECK AT BUCKINGHAM (sa BERNALES, et al., 2006): Ang pagsulat ay ekstensiyon ng wika at
karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 8 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.5. PANANAW SA PAGSUSULAT

Pangunahin sa mga kilalang paniniwala hinggil sa pagsulat ang sosyo-kognitibong pananaw.

Bago natin talakayin nang mas malalim ang bahaging ito mahalaga marahil na mabigyan muna natin ng pagpapakahulugan ang
terminong sosyo-kognitibo. Ang SOSYO ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang KOGNITIBO naman ay ano mang
tumutukoy sa pag iisip. Nauugnay sa mga emperikal o paktwal na kaalaman.

Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat, kung gayon, ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ayon sa pananaw na
ito, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti. Nakapaloob sa mental na aktibiti ang pag iisip at pagsasaayos ng isang
tekstong pagsulat. Nakapaloob naman sa sosyal na aktibiti ang pagsaalang alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksiyon o
tugon sa teksto.

Masasabi rin, kung gayon, na ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong INTRAPERSONAL at INTERPERSONAL. Isa itong
proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ano ang aking isusulat? Paano ko yun isusulat? sino ang
babasa ng aking isusulat?

Isang paraan ng pakikipag usap sa mambabasa, isang tao man o higit pa.

Tinitingnan din ang pagsulat bilang isang MULTIDIMENSYONAL na proseso. Kung ano ang ibig sabihin nito ay ipinapaliwanag sa mga
kasunod na talataan:

Ang pagsulat ng BISWAL na pakikipag-ugnayan. Ito ay isang gawaing personal at sosyal tulad ng nabanggit na. Bilang personal na
gawain, ang pagsusulat ay tumutulong sa pag unawa ng sariling kaisipan, damdamin, karanasan. Bilang panlipunan at pakikisalamuha sa
isa't isa. Madalas, ang pagsusulat ay naibabahagi ng isang tao sa ibang tao ang kanyang mga karanasan o ang kanyang pagkakaunawa sa
mga impormasyong kanyang nakalap. Minsan, nagsusulat ang isang indibidwal upang maimpluwensyahan ang paniniwala at reaksiyon ng
ibang tao. Ang ikalawang halimbawa ay batay sa READER REACTION THEORY ni ISER(BERNALES, et al., 2006)

Ano man ang maging layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat bilang isang multi- dimensyonal na proseso ay
binubuo ng dalawang dimensyon:

1. ORAL NA DIMENSYON. Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong sinusulat, masasabing nakikinig na
rin siya sa iyo. Hindi ka man niya personal na kakilala o kahit pa hindi ka niya nakikita, nagkakaroon siya ng ideya kung sino ka at ano
ka, kung ano ang iyong kaalaman at kasanayan at kung paano ka magsalita na inilalantad ng teksto mismo at ng iyong
estilo at organisasyon sa teksto.

2. BISWAL NA DIMENSYON. Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa
kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo. Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang-alang kung
gayon ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbolong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng
pagsulat ay maging epektibo at makamit ang layunin ng manunulat. Tandaang ang mga biswal na imahe ay mga stimulus sa mata ng
mga mambabasa at magsisilbing susi sa paggana ng kanilang komprehensiyon sa ating isinusulat.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 9 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.6. LAYUNIN SA PAGSULAT

Kapwa isang gawaing personal at sosyal ang pagsulat. Personal na gawain ito kung ang pagsulat ay ginamit sa layuning

EKSPRESIBO o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

SOSYAL na gawain naman ang pagsulat kung ito ay ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nasasangkot ng pakikipag-ugnay sa
iba pang tao sa lipunan. Ang layuning ito ay tinatawag na TRANSAKSYONAL.

Samantala, inuri nina BERNALES, et al. (2001) ang mga layunin sa pagsulat sa tatlo: IMPORMATIBO, MAPANGHIKAYAT AT
MALIKHAIN

1. Ang Impormatibong pagsulat (kilala rin sa tawag na Expository Writing) ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga
paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Ang pagsulat ng report at ng obserbasyon ng mga
estadistikang makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita at teknikal o bisnes report ay may layuning impormatibo.

2. Ang mapanghikayat na pagsulat naman (kilala rin sa tawag na persuasive writing) ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala . Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng isang
awtor nito. Ang pagsulat ng mga proposal at konseptong papel ay may layuning ganito. Ang isang editoryal, sanaysay, talumpati ay maaari
ring may layuning mapanghikayat.

3. Samantala, ang malikhaing pagsulat ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula,
dula, at iba pang malikhaing akda. Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo. Wika nga ni ARROGANTE (2000), "Ang
malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pagsulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal."

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 10 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.7. ANG PROSESO NG PAGSULAT

Bago natin talakayin ang mahahalagang hakbang sa pagsulat, pagtuunan muna natin ng pansin ang ilang mga batayang tanong na

mahalagang masagot para sa paghahanda ng isang sulatin.

1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?

3. Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?

4. Paano ko ilalahad ang mga datos ng aking nakalap, upang maging higit na makahulugan ang aking paksa?

5. Sino ang babasa ng aking teksto ? Para kanino ito?

6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?

7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat. Kailan ito dapat ipasa ?

8. Paano ko madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto ? Ano-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito?

Mahalagang masagot ng isang manunulat ang mga tanong na ito bago siya magsimulang sumulat. Makatutulong ito upang upang
paghandaan ang mga posibleng suliranin na magaganap sa proseso ng pagsulat at kung paano magagawan ng solusyon ang mga ito.

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. Nag iiba-iba rin ito depende sa manunulat . Magkagayon man, mabubuod ito sa
tatlong pangunahing hakbang. Ngunit dapat tandaan, na bawat kasunod na hakbang ay maraming mga sub-hakbang na nakapaloob:

1. PRE-WRITING. Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at
pangangalap ng mga datos o impormasyonng kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng tono at perspektibong gagamitin at nagaganap din sa
hakbang na ito.

2. ACTUAL WRITING. Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Na nakapaloob dito ang pagsulat ng
burador o draft . Para sa mga akdang tuluyan o prosa, kinapapalooban ito ng mga hakbang sa pagtatalata.

3. REWRITING. Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar,
bokabulari at pagkakasunod sunod ng mga ideya o lohika.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 11 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.8. MGA URI NG PAGSULAT

Maraming uri ng pagsulat. Mauuri ito ayon sa iba't ibang pangangailangan ng mga tao sa lipunan. Ang isang manunulat ay maaaring

magbigay-impormasyon ukol sa isang paksa o isyu. Maaari rin naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari at pook o

kaya'y magsulat ng isang simpleng akdang magbibigay aliw sa mga mambabasa.

1. AKADEMIKO. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag -
aaral. Ang akademikong pagsulat ay maaaring kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper, pamanahunang papel, tesis o
disertasyon.

2. TEKNIKAL. Ito ay espesiyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa
at minsan maging ang manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang
komplikadong suliranin.

Halimbawa nito ay ang FEASIBILITY STUDY at mga korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian nito ang
paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng SCIENCE AND TECHNOLOGY. Samakatuwid ang pagsulat
na ito ay nakatuon sa isang ispesipikong audience o pangkat ng mga mambabasa.

3. JOURNALISTIC, Pamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang
pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. REPERENSYAL. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng ibang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o
pinaikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal,
talababa, o endnotes para sa sino mang babasa na nagnanais na ma-refer sa reperens na tinukoy.

5. PROPESYUNAL. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon sa eksklusibo sa isang tiyak na propesyon. Bagamat propesyunal nga, itinuturo na
rin ito sa paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon.

Halimbawa: ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng mga
abugado, at legal researchers at medical report at patient's journal ng mga doktor at nars.

6. MALIKHAIN. Masining ang uring ito na pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagama't maaaring piksyonal at di-
piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura. Samakatyuwid, ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at malikahing sanaysay ay
maihahanay sa ilalim ng uring ito.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 12 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.9. Maiksing Pagsusulit

Pindutin ang imahe upang masagutan ang maiksing pagsusulit

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 13 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.10. Maiksing Pagsusulit (Muling Pagsagot)

Pindutin ang imahe upang masagutan ang naibang pagsusulit

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 14 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.11. Talakayan

Pindutin ang imahe upang masagutan ang talakayan

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 15 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.12. Takdang Aralin

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 16 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.13. Rubriks

Pindutin ang imahe upang makita ang rubriks

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 17 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.14. Mga katanungan

May mga katanungan ba o kalituhan hinggil sa ating aralin o gawain?

Pundutin ang imahe upang maipost ang katanungan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 18 of 19
MODYUL BLG. 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT 12/3/20, 10:01 AM

1.15. Sangguniang Ginamit:

Bernales, Rolando A. et al., 2016. Filipino sa larangang akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Garcia, Florante C. 2017. Filipino sa piling larang. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3860 Page 19 of 19

You might also like