Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

1/27/2021 MODYUL BLG.

8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Site: New Era University Printed by: Zuriel P. San Pedro


Course: Filipino sa Piling Larangan Date: Wednesday, 27 January 2021, 1:09 PM
MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG
Book:
PROYEKTO

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 1/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Description

Ang modyul na ito ay nagpapakilala sa mga mag-aaral ng nilalaman, uri, katangian at elemento ng isang panukalang proyekto. Itinuturo din dito
ang mga tagubilin at mga dapat gawin sa pagsulat nito.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 2/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Table of contents

1. Pagsulat ng Panukalang Proyekto


1.1. Panimula
1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto:
1.3. Panimulang Gawain
1.4. KAHULUGAN, URI AT KATANGIAN NG PANUKALANG PROYEKTO
1.5. MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
1.6. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
1.7. PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO
1.8. Halimbawa ng Panukalang Proyekto
1.9. Maiksing Pagsusulit
1.10. Talakayan
1.11. Takdang Aralin
1.12. Rubriks
1.13. Mga katanungan
1.14. Sangguniang Ginamit:

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 3/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1. Pagsulat ng Panukalang Proyekto

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 4/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.1. Panimula

            Kadalasan, ginagawa ang isang panukalang proyekto o project proposal kapag kailangan itong marebyu ng isang indibidwal o grupo
para sa kanyang aprubal. Ang aprubal ay kailangan para mabigyang hudyat ang opisyal na pagsisimula ng proyekto. Karaniwang naghaharap
ng mga panukalang proyekto para sa pinansyal na suporta sa paggawa nito. Maaari itong isagawa ng isang departamento ng isang kompanya
upang aprubahan ang kanilang nais gawin, ng isang non-governmental organization para sa kanilang programa, ng isang opisyal na
pamahalaan para sa kanyang proyekto o ng isang pribadong asosasyon o indibidwal para sa pagpapatupad ng kanilang mga proyektong
binabalak, iniharap nila ang kanilang mga panukalang proyekto sa mga indibidwal, komite, organisasyon o opisinang makakapagbigay-tulong sa
implementasyon ng mga proyektong isasagawa.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 5/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto:

Sa katapusan ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang kahulugan, katangian at uri ng panukalang proyekto

b  Naipaliliwanag ang kahalagahan ng araling tinalakay ng guro

c. Naisasagawa ang mga tagubilin at hakbang sa pagsulat ng


panukalang proyekto

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 6/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.3. Panimulang Gawain

Pindutin ang larawan upang masagutan ang forum

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 7/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.4. KAHULUGAN, URI AT KATANGIAN NG PANUKALANG PROYEKTO

          Dahil kritikal ang preparasyon ng isang panukalang proyekto, makabuluhang malinaw sa isipan ng nagsasagsawa nito kung ano ang
maituturing na panukalang proyekto at kung ano naman ang hindi. Mahalaga ding malaman niya kung paano ito inihahanda para maging
malinaw at mahusay ang pagkakabuo nito. Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsiyon ng isang serye ng
mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Idinagdag pa niya na sa isang panukalang proyekto, makikita ang
detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (project justification), panahon sa pagsasagsawa ng proyekto (activities
and implementation timeline), at kakailanganing resorses (human material, and financial resources required)

          Hindi maitutulong na proyekto ang mga dating aktibidad na nauulit sa eksaktong pamamaraan at periodikong isinasagawa, ang mga
aktibidad na walang depinido at malinaw na layunin, ang mga aktibidad na maaaring maulit o malipat kahit saan at sa ano mang oras, at ang
mga regular na aktibidad ng organisasyon (Nebiu, 2002). Mahalagang matiyak kung gayon na ang panukala ay hindi isa sa mga nabanggit na
ito.

          Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; minsan ito ay sa anyong oral na presentasyon, o kaya ay kombinasyon ng mga
ito. Maaari itong internal o yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang organisasyon, o eksternal na isang panukala para sa organisasyong di-
kinabibilangan ng proponent. Ang isang panukalang proyekto ay maaaring solicited o unsolicited. Ang isang panukalang proyektong
isinasagawa dahil may pabatid ang isang organisasyon sa kanilang pangangailangan ng isang proposal ay tinatawag na solicited proposal,
samantalang kung wala naman at kusa o nagbaka-sakali lamang ang proponent ay maituturing itong unsolicited. Tinatawag ding invited o
imbitado ang solicited, at prospecting ang unsolicited (Lesikar, Pettit, & Flatley, 2000).

          Mayroon ding tinatawag na maikli at mahabang panukalang proyekto. Ang isang maikling proyekto ay mayroon lamang dalawa hanggang
10 pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang. Samantalang ang mahabang bersyon ay naglalaman ng mahigit sa sampung pahina.
Magkapareho lamang ang nilalaman ng dalawang uri ng proposal ; nagiging elaborated lamang at sumusunod sa isang structured format ang
mahabang bersyon. Ang uri ng panukalang proyekto ay nakadepende sa kahingian ng organisasyon kung ito ay imbitado o ng nais ng
proponent kung ito ay di-imbitado.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 8/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.5. MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

          Ayon sa American Red Cross (2006), kapag susulat ng isang panukalang proyekto, kailangang gawin ang sumusunod:

1. Magplano nang maagap. Wala pa ring kasinghalaga ang sapat na oras sa pagpaplano sa isang panukalang proyekto. Kung maagap ang
pagplano, binibigyang pagkakataon ng nagsasagawa nito na makausap ang mga stakeholder, matalakay ang kanilang pangangailangan, at
masuri ang panukalang proyekto nang may sapat na oras.

2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan. Kung may kasama sa panukala, makabubuting bigyan ng tungkulin ang bawat isa upang maging
kolaboratibo ang paghahanda. Mabibigyan din nito ang bawat isa ng pagkakataong maging aktibo sa pakikilahok sa bawat gawain sa proseso
ng pagpaplano at pagsulat ng panukalang proyekto.

3. Maging realistiko sa gagawing panukala. Minsan, dahil sa kawalan ng mahusay na pagpaplano, nagiging di-realistiko ang panukala. Dapat
maisaalang-alang ng nagpapanukala kung ano lamang ang kakayanin sa loob ng panahong nakatalaga at kung ano ang posibleng makamit
batay sa mga nag-e-exist na resorses. Tandaan na ang nilalaman ng panukala ay laging SMART (specific, measurable, attainable, realistic, at
time-bounded).

4. Matuto bilang organisasyon. Matuto sa sariling karanasan at sa karanasan ng iba. Kung may pagkakataong balik-tanawin at suriin ang mga
resulta ng mga naipanukalang proyekto sa organisasyong paghahanapan ng panukala ay gawin ito. Sa paggawa nito, mas mabibigyan ng ideya
ang proponent kung paano at ano ang mga konsiderasyon ng organisasyon o indibidwal sa pagtugon sa mga naihahaing panukala sa kanila.

5. Maging makatotohanan at tiyak. Huwag maging masaklaw sa mga pahayag sa panukala. Kailangang maging tiyak sa mga ipinapanukala.
Kaakibat ng pagiging tiyak ng mga ito, kailangan ding maging makatotohanan ang bawat elemento ng panukala.

6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon. Ang mga teknikal na jargon ay para sa mga teknikal o espesyalisadong indibidwal.
Makabubuti na isang proposal na naisulat ito sa isang wikang pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat. Huwag dapat ipalagay na naiintindihan
ng nagbabasa ng panukala ang lahat ng mga teknikal na jargon na ginamit sa pagsulat.

7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin. Marahil, hindi lamang isang proposal nag naipadala sa organisasyon o sa
indibidwal na target ng isang panukala. Kung gayon, makabubuting ang format sa napili ay yaong malinaw at madaling basahin. Makatutulong
ito ng malaki sa taong nagbibigay ebalwasyon sa panukala. Mas bibigyang pansin din ang isang panukalang malinaw at madaling maunawaan
ang nilalaman.

8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal. Maliban sa kawalan ng sapat na pagpaplano, ang kadalasang dahilan
ng di-pag-aproba sa isang proposal ay ang di- magkatugmang prayoridad ng organisasyong pinaglalaanan ng panukala sa mismong
panukalang proyekto. Dahil dito, tiyakin na ang layunin ng panukalang proyekto ay isa sa mga top of the list na prayoridad ng hinihingian ng
suportang pinansyal o ng mag-aapruba sa panukala.

9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto. May kakaibang lakas kung mga salitang kilos ang gagamitin sa
pahayag sa panukalang proyekto. Dahil kailangan ng pag-aproba, mas mabuting may dating maging ang mga salitang gagamitin. Kabilang sa
mga salitang kilos na maaaring gamitin ang simulan, ikumpara, maghandog, manggulo, mag-organisa, suportahan, magpakahulugan, gumawa,
gumamit at iba pa.

          Sa pagsasaalang-alang sa mga ito, matutulungan kang maghanda ng isang panukalang proyektong may malaking pagkakataon na mapili
o maikonsidera ng pinag-uukulan. Sa pagbibigay halaga sa mga gawaing ito, mas makatitiyak kang magiging epektibo ang proposal.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 9/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.6. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

          Binalangkas ni Besim Nebiu sa kanyang aklat na Developing  Skills of NGO’s Project Proposal Writing (2002) ang mga hakbang na
kailangang isagawa ng isang indibidwal o organisasyon nagnanais gumawa ng isang panukalang proyekto. Ayon  sa aklat, kailangan ang:

1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa dati at inaasahang benepisyo,
magkakaroon ng mas malinaw  na pagtingin sa aktuwal nilang pangangailangan. Makatutulong ito upang maging mas tiyak at makatotohanan
sa mga detalte ng susulating panukala. Nagkakaroon din ng mas malalim na pag-unawa sa suliranin kung nakausap ng personal ang mga
taong kaugnay ng proyektong nais gawin.

2. Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto. Sa pamamagitan nito, mabibigyang-kamalayan sa mga naging pagkakamali ng
mga nauna nang panukala. Dahil dito, mapabubuti ng susunod na panukalang proyekto na nabigyan na ng pansin ng isang granting
organization. Kadalasan kasi, ang mga panukalang nauulit lamang ay hindi na binibigyan ng prayoridad sa mga aaprubahang panukala.

3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon sa proyekto. Mabibigyan ng tamang datos kung titignang muli ang ebalwasyon ng mga
nakalipas na proyekto. Upang hindi magkamali, o malito, balikang muli ang mga ulat sa mga proyektong iniharap sa organisasyon
pinagpapanukalaan.

4. Pag-organisa ng mga focus group. Tiyakin lamang na ang mga taong magiging bahagi ng proyekto ay may pagnanais na makisangkot at
mag-ambag. Magiging malaking suliranin kung walang pakikibahagi mula sa kanila.

5. Pagtingin sa mga datos estadistika. Maging sigurado sa mga datos na ibibigay. Huwag hayaang ibang tao pa ang makadiskubre sa mga
kamalian sa mga estadistika at datos na inilahad. Sikaping ibalido ang anomang datos na ginamit sa proposal.

6. Pagkonsulta sa mga eksperto. Mapatataas ang kredibilidad ng panukala kung ikinonsulta ang mga ito sa mga eskperto. Ang kontribusyon
mula sa mga eskperto ay makapagbibigay bigat sa halaga ng panukala.

7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa. Mangalap ng preliminaryong impormasyon at datos para ipakita ang komitment at dedikasyon sa
panukalang proyekto. Tiyaking sapat ang mga ito upang mabigyang linaw nito ang tunguhin ng panukala. Malaking tulong din ang mga
prelimaryong datos upang mapabuti ang layunin ng isang panukalang proyekto.

8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad. Makukuha ang kooperasyon ng komunidad kung mayroong tuwirang pagsangkot
sa kanila.

          Bilang paghahanda sa pagsulat ng panukalang proyekto, isagawa ang mga aksyong ito. Mapatatatag nito ang mga prosesong gagawin at
mapahuhusay nito ang mismong proyektong ipinanunukala.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 10/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.7. PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO

          Sa panahong naisasagawa na ang mga preliminaryong rekwititos, handa na sa pagsulat ng isang panukalang proyekto. Sa pagsulat
nito, alamin ang mga elementong kasama sa proseso. Sa isang masaklaw na pagtingin, karaniwang naglalaman nang panukalang proyekto
ng pahina ng titulo, pahina ng nilalaman, abstrak, konteksto, katuwiran ng proyekto, layunin, target na benepisyaryo,implementasyon ng
proyekto, badyet, pagmomonitor at ebalwasyon, pag-uulat, pangasiwaan at tauhan, at mga lakip (Nebiu, 2002)

          Upang maunawaan ang mga bahaging ito ng isang panukalang proyekto, basahin ang mga deskripsiyon ng bawat bahagi.

          I. Titulo ng proyekto

Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto,
pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala.

Tandaan na ang titulo ng proyekto ay dapat na maiksi at tuwiran, at dapat na tumutukoy sa pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng
proyekto.

          II. Nilalaman

Idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng 10 o higit pang pahina. Mahalaga ang pahinang ito upang madaling mahanap
ang mga bahagi ng proposal. Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito.

          III. Abstrak

Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang pagtakalay sa suliranin, layunin, organisasyon na
responsable sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet.

Ginagawa ang abstrak upang magkaroon ng buod ang buong panukala at mabigyan ng masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito. Tiyaking
maikli lamang ang abstrak na ihahanda.

          IV. Konteksto

Ang bahaging ito ay naglalaman ng sanligang sosyal, ekonomiko, politikal at kultural ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay
na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng mga datos na nakakolekta mula sa iba’t ibang mga sors.

          V. KATWIRAN NG PROYEKTO

Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-seksyon.

1. Pagpapahayag ng Suliranin. Tinatalakay sa bahaging ito ang tiyak na suliraning pinagtutuunang solusyonan ng panukala. Binibigyang
empasis sa bahaging ito kung papaanong ang isang isyu o sitwasyon ay nagiging suliranin. Kaugnay nito, pinatutunayan din sa bahaging ito
kung ano ang pangangailangan ng mga benepisyo batay sa nakitang suliranin.

2. Prayoridad na pangangailangan. Pinagtutuunan ng bahaging ito ang pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang
dahil sa pagkakataon ng suliranin. Ipinaliliwanag din sa bahaging ito kung paano napagdesisyunan ang mga isasaad ng pangangailangan.

3. Interbensyon. Ilalarawan sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung papaano sosolusyonan ang suliranin at gayon din tatalakayin kung
paanong magdadala ng pagbabago ang gagawing hakbang.

4. Mag-iimplementang Organisasyon. Sa bahaging ito, ilalarawan ang kapabilidad ng nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang
suliranin inilahad. Isinasama sa seksyong ito ang mga nakaraang record ng kapasidad sa pagresolba ng mga suliranin. Ihahayag dito kung bakit
sila ang pinakakarapat-dapat upang pagkatiwalaang solusyonan ang suliranin. Binibigyang empasis din nito ang eksperto ng organisasyon o ng
indibidwal na magsasagawa sa proyekto.

VI. Layunin

Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na  layon ng panukalang proyekto. Kaugnay ng layong ito, iisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais
makamit ng panukala.

Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin, ikinokonsidera ang mga sumusunod:

          1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng panukala.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 11/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
          2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin na bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti; at

          3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon.

VII. Target na Benepisyaryo

Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito. Isasama rito ang
detalyadong deskripsiyon ng laki at katangian ng mga benepisyaryo. Sa pagtukoy sa mga katangiang ito, maaaring gamitan ng kriterya tulad ng
etnisidad, edad, kasarian at iba pa.

VIII. Implementasyon ng Proyekto

Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resorses. Mahalagang maipakita rito kung sino ang gagawa sa mga aktibidad, kailan at
saan ito gagawin. Mahahati sa dalawang sub-seksyon ang bahaging ito.

1. Iskedyul. Ang detalye ng mga plinanong aktibidad ay dapat maipakita. Magagamit ang mga talahanayan at Gantt Chart na nagpapakita ng
mga ito.

2. Alokasyon. Ipakikita dito ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul. Tinutukoy sa bahaging ito ang iba’t
ibang kategorya ng gastusin upang magkaroon ng buod ng impormasyon ukol sa gastusin na kakailanganin para sa pagbabadget. Halimbawa
ng mga aytem sa bahaging ito ang mga kagamitan, sahod, at mula rito’y maiuugnay ang yunit, bilang, presyo at iba pa.

3. Badget. Ito ang buod ng mga gastusin at kikitain ng panukalang proyekto. Sa presentasyon nito, maaaring gumamit ng ano mang format na
makapagpapakita ng maliwanag  at maayos na daloy ng mga datos na may kinalaman sa gastusin o expenses, at kita o income. Ipakita sa
magkaibang sub-seksyon ang dalawang bahaging ito.

4. Pagmonitor at Ebalwasyon. Nakabatay ang ebalwasyon at pagmonitor sa panukalang proyekto sa kung paano at kailan isasagawa ang
mga aktibidad para sa mamonitor ang pag-unlad ng proyekto; anong metodo ang gagamitin sa pagmonitor at pag-evaluate; at sino ang
magsasagawa ng pagmomonitor at ebalwasyon.

5. Pangasiwaan at tauhan. Naglalaman ito ng maikling deskripsiyon ng bawat myembro ng grupo na gumawa ng panukalang proposal. Kung
ano ang tungkuling  nakaatang sa bawat myembro ay kailangan ding isama. Maaaring isama na lamang sa lakip ang curriculum vitae ng mga
myembro.

6. Mga Lakip. Ito ang mga karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang lalong mapagtibay ang panukalang proyekto. Isasama rin
sa bahaging ito ang ano mang papeles na hihingiin ng organisasyon o indibidwal kung saan ipinapanukala ang proyekto.

Bagaman hindi istandard ang format na ito, maaaring makagabay ang suhestiyon sa mga nagsisimula pa lamang magsulat ng isang
panukalang proyekto. Ang pinakamahalagang tandaan ukol sa format ng isang proposal at ang anyo kung saan malinaw na matatalakay ang
panukala at ang kahingian, kung mayroon, ng indibidwal o organisasyon kung saan ihaharap ang panukala.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 12/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.8. Halimbawa ng Panukalang Proyekto

DEBELOPMENT NG KOMPYUTERISADONG SISTEMANG  PANG-ELEKSYON PARA SA SUPREME STUDENT  GOVERNMENT  NG


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG LUNGSOD MATAPAT

ni Trishia May R. Guiang

I. Abstrak

            Ang panukalang proyektong ito para sa debelopment ng isang kompyuterisading sistemang pang-eleksyon para sa Supreme Student
Government ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ng Lungsod Matapat ay may tiyak na layuning mabuo ng isang fully-automated na
programa para sa eleksyon ng mga opisyales nito, magawang kustomisado ang programa para sa eleksyon ng mga opisyales nito, magawang
kustomisado ang programa para sa mga eleksyon  ng bawat kolehiyo at maimplementa  ang programa bilang isang local area network na
sistema. Pamumunuan ang proyektong ito ni G. Albert Tan, analyst mula sa University Computer Technology Center. Ang pangkalahatang
debelopment ay gagawin ng isang pribadong programer na may matatag na karanasan sa pagdebelop ng mga katulad na sistema.
Tigdalawang student intern na may espesyalisasyon sa programming, networking, at information  system’s management ang kukunin bilang
support staff ng proyekto. May kabuuang badyet itong PhP 283,000.00 na ilalaan para sa sahod at kagamitang kakailanganin. Magsisimula ang
proyekto sa August 15 at inaasahan itong magtapos sa Enero 15 ng susundo na taon.

II. Konteksto

            Ang pagpili ng mga kinatawan at lider ng mga estudyante sa isang kolehiyo o unibersidad ay isang mahusay na paghahanda para sa
aktwal na karanasan sa pagpili ng mga mamumuno sa mga bayan, lalawigan o syudad na kinabibilangan nila. Sinasabi nga na ang pagboto
bilang isang karapatan ay nagbibigay sa bawat isa, mayaman man o mahirap ng isang pantay na pagturing sapagkat hindi ito kumikilala ng
estadong  ekonomiko o estadong edukasyonal (Tan, 2016). Sinasabi rin na sa pagboto ng mga estudyante, nagkakaroon sila ng kasanayan sa
wastong pagpili ng mga karapat-dapat na lider na nagunguna sa kanila.

            Sa halos lahat ng mga unibersidad at kolehiyo kung saan nabibilang ang Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat, naging
kasanayan na ang taunang pagpili para sa mga estudyanteng lider. Bahagi na ito ng kulturang umiiral sa unibersidad para sa kanyang mahigit
na sandaang taong pag-iral (Que, 2005). Ayon sa  pag-aaral ni Manuel (2010) sa historikal na paglago ng politika sa unibersidad, karaniwang
napipili ang mga estudyanteng aktibong nagsusulong ng mga karapatan ng mga estudyante. Nabanggit rin sa kanyang pag-aaral na nagkaroon
ng mga haka-haka ng ‘di-makatarungang resulta na natid ng mga gitgitang laban mula sa mga kandidatong estudyante (m.p. 25-30). Ayos pa
sa isang pag-aaral na tumutuon  din sa “students” politics sa unibersidad, nangyayari raw ang mga katulad na insidente, na maaring sinadya o
hindi dahil sa lumalaking bilang ng botante na umaabot na sa 26 na libong estudyante (Carpio, 2012, m.p. 110-111). Dahil din sa mga
pangyayaring ito, napansin pa ng mananaliksik na mabagal ang daloy ng proseo at nababahiran ang mga ito ng ilang kontrobersyal na
kalauna’y wala namang kongkretong ebidensya (p. 113).

            Upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo na’t tumaas pa ng 25% ang bilang ng populasyon na umaabot na ng 39% libong
estudyante, isang pangangailangan ng unibersidad ang isang kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon para sa Supreme Student
Government.

III. Katwiran ng Proyekto

A. Suliranin

            Taunang isinasagawa ang eleksyon para sa mga opisyales ng Supreme Student Government Organization ng Politeknikong Unibersidad
ng Lungsod Matapat. Dahil umabot na sa 39,000 ang kabuuang populasyon ng unibersidad, ang pagsasagawa nito ay nagiging mahirap na at
madalas nababahiran ng kontrobersya. Maliban dito, ang unibersidad ay kilala rin bilang sentro ng kahusayan sa edukasyong kompyuter ngunit
masalimuot na proseso ng student election ay isinasagawa pa rin ng manwal na maari naman sanang magawan ng isang kompyuterisadong
sistema.

B. Prayoridad na Pangangailangan

            Kailangan ang pagkakaroon ng isang kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon para sa mga estudyante sapagkat mahalagang
walang bahid ng pagdududa ang mga estudyante sa kanilang mga lider. Maliban dito, karapatan din nila na magkaroon ng isang maayos at
madaling proseso ng eleksyon dahil bahagi rin ng kanilang bayarin ay nakalaan para sa student government organization. Maliban dito, dapat
maipakita ng unibersidad ang ganyang kakayahan sa teknolohiya ng kompyuter bilang patunay ng kanyang estadong sentro ng kahusayan sa
edukasyong kompyuter.

C. Interbensyon

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 13/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
            Maaaring maisakatuparan ang panukalang ito sa mga sumusunod na paraan:

            a. Pagkuha ng isang pribadong programmer para maisagawa ang proyekto

            b. Pag-assign sa isang staff ng University Computer Technology Center bilang pinuno ng

            pagsasagawa ng proyekto.

            c. Pagkuha ng mga student intern mula sa Kolehiyo ng Araling Kompyuter bilang mga support staff

            ng proyekto

            Ang mga interbensyong ito ay napagdesisyonan batay sa mga suhestyon ng iba’t ibang mga opisyales ng bawat kolehiyo sa unibersidad
na iniharap sa mga ginawang pagpupulong ng mga opisyales ng Supreme Student Government Organization kasama ang kanilang tagapayo.

 D. Mag-iimplementang Organisasyon

            Ang Supreme Student Government Organization ang pinakaangkop na organisasyong magsasagawa nito sapagkat sila rin ang
direktang namamahala sa proseso ng eleksyon kasama ang Commission on Election ng unibersidad. Batay sa masusing pagpili sa mga
magsasagawa ng proyekto, masasabing may lubos na kakayahan ang mga ito upang maisakatuparan ang pagbuo ng isang kompyuterisadong
sistemang pang-eleksyon. Ang isang pribadong programmer na may karanasan sa katulad na sistema ang pipiliin na nilahukan pa ng isang
espesyalista mula sa University Computer Technology Center. Gayon din, pipili ng mga katuwang na student intern na may espesyalisasyon sa
programming, networking at information system’s management upang lalong mapabuti at mapadali ang pagsasagawa sa proyekto.

IV. Layunin

            Layunin ng panukalang proyektong ito na makapagdebelop ng isang kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon para sa Supreme
Student Government ng Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat.

            Tiyak  na layunin nito ang sumusunod:

            a. Makabuo ng isang fully-automated na programa para sa eleksyon ng Supreme Student

            Government.

            b. Magawang kustomisado ang programa para sa mga lokal na eleksyon ng bawat kolehiyo; at

            c. Maimplementa ang programa bilang isang local area network na sistema.

V. Target na Banepisyaryo

            Estudyante ng unibersidad. Ito ang mga opisyal na nakatala sa iba’t ibang mga programa sa iba’t ibang kolehiyo sa loob ng unibersidad.
Dahil lahat naman ng estudyante ng unibersidad ay kasama sa Supreme Student Government Organization, lahat sila ay makikinabang sa
panukalang proyektong ito . Dahil kustomisado ang sistema, maaari ring makinabang pa ang bawat kolehiyo ng unibersidad sa kanilang
pangkolehiyong eleksyon. Gayon din, makikinabang dito ang mga organisasyong pang-estudyanteng magsasagawa rin ng mga pagboto.

VI. Implementasyon ng Proyekto

A. Iskedyul

            Matutunghayan sa kasunod na talahanayan ang inaasahang oras ng pagkakadebelop ng proyektong kompyuterisadong sistema.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 14/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

        

B. Alokasyon

            Ang kasunod na talahanayan ay nagpapakita ng listahan ng resorses na pagkakagastusan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 15/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

C. Badyet

            Narito ang panukalang badyet at para sa proyekto.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 16/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

VII. Pagmonitor at Ebalwasyon

            Ang kinatawan mula sa University Computer Technology Center na siya ring analyst ng proyekto ang magsasagawa ng monitoring at
ebalwasyon. Kasama siya sa gawaing ito ang kasalukuyang kinatawan ng Commission on Election, ang presidente ng konseho, at kanilang
mga tagapayo sa konseho. Batay sa masusing pag-uusap, lingguhan ang gagawing pagmomonitor upang masiguro ang kalidad at oras ng
pagtatapos sa trabaho. Dito, nakapag-iskedyul na ng lingguhang pulong para sa programmer na siyang pangkalahatang tagapamahala sa
pagdedebelop ng proyekto.

VIII. Pangasiwaan at Tauhan

            Narito ang mga kasapi sa pagbuo ng proyektong ito.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 17/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

IX. Mga Lakip

(Ilakip dito ang mga kakailanganing dokumento)

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 18/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.9. Maiksing Pagsusulit

Pindutin ang imahe upang masagutan ang maiksing pagsusulit.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 19/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.10. Talakayan

Pindutin ang imahe upang masagutan ang talakayan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 20/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.11. Takdang Aralin

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 21/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.12. Rubriks

Pindutin ang imahe upang makita ang rubriks

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 22/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.13. Mga katanungan

May mga katanungan ba o kalituhan hinggil sa  ating aralin o gawain?

Pundutin ang imahe upang maipost ang katanungan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 23/24
1/27/2021 MODYUL BLG. 8- PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.14. Sangguniang Ginamit:

Bernales, Rolando A. et al., 2016. Filipino sa larangang akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. 

Garcia, Florante C. 2017. Filipino sa piling larang. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3875 24/24

You might also like