Katuturanngkultura 180609105815

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 45

Balik Aral

Ano ang
Lipunan?
Ang lipunan ay tumutukoy
sa mga taong samasamang
naninirahan sa isang
organisadong komunidad
na may iisang batas,
tradisyon, at
pagpapahalaga.
MGA LAYUNIN
• Nabibigyang kahulugan ang kultura bilang
mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan.
• Naiuugnay ang kahulugan ng kultura bilang
mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan.
• Nasususri ang kultura bilang bahagi ng pag-
aaral ng lipunan.
MGA KULTURA SA
PILIPINAS
KAHULUGAN NG KULTURA
• Ayon kina Andersen at Taylor
(2007),ang kultura ay isang
kumplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay-kahulugan
sa paraan ng pamumuhay ng
isang grupong panlipunan o isang
lipunan sa kabuuan.
•Sa isang lipunan,
binibigyang-katwiran ng
kultura ang maganda sa
hindi, ang tama sa mali
at ang mabuti sa
masama.
• “ito ang kabuuang konseptong
sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng kilos
at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao”. (PANOPIO
,2007)
• Ayon naman kayMooney
(2011), ang kultura ay
tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang
lipunan.
Dalawang Uri ng
Kultura
Materyal
• Binubuo ito ng mga gusali, likhang-
sining, kagamitan, at iba pang bagay
na nakikita at nahahawakan at gawa
o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang
mga bagay na ito ay may kahulugan
at mahalaga sa pag-unawa ng kultura
ng isang lipunan.
Hindi Materyal
• Kabilang dito ang batas, gawi, ideya,
paniniwala, at norms ng isang grupo ng
tao. Hindi tulad ng materyal na kultura,
hindi ito nahahawakan subalit ito ay
maaaring makita o maobserbahan. Ito ay
bahagi ng pangaraw-araw na
pamumuhay ng tao at sistemang
panlipunan. (Mooney, 2011)
ELEMENTO NG
KULTURA
Paniniwala (Beliefs)
• Tumutukoy ito sa mga
kahulugan at paliwanag
tungkol sa pinaniniwalaan
at tinatanggap na totoo.
Nakakaapekto sa mga isyu at
hamong panlipunan ang
paniniwala ng isang
indibiduwal o pangkat ng tao.
• Halimbawa, ang isang lipunang
naniniwala sa pagkakapantay-
pantay ng mga tao ano man
ang kasarian ay magbibigay ng
mga oportunidad para sa pag-
unlad ng tao anuman ang
kasarian nito.
Pagpapahalaga (Values)
• Maituturing itong batayan ng isang
grupo o ng lipunan sa kabuuan kung
ano ang katanggap-tanggap at kung
ano ang hindi.
• Batayan ito kung ano ang tama at
mali, maganda at kung ano ang
nararapat at hindi
nararapat(Mooney, 2011).
Kapag ang isang situwasyon o
gawain ay labag sa mga
pagpapahalaga, itinuturing ito
na isyu o hamong panlipunan.
Norms
• Tumutukoy ito sa mga asal,
kilos, o gawi na binuo at
nagsisilbing pamantayan sa
isang lipunan.
Ang mga norm ang
nagsisilbing batayan ng mga
ugali, aksyon, at pakikitungo
ng isang indibiduwal sa
lipunang kaniyang
kinabibilangan.
HALIMBAWA
DALAWANG
URI NG
NORMS
folkways
• Ang folkways ay ang
pangkalahatang batayan ng
kilos ng mga tao sa isang grupo
o sa isang lipunan sa kabuuan.
mores
• ang mores ay tumutukoy sa mas
mahigpit na batayan ng pagkilos.
Ang paglabag sa mga mores ay
magdudulot ng mga legal na
parusa (Mooney, 2011).
• Ang kawalan ng batayan ng pagkilos
sa isang lipunan ay maaaring
magdulot ng kaguluhan. Halimbawa,
ang mga batas trapiko ay inilaan
upang magkaroon ng kaayusan at
kaligtasan ang mga tao sa lansangan.
Batayan ito ng pagkilos ng mga tao.
Ang hindi pagsunod sa mga batas na
ito ay may kaukulang kaparusahan.
Simbolo (Symbols)
• Ang simbolo ay ang
paglalapat ng kahulugan sa
isang bagay ng mga taong
gumagamit dito.
• Ang mga halimbawa ng
simbolo ay wika, mga
pagkumpas (gestures), gawi at
iba pang bagay na nauunawan
ng mga miyembro ng isang
lipunan.
ANO ANG SUMUSIMBOLO
SA MGA IPAPAKITANG
LARAWAN?

You might also like