Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

DALAWANG URI NG PANGNGALAN

FILIPINO 3
JILL P. REDRENDO
Naaalala niyo pa ba kung ano ang
PANGNGALAN?

Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy


sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari.
DALAWANG URI NG PANGNGALAN

Pantangi Ay tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop,


lugar at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa
MALAKING TITIK.

Ay karaniwang ngalan ng tao, bagay,


Pambalana hayop, lugar at pangyayari. Ito ay
nagsisimula sa maliiit na titik.

St. Therese Educational Foundation of Tacloban, Inc.


Pangngalang Pantangi

Ito ay tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at


pangyayari. Ito ay nagsisimula sa MALAKING TITIK.

Halimbawa:
tao - Dr. Jose Rizal, Gng. Rosalie S. Tan, Liza
bagay - Monggol, Samsung, Pintig
hayop - Kitty, Goldie, Dumbo
lugar - STEFTI, Pilipinas, Maynila
pangyayari - Pasko, Bagong Taon, Typhoon Rolly

St. Therese Educational Foundation of Tacloban, Inc.


Pangngalang Pambalana

Ito ay karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at


pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik.

Halimbawa:
tao - bayani, guro, kaibigan
bagay - lapis, cellphone, aklat
hayop - pusa, aso, elepante
lugar - paaralan, bansa, lungsod
pangyayari - kaarawan, bagyo, pista

St. Therese Educational Foundation of Tacloban, Inc.


Mga halimbawa ng pangngalang
PANTANGI at PAMBALANA

Pantangi Pambalana
Jollibee restawrant
Nido gatas
Pintig 3 aklat
Tacloban lungsod
Araw ng Kalayaan pagdiriwang
St. Therese santa
Filipino asignatura
Biogesic gamot
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng pangngalang PANTANGI

1. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangalan at


katawagan.
Halimbawa: Dr. Alvin Reyes, Bb. Lourdes Espinosa

2. Gamitin ang malaking titik sa mga acronym.


Halimbawa: LNU, STEFTI, PAL
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng pangngalang PANTANGI

3. Gamitin ang malaking titik sa mga pangalan ng araw


at buwan.
Halimbawa: Lunes, Martes, Enero, Nobyembre

4. Gamitin ang malaking titik sa pangngalang pantangi


sa loob ng pangungusap.
Halimbawa: Mahal ko ang aso kong si Champion.
Nasalanta ng Bagyong Rolly ang Bicol.
Practice Exercise

Isulat kung ang sumusunod na mga pangngalan ay


pantangi o pambalana. Isulat ang sagot sa
kuwadernong Filipino.

1. Neozep 6. manok
2. EVSU 7. Tacloban City
3. aklat 8. hospital
4. Tide 9. Adidas
5. laptop 10. pinsan
MGA SAGOT:

Isulat kung ang sumusunod na mga pangngalan ay pantangi o


pambalana. Isulat ang sagot sa kuwadernong Filipino.

1. Neozep - pantangi 6. manok - pambalana


2. EVSU - pantangi 7. Tacloban City - pantangi
3. aklat - pambalana 8. hospital - pambalana
4. Tide - pantangi 9. Adidas - pantangi
5. laptop - pambalana 10. pinsan - pambalana

You might also like