Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pangalan: _________________________________ Petsa: ____________________________

Baitang at Pangkat: _________________________ Guro: Ginoong Renier C. Balara

GAWAIN 1. AKLAT NG KARUNUNGAN. Panuto. Sagutin ang Gawain sa inyong sanayang aklat, “Lutasin ang
Hamon: K1 titik A at B ng pahina 52. Maaaring ilagay ang sagot sa titik B sa may espasyo katabi ng titik A.
Huwag kalimutang kunan ng larawan ang gawain at i-paste sa ibaba.

GAWAIN 2. AKO at ang AKING KAPALIGIRAN. Panuto. Pabago bago ang panahong nararanasan at may mga
nagaganap na mga likas na panganib sa kasalukuyan. Gamit ang caricature sa ibaba, magbigay ng mga salita
/bagay na kakailanganin ng tao upang siya ay maayos na magkaroon ng interaksyon sa kanyang kapaligiran.
Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong.

Tanong: Sa paanong paraan nakakapaekto ang mga Gawain at


desisyon ng tao sa pagkakaroon ng kalamidad? Ipaliwanag.

PAGTATAYA. Basahin ang mga artikulo na makikita sa ibaba. Mula sa artikulong binasa ay punan ng mga
impormasyon ang summary chart. Ang iyong sagot ay mamarkahan batay sa pamantayan sa ibaba.
Unang Artikulo. Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa Disaster
Risk Management sa lalawigan ng Albay.

Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon sa mga kalamidad binibigyang babala
ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana ng simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang
tagapamalita ang isang barangay na magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang uri ng kalamidad.
Ang iba ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon ng kaalaman sa estado ng kalamidad. Walang
sinusunod na sistema o programa ang pagbangon mula sa isang kalamidad. Karaniwan, nasa pansariling desisyon ng
isang komunidad ang mga paraan kung paano maiiwasan ang malawakang pagkasirang dulot ng isang kalamidad. Nasa
kanilang pagpapasya kung kailan dapat lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang pagtungo sa mga evacuation centers, na
karaniwang mga pampublikong paaralan, ang paraan upang magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad ng
pagkain, damit, at gamot. Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin ang mga lokal na opisyal upang
masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan subalit, walang sinusunod na protocol at nakahandang plano sa
pagharap sakaling magkaroon ng kalamidad sa kanilang lugar --- NASA IBABA ANG KASUNOD.

Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay tinatawag na “after-the-fact-
disaster response.” (Romero, 2008:6) Ang paraan ng pamahalaang pamprobinsya, mahahalagang ahensya ng
lokal na pamahalaan, at iba pang institusyon ay pagtugon at reaksiyon lamang sa mga naganap na kalamidad.
Gayundin naman, hindi nagkakaroon ng pangmatagalang paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing
pinagtutuunan ng pansin ang kaligtasan ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng relief assistance
sa panahon ng kalamidad. Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagharap sa
kalamidad ay maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang pangangailangan at hindi bahagi ng regular na
tungkulin ng nasabing ahensya ng pamahalaan. Ang mga disaster control group ay nabuo lamang dahil sa
pagkakaroon ng isang kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga gawain ng disaster control group
ay ang pagbibigay ng mga early warning signal, paglikas ng mga apektadong pamilya, pamimigay ng mga relief
goods, at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng paghahanda sa kalamidad, nagkakaroon ng mga
pagsasanay at drill subalit hindi ito regular na nagaganap. Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang mga
gawain sa rehabilitasyon ng mga nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad. Taong 1989, sa tulong
ng gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng Albay ang pagkakaroon ng community-based disaster
preparedness upang mabawasan ang malawakang pagkawala ng buhay at pagkasira ng ari-ariang dulot ng
mga kalamidad sa kanilang lalawigan.
Ikalawang Artikulo. Ang ikalawang artikulo ay hango mula sa artikulo ni Lorna P. Victoria, (2001) ang
director ng Center for Disaster Preparedness ng Pilipinas.

Replicating Ideally Prepared Communities (Abinales, 2002 at Heijmans & Victoria, 2001)

Kahit ang Buklod Tao lamang ang tanging people’s organization sabagong tatag na Philippine Disaster
Management Forum, tiniyak pa rin nito na ang presensiya, tinig, at interes ng mga pamayanan sa CBDM ay
mapapanatili. Pagkatapos ang matagumpay na disaster preparedness at emergency response activities tulad
ng maayos na paglikas, search and rescue at evacuation center management ng mga pamayanan mula pa
noong 1997, tumulong na rin ang Buklod Tao sa iba pang pamayanan upang maging matagumpay ang
kanilang CBDM.

Ang Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo ng mga residente ng Doña Pepeng
Subdivision at mga informalsettlers ng North at South Libis, Brgy. Banaba, San Mateo noong Pebrero 1997
pagkatapos ang pagkilos ng pamayanan laban sa plano ng isang construction company na magtayo ng isang
cement batching plant sa katabing lupaing agrikutlural. Naniniwala silang magdudulot lamang ito ng mga
pagbaha sa kanilang pamayanan dahil na rin sa lokasyon nito sa delta ng mga ilog Nangka at Marikina.
Pagkatapos ng isang araw na Disaster Management and Preparedness Seminar noong Hunyo 1997, binuo ng
Buklod Tao ang Disaster Response Committee (DRC) na mayroong 33 miyembro at nagbalangkas ng Counter
Disaster Plan. Tatlong disaster management teams ang binuo at ang emergency rescue at evacuation plan ay
inayos (kasama ang pagbuo sa 3 bangkang fiberglass).

Mula sa konseho ng barangay ay nagkaroon ang Buklod Tao ng isang life jacket. Mula sa ibang mga donasyon
ay nakalikom ang samahan ng pondo (humigit kumulang Php 30,000) na pambili ng flashlights, baterya, mga
tali, megaphones, first aid kits at mga kagamitan sa pagbuo ng tatlong rescue boats. Dalawang buwan
pagkatapos ng disaster preparedness seminar, isang bagyo ang muling tumama sa pamayanan. Kahit na
maraming bahayang nasira ay wala namang namatay at maraming naisalba ang mga mamamayan. Simula
noon, maaari nang makaiwas sa kapahamakan dahil sa flood-level monitoring, early warning, evacuation,
rescue operations, at relief assistance activities ng DRC at Buklod Tao.
Paano tinugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa dalawang artikulo? Ilagay
ang sagot sa karampatang kahon sa ibaba.

UNANG ARTIKULO IKALAWANG ARTIKULO

Pamantayan sa Pagtataya:
Napakahalaga ng disaster risk reduction sa isang komunidad at kooperasyon, at displina ng
Pamantayan Desrikpsyon
mamamayan at pamahalaan sapagkat…
Nilalaman -10 PUNTOS Wasto at makatotohanan ang mga impormasyong ibinahagi. Nakabatay ang
Or 4 X 2 = 8 nilalaman sa mga paksang natalakay.
Pag-unawa – 10 PUNTOS Malinaw na nailahad ang kahalagahan ng Disaster Risk Reduction at Kahandaan
4x2=8 at Kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran.

PAGLALAHAT
Ang tao, lipunan at likas na kapaligiran ay mahigpit na magkakaugnay sa isa’t-isa. Kung ang tao ay apektado ng
lipunan at likas na kapaligran, ang lipunan at kapaligiran naman ay naaapektuhan ng kaisipan, kios at ginagawa
ng tao. Marami sa mga pangyayari sa lipunan at kapaligiran ay nakaugat sa mga Gawain at desisyon ng tao.
Kung kaya, napakahalaga ng pagkakaroon ng disiplina, kooperasyon at kahandaan ng mga bawat-isa upang
pahupain o maresolba ang mga hamong pangkapaligiran sa ating pamayanan gaya na lamang ng
pagpapatupad ng disaster-risk reduction management plan sa inyong lugar. Sa pamamgitan ng mga ito, ating
naipamamalas ang malasakit sa bawat isa pati na rin sa kalikasaan at iba pang nilikha ng Diyos.
Kaugnay nito, nais kong ikaw ay magsulat ng isang PLEDGE o panata kung paano mo mas patatatagin ang
pakikiisa upang makatulong sa iyong komunidad.
ANG AKING PANATA -

You might also like