Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
PORAC INTEGRATED SCHOOL
Third Summative In AP9

NAME:_________________________________ DATE:________________

Panuto: Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng pagkonsumo?


a. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagbuo ng produkto
b. Ito ay tumutukoy sa pagbili o paggamit natin ng mga produkto o serbisyo
c. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagtugon sa ating walang hanggang pangangailangan
d. Ito ay mekanismo upang maging maayos ang pamamahagi at paggamit ng ating mga pinagkukunang
yaman
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng konsepto ng pagkonsumo?
a. bumibili b. kumakain
c. nagtitinda d. nagse-cellphone
3. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang HINDI kabilang?
a. kita b. presyo
c. edukasyon d. demonstration effect
4. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang higit na nagiging motibasyon natin sa pagbili?
a. kita b. presyo
c. utang d. panahon
5. Nakadepende sa salik na ito ang dami ng ating mabibibili. Anong salik ng pagkonsumo ang siyang
nagdidikta sa paraan ng ating pamimili?
a. kita b. utang
c. panahon d. demonstration effect
6. Aling salik ng pagkonsumo ang higit na nakakaapekto sa tuwing mapapabili tayo ng marami dahil sa
sale?
a. kita b. panahon o inaasahan
c. presyo d. utang o mga obligasyon
7. Marami sa atin ang nagnanais maging protektado laban sa sakit, kaya naman, sa panahong ito ng
pandemya mas madami din ang bumibili ng mga pangangailangang may kaugnayan dito tulad ng face
mask at alcohol. Alin sa mga salik ang nakakaapekto sa ating pagkonsumo na ito?
a. demonstration effect b. kita
c. panahon o inaasahan d. utang o mga obligasyon
8. Paano maaapektuhan ang pagkonsumo ng taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng COVID - 19?
a. Ang kanyang pagkonsumo ay tataas sapagkat sa bahay na siya palaging kakain
b. Ang kanyang pagkonsumo ay bababa sapagkat wala siyang kita upang ipambili ng pangangailangan
c. Ang kanyang pagkonsumo ay hindi magbabago sapagkat hindi naman magbabago ang kanyang mga
pangangailangan
d. Wala sa mga nabanggit

Para sa bilang 9 - 11:


Bottom 30%
Food expenditure 58.2%
Others 15.6%
House rent/ rental value 8.1%
Water, electricity, gas and other fuels 7.6%
Miscelleneous goods and services 5.3%
Transport 5.2%
Source: 2018 FAMILY INCOME AND EXPENDITURE SURVEY
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto base sa normal na sitwasyon ng isang pamilya:
a. Ang upa sa bahay ay binubuo ng 15 bahagdan ng gastusin ng pamilya
b. Malaking bahagdan ng gastusin ng pamilyang Pilipino ay napupunta sa pagkain
c. Pangatlo sa mga gastusin ng pamilyang Pilipino ay mula sa kuryente, tubig at iba pang utilities
d. Kung pagsasama-samahin ang lahat ng gastusin ng pamilya bukod sa pagkain, tutumbas ito ng 50
porsyento

10.Ilang porsyento ng kabuuang gastusin ng pamilyang Pilipino ang napupunta sa pagkain?


a. 7.6% c. 15.6%
b. 8.1% d. 58.2%
11.Base pa rin sa talaan, sa anong gastusin ng pamilyang Pilipino napupunta ang mahigit 7% ng kanyang
kinikita?
a. kuryente, tubig at gas b. pagkain
c. transportasyon d. upa sa bahay
12.Sa kautusang ibinaba ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 (IATF), simula Agosto 15 ay ipatutupad
na ang kompulsaryong pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon. Ano ang epekto ng
kautusang ito sa pagbili ng tao sa face shield?
a. bababa b. tataas
c. hindi angkop d. walang magbabago
13.Ano ang epekto ng pagbubukas ng klase sa iyong pagkonsumo sa mga kagamitang pang-ekwelahan?
a. bababa b. tataas
c. hindi angkop d. walang magbabago
14.Alin ang HINDI TOTOO tungkol sa pagkonsumo?
a. Tayong lahat ay konsyumer
b. Ang pagkonsumo ay naaapektuhan ng iba’t-ibang mga salik
c. Ang pagbabago ng presyo ng mga produkto sa pamilihan ay hindi nakakaapekto sa ating pagkonsumo
d. Ang pangangailangan ang siyang nagtutulak sa atin upang bumili at gumamit ng mga produkto at
serbisyo
15.Ang mga sumusunod ay pawang epekto dulot ng pagpa-panic buying, alin ang HINDI?
a. Napapatatag nito ang ugnayan ng kalakalan ng mga bansa
b. Dahil dito, maaaring hindi mo masunod ang iyong badyet
c. Ang ugaling makasarili sa pamimili ay lumilikha ng takot at pangamba sa iba
d. Nagdudulot ito ng pansamantalang kakulangan sa mga produkto na maaaring magresulta sa pagtaas ng
presyo

You might also like