Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Silay Institute, Incorporated

Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

PAGSUSULIT
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BEEd I-B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Pagsusulit Bilang 11

Panuto: Tukuyin ang tamang kasagutan sa bawat katanungan.

_________________1. Ang iskemata (schemata) ay ang sistema ng pag-iimbak


ng impormasyon sa utak ng tao.

_________________2. Ito ay nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa


kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

_________________3. Hindi ang teksto ang sentrong iniikutan ng pang-unawa


kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

_________________4. Ayon sa kanya ang teroyang interaktibo ay ang


kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down
sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may
dalawang direksyon

_________________5. Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman


ng mambabasa patungo sa teksto.

_________________6. Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya”


kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at
ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito,
ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa
halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas
nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa.

_________________7. Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-


unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng
salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang
simbolo.

_________________8. mga salitang pareho ang baybay o ispeling at bigkas


Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

PAGSUSULIT
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BEEd I-B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

ngunit magkaiba ang kahulugan.

_________________9. Nakakapagbigay ng maikling rebyu sa isang teksto ang


mambabasa.

_________________10. Ang pagbasa ay may kasamang pagtatala ng mga


mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-iimbak ng
impormasyon.

_________________11. Kung ang binasa ay mahirap unawain bunga ng


mahihirap na salita o pagkakabuo ng pahayag.

_________________12. Nangangailangan ng maingat na pagbasa, may


layuning maunawaang ganap ang binabasa upang
matugunan ang pangangailangan tulad ng report, tisis,
riserts o pananaliksik at iba pa.

_________________13. Isang psycholinguistic guessing game na kung saan


ang nagbabasa ay nagbubuo muli ng isang mensahe o
kaisipan na hinago sa teksto.

_________________14. Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang


maiugnay ng tagabasa ang dating alam niya o
kaalaman niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto, kasanayan, kaisipan mula sa mga
naiprosesong impormasyon sa binasa.

_________________15. Ang pagbasa ay pagkain ng ating utak at napatunayan


na ito na marami sa mga mahilig magbasa ay
nagtatagumpay.

_________________16. Ang pagbasa ay rekognisyonng anumang nakasulat o


nakalimbag na mga simbolo na nagiging stimuli upang
maaalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na
kaalaman o karunungang mula sa karanasan ng mga
mambabasa.
_________________17. Ang pagbasa ay pagbubukas ng pinto sa daigdig ng
karunungan at kasiyahan.
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

PAGSUSULIT
sa
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: GEF01
Antas & Pangkat: BEEd I-B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

_________________18. Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng


nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng
interpretasyon dito.

_________________19. Ang pagbasa ay may mahalagang papel na


ginagampanan sa paghahasa ng talino at isipan.

_________________20. Isang prosesong komplikado na nagsasangkot ng


pandama, pang-unawa, kakayahang magsagawa at
katotohanan sa isang nagbabasa.

You might also like