Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Strawberry

Noong unang panahon may dalawang matalik na makaibigan. Ang pangalan nila ay Straw at
Bery. Sila ay makapitbahay, at iisa ang kanilang pinapasukang iskwelahan. Simula pagkabata sila
ay magkasama hanggang sila ay magdalaga. May mga pagkakataong napapapagkamalamg
kambal and dalawa dahil sa pagiging laging magkasama at dikit sa isa’t isa na kahit sa mismom
pananamit sila ay nagkakaparehas. Si Berry ay isang masiyahin dalaga samantalang si Berry
naman ay siyang mahiyain.

Isang araw malungkot si Berry. Kaya nman ang kanyang ina ay nag aalala. Kung kaya’t dali dali
niyang pinuntahan si Straw sa bahay nito upang alamin ang dahilan ng pagkalungkot ng
kanyang masiyahing anak.

At sa kanyang pagpunta, lalo lamang itong nagalala dahil maging ang matalik na kaibigan ng
kanyang anak ay wala rin maisip na dahilan sa kung anumang pinagdadaanan ng kanyang
masayahing kaibigan. Likas ang pagiging masayahin ng kanyang matalik na kaibigan kung kaya’t
maging siya ang napag isip sa kung ano man ang dahilan ng pagiging malungkutin nito.

Sa paglipas ng mga araw ang masiyahing si Berry, ay patuloy na makikita ang kalungkutan sa
kilos at itsura nito. Kanilang napag-alaman mula sa ilang mga kasamahan at kakilala na ang dala
ng pagiging malungkutin nito ay dahil sa katatapos lang pagkahiwalay nito sa kasintahan. Kung
kaya’t labis na nasaktan. Sa patuloy na pagaalala sa kalagayan ng matalik na kaibigan hindi
tumigil sa pagdadasal ni Straw na makayanan at harapin ng positibo ng kanyang matalik na
kaibigan ang nararanasan at pinagdaraanan nito. Isa sa kanyang laging pinapanalangin sa
Maykapal ay manumbalik ang kasiglahan ng kanyang matalik na kaibigan.

Hanggang sa isang araw sa kanyang panaginip ay nagpakita ang isang Diwata, saad nito
manunumbalik ang kasiglahan at kasiyahan ng kanyang matalik na kaibigan sa pamamagitan ng
pagtatanim ng isang buto. Dala man ng pagaalinlangan ay kanyang ginawa ang sinabi nito,
itinanim niya ang buto na pinagkaloob ng Diwata sa kanyang paniginip sa kanilang hardin.

Sa kanyang paggising, naalala niya ang kanyang panaginip ang isang Diwata na nagkaloob sa
kanya ng buto na kanyang itinanim sa kanilang hardin na siyang makapagbibigay lunas sa
kalungkutan pinagdaraanan ng kanyang matalik na kaibigan. Batid man na isa lang iyong
panaginip ay minabuti niyang puntahan ang hardin na kanyang pinagtamnan ng buto sa
kanyang panaginip. At hindi siya makapaniwala na may isang halaman na tumubo dito.
Naguguluhan man sa mga nangyayari ang halaman ay kanyang diniligan at inalagaan, hanggang
sa lumipasa ang ilang Linggo, ay halaman ay lumaki at namunga ng isang mapula at my dahon
na luntian sa kanyang tangkay. Muli niyang naalala ang sinabi ng Diwata na ito ang magiging
lunas sa pinagdaraan ng kanyang matalik na kaibigan, kung kaya’t dali dali siyang nagtungo sa
tirahan nina Berry.
“Berry kainin mo etong prutas na eto. Ang sabi ng diwatang sa aking panaginip, eto ay lunas sa
iyong pinagdaraanang kalungkutan ang pruta na ito ang magpapanumbalik ng iyong kasiyahan
at kasiglahan”, aniya ni Straw.

Dahil sa tiwala sa kaibigan kahit man may pag aalinlangan ay kanyang kinain eto. Lumipas ang
minuto, oras na pagaantay sa anumang mangyayari at biglang nagtawanan ng malakas ang
dalawang matalik na magkaibigan. Walang nangyari sa kanyang matalik na kaibigang si Berry,
bagkus ay makikita ang pagkaasim na may katamisan sa mukha nito. Kanilang napagtanto na
ang prutas na siyang magiging lunas ng magpapanumbalik ng kasiyahan ng kaibigan ay isang
daan lang ng pagaalala at pagmamahal ng isang matalik na kaibigan. At tinawag nila etong
halaman na “Strawberry” na tanda ng wagas na pagkakaibigan.

Sa tuwing nakikita ng magkaibigan ang mga halaman ng Strawberry sila ay napapangiti. Dahil
kahit anong pagsubok ang dumaan sa isat isa, isa man etong maasim o matamis na pagsubok
ay nandun pa din ang pagdamay at pagmamahalan ng dalawang matalik na magkaibigan.

You might also like