Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ST.

DOMINIC SAVIO COLLEGES

FILIPINO 203
(CREATIVE WRITING IN FILIPINO)

JEPPSSY MARIE C. MAALA


MAEd-Filipino

Submitted to:

Dr. THELMA A. PASCUA


GURO

Ang pagiging guro ay isa sa pinakamahalaga at pinagpipitagang propesyon sa

ating lipunan.  Sinasabing kung wala ang mga guro ay maaaring wala ang iba pang

mga propesyon ngayon dahil simula palang sa pagkabata ng isang tao ay dumadaan

na siya sa pagkalinga at pagtuturo ng isang guro.  Ang pagiging guro ay kawili-wili,

masaya, at isang pagkakataon para linangin sa pinakamataas na kasanayan ang bawat

mag-aaral mula sa kanyang kritikal na pag-iisip hanggang sa kanyang mga makrong

kasanayan. 

Hindi maikakaila na sa loob ng isang silid-aralan ay mayroong iba’t ibang guro

ang masasaksihan at makasasalamuha ang bawat mga mag-aaral.  Maaaring iba ang

pag-uugali, katauhan, paraan ng pagtuturo at kahit ang kakayahan ng pag-iisip. 

Maikaklasipika ang mga gurong ito na may mga guro na sobrang talino.  Ang gurong ito

ay halos alam ang lahat ng bagay sa mundo kahit ang mga kaliit-liitan aralin o

konsepto.  Kalimitan may mga gurong pumapasok sa silid upang isalaysay lamang ang

mga kwento ng kanilang buhay.  Mayroon din namang mga gurong komedyante na

animo ang mga mag-aaral ay nasa loob ng isang tanghalan o sa isang komedi bar.

Hindi rin mawawala ang guro na nagsasalita habang ang mga mag-aaral ay natutulog o

di naman kaya ay may ibang pinagkakaabalahan.  Maibabahagi rin diyan ang gurong

mistulang napipilitan lamang sa kanilang kinahahantungang propesyon na para bagang

sinasabi nila sa kanilang sarili na pwede na ito nang sa ganoon ay may

mapagkakakitaan ako.  Pumapasok sila sa klase upang magpa-ulat at magsalita nang


kaunti at kagyat rin naman na lalabas,  na para bang walang nangyari sa loob ng klase.

Mayroon namang guro na napakahusay magturo na handang ialay ang buong oras at

panahon mayroon lamang sapat na dunong na maibabahagi sa mga kanyang mga

tinuturuan.  Sa paglabas ng kanyang mga mag-aaral ay pawang nakangiti ang mga ito

sapagkat mayroon silang kabatiran na natamo.  Minsan din siyang nababalikan ng mga

dating mag-aaral upang siya ay pasalamatan sa kabutihan at sa mga pagbabahagi sa

kanila ng mga kabatiran na bumuo sa kanilang pagkatao.

  Ano’t ano pa mang klaseng guro ang kinabibilangan, masasabi pa rin natin na

ang pagiging guro na siguro ang isa sa pinakamasaya at pinagpipitagang propesyon sa

mundo.  Malaki kasi ang ginagampanan sa bawat buhay ng kanyang mga mag-aaral,

sa paghubog sa kanila upang maging kapaki-pakinabang sa lipunang kinabibilangan. 

Hindi lamang ang pagbusog sa kanila ng kaalaman pati na rin ang paghubog sa

kanilang katauhan.  Ang mga mag-aaral na ito ang siyang bubuo sa lipunang kanyang

ginagalawan at sa sanlibutan.  Dahil sa isang malaking responsibilad ang

pinanghahawakan ng isang guro sa buhay ng kanyang mga mag-aaral,  nararapat

lamang na gawin niya ang mga bagay na sa tingin niya ay maghuhulma sa  sarili upang

maituring na isa siyang ganap na guro.  Sa pagtuturo sa loob ng klase ay hindi sapat sa

isang guro na siya lamang ay nagsasalita sa loob ng klase kailangang mayroong siyang

mga hakbang na susundin para sa kanyang ganap na pagiging guro.  Isang klaseng

guro na taglay na ang lahat ng mga katangian sa pagiging mapamaraan sa mahusay at

epektibong pagtuturo.
 Kailangan ng isang guro na magkaroon ng pagmamahal sa sariling propesyon

upang hindi magiging mabigat sa kanya ang mga gampanin sa paghahanda sa

ikagaganap na pagiging guro.  Kung wala siyang pagmamahal sa kanyang trabaho

magiging masalimuot lamang ang pagtingin niya rito sapagkat maaari niyang isipin na

ang kinasasadlakang propesyon ay parusa lamang sa kanya.  Mapipilitan lamang

siyang maghanda ng banghay-aralin sa pang-araw-araw,  paggawa ng mga pagsusulit

bilang pagtataya sa mga mag-aaral.  Tiyak din na sa kawalan niya ng pagmamalasakit

sa kanyang propesyon ay hindi siya magiging mapamaraan sa kanyang pagtuturo.  Ang

kanyang mga mag-aaral ang maaapektuhan dahil lalabas at papasok silang kung wala

man ay kakarampot lamang ang natutuhan.  Nararamdaman ng mga mag-aaral kung

ang isang guro ay walang pagmamahal sa kanyang propesyon dahil nakikita nila sa

kanyang mga kilos at nauunawaan nila sa kanyang mga salita.  Kaya mainam sa guro

na kung pipiliin niya ang propesyong ito ay kailangang mahalin niya ang pangkalahatan

ganoon din ang mga kaakibat nitong mga tungkulin at responsibilidad.  Mamahalin niya

at tatanggapin niya na ang mga mag-aaral ay magkakaiba, sa kanilang katauhan, pag-

uugali at kahit kakayahan ng kanilang pag-iisip.  Kailangan yakapin niya ang

katotohanan na dahil siya ang guro ay gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang

makakaya ang mga bagay at gawain na ikakaunlad niya sa kanyang sarili at ikakatuto

nila upang sila ay ganap na maging tao. 


JOSE CORAZON DE JESUS
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz, Manila noong 22
Nobyembre 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng
kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga.
Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya
ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang
katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya
sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula
na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong
siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia
de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na
siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang
kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng
Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim
ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng
Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.
May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din
siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang
pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga
pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong
Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang, Tubig
Lily at Pag-ibig.

AMADO V. HERNANDEZ

Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang


makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa
kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa
Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya
sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging
kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Mga nobela
Ang mga nobelang pangsosyopolitika ni Hernandez ay ayon sa kaniyang mga
karanasan bilang isang gerilya, obrero ng manggagawa at prisonerong pampolitika.

 Mga Ibong Mandaragit! ,1969


 Luha Ng Buwaya, 1972
 Archei Ang batang mabait, 1998
Mga tulaIsang Dipang Langit

 Panata sa Kalayaan
 Ang Mga Kayamanan ng Tao
 Ang Dalaw
 Bartolina
 Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan
 Bayang Pilipinas
 Ang Taong kapos
 Bayani
 Sa Batang Walang Bagong Damit
 Isang Sining ng Pagbigkas
 Ang Panday
 Inang Wika
 Ang Tao
 Pamana
 Ang Aklasan
Mga maikling kuwento

 Wala nang gamot si Nene


 Kulang sa Dilig
 Langaw sa Isang basong Gatas
 Dalawang kiloMetro sa Lupang Di-Malipad ng uwak
 Ipinanganak ang Isang daliri sa Sosyaledad
 Limang Alas, Tatlong Santo
 Isang Aral para kay Armando
Mga dula
Karamihan sa kaniyang mga dula ay batay sa kaniyang karanasan habang nasa
bilangguan:

 Munting lupa , 1957


 Hagdan sa Bahaghari, 1958
 Ang Mga Kagalang-galang, 1959
 Magkabilang Mukha ng Isang Bagon, 1960
Mga sanaysay

 Si Atang at ang Dulaan


 Si Jose Corazon de Jesus at ang Ating Panulaan
 Pilipinismo: Susi sa Bayang Tagumpay
LUALHATI BAUTISTA

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan,


ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin
siya ng ilang akdang-pampelikula.
Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre 1945. Nagtapos
siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong
1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out
bago man niya matapos ang kanyang unang taon.
Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na
nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at
1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang
mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang
gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong
gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay
nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film
Academy Awards, at Star Awards.

Mga Libro
 Bulaklak sa City Jail
 Dekada '70
 Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa?
 'GAPÔ
 Kan-uman sa Siyudad
 Sa Panag-igsoonay
 Sonata
 Hinugot sa Tadyang (dili fiction)
 Buwan, Buwan, Kahulugan Mo Ako ng Sundang: Duha Dekada sa Maiikling Kuwento
 Desaparesidos
Mga Novelette
 Sila Sa Ang Gabi: Usa ka Buong Laot ug Kalahati sa Daigdig (1994)  
 Ang Babaye sa Basag na Salamin (1994)  
 Araw ng mga Puso  
 Ang screenshot sa Apat Na  
 Ang Kabilang Panig ng Bakod
 Hugot sa Sinapupunan
 Desisyon
 Sumakay kita sa bulan
Mga Screenplays
 Sakada (co-writer)
 Kung Mahawi Man ang Ulap
 Bulaklak sa City Jail
 Kadenang Bulaklak
 The Maricris Sioson Story
 Nena
 Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?: The Screenplay
 Dekada '70
 Gusto Ko Nang Lumigaya (screenplay)
 Sex Object
 Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (television drama)
Mga Teleplays
 Dear Teacher (kauban sa magsusulat)

 Daga sa Timba ng Tubig


 Si Mama
 Pira-pirasong Pangarap
 Balintataw (titulo sa Episode: "Labinlimang Taon"; 1987)
 Desaparesidos (1998)

EROS ATALIA

Nagtapos si Eros Atalia sa Philippine Normal University noong 1996 sa


kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumanggap ng Balagtas
Award. Nagwagi ang kanyang tulang Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa
Nagngangalit na Ugat ng unang gatinmpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng
Tula ng Padaylipi Ink. noong 1995. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang
Ginto ang kanyang tulang Maglaba ay ‘Di Biro bilang ikalawang gantimpalang banggit
noong 2004. Sa taon ding iyon, nagwagi siya ng ikatlong gantimpala para sa Gawad
Collantes sa sanaysay na may pamagat na Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa
Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat. Ilan sa mga kilalang sulatin ni Eros Atalia ay Ligo na
U, Lapit na Me, Tatlong Gabi, Tatlong Araw, ‘Wag Lang ‘Di Makaraos at Ang Ikatlong
Anti-Kristo.

SEVERINO REYES

Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861.


Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.
Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga
kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng
panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay
pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro
at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga
manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang
dulang Tagalog. Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-
moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal
ng sarsuelang Salamin ng Pag-ibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang
Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de
Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksiyon ng
mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran
Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang
mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod
nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng
iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong
bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-
moro na dating kinalokohan ng mga manunuod.
Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling
Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi at iba pa.
Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa
pagkamatay nito.
Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang
mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano.
Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.

You might also like