Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kayamanan sa Pagsulat

May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino. Patunay rito ang
napakaraming tulang nalikha noong unang panahon para sa iba’t ibang pangyayari sa
buhay.
Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang makapaghatid ng aral at
maipasa ang mga sinaunang kaalaman.
Madalas ang tula ay isinusulat, binibigkas o inaawit sa mga pagtitipon katulad ng
mga kapistahan, kasalan, o minsan naman ay pag - alaala sa mga namatay.
Sa malakas na pagbigkas o pag – awit ng mga tula rin naipapasa ng mga
matatanda ang kanilang paniniwala at kultura.
Ang tula at awitin na binibigkas natin hanggang sa kasalukuyan ay patunay sa
ating pinagmulang kaugalian, paniniwala, at kultura na dapat nating ikarangal.

You might also like