Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

The Little Sparrow Pedie Care Center

#55 T.M. Kalaw St., Lipa City


S.Y. 2021-2022
FIRST BI - MONTHLY PERIOD
ESP 4

NAME:______________________________________________________ DATE:____________

Aralin 6
Pagtanggap ng Kamalian
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang…
 Makapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng pagtanggap
ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob;
 Maipadarama ang pagkamahinahon sa pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag sa
kalooban; at
 Makapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng pagpili ng
mga salitang di-naksasakit ng damdamin sa pagbibiro.

Suriin Mo!
Sa tuwing papasok ng paaralan si Mario ay madalas siyang bilinan ng kanyang ina na agad umuwi
pagkagaling sa paaralan at huwag maglalaro. Nasa ikaapat na baitang na si Mario at bihira niyang suwayin
ang ina sa mga ipinagbibilin nito. Kung kaya malaki ang tiwala sa kanya nito at pinapayagan naman siyang
maglaro tuwing hapon kaya alam na ni Mario ang dapat gawin.
Isang araw, habang naglalakad si Mario patungo sa paaralan ay nakita niya ang mga kaibigan.
Niyaya siya ng mga ito na magpunta sa ilog at maligo. “Mario, huwag ka munang umuwi, maligo tayo sa
ilog,” wika ng isa. “Wala akong damit na dala, wala akong pamalit at hindi puwede dahil magagalit si nanay,
pinauuwi niya ako agad,” sabi ni Mario. “Naku e lagi ka namang ganyan, takot ka sa nanay mo. Kailan k
aba hindi natakot?” waring pang aasar ng isa. “Baka naman takot lang siyang maligo kasi hindi sanay sa
tubig o baka naman hindi ka marunong lumangoy,” sinundan pa ng isa na nangungutya. “Pahihiramin kita
ng damit,” sabi ng isang kaibigan. “O sige, basta sandal lang tayo ha, kailangan ko kasing umuwi agad,”
napilitang wika ni Mario. “Oo, basta sumama ka na. sandal lang tayo, malapit lang naman ang ilog,”
paninigurado ng isa pa.
Sinuway ni Mario ang ina sa unang pagkakataon. Sumama siya sa mga kaibigan sa ilog upang
maligokahit hindi siya ganoong marunong lumangoy.
Pagdating nila sa ilog ay agad na nagpalit si Mario ng damit at lumusong na silang magkakaibigan.
Hindi nagtagal ay napunta sa malalim si Mario na hindi pansin ng mga kaibigan. Mabuti na lang at may
nagdaang bangkero at nahingan niya ng tulong. Kapitbahay pala nila ang bangkero na si Mang Pablo.
Pinagsabihan siya ni Mang Pablo at tinanong, “Alam ba ng nanay mo na narito ka?” bahagyang natahimik
si Mario. “Hindi po, huwag po ninyong sabihin, pagagalitan po ako ni nanay,” pakiusap ni Mario. “Ay
pambihira kang bata ka, hindi pala alam ng nanay mo, bakit ka narito? Muntik ka ng malunod. Marunong ka
bang lumangoy?” tanong ni Mang Pablo. “Hindi po, niyaya lang po ako ng aking mga kaibigan kaya
sumama po ako, pinahiram po nila ako ng damit at saka matagal ko na rin po silang hindi nakakasama,”
pangangatwiran ni Mario. “Oo nga, kaya lang hindi alam ng nanay mo, sana man lang nagpaalam ka.
Paano kung may nangyaring masama sa iyo?” tanong ni Mang Pablo. “Halika na at ihahatid na kita.
Sumakay ka na sa aking bangka at doon na kita ihahatid sa kabilang daan, mas malapit doon.”
Hindi na nakakibo si Mario. Humingi siya ng paumanhin sa matanda sa kanyang pangangatwiran at
nagpasalamat siya sa pagsagip nito sa kanya.
Tahimik na umuwi si Mario sa kanilang bahay, takot parin siya dahil sa nangyari.
Pagdating niya sa bahay ay tinanong siya ng ina kung bakit nahuli siya ng oras ng pag-uwi. Sinabi ni
Mario ang nangyari sa ina. Tulad ng inaasahan ay nagalit ang ina sa ginawa ng anak. “Bakit mo ako
sinuway, hindi ka naman dating ganyan at sa ilog ka pa nagpunta,” tanong ng ina na medyo mataas ang
boses. Marahil dala ng pag-aalala. Hindi nakakibo si Mario, ayaw niyang salubungin ang init ng ulo ng ina.
Maya-maya pa ay tumayo ito at niyakap ang ina na umiiyak na humihingi ng paumanhin sa ina. “Nanay,
sorry po, hindi ko nap o uulitin. Nagkamali po ako, nasabik lang po ako sa mga kaibigan ko kaya sumama
ako sa kanila.”
Lingid sa kaalaman ng mag-ina na nasa labas ng bahay ang mga kaibigan ni Mario na nagyaya sa
kaniya sa ilog. Tinawag pala sila ni Mang Pbalo upang humingi ng paumanhin sa nangyari kasama ang
kanilang magulang. Kumatok ang magkakaibigan. Pinagbuksan sila ng pintuan ng na ni Mario at pinapasok.
“Magandang hapon po. Kami po ang mga kaibigan ni Mario na nagyaya sa kanya sa ilog,” bungad
ng mga bata. Bumati rin ang kanilang mga magulang. “Narito po kami upang humingi ng paumanhin sa
pagyaya ng aming mga anak kay Mario at sa hindi nila pagpapaalam. Nabalitaan po namin ang nangyari
kaya agd po kaming nagpunta dito.” Sabi ng isang magulang. “Kami po ang may kasalanan,” sabi ng isa sa
mga bata. “Kayo pala ang nagyaya sa kanya. Bakit hindi ninyo siya ipinagpaalam o hinayaan ninyo sana
siyang magpaalam? Alam ba ninyong muntik na siyang malunod?” medyo galit na tanong ng ina ni Mario.
“Opo, kaya po kami naririto upang humingi ng paumanhin. Hindi po naming akalain na mangyayari iyon,”
paliwanag ng isa. “Hindi na po namin uulitin, pasensiya na po. Hindi po naming sinasadya, gusto lang po
naming makasama si Mario sa paglangoy,” patuloy ng mga bata. “Iyon nga rin po ang sinabi naming sa
kanila. Kami rin po ay nabigla sapagkat hindi rin po naming alam na nagpunta sila sa ilog,” wika ng isa sa
magulang. “Kung gayon pala, ang ibig ninyong sabihin ay gumawa kayo ng plano na kayo lamang ang
nakakaalam?kahit mga magulang ninyo ay hindi alam?” sambit ng ina ni Mario. Hindi nakakibo ang mga
bata. “Oo nga, naroon na ako, nais ninyong maligo sa ilog, pero sana ay ipagpaalam ninyo kasi anuman
ang mangyari, alam ko kung saan ko siya hahanapin. At muntik na siyang malunod, mabuti na lang at
nakita siya ni Mang Pablo. Paano kung hindi?” tanong ng ina ni Mario. Hindi na nakakibo ang mga bata at
patyloy sila sa paghingi ng patawad sa nangyari pati ang mga magulang nila.
Natapos ang kanilang usapan sa pangako ng mga bata na hindi na nila uulitin ang nangyari at
mapgpapaalam na sila sa kanilang bawat gagawin. Napag-usapan din ng mga magulang na kung nais ng
mga anak nila na lumangoy sa ilog ay may isa o dalawang magulang na sasama sa kanila upang sila ay
bantayan. Nagging maayos ang pagtatapos ng usapan at nagpaalam na ang mga magulang at mga bata.

Sagutin Mo!

I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.


1. Tungkol saan ang kwento?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Bakit napilitang sumama si Mario sa mga kaibigan?


________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ano ang nangyari kay Mario habang siya ay naliligo sa ilog?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Sino ang tumulong sa kanya sa ilog?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Paano pinagsabihan si Mario ng ina? Ano ang sinabi ng nanay ni Mario sa mga kaibigan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
6. Paano tinaggap ng mga bata ang pananalita ng ina ni Mario?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
7. Kung ikaw si Mario, magagawa mo bang tanggihan ang pagyayaya ng mga kaibigan? Paano?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like