Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 9 Module
FILIPINO 9 Module
FILIPINO 9
Unang Markahan – Modyul 1
School Year 2020-2021
PAUNANG SALITA
Pangkalahatang Ideya
Sinasabing ang mga bansang Asyano ay mayayaman sa mga akdang pampanitikan. Sa
modyul na ito ay ating matutunghayan ang aralin tungkol dito.
Mayroong iba’t ibang uri ang panitikan. At ang maikling kuwento ang unang genre o anyo ng
panitikan na susuriin sa araling ito.
Ang araling tatalakayin sa modyul na ito ay lilinang sa kakayahan ng mga mag- aaral na sumuri
ng mga pangyayari batay sa kanilang nauunawaan mula sa napakinggang akda. Nang sa
ganoon, ang mga ito ay maiugnay sa kasalukuyang nagaganap sa lipunang Asyano.
Alamin
Ano ang inaasahan Mo?
Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Maiuugnay ang bawat larawan sa
totoong buhay. Tukuyin kung ano ang kaugnayan ng larawan sa mga pangyayari sa ating
lipunan sa kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa katapat na kahon ng larawan.
___________________________________________________________

_____________________________________________________
______________________________________________________

______________________________
_______________________________________________________

_________________________
Basahin Natin
Katulad ng panahon, kailangan kong magbago. Gamit ang aking metal na pakpak, lumilipad ako
palayo sa ulan at alinsangan ng Brunei tuwing Setyembre patungo sa paliparan ng London,
kung saan ako ay tatanungin at sisiyasatin ang laman ng aking bag. Kung may dalang
nakatagong de-latang corned beef, sugared cattlefish, at white rabbit. Makahihinga lamang ako
nang panatag, matapos makaraan sa London Heatrow ang aking mga gamit sa customs at
immigration.
Nang una akong nakatungtong sa London, tunay na kahanga-hanga ang paliparan nito ang
sarap damhin ng lamig ng hangin na kapag nalalanghap ay gumuguhit sa aking baga. Ngayon,
sinisiguro ko na lamang na sapat ang aking damit laban sa lamig at kaya ko nang maabot sa
pagkuha ng aking mga bagahe nang nakapikit.
Pagdating ng tag-init sa buwan ng Hunyo at Hulyo kung saan nagtatapos ang taong pang-
akademiko, ako ay lilipad palayo sa tag-init ng Inglatera pabalik sa mahalumigmig na Brunei.
Pagtapak ko pa lamang mula sa himpilan ng eroplano, ramdam ko na agad ang kaibahan ng
aking paligid. Mas mabagal ang pila at hindi balisa ang mga tao. Ang tibok ng aking puso ay
banayad at kalmado. Nararamdaman ko ang panatag na kalooban.
Samantala, ang aking bagahe puno ng Marks and Spencers biscuits, pasalubong mula sa
Harrod at Mothercare, mga tindahan na hindi local dito. Sa labas, alam kong naghihintay ang
aking pamilya sa aking pagdating at babati nang may buong ngiti sa kanilang mga labi. Dito
pinili kong suotin ang magaan na damit. Hindi kagaya sa London na mabigat at patong-patong.
Sa mga buwan at kalagitnaan ng panahon, ang aking mga paa’t binti ay mabilis sa paglalakad,
paglalakad patungo sa kung saan-saang lugar. Pakiramdam ko nalakad ko na ang kabuoan ng
Inglatera patungo sa paaralan, sa himpilan ng mga bus, sa tindahan, at sa estasyon ng tren.
Nakamamanghangang panuorin ang nga babae at lalaking mapuputi na ang buhok na sa
kanilang edad ay likas na nag-aatubiling maglakad sa lahat ng dako na tila isang
pangangailangan, na walang inaasahan anak na magtungo sa tindahan upang sila’y ibili ng
kung anuman o pagsilbihan sila mula sa sariling pagkukusa.
Kaya nang ako ay tanungin at ayain mong magpakasal sa iyo, nakatindig akong mabuti at
nakamasid sa iyong maliwanag na kapeng buhok at mga mata, at sa mapulang kutis, sa kaaya-
ayang makisig na katawan at mukha. At kahit alam mong ako’y may damdamin sa iyo,
sumasakit man ang aking puso dahil sa pagmamahal ko sa iyo, pero mas gusto ko paring
sumagot ng “HINDI”.
“Bakit?” tanong mo sa akin. At kitang-kita sa mukha mo ang iyong pagtataka, ang sakit na iniisip
mong pagtatraydor, tulad ng makikita mo sa akin tuwing inuusisa ang aking visa tuwing
papasok ako sa iyong bansa.
Puwede kong sabihin sa iyo na minahal kita, minahal ang pakiramdam ng minamahal ka. Pero
ang gusto ko ay init na tagos sa buto at hindi lamang sa aking balat, na kapag iniisip kita sa
Brunei, nakikita ko ang tila nawawala mong ekspresiyon, ang galit mo sa bagal ng pila, sa
malabong eksplanasyon, sa aming mga batas na di ka sang-ayon.
Kapag sinabi ko sa’yo na kaya lamang kitang mahalin sa Inglatera, sinasabi ko rin sa Inglatera
mo lang din ako kayang mahalin. Hindi koi to masabi sa iyo dahil hindi mo maintindihan,
magagalit ka at sasabihin mo na “love conquers all”. Pareho tayong marunong mag-Ingles at
kaya kong sabihin sa iyo, “Hindi ito totoo.”
Nakita ko ang katotohanan habang ako ay nasa ulap, nang tumingin ako lagpas sa aking metal
na pakpak at nakita ang lupa na pumipigil sa galaw ng karagatan, at hindi ko masabi kung ako
ba ay paalis o pabalik.
Pagyamanin Natin
Iniisip ko na __________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________ Nararamdaman ko na
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
Ang gagawin ko ay ____________________
________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
Panuto: Isulat sa linya ang S kung sinasang-ayunan mo ang pahayag at and DS kung di
sinasang-ayunan. Pagkatapos, bigyan-katwiran ang napiling sagot.
Tukuyin Natin
Layunin ng Pangangatwiran
Panuto: Matapos mong mabasa ang akdang “Ako ay Isang Ibon”, sinasang-ayunan mob a ang
naging desisyon ng tagapagsalaysay? Bumuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid batay sa
mga ideyang nakapaloob sa akda. Isulat ito sa espasyong nakalaan sa iyong modyul.
____________________________________________________________________________

Tayain Natin
Ako ay Isang
Ibon
Pamagat ng
Pagkakatulad Telenobela