Professional Documents
Culture Documents
Gawain Sa Rizal Hulyo 3, 2020
Gawain Sa Rizal Hulyo 3, 2020
Malaking bahagi ng buhay ni Rizal ay inilaan niya sa pagbisita sa iba’t ibang bansa dahil
sa layuning higit pa sa pamamasyal at pagliliwaliw. Ang kanyang mga karanasan sa bawat
dayuhang lugar na kanyang nararating ay detalyadong nakatala. Kung bahagi na ng teknolohiya
ang internet at social media noong panahon ni Rizal, marahil ay isa na rin siyang travel blogger
na aktibong nagbabahagi ng kanyang mga karanasan sa paglalakbay sa kanyang online diary.
Para sa gawain ngayong araw, pansamantalang hiramin ang katauhan ni Rizal at ilagay
ang sarili sa kanyang posisyon (Sa pagkakataong ito ay makakatulong ang inyong nasaliksik at
nabasa tungkol sa paglalakbay ni Rizal upang mapaandar ang inyong imahinasyon). Pumili ng
isang bansa mula sa unang paglalakbay at isa pang bansa mula sa ikalawang paglalakbay ni
Rizal. Bilang pansamantalang Rizal, sumulat ng dalawang travel blog na naglalarawan ng
iyong mga karanasan sa pagbisita sa dalawang napiling bansa. Ilarawan ang mga lugar na
napuntahan, mga taong nakilala, mga pinagkaabalahan, buhay pag-ibig, at iba pa na gusto mo
banggitin. Ang mga detalye ay manggagaling sa iyong sanggunian (materyal na binasa). Hindi
inaasahan na ito ay punong-puno ng damdamin dahil sa hindi mo ito aktuwal na naranasan,
maliban na lamang kung nailarawan din sa iyong sanggunian ang naging damdamin ni Rizal.
Maaaring samahan ng larawan ng mga detalye kung may mapagkukuhanan.
Hindi kagaya ng ibang blog, ang travel blog na ito ay hanggang google classroom o
messenger lamang. Hindi na kailangan makita at mabasa ng publiko sa social media o anumang
blogging site.
Travel blog
SINGAPORE
Sa aking unang paglalakbay, gusto kong bigyan ng pagsusuri ang aking naging
karanasan sa Singapore. Gusto koi tong bigyan pansin kahit na maikling araw lamang
ang aking naging pamamalagi rito sapagkat gusto kong bigyan papuri kung gaano
kalinis ang lugar na ito. Noong Mayo 3, 1882, nilisan ko ang Maynila at simakay ako sa
barkong Salvador patungong spain. May nakasabay akong labing anim na pasahero at
syempre nais kong ilibang ang aking sarili kaya nakipaghamon ako ng larong chess at
tagumpay ko silang natalo. Makalipas ang limang araw, Mayo 8, 1882, nakarating na rin
ako sa wakas sa Singapore. Ang klima rito ay halos gaya lamang sa Pilipinas. Ililista ko
isa isa ang mga magagandang tanawin na aking nalakbay sa loob ng ilang araw kong
pamamalagi rito.
Makalipas ang 2 araw, nilisan ko ang Singapore sakay ang barkong Djemnah. Sa
maikling panahon ko rito, na-aliw ako sa aking paglalakbay sa mga tanawin rito.
Inirerekominda ko sa inyo na kayo mismo ang dumalaw rito at alam kong hindi kayo
magsisisi lalong lalo na sa ganda ng mga tanawin na makikita dito sa Singapore.
JAPAN
Sa aking ikalawang paglalakbay, nais kong ibahagi ang bansang aking talaga naming
nawilihan – Ang japan. Sa unang araw ko rito, ako’y napahiya dahil akala ng mga
Hapones na ako’y isang Hapon na hindi marunong magsalita ng nihonggo. At dahil alam
kong kakailanganin koi to upang makisalamuha sa mga tao rito, napilitan ko tuloy mag-
aral ng wikang nihonggo at natutunan ko naman ito sa loob ng isang araw lamang.
Nais kong bigyan papuri ang sining dito sa Japan kaya naman nawili akong pag-aralana
ng kabuki, sining, musika, at jujitsu. Nakatagpo din ako ng aking mga kababayan sa
Tokyo na mga musikerong Pilipino. Narito ang aking naging impresyon sa bansang
Japan:
1. Kagandahan ng bansa
2. Kalinisan
3. Pagiging magalang at kasipagan ng mga Hapon
4. Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga Haponesa
5. Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
6. Halos walang pulubi ang makikita sa lansangan
Maganda ang aking naging mga karanasan sa bansang ito at hindi lamang iyan, dito ko
rin nakilala ang isa kong mga naging kasintahan. Inibig ko siya dahil sa taglay niyang
kagandahan at kabutihang asal. Ang ngalan niya ay si O-SEI SAN Seiko Usui. Isa siyang
anak ng samurai at ako ang naging una niyang karansan sa pag-ibig. Isa siyang
maganda, mapanghalina, mahinhin at matalinong dalaga at siya rin ang nagturo sa akin
ng wikang nihonggo.
Sa kasamaang palad, kailangang kong lumisan at iwan ang aking minamahal upang
ipagpatuloy ang aking paglalakbay. Noong Abril 13, 1888 ako umalis sa bansang hapon.
Pahuling Paalala:
Marami akong napuntahang mga bansa subalit ito muna ang nais kong ibahagi para sa
travel blog kong ito ngayong araw. Huwag kaying mag-alala dahil sa susunod na aking
pagagawa ng travel blog, ibabahagi ko naman ang ilang mga bansang aking
napuntahan. Sa bawat bansang aking nadayo, iba iba ang aking naging karanasan. May
halong lungkot at saya habang ako’y naglalakbay. Nais kong magpasalamat sa inyo at
muli ulit akong tutukan sa aking mga magiging bagong post. Nawa’y maging tulong ang
blog ko kung nanaisin mo ba ang pagpunta sa mga lugar na ito.