Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Krexia Liquido Fil 124 Report

Mga Komponent ng Kultura

1. Materyal na Kultura- Mga bagay itong nilikha at ginagamit ng tao. Ito ay mga materyal na objek
na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad ng mga kasangkapan, muwebles, at
pananamit hanggang sa malalaking bagay tulad ng arkitektural na disenyo, mga kotse, makina at
iba pa. Halimbawa, ang brass pot ay ginagamit sa pagluluto sa ibang kultura, samantalang ito ay
pangdekorasyon lamang sa ibang kultura. Ang kompyuter ay isang mahalagang kagamitan sa
kultura natin ngayon, ngunit sa ibang kultura naman, ito ay walang kabuluhang bagay. Kaya, ang
kamalayan natin sa mga bagay-bagay lalo na sa uri at gamit nito ay nagdudulot sa atin ng
malawak na pag-unawa sa kultura at lipunan ng ibang grupo.

Halimbawa ng mga Materyal na Kultura :

Paghahanda ng mga ibat-ibang pagkain tuwing pista.

Pagsusuot ng mga barong at saya.

Pagbibigay ng mga regalo at pera sa mga ikinasal.

2. Di-Materyal na Kultura (Honeybee)

E. Valyu- Ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/ikilos o ipakita. Sa


pangkalahatan, tumutukoy ito sa indibiduwal na ideya ng kahalagahan at pangangailangan, at
siyang magdidikta sa atin kung ano ang moral at imoral, ng mabuti at masama, ng tama, at mali,
ng maganda, at pangit. Halimbawa nito ay ang pagbati ng "magandang umaga" at "magandang
gabi," pagpapasalamat, pagtulong sa mga titser lalo na kung may mabigat na dalahin, atbp.

F. Paniniwala- Ayon sa mga sosyologo, persepsyon ito ng isang tao sa mga nangyayari sa
kanyang kapaligiran at mundo. Kabilang dito ang mga pamahiin.
Halimbawa:
Bawal magwalis kapag may patay.
Pampaswerte sa Bagong Taon: Ang iba naman ay naniniwala na dapat ay magsuot ng polka dots
dahil sa ito raw ay sumisimbulo sa pera, at dapat mayroon itong pera at sensilyo at dapat ito ay
kalansingin sa pagdating ng hatinggabi para dumating ang swerte.

G. Wika- Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak, sa panahon ng kanyang paglaki ay nagsasalita
siya ng wikang kanyang kinagisnan at natutunan niya sa kanyang kaligiran. Kaya ang isang
Cebuano ay nagsasalita ng Cebuano kung ipinanganak dahil lumaki siya sa kaligirang Cebuano.
Ngnunit kung halimbawa’y ang isang Ilonggo na mula pagkabata ay itinira sa syudad ng Iligan na
ang wika ay Cebuano, lalaki siyang nagsasalita ng Cebuano dahil sa impluwensya ng kanyang
kaligiran. Malaki ang impluwensya sa kanya ng kalikasan ng wikang ginagamit sa kanyang
kapaligiran.
Ang lahat ng lugar sa mundo ay mayroong pansariling kultura at tradisyon. Pero, sa bawat
kultura na ito, ang wika ay masasabing pinakamahalagang aspeto ng komunidad. Ito’y dahil ang
kultura ay siya ring nakabatay sa kultura ng isang komunidad. Atin ring masasabi na ang wika ay
siyang nagbibigay ng kasarinlan sa lahat ng mga kultura. Alam naman nating lahat na ang kultura
at tradisyon ay ang mga katangian at mga gawain na naipapasa ng henerasyon papunta sa
bagong henerasyon. Subalit, hindi ito magagawa kapag wala ang wika.

Sa Pilipinas, matatagpuan nating ang iba’t-ibang wika at diyalekto. Bukod rito, mayroon rin ang
ating bansa ng iba’t-ibang kultura. Pero, kahit na ganito ang Pilipinas, nagkaka-isa pa rin ang mga
Pilipino.
Pero, paano nga ba sinasalamin ng wika ang ating kultura? Sa mga salita ni Jose Rizal, “Ang hindi
marunong mag mahal sa sariling wika, ay higit sa hayop at malansang isda”.

Ang Wika Filipino ay isang koleksyon ng iba’t-ibang wika na matatagpuan sa ating bansa. Ang
mga wikang ito ay diretsahang nakakonekta sa ating kultura. Ito ay dahil mahalaga ang wika
dahil hindi lamang ito berbal at di-berbal. Ito ay parte ng pagkakakilanlan ng isang tao at bansa.

F. Technicways- Pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya. Gaya na


lamang ng pagtuturo ngayon. Dito pumapasok ang mahalagang papel ng isang guro bilang
eksperto at may malawak na kaalaman sa teknolohiya. Sa pagtuturo ay kailangang makita na
ang guro ay may malakingkakayahan, mataas na kaalaman, at handang sumabay sa pagbabago
ngteknolohiya upang hindi maiwan sa mabilis nitong pagsulong.
Isang halimbawa din nito ay ang paggamit ng mga bagong kagamitan at pagsunod sa moderno o
popular na kultura o global na pagbabago. Ang technicways ay kumakatawan sa klase ng
pagbabago ng kultura at halos kabaligtaran ng folkways at norms.

Reperensya

https://philnews.ph/2020/09/21/sinasalamin-ng-wika-ang-kultura-kahulugan-at-halimbawa/

https://www.tagaloglang.com/elemento-ng-kultura/

https://www.coursehero.com/file/p6taeanr/Antas-ng-Paggamit-ng-Makabagong-Kagamitan-
Ang-teknolohiya-ay-isang-mahalagang/

https://quizlet.com/416938671/midterm-aralin-2-katangian-manifestasyon-at-mga-komponent-
ng-kultura-flash-cards/

You might also like