Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang mga gawaing pang-payamanan na makakatulong sa ikauunlad

at kalinisan nito ay lubos na mahalaga. Kaakibat ng layunin nitong


makaambag sa kabuuang pang-kaayusan ng komunidad ay ang mga
mamamayan na nasa puso ang pagtulong. Isang napaka-epektibong
gawain ito para sa isang payamanan at hindi maitatanggi ang mga
benepisyo nito. Tayo bilang mga boluntaryong nagsasagawa ng ganitong
klaseng aktibidad, ay nagkakaroon ng pagkakataon na makatulong at
makapagbigay ng inspirasyon sa iba upang maging mabuting halimbawa.
Mahalagang mapanatili ang kalinisan ng isang payamanan ngunit magiging
mahihirap ito kung walang mga mamamayan ang mangunguna ditto at
ipagpapatuloy pa hanggang sa maunawaan ng lahat ang kahalagahan nito.
Maaliwalas na komunidad at malinis na kapaligiran ang isa sa pinaka
mabisang pagkukunan natin ng enerhiya sa pang araw-araw nating mga
gawain kaya tayong mga mamamayan, magkaroon ng disiplina at kawang-
gawa sa lahat ng pagkakataon. Nawa laging magtulungan at panatilihin
ang kalinisan upang ang lahat ay maging maginhawa.

You might also like