Professional Documents
Culture Documents
Modyul 4
Modyul 4
- Sa panahong ito’y ipinagbawal ang paggamit ng Ingles at inilunsad ang paggamit ng wikang
Filipino at pagpapayaman sa sariling kultura ng Pilipinas. Ang panahong ito ang simula ng
pagsibol ng maikling kwento. Bagamat may mga anyong patula na akda rin ang nagsilabasan:
ang haiku at tanaga.
Haiku – maikling tulang may tatlog taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 sa bawat
tauldtod.
Tanaga – maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7
o Haiku – maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5 sa bawat
- Noong hulyo 4, 1946 ay ganap nang nakalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Dahil
dito’y walang tanging naiwan kundi ang mga naging bunga ng kapinsalaan.
- Isang malaking pagbabago ang naganap sa kasaysayan ng lahing Pilipino ang naganap
noong dekada ’70. Nahalal bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Edralin Marcos sa pag-
asang higit na mapapaunlad ang Pilipinas.
- Sa kanyang panunungkulan ay naging maunlad ang bansa – unti-unting nakilala ang Pilipinas
sa buong daigdig. Ngunit sa di inaasahang maayos na takbo ng pamahalaan ay napalitan ng
karahasan. Ang mga estudyante ay naging militante at may mga rali at demonstrasyon ng
nagaganap.
- Kung kaya’t ang kadalasang tema ng mga manunulat sa panahong ito ay demonstrasyon at
rebolusyon.
HILARION HENARES JR. – Siya ay isang manunulat sa bagong henerasyon. Ang kanyang mga
panulat ay kakikitaan ng matalinghagang pagpapahiwatig. Isang halimbawa ng kanyang akda
ay ang Bayan ng mga Bulag.
JOSE LACABA – Kilalang manunulat na halos lahat ng kaniyang mga sinulat ay napaloob sa
mga aklat. Isa siyang “Multi-Palanca Awardee.” Ang kaniyang tulang In Memoriam ay masasabing
obra maestro na naisulat niya.
CIRILO F. BAUTISTA – Siya ay isang henyong makata sa larangan ng panitikan. Ang kaniyang
mga tula ay sumasagisag sa malalim na panunuri ng kasalukuyang kalagayan ng bayan.
ELMO VILLANUEVA – Isang mag-aaral ng Pamantasang De La Salle na nakilala
dahil sa pagkakamit niya ng Unang Gantimpala sa “Timpalak Pampanitika,” sa larangan ng tula.
Isa sa halimbawa ng kanyang tula ay ang Kamalayan.
- Sumiglang muli ang panitik ng mga makata, mananaysay, manunulat, nobelista mandudula.
Sumigla ang teatrong Filipino.
- Dumami ang mga palabas sa telebisyon at dumagsa ang mga magasin at pahayagang
Filipino, kabilang ang tabloid.
- Napasimulan ang mga independent films at pink films.
- Maging ang internet ay naging midyum ng pagpapahayag ng panitik ng maraming kabataan.
Nauuso ang pagpo-post ng blogs na kinapapalooban ng mga journal o reaksyon hinggil sa
kung anu-anog paksa.