Professional Documents
Culture Documents
ACFrOgAbaYLmq vzrvchFQPfPl1IbPpXbyiUrWD GAU3z tHOnTXhgs3bqH-iI1DwN xWj82hNUm7XQ9WaQnBfMfIuAOz8KG3rLJYtdrrYEXFs4mOOSrVGZ3KYkSRUjS2kCvZ4w2pSQgwKwIIHgH
ACFrOgAbaYLmq vzrvchFQPfPl1IbPpXbyiUrWD GAU3z tHOnTXhgs3bqH-iI1DwN xWj82hNUm7XQ9WaQnBfMfIuAOz8KG3rLJYtdrrYEXFs4mOOSrVGZ3KYkSRUjS2kCvZ4w2pSQgwKwIIHgH
ACFrOgAbaYLmq vzrvchFQPfPl1IbPpXbyiUrWD GAU3z tHOnTXhgs3bqH-iI1DwN xWj82hNUm7XQ9WaQnBfMfIuAOz8KG3rLJYtdrrYEXFs4mOOSrVGZ3KYkSRUjS2kCvZ4w2pSQgwKwIIHgH
3.3 Ang Mga Pagtingin Ng Ibang Tao Sa Sariling Kultura At Kultura Ng Iba
May mga pananaw ang mga dalubhasa sa kung ano ang katangiang
komunikatibo ng isang tao, ayon sa paniniwala ni Hofstede (1984), nauuri sa dalawa
ang katangiang komunikatibo- Ang individualist at collectivist.
1. Individualist. Ang nasa kaisipan ng tao ay mas mahalaga na masabi niya
ang kanyang gustong sabihin kumpara sa kung ano ang maaaring maramdaman ng
ibang tao. Walang preno ito kung magsalita at walang pakialam sa kung ano ang
damdamin ng ibang tao.
2. Collectivist. Mas binibigyang pansin ng nagsasalita ang kapakanan at
damdamin ng iba bago siya magsasalita. Maingat na iniisip at pinipili ng nagsasalita
ang mga salitang kanyang gagamitin nang sa gayon ay hindi siya makasakit ng
Batay naman kay Triands (1990), hinati niya sa dalawa ang katangiang komunikatibo
bilang Allocentric at Ideocentric.
Introduksyon
Mga Layunin
Ang pamayanan ay maaaring uriin sa iba’t ibang paraan ngunit ang paraang
higit na kinagawian ay uriin ang mga ito bilang rural at urban. Ang klasipikasyon ay
hindi gaanong nakasisiya sapagkat may ilang pamayanang ang mga katangian ay
hindi umaakma sa mga ideyal na uri. Sa kawalan ng higit na mabuting klasipikasyon,
ang diktomiyang rural-urban ay patuloy na ginagamit. Kung minsan ay maaaring
gamitin ang depinisyon ng senso, nguni’t ito ay limitado sa mga panukat na
kwantitatibo. Ang iminungkahi ay ilagay ang mga pamayanang rural-urban sa isang
kontinuom kung saan ang mga pagkakaiba ay may mga relatibong antas sa isang
lawak sa pagitan ng dalawang dulong polar na rural at urban (Bertrand, 1958:24). Sa
ilang mga lipunan tulad ng Estados-Unidos, ang kaibahan ng mga pamayanang rural
at urban ay nagiging Malabo dahil sa pag-unlad ng suburbiya o karatig at
lumalaganap na urbanisasyon ng buhay rural. Ang maunlad na transportasyon at
komunikasyon, lalo na ang impluwensya ng midyang pangmasa ay pumapawi sa
pagkakaiba ng mga pamayanang rural at urban. Natutulad sa dikotomiyang rural-
urban ay ang Gemeinschaft-Gesellschaft ni Toennies (Loomis, 1940:225; 247 ff).
Ang Gemeinschaft ay buhay pamayanang may katangian ng pagiging pribado, lubos
na pagkakakilala, at eksklusibong pamumuhay at makapamilya. May malakas na
damdamin ng kamag-anakan ang umiiral na makikita sa kanilang pang-araw-araw na
mga Gawain. Ang likas na pagkilos, pagtutulungan sa isa’t isa, at ang pakikibahagi
sa kaligayahan gayon din sa kalungkutan, ay naglalarawan sa ugnayan. May mataas
na antas na pagsunod sa mga kaugalian, mga batas, mga ideyang moral at iba pang
mga inaasahang ng grupo. Ang pagkakaisa ay batay sa pagkakatulad ng mga
layunin, mga katangian, at mga karanasan na tinawag ni Durkheim bilang:
―mekanikal na pagkakabuklod.‖
Ang pamilyang
nukleyar, na binubuo ng
ama, ina at mga anak, at
ang pamilyang bilateral; at
pinalawak, na kasama
ang mga kamag-anak
konsanginal ng ama at
ina, ay siyang bumubuo
ng mga pagunahing yunit
ng pamayanan. Sa
katunayan, maaaring
masabi na ang
karaniwang pamayanang
Pilipino ay maituturing na isa lamang ekstensyon ng pamilya. Ang ugnayan ng
pagkakamag-anak ay mailalarawan ng tradisyunal na mga obligasyon at mga
inaasahang resiprokal sa magkabilang panig. Ang impluwensya ng pagkakamag-
anak na nakasentro sa pamilya ay may malawak na bisa. Ang ilang tulong sa
pamilya ay ipinapaabot sa mga kamag-anak na linyal at kolateral. Ayon kay Castillo
(1979:117) ang pinalawak na pamilya o pamilyang may ekstensyon ay nagsisilbi
hindi lamang bilang batayan ng interaksyon sosyal sa lebel ng mga nayon kundi isa
ring panseguro o maaasahang panlipunan para sa myembro ng pamilya. Ilan sa mga
palitan ng tulong ay: tulong sa gawaing bukid at gawaing bahay, paggastos sa
edukasyon ng mga anak, pagbibigay ng bigas at iba pang pagkain, mga pautang na
salapi, at tulong sa panahon ng pagkakasakit ng pamilya. May mga pamantayang
gumagabay sa ganitong mga ugnayan at ang pagtulong ay may batayang resiprokal.
May mga pamigil at kaparusahang panlipunan na ipinapataw sa isang parasitiko o
lubhang palaasa na nagdudulot sa kanya ng buhay na hindi matiwasay.
Ang mga pagbabago ay nagaganap sa mga pook rural ngunit ang ilan sa
mga kaugaliang tradisyunal tungkol sa kasal ay nananatili. Ang pagkakaroon ng
tsaperon ay isinasagawa pa rin sa dahilang malinis na kapurihan ng mga babae ay
may mataas pa ring pagpapahalaga, bagaman ang mga karanasang sekswal bago
makasal ay kinukunsinti sa mga lalaki. Ang pamanhikan, o ang pormal na paghingi
sa babae sa kasal at ang pagkakaroon ng isang konseho at kasunduan ng dalawang
pamilya ay isinasagawa bago ganapin ang kasal. Sa iilang mga pook, sa mga
mababang uri sa lipunan, nariyan ang paninilbihan o ilang uri ng pagsisilbi sa
pamilya ang babaing ikakasal. Sa mga mataas na uri ang bigay-kaya o halaga ng
babaing ikakasal ay kinaugalian. Ang bigay-kaya ay isang uri ng regalo o salapi o
anumang bagay na ibinibigay ng lalaking ikakasal o ng kanyang mga magulang sa
babaing ikakasal. Pagkatapos ng kasal, may ilang pamimilit na ginagawa ang mga
magulang upang mapanatili ang kasal.
Sa kasaysayan, ang
Pilipinas ay nangingibabaw na
lipunang pansakahan, bagaman
may pagbaba na sa bahagdan ng
mga aktibo sa pagsasaka,
pangingisda at paggubat mula sa
53.8% noong 1976 sa 51.4%
noong 1980. Karamihan sa mga
magsasaka ay may karaniwang
buwanang kita ng humigit-
kumulang sa 1,700 (U$85 noong
1980, na mababa pa sa linya ng
kahirapan at hindi sapat na
makatugon sa mga pangunang
pangangailangan ng pamilya. Ang
isinabatas na minimum na
pasahod sa isang araw noong
1985 para sa mga patanimang
pansakahan ay 46.67 at para sa
mga hindi pataniman, 35.67. Ang
agrikultura at nauugnay na mga
industriya ay nagbibigay ng maraming mga pagkakataong pangkabuhayan at
bumubuo sa 70% ng kalahatang pagkaempleyo sa pook rural.
Isang tipolohiya ng mga magsasakang Pilipino noong mga 1980 ang ginawa
nina Ledesma at Kornista (1981:11-15). Ang mga magsasaka ay:
Ang mga pagtatanya ay naglalagay sa paglitaw ng mga lungsod noong mga anim
na libong taon na nakalilipas o mga 3,000-4,000 B.C.,sumusunod sa Rebolusyong
Neolitiko o panahong bagong Bato. Ang mga unang lungsod ay natagpuan sa
baybayin ng mga ilog na may kalapit na kapatagan tulad ng Ilog Niel sa Ehipto,ang
Ilog Tigris-Euphrates sa Mesopotamia,ang Ilog Indus sa mga Pamayanang aurban
India at ang Ilog Dilaw sa Tsina. Lahat ng mga naunang lungsod sa baybayin ng
mga ilog na may kalapit na kapatagan kung saan nalinang ang teknolohiyang
Neolitiko ay nagparami sa ani ng mga magsasaka ng higit sa kanilang
pangangailangan at nagbigay sa kanila ng matatag na pondo ng mapagkukunang
pagkain at ilang labis na ani upang ipagbili sa mga ibang taong hindi gumagawa ng
sariling pagkain. May apat na pangunahing salik ang nagbigay- hugis sa pagkalinang
ng mga lungsod (Hauser at Schnore,1966;8-9) Gist at Fava,(1964;4-18):
1. Materyal na Kultura
Transportasyon
2. Di-materyal na Kultura
Wika
Norms
Folkways
Mores
Batas
Valyu
Technicways
PORMAT:
Pamagat
Kaligiran ng Pag-aaral
Layunin
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Konseptwal na Balangkas
Metodolohiya
Disenyo
Instrumento
Lokal
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Presentasyon
Buod,Konklusyon at Rekomendasyon
Mga Aklat
Castillo, M.J.A. (2008). Komunikasyon sa Kademikong Filipino 1. Santa Cruz Manila: Booklore
Publishing Inc.
Hufana, L., Banawa, M.J, Gervacio, G.VChem, Pantorilla, R. , Sajulga, A.C. at Tiosen,
B.R.(2018). Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.
Mag-atas, R.U. et al. ( 2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta Cruz Manila:
Booklore Publishing Corporation
Panopio, I.S. at Rolda, R.S.( 1992). Sosyolohiya at Antropolohiya Isang Panimula. Quezon
City: Ken Incorporated.
Santos, A.L. et al. 2009. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City: Mutya
Publishing House Inc.
https://int.search.myway.com/search/GGmain.jhtml?p2=%5EBNF%5Exdm003%5ES
33560%5Eph&ptb=A96AAB2B-2776-4926-88AD-
42C9939A988E&n=78587098&cn=PH&ln=en&si=EAIaIQobChMI1pWugrbz4gIVWnZ
gCh1XjAkXEAAYASAAEgKyV_D_BwE&tpr=hpsb&trs=wtt&brwsid=82862c45-6a0b-
4b88-b0f4-c6d1f9694ebe&searchfor=anong+ibig+ipakahulugan+ng+lipunan&st=tab
https://www.google.com/search?q=kultura&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi
bnYfLwKHrAhXXFogKHTilBrsQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1920&bih=969
https://www.google.com/search?q=di-
+materyal+na+kultura&tbm=isch&ved=2ahUKEwiAvenYxaHrAhVQAKYKHaaYAEkQ2-
cCegQIABAA&oq=di-
+materyal+na+kultura&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQHjIECAAQHjoGCAAQBxAeUOuPC1i7lwt
ggp0LaABwAHgAgAGtAYgB_wSSAQMwLjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=i
mg&ei=xxo6X8C9DdCAmAWmsYLIBA&bih=969&biw=1920
https://www.google.com/search?q=batas&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjFq
rHXyKHrAhWL-mEKHVh-DqkQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=969
https://www.google.com/search?q=wika&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi7_
pGc1KHrAhVVc3AKHYG0DQAQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1920&bih=969
Grading System
MIDTERM GRADE
Note:
Passing Grade
75%