Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Re pub lika ng Pilip ina s

Ka g a wa ra n ng Ed uka syo n

Araling
Panlipunan
1
Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Masustansyang Pagkain
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Delailah O. Fadrillan


Editors: Edna P. Obias, Ma. Cecilia L. Atuan,
Ana Marie B. Bucad
Tagasuri: Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
 Nilalaman: Ma. Cecilia L. Atuan, Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Ana Marie B. Bucad Mathematics, ABM
 Wika: Leonardo G. Diez Jr., Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Reann A. Virtudazo Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
 Teknikal: Godofredo D. Garcia Jr. Filipino/GAS/Piling Larang
Tagaguhit: Edison P. Clet Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Ernesto D. Tabios Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tagalapat: Godofredo D. Garcia Jr. MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Management Team: Librada L. Agon, EdD, EPS
EPP/TLE/TVL/TVE
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Dulce O. Santos, PhD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Carolina T. Rivera, CESE Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Assistant Schools Division Superintendent Education Program
Manuel A. Laguerta, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region

Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City


Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
Araling
Panlipunan 1
Unang Markahan
Pansariling Kalinangang Modyul 5
Mga Masustansiyang Pagkain
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang I
ng Modyul 5 para sa araling Mga Masustansiyang Pagkain.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan –Baitang I Modyul 5


ukol sa Mga Masustansyang Pagkain.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil makatutulong ito
sa iyo upang maisa-isa ang mga pagkaing masustansiya bilang
pangangailangan.
May mga pagsasanay kang sasagutan upang masukat mo ang iyong
kaalamang linangin sa modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.


1. Alin sa sumusunod ang masustansiyang pagkain?
A. gulay
B. hotdog
C. kape

2. Ang bata ay kailangang kumain ng ________ pagkain


upang lumaking malakas at malusog.
A. malinis na
B. maruming
C. masustansiyang

3. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng prutas?


A. kangkong
B. malunggay
C. saging
4. Makakaiwas tayo sa ____kung masustansiyang pagkain
ang ating kakainin.
A. init

1
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
B. lamig
C. sakit

5. Alin sa sumusunod ang masustansiyang pagkain?

A. B.

C.

BALIK-ARAL
Panuto: Iguhit ang kung pangunahing
pangangailangan. kung hindi.
_____1. kagkain
_____2. relo
_____3. kasuotan
_____4. kirahan
_____5. laruan

ARALIN

Sa tulong ni nanay, tatay, o kasama sa bahay awitin natin ang “Bahay


Kubo”. Sabayan ito ng liriko sa ibaba.

2
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
Bahay Kubo (Nipa Hut)

Bahay kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo’t kalabasa


At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang nabanggit na pagkain sa awitin?

2. Ikaw ba ay kumakain ng gulay, prutas, isda at karne?

3. Bakit kailangan mong kumain ng mga ganitong uri ng


pagkain?

Masdan ang mga larawan sa ibaba.

Alam mo ba ang mga pagkaing ito?

Ito ay mga halimbawa ng masustansiyang pagkain. Ang mga


gulay, prutas, karne, isda, kanin, gatas at itlog ay halimbawa ng mga
masustansiyang pagkain.

3
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
Makaiiwas tayo sa sakit kung ang pagkain na kinakain natin ay
masustansiya. Ito ay pundasyon para sa malusog na pangangatawan
hindi kagaya ng junk foods na nakasisira ng kalusugan.
Mahalaga ang kalusugan kaya dapat nating alagaan. Kaya
masustansiyang pagkain ang dapat nating kainin upang makaiwas sa
sakit at virus dahil pinapalakas nito ang ating resistensiya.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Bilugan ang masusustansiyang pagkain.

4
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
Gawain 2
Panuto: Kulayan ng berde ang masustansyang pagkain. Pula naman
kung hindi masustansya.

PAGLALAHAT

Panuto: Kumpletohin ang pahayag.


Bilang bata, ano-anong uri ng pagkain ang dapat mong
kakainin?

5
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
Ang mga pagkain na dapat kong kainin ay
_______________________________. Tulad ng mga
______________. Para ako ay maging ___________ at
_______________.

PAGPAPAHALAGA

Si Ana ay papasok sa eskwela. Binigyan siya ng kanyang nanay


ng dalawampung piso. Pagdating ng reses, nakita niya na may tindang
nilagang saging, kendi at hamburger.
Kung ikaw si Ana, alin sa mga paninda ang bibilhin mo?
Bakit? ____________________________________________
Si Ben ay hindi kumakain ng gulay at hindi umiinom ng gatas,
ngunit nais niyang lumaking malakas at malusog. Ano ang kaniyang
gagawin?

Ngayong panahon ay nakararanas ang buong mundo ng


pandemya dahil sa virus na COVID-19. Maliban sa pagsuot ng face
mask at wastong paghuhugas ng kamay, ano pa ang dapat nating
gawin upang makaiwas sa virus?
___________________________
__________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng wastong


sagot.

1. Ang bata ay kailangang kumain ng _______pagkain.

6
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
A. marami
B. marumi
C. masustansiya
2. Ang talong, kangkong at okra ay halimbawa ng____.
A. gulay
B. prutas
C. karne

3. Kailangang kumain tayo ng masustansyang pagkain upang


makaiwas tayo sa ____.
A. lagnat
B. sakit
C. tao

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi masustansyang pagkain?


A. gulay
B. hotdog
C. prutas

5. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang hindi kasama sa


pangkat?
A. manga
B. saging
C. sitaw

7
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
a. SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Pagsasanay 2


1. A 1. Sitaw - berde
2. C 2. Hamburger - pula
3. C 3. Sayote - berde
4. C 4. Okra - berde
5. A 5. Pizza - pula
Panapos na Pagsusulit
Pagsasanay 1
1. C
1. pinya 2. A
2. kangkong 3. B
3. mais 4. B
4. mansanas 5. C

SANGGUNIAN
Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos. Araling Panlipinan 1. 1ST Ed.
Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54 Gansanro 9gil, Geumcheongu, South Korea

Deped.gov.ph.Image bank

8
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5
9
SDO_Pasig_Q1_AP_1_Modyul_5

You might also like