Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Fil 102: Pagbasa at Pagsulat sa Ibat-ibang Disiplina

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Layunin:

• Malaman ang mga Anyo ng pagsulat ayon sa layunin


• Malaman ang mga hakbang sa pagsulat
• Malaman ang Mga Katangian ng Epektibong Pagsulat:
ANO NGA BA ANG PAGSULAT?
• 1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
• Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
(Bernales, et al., 2002)
• Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang elemento.
• Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin
• Para kay James Kinneavy (1971) may limang kategorya sa pagsulat na naging
rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod:
• Ekspresib
-Personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili
• Formulari
-Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa
negosyo o bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya
• Imaginatibo
-Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang mapanilikhang imahinasyon ng
manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa
• Informatib
-Upang magbigay ng mahahalagang inpormasyon at ebidensya
• Persweysib
-Upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya
katibayang ipinahayag
Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat
• Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang
kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip. Ang sosyo-kognitibong pananaw sa
pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.
Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso
• Para kay Badayos, ang multidimensyonal na proseso ng pagsulat ay binubuo ng
sumusunod na proseso:Bago sumulatBinubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha
ng mga ideya at pagbuo ng mga ideyaPagsulatPagbuo ng draft, pagtanggap ng
fidbak, pagsangguni at pagrerebisa
Mga mungkahing tanong
• Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
• Ano ang layunin sa pagsulat nito?
• Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
• Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
• Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
Mga Hakbang sa Pagsulat
• Prewriting/ Gawain Bago Sumulat
• Pagsulat ng Draft/ Burador
• Revising o Pagbabago
• Editing o Pagwawasto
• Publishing o Paglalathala
Mga Hakbang sa Pagsulat
• Pre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap
ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
• Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang
pagsulat ng burador o draft.
• Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa
wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika
Mga Katangian ng Epektibong Pagsulat
• Kalinawan ( Clarity )
• Kaangkupan ( Appropriateness )
• Kahustuhan ( Completeness )
• May Katangian ng Katiyakan ( Emphasis )
• Kawastuhan ng Gramar (Gramatical Accuracy )
• May Layunin o Hangarin ( Objective )
• Mababasa at Mauunawaan ( Readability )

You might also like