Kabanata Ii

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang mga kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-

aaral kung saan ang mga nakuha at naitalang mga datos ay lubos na nakatulong upang

higit na maging malinaw at mabisa ang isinagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang wika ay isang kodigo ng pakikipagtalastasan na karaniwang

ginagamit ng ilang grupo ng tao na kumakatawan sa isang lahi o bansa tungo sa pag-

ukit ng isang malaya at maunlad na bansa o sa pagpapatatag nito (Tanawan, et al.,

“Sining ng Mabisang Komunikasyon”, 2004).

Ayon naman kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at

nauunawaan ng isang maituturing na komunidad. Si Edgar Stervetent naman ay

nagsabi na ito ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa

komunikasyon ng mga tao (Maglaya, et al., 2003 “Filipino sa Nagbabagong Panahon”).

Sinasabi naman sa isang talumpati na pinost sa isang blog noong Oktubre 1,

2011, dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa

lahat ng kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon

nabibilang, dahil bilang isang mamamayan sa bansa nakapaloob sa ating wikang


pambansa ang saliring kulturang tinataglay na pagkakakilanlan ng ating sariling bayan,

tungo sa pag-unlad ng ating pang-ekonomiya at katatagang politika.

Samantala, ayon kay Dr. Aurora Batnag (2010), sapagkat ang Pilipinas ay

multilinggwal at multikultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla sa iisang

mithiin na ipinahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi gayon

din sa isahang midyum na wikang Filipino. Samakatuwid, hindi matutumbasan ang

papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Sa

kasalukuyang panahon, malaki na ang pagbabagong mapapansin natin sa paggamit ng

sariling wika. Ang ating katutubong salita ay napapalitan ng modernong pagpapahayag.

Malaki rin ang impluwensyang nagagawa ng modernong teknolohiya, iba’t ibang kultura

at sariling pagpili ng mga tao lalo na ng mga kabataan sa modernong panahon.

Ang sariling wika, ayon naman kay Butac (2017), ay sumasalamin sa kulturang

ating kinagisnan. Sa pamamagitan ng wika nakilala ang kultura ng isang bansa. Dahilan

ito ang nagbibigay ng titulo, katawagan o paglalarawan sa kulturang mayroon tayo.

Ngunit sa pagbabago ng panahon nagkakaroon din ng pagbabago sa wikang

kinagisnan na maaaring magdulot ng paglimot ng kulturang iningatan ng ating mga

ninuno. Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami na ring nabago sa

pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon

sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at iba pa.

Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring

karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t

ibang uri ng media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at

labas ng bansa. Ito rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita na
hindi nararapat na mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan.

Dahilan nga sa kagustuhan ng mga Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang

tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”. Ang pagnanais na makisabay sa kung

ano ang uso at pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ng mga grupo ay nagdudulot

upang mabuo ang mga salita pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop, mga

ginawang bagong terminolohiya sa mga malalalim na salita, tulad ng “beki” na ang ibig

sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”. Mabilis itong kumalat

o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa bansa. Ang

isyung ito ay lubhang makaka-apekto sa kulturang kinagisnan sa oras na hindi natin

gamitin ang sariling wika. Sa pagsilang ng makabagong wika hindi na napagtutuunan

ng pansin ang wikang Filipino halimbawa na lamang ang mga wika sa mga literaturang

Ibong Adarna buong susuriin marahil wala pa sa kalahati ng mga salitang naroon ang

alam natin ang ibig sabihin. Ito ay dahil nasakop na an gating isipin ng makamodernong

salita. Ang isyung ito ay magdudulot ng kalituhan sa ating pagkakalinlanlan sa oras na

ibaon natin ang wikang kinagisnan.

Ang balbal o islang ay pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang

panlansangan. Ito ang mga salitang nabuo o nilikha sa impormal na paraan. Ito rin ang

mga salitang nabuo sa mga pinagsama-sama o pinagdugtong-dugtong na salita na

maaaring maging mahaba o maikli lamang. Erpat at ermat salitang malimit nating

marinig sa tsismisan, sa tahanan at maging sa mga kabataan. Salitang panlansangan

na usong-uso ngayon sa kabataan, kasama-sama ito sa araw-araw na pamumuhay, sa

hapagkainan, sa kwentuhan at maging sa pakikipagtalo sa lansangan. Salitang


panlansangan na kaaya-aya ang tunog sa mga kabataang naninirahan sa mabababang

antas ng lipunan at makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman. Salitang syota,

utol at tropapitz na kaysarap daw pakinggang sa tenga kung kayat pagmulat pa lamang

ng mga mata ay salitang ito agad ang namumutawi sa mga labi. Naaliw nga ang mga

kabataang ito sa salitang panlansangang ng hindi namamalayan ang epekto nito sa

kanilang pag aaral at pamumuhay.

Kapag madalas mong ginamit ang mga salitang ito, asahan mong maging sa

iyong pag-aaral ay nakasabit ito sa iyong likuran parang bag. Ang antas ng lipunan na

lalong nanghihikayatsa mga kabataan na makasanayang bigkasin ng madalas ang mga

salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan ng

sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito (Bautista, 2009).

Ayon naman sa isang pananaliksik, marami nang naisagawang pag-aaral sa

wikang Jejemon at kung paano ito nakakaapekto sa wikang Filipino. Halos lahat ng mga

ito ay may layuning masolusyonan ang mga suliraning hatid ng paggamit ng wikang ito.

Samantala, sinasabi sa Wikipedia, ang wikang Jejemon ay sumikat noong taong

2010. Ang paggamit ng “jejeje” sa text o sa chat ay isang paraan ng paggamit ng

Jejemon ngunit hindi pa ito kilala sa ganyang bansag. Sumikat ang salitang Jejemon,

matapos magkaroon ng isang blog patungkol sa kandidato sa pagkabise-presidente na

si Jejomar Binay kung saan binansagan siyang Jejemon Binay na kandidato ng mga

Jejemon. Ang wikang jejemon ay naangkop sa wikang balbal dahil ang balbal ay ang

wika na nagmula sa kalye at nabubuo ito dahil sa mga tunog na naririnig ng mga tao na

tinatawag na ponema. Ang ponema ay isang makabuluhang tunog at ang morpena


naman ay isang maliit na yunit ng salita. Bukod pa dito ang wikang Jejemon ay hindi

pormal na pagsasalita at tinutukoy bilang labis na paggamit ng numerikong arabiko at

iba pang espesyal na karakter at ang pagpapalit ng posisyon ng nga letra sa isang

salita. Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa

ikapananatili nito at kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang

bansa ay ang susi sa kaunlaran.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya

lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika

at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad na lang ng mga

ginagamit ng mga bakla o “beki” na kadalasan na tinatawag na “beki language”. Marami

ng nadulot na impluwensya ang mga pagbabagong ito lalong-lao na sa mga kabataan.

Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang

kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga.

Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng

mga salita at ang kahalagahan ng pagbibigay importansya at pagtangkilik sa ating

sariling wika; ang wikang Filipino (Quijote, et al., 2016).

Anuman ang mga pagbabago sa wika natin ngayon, ang mahalaga ay

nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao sa ngayon na ipahayag ang kanilang mga

iniisip at nararamdaman upang makagawa ng makabuluhang bagay para sa kanilang

sarili at para sa kapakanan ng nakararami (Endaya, et al., 2015).


Kaugnay na Pag-aaral

Sapagkat ang kasalukuyang pag-aaral na ito ay nakasentro sa pagtuklas

sa mga suliraning kinakaharap ng mga matatandang may edad 60 pataas sa pag-

unawa ng mga bagong salitang nauuso, ang pag-aaral nina Bautista, et al., (2009) na

may pamagat na “Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng mga

Salitang Panlasangan ng Dalawampu’t Limang Kabataang Naninirahan sa Mababang

Antas ng Lipunan” ay kaugnay sa pag-aaral na isinasagawa. Sa pag-aaral nina

Bautista, et al., napag-alaman na ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga

mag-aaral ay ang pagkasanay nitong gamitin ang salitang panlansangan na napupulot

nila sa lipunang kinalakihan. Ang mga salitang ito ay ginagamit rin nila sa pag-aaral na

nagbubunga ng di wastong paggamit ng salita. Halimbawa na lamang ang pagsulat ng

isang komposisyon, ang mga mag-aaral na malimit na ginagamit nitong salita ay

siguradong ang kalalabasan ng isang komposisyon ay may mga salitang tulad ng erpat,

ermat, utol at iba pa. Pinanghahalili nila ang mga ganitong salita kaysa sa tamang

paggamit ng ina at ama na salita.

Isa pang suliranin ay ang paggamit ng salitang ito sa pakikipagtalastasan at

pakikipagkapwa tao. Kung ang mag-aaral ay gumagamit ng salitang panlansangan sa

pakikipag-usap sa isang mataas na opisyal na paaralan ay sigurado na hindi sila

magkakaintindihan sapagkat ang mga salitang ginamit ay kapwa di-pamilyar sa bawat

isa.
Nariyan rin ang madalasang pagtatalo sa iba’t ibang barangay. Ang mga salitang

panlansangan ay ginagamit nila sa pakikipag-away at maging sa pakikipag-asaran sa

kapwa mag-aaral. Halimbawa na lamang ang linyang ito, “hay naku totoy nag-eskapo

ka na naman sa haybol nyo ng hindi pa naggogoli mukha ka tuloy tsimay, gobas ka

talaga” ang linyang ito kapag narinig ay tataas ang dugo at magkakaroon ng salpukan

sa pagitan ng nang-aasar at inaasar. Nagpapatunay lamang ang halimbawang ito na

maaaring sa salitang panlansangan ay makakagawa ka ng mga salitang nagdudulot ng

di kaaya-ayang reaksyon sa kapwa mo na matutuloy sa maduguang pakikipagtalo. Ang

mga salitang malimit na marinig sa mag-aaral ay ang mga gasmati, goli, tsekot,

buwaya, tsimay, praning, ka-kosa, sikyo, gobas, shode lulu at scout royale. Ang paulit-

ulit na suliranin ng mga mag-aaral na ito at laging kumukuliglig sa kanilang mga tenga

ay ang laging pagpuna at pagsita ng mga guro sa mga salitang namumutawi sa

kanilang mga mag-aaral. Maging ang mga gurong ito ay nakakaranas din ng mga

suliranin kung paano lalapatan ng solusyon ang ganitong suliranin ng kanyang mga

estudyante.

Ayon naman kay Querubin sa kanyang pag-aaral na “Ang Panahon ng mga Maka-

MON, Ajejeje”, ayon sa kanya, “Usong-uso ang paggamit ng mga salita o katagang,

“ajejeje”, “3ow f0usz”, “akekeke”, “pagoda lotion na aketch”, at “lafangin na itech”. Kung

sa isang dayuhan, ito ay maiisip na salita ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Ang

mga wikang ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pilipino. Isa rin itong paraan

upang maipakita na buhay ang ating wika at patuloy itong nadaragdagan ng mga

bagong salita. Isa ring daan upang maipahayag ng mga tao, lalo na ang kabataan, kung

ano ang nais nilang ipaabot sa kanilang sariling malikhaing paraan. Minsan, kahit na
nasa isang pulong o klase ang isang estudyante, hindi niya maiiwasang gumamit ng

mga salitang Jejemon o Bekimon. Hindi ito magandang tingnan o pakinggan dahil

naipapakita lamang na mas nabibigyang pansin at mas inaalala ang mga salitang mula

sa –mon language kaysa sa mga salitang mula sa wikang Filipino. Nakakalimutan na ng

mga kabataan na bigyang halaga at respeto ang sarili nating wika.

Isa pa sa kauganay na pag-aaral ay ang Investigative Documentaries ni Malou C.

Mangahas, isang journalist at taga-ulat ng GMA network, na may pamagat na “Jejemon

and the Filipino Language”. Sa dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento

kung maiintindihan nga ba ng mga Filipino ang wikang Jejemon sa pamamagitan ng

pagpapabasa sa mga ito ng isang partikular na mensahe na nakasulat sa wikang

jejemon. Ang iba, partikular na ang matatanda, ay nahirapang basahin ang mensahe

dahil sa sari-saring karakter na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis

naman itong naintindihan ng mga kabataan dahil ayon sa kanila, ang wikang Jejemon

ay uso at pamilyar na sa kanilang henerasyon. Sinubukan din nilang alamin kung kaya

ng mga kabataan ang tamang pagbabaybay sa wikang Jejemon. Dito, nadiskubre

nilang higit na binibigyang pansin ng ibang mga kabataan o mga Jejemon ang pagiging

malikhain sa pagsulat ng mga salita kaysa sa magiging kahulugan nito sa iba. Pinaalala

rin sa dokumentasyong ito na walang masama na sumabay sa uso ngunit may

limitasyon din ito. Mawawalan ng silbi ang kakaibang spelling kung iilan lamang ang

nakakaunawa at nakakalimutan na ang tamang pananalita.

Ayon naman muli sa pag-aaral ni Querubin, malaki ang naging epekto nito sa mga

tao, lalong lalo na sa mga mag-aaral. Masayang gamitin ang mga salitang ito sa text o

sa chat, ngunit kapansin-pansin na kahit sa paraan ng pagsasalita at pagsulat, ay


nadadala ang wikang ito. Kapag kumokopya ng leksyon ang mga estudyante,

gumagamit sila ng mga salitang “h3re” (here), “4yon” (ayon), “s4n” (saan), at marami

pang iba. Ito ay mula sa wikang –mon, na masasabing parte ng kulturang Pilipino,

ngunit mali pagdating sa pormal na pagsusulat at pagbigkas. Sinasabi rin sa kanyang

pag-aaral na nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pilipino ang wikang Jejemon dahil

naipapakita nito na ang ating wika ay buhay at nagbabago. Isa rin itong paraan upang

maihayag ng mga kabataan ang nais nilang iparating ngunit kahit isa itong malikhaing

paraan ng pagpaparating ng mensahe, hindi maikakailang hindi ito pormal at hindi

dapat gamitin sa pormal na mga okasyon. May pagkakataong hindi maiiwasan ng isang

estudyante ang wikang Jejemon. Hindi ito magandang tignan o pakinggan dahil

naipapakita lamang na higitna nabibigyang pansin at higit na inaalala ang mga salitang

mula sa –mon language kaysa sa mga salitang mula sa wikang Filipino. Nakakalimutan

na ng mga kabataan na bigyang halaga at respeto ang sarili nating wika.

Ayon kay Fidel R. Jimenez, isang magsusulat sa GMA News Online, may mga

salitang naibaon na sa limot, may 'di na mauunawaan ng karamihan, may umuusbong,

may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan. Gaya ng mga gamit sa katawan,

sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit nagkakaroon ng mga

pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man

at kahit ano man ang kanilang katayuan. Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at

mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi

maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng

panahon.
Samantala, ang pag-aaral naman nina Quijote, et al., (2016) na may pamagat na

“Ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon” ay kaugnay din sa kasalukuyang pag-

aaral na ito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Quijote, et al., sa paglipas ng

panahon, umuunlad at nagbabago ang Wikang Filipino na kailangan nating tanggapin at

gawin itong benepisyal para sa ekonomiya at sa pagiging Pilipino. Sa pagtapos ng

pananaliksik na isinagawa, masasabing ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit

nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan ang Wikang Filipino sa kasalukuyan.

Masasabing hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang importansya at

kahalagahan ng Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron sila

ay dapat pang lingangin upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang Filipino.

Mahalaga na makita ng mga kabataan ang importansya ng Wikang Filipino sapagkat

sila ang pag-asa ng bayan at ang Wikang Filipino ang isa sa magiging tulay natin upang

mas mapalago ang ekonomiya ng isang bansa.


Mga Sanggunian

Mga Aklat:

Maglaya, et al. (2003). Filipino sa Nagbabagong Panahon. Quezon City: New Day
Publisher

Tanawan, et al., (2004). Sining ng Mabisang Komunikasyon. Bulacan: Trinitas


Publishing,
Inc.

Mga Elektroniko:

Arcega, C.K. (2015, Setyembre 26). Balbal Dito, Balbal Doon, Puro Kabalbalan sa
Wikang Kinagisnan. http://balbalnasalita.blogspot.com/?m=1

Bautista, K. (2009). Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-Aaral sa Paggamit Ng


Salitang Panlansangan ng Dalawampu’t Limang Kabataang Naninirahan sa
Mababang Antas ng Lipunan.
http://annalea-elava.blogspot.com/2009/03/thesis
in-filipino.html?m=1

Butac, M. Jr., (2017). Pag-aaral ng Wikang Jejemon. http://www.academia.edu/31101


833/ISANG_PANANALIKSIK_PAG-AARAL_NG_WIKANG_JEJEMON_ISANG_
REKWARYMENT_SA_PAGBASA_AT_PA101833/ISANG_PANANALIKSIK_
PAG-AAR GSUSURI_NG_IBAT-
IBANG_TEKSTO_TUNGO_SA_PANANALIKSIK
Gonzales, D. J. (2016). Mga Statistics at Pananaliksik Tungkol sa Iba’t Ibang Isyu ng
Wikang Jejemon. https://wikangjejemon.wordpress.com/page/2/

Jimenez, F. (2014). Ang Pagsabay sa Uso ng Wikang Filipino. www.gmanetwork.com


/news/story/376707/news/ulatfilipino/ang-pagsabay-sa-uso-ng-wikang-filipino
#sthash.Wi5iVHlv.dpuf

Quijote, et al. (2016). Ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon.


www.google.com.ph
amp/s/vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-filipino-sa
makabagong
-panahon-isang-pananaliksik/amp/

You might also like