Fil Week 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Name:Krisha Diane B.

Gatoc Subject:Filipino
Section:STE 10 B QURRA WEEK 2

GAWIN I: Palalimin mo.

Panuto: Isulat ang Oo kung may kaugnayan ang pangungusap sa kabanata at Hindi
kung walang
kaugnayan sa aralin. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
OO 1. Pinagtawanan si Basilio ng mga guro at kamag-aral dahil sira-sira ang kanyang
mga isinusuot.
OO2. Naisip ni Basilio na mamasukan bilang katulong upang makapag-aral.
OO 3. Lagi pa ring bumabalik sa isipan ni Basilio ang nangyari sa kanyang ina kahit
labintatlong taon na ang nakalilipas.
HINDI 4. Si Basilio ay huminto sa tapat ng simbahan at inalis ang kanyang sombrero
at nagdasal.
HINDI5. Nangagising ang mga tao dahil sa paghuhukay na ginawa ni Basilio.
OO6. Kaagad na nakabili ng sapatos at sombrerong piyelto si Basilio nang
siya ay binayaran ng malaki-laki sa pagtistis.
OO7. Nagbago ang kapalaran ni Basilio nang magsimula siya sa ikatlong taon ng pag-
aaral.
HINDI 8. Dahil sa kasipagan sa pag-aaral ni Basilio ay hinimok siya ng mga guro na
lumipat sa Ateneo.
HINDI9. Sa simula pa lamang nais na ni Kapitan Tiyago na pag-aralin si Basilio
ng medisina para makakuha ng lason para sa tari ng manok.
OO10. Naatasan si Basilio na magtalumpati sa araw ng kanilang pagtatapos.

Gawain II: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matalinhangang salita na nakasalungguhit na


ginamit sa nobela sa
pamamagitan ng halimbawang ibinigay. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Ang tunog ng batingaw ay naghuhudyat ng iba’t ibang kahulugan.
-Ang tunog ng gong ay nagbibigay ng pahintulot na magsimula na sa gawain

2. Hinimok ni Kapitan Tiyago si Basilio na lumipat sa Ateneo.


-Hinikayat ni Kapitan Tiyago si Basilio n alumipat ng paaralan sa Ateneo

3.Nakarating si Basilio sa Maynila na may sakit at gula-gulanit ang damit.


-Si Basilio ay nakarating sa Maynila na may sakit at sira sirang damit

4. Naging disente ang hitsura ni Basilio nang ibili siya ni Kapitan Tiyago ng
sapatos at piyeltrong sombrero.
-Naging maayos ang hitsura ni Basilio nang ibili siya ni Kapitan Tiyago ng sapatos at
sombrero na gawa sa fabric
5. Si Basilio ay hinirang na magtalumpati sa araw ng kanilang pagtatapos.
-Si Basilio ay napili na maghatid ng talumpati sa araw ng kanilang pagtatapos.

Gawain III: Pag-ugnayin mo!

Panuto: Isulat sa loob ng tsart ang pagkakaugnay sa uri ng edukasyon


ngayong kasalukuyan sa edukasyon noong panahon ni Rizal sa pamamagitan ng
panonood ng video
Uri ng Edukasyon Ngayon

-Pari ang nagtuturo dahil sila ang nagmamay ari ng paaralan at sila ay
malulupit.Mga mayayaman lang at may kaya ang mga nakakapag aral at ibang iba
ang trato ng mga prayle sa mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga
Espanyol.Inaapi ng mga Pilipino ng studyante pat narin ang mga guro.

Uri ng Edukasyon noong Panahon ni Rizal


-Ang mga studyante ngayon ay mayroon ng pagkapantay pantay at lahat ay mayroon
nang karapatang makapag aral mayaman kaman o hindi.

PERFORMANCE TASKS: A.Pagsulat

Panuto: Sumulat ng maikling pagbubuod tungkol sa naging buhay ni Basilio bilang


isang mag-aaral. (5 puntos)
-Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o “narito” ang
kaniyang nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan.
Gayunman, walang nakapigil kay Basilio na mag-aral.

Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit


nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro.

Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng laban sa sable at baston.


Naging sobresaliente din siya o may may pinakamataas na marka.

Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral sa Ateneo Municipal kung saan siya
kumuha ng medisina.

B. Sagutin mo
Panuto: Sagutin mo at ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa
iyong sagutang papel ang iyong sagot. (5 puntos bawat bilang)
1. Magtala ng mga suliranin panlipunan na nakita sa kabanatang tinalakay at bigyang
patunay ito.
-Isa sa suliranin na aking napansin ay ang panunukso ng mga bata kay Basilio. Ito
ay isa sa suliranin na naayon sa reyalidad. Marami ang nakakaranas nito sa
pamamagitan ng pagkukutya, panunukso, at pagbato ng mga masasamang salita at
isa ito sa naranasan ni Basilio.

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na isulat ang magiging wakas ng nobela.


Paano mo ito wawakasan?
-Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon upang wakasan ito ay aking wawakasan ito
sa pamamagitann ng pagiging matagumpay na magtatapos sa kursong medisina.
Wawakasan ko ito sa pangyayaring si Basilio ay magiging isang Doktor at
mangkakaroon ng masayang pamilya.

You might also like