Panghalip Lesson

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang 

panghalip ay ang salitang pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa


parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay
nangangahulugang "panghalili" o "pamalit". 

Ang panghalip ay may limang (5) uri:

1. Panghalip Panao

Ang panghalip na panao (personal pronoun). Ito ay panghalili


o pamalit sa ngalan ng tao. Maaari itong gamitin bilang
simuno at tagaganap.
Ito ay maaring isahan or maramihan.

Isahan: ikaw, siya, ako


Maramihan: Sila, sina, kayo, tayo, kami

2. Panghalip na Paari
Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.

Isahan: akin, iyo, kanya


Maramiha, kanila, atin, amin, inyo

3. Panghalip na Pananong 

Ang panghalip pananong ay ang tinatawag na interrogative pronoun sa Ingles or


English. Ito ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. 

Mga Halimbawa:
Tao: sino
Bagay: ano
Bilang: ilan
Halaga: Magkano
Bagay na Pipiliin: Alin
Sukat: Gaano
Pag-mamayari: Kanino

4.Panghalip Panaklaw

Ito ay ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay ginagamit na pamalit sa


mga salitang sumasaklaw or nagpapahiwating ng pagsakop.

Halimbawa: Lahat, madla, sinuman, aliman

5. Panghalip Pamatlig

Ito ay ginagamit sa mga bagay na itinuturo.

Halimbawa:
Ito, ayun, dito, doon, ganyan, ganoon, dyan

You might also like