Professional Documents
Culture Documents
Macaalin Filipino 10 Gawain 24 Week 4
Macaalin Filipino 10 Gawain 24 Week 4
Basahin at unawain ang Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta. Suriin ito gamit ang talahanayan sa
ibaba bilang iyong gabay sa pagsusuri.
KABANATA 1
SA IBABAW NG KUBYERTA
https://www.facebook.com/207414499807766/posts/kabanata-1sa-ibabaw-ng-kubyertael-
filibusterismoisang-umaga-ng-buwan-ng-disyembr/207925466423336/
Isang umaga ng buwan ng Disyembre, ang Bapor Tabo na naghahatid ng maraming manlalakbay
na patungo sa lalawigan ng Laguna ay hirap na hirap sa pagsalunga sa malakas na agos ng Ilog
Pasig.
Ang bapor na ito ay mabigat at pabilog na parang tabo na pinaghanguan ng pangalan nito. Lulan
sa kubyerta nito sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kapitan
Heneral at Simoun.
Naging mainit ang pagtatalo nang magawi ang pag-uusap tungkol sa pagpapailalim ng ilog Pasig
upang malutas ang suliranin sa paglalakbay. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik.
Pumasok sa kainitan ng pagtatalo ang mag-aalahas na si Simoun na kilalang tagapayo ng Kapitan
Heneral at nagsabi na ang suliranin tungkol sa mga lawang hindi matino ay napakadali. Aniya,
gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Manila.
Labis na nagulat ang mga kausap ni Simoun sa kanyang mga tinuturan, subalit patuloy na nakikinig
ang mga ito sa kanyang mga mungkahi. Lalo pang namangha ang mga kausap ni Simoun nang
iminungkahi niyang huwag bayaran ang mga manggagawa at mas makabubuting ang mga bilanggo
at mga bihag ang gagawa ng trabaho. Ipinagpatuloy pa niya na kung mamarapatin, maging ang
mga matatanda at mga bata ay pagtrabahuin din. Hayaan daw na magdala ng kanya-kanyang
pagkain at kagamitan ang mga manggagawa. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari.
Ayon sa ibang sakay, siguradong mag-aalsa ang mga tao kung ganito ang mangyayari. Napunta ang
mainit na usapin sa mga pato na inaalagaan sa Pateros at Pasig at naging punto ng pag-uusap ang
kinakain ng mga ito.
Nang marinig ito ni Donya Victorina, paismid at palamya siyang nagsalita na kung ang lahat ay
gugugol ng panahon sa pag-aalaga ng mga pato ay siguradong dadami ang balot na labis niyang
inaayawan at pinandidirihan.
Mga Tanong at Sagot
Tugon
e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap.
Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church
and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga
suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang makina
na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano
at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang
ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng
pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.)
PUNTOS PAMANTAYAN
4 Kompleto, wasto at naipaliwanag nang mabuti ang mga kasagutan.