Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SURIGAO CITY PILOT SCHOOL

Surigao City
School ID: 132272
SUMMATIVE TEST
EsP 6 #3

PANUTO: Ingatan nang mabuti ang papel na ito. Huwag ninyo itong sulatan at kusutin . Isulat sa inyong lagumang
pagsusulit na kuwaderno (summative test notebook) ang inyong mga sagot.
I. Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Nabasa mo mula sa isang Facebook post ng iyong kapitbahay na isinailalim daw sa General Community
Quarantine (GCQ) ang inyong lugar. Dapat mo bang paniwalaan kaagad ito?
a. Oo, dahil lahat nang balita ay tama
b. Oo, dahil nurse ang kapitbahay mo
c. Hindi, dahil dapat na magsaliksik ka muna
d. Hindi, dahil lahat ng makikita sa Facebook ay fake news

2. May isang taong hindi mo kilala ang nagpalaboy-laboy sa inyong lugar at nagsusumigaw na may parating
daw na lindol sa isang malapit na bayan na kung saan nandoon ngayon ang iyong mga magulang. Ano ang
gagawin mo?
a. Puntahan kaagad ang mga magulang upang silay mailigtas.
b. Ipapabugbog ang di kilalang tao dahil nagpapakalat ito ng fake news.
c. Hindi papansinin ang kaniyang sinabi kasi wala namang makakahula ng paparating na lindol.
d. Ipo-post sa facebook ang sinabi ng di kilalang tao upang mabigyan ng babala ang maraming tao lalong-
lalo na ang iyong mga magulang.

3. Nag-away kayo ng bunso mong kapatid. Dahil sa init ng pagtatalo ay nasabi niya na ampon ka lang daw ng
mga magulang nyo. Ano ang gagawin mo?
a. Aalis ng bahay at makikitira sa ibang kamag-anak.
b. Hahanapin at ipapakita sa kapatid ang iyong birth certificate.
c. Iisipin na nasabi lang ito ng iyong kapatid dahil sa galit niya sa iyo.
d. Aawayin ang mga magulang dahil sa paglihim nila sa pagkatao mo.

4. Narinig mo mula sa iyong katabi na may kaklase raw kayo na nagsabing kinokopya mo lang daw ang
kanyang mga sagot kaya nakapasa ka sa una ninyong pasulit. Alam mong hindi naman ito totoo. Ano ang
gagawin mo?
a. Sisigawan ang nasabing kaklase at pagmumurahin.
b. Magmakaawa sa iyong kaklase na babawiin niya ang kaniyang sinabi.
c. Isumbong sa iyong tigasing kuya ang ginawa niyang pagbebentang sa iyo.
d. Huwag pansinin ang sinasabi niya alam mo namang walang katotohanan ang kaniyang mga paratang.

5. Nakatanggap ka ng text mula umano sa isa sa mga malaking kompanya ng bansa. Bibigyan ka raw ng
sampung libong peso dahil nais ng kompanya na mamahagi ng kanilang kita sa mga mamamayan lalo na
ngayon na may pandemya. Upang matanggap ang pera ay kailangan mo lang daw mag-register at
magpadala ng dalawang daan sa isang bank account para daw ma-proseso nila ang iyong pera. Ano ang
gagawin mo?
a. Hindi papansinin ang nasabing text.
b. Palihim na magpadala ng pera mula sa iyong ipon.
c. Mangutang ng dalawang daan upang makapag-register.
d. Manghingi ng pera sa mga magulang ngunit hindi sasabihin kung saan ito gagamitin.

6. Alin dito ang may parehong kahulugan ng impormasyon?


a. balita b. kaalaman c. pamamaraan d. patalastas

7. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa mga halimbawa ng impormasyon?


a. anunsyo b. cellphone c. radyo d. telebisyon

8. Ano ang pinakamalalim na dahilan kung bakit mahalaga para sa isang tao ang magkaroon ng sapat na
impormasyon?
a. Upang makasagot sa mga tanong ng guro.
b. Para hindi iisipin ng iba na ikaw ay isang mangmang.
c. Ito ay nakakaimpluwensiya sa paghubog ng ating pagkatao.
d. Maipapakita sa iba na ikaw ay nakapag-aral at marami nang alam.
9. Ano ang kinakailangan mong matutunan sa panahon ngayon kung kailan naging mas madali na para sa
isang batang tulad mo ang pag-access sa internet?
a. Pangangalaga sa sarili laban sa maling impormasyon.
b. Pagpapakalat ng balita kahit na hindi pa napatotohanan ito.
c. Pagpo-post ng mga maselang impormasyon sa social media.
d. Pakikipag-chat nang madalas sa mga taong nakilala lamang sa Facebook.

10. Sa iyong pakikipag-text, nakakilala ka ng isang kaibigan. Hindi nagtagal, naging malapit na kayo sa isa’t isa.
Isang araw, humingi ang iyong textmate ng tulong sa iyo dahil ninakaw daw ang kaniyang mga gamit pati
na rin ang kanyang wallet. Kaya kung maaari daw ay padalhan mo siya ng limandaang peso kahit alam
naman niya na wala ka pang trabaho. Nagkataon naman na may sapat kang pera na nalikom sa iyong
alkansiya. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi muna iti-text ang kaibigan dahil ayaw mong magbigay.
b. Manghingi ng pera sa magulang upang ipadala sa kaibigan.
c. Padalhan ng sariling pera ang kaibigan dahil kailangan niya ito.
d. Tapatin ang textmate na kahit malapit na kayo sa isa’t isa, mayroon pa ring limitasyon ang inyong
pagkakaibigan.
11. Narinig mong nagsisinungaling ang kapwa mag-aaral sa inyong guro. Alin ang dapat mong gawin?
a. Magbingibingihan ka c. Maglalaro ka lang
b. Magsabi ka ng totoo d. Makipag-away ka
12. Ibinahagi ng mga kawani na nasa hanay ng departamentong pangkalusugan ang tamang impormasyon
tungkol sa COVID-19. Ito ba may katotohanan?1
a. Oo b. Wala c. Hindi d. Iwan
13. Ibinahagi ni Mang Ambo ang kaalaman sa tamang pagsasaka sa kanyang mga kapwa magsasaka. Sino ang
makikinabang sa impormasyong ito?
a. Ang mga mangingisda. c. Ang mga mangangahoy
b. Ang mga magsasaka d. Ang mga mag-aalaga ng hayop
14. Kulang ang impormasyong ibinahagi ng nag-uulat sa radyo. Sino ang may
pananagutan sa ulat?
a. Ang mga nakikinig c. Ang mga magnanakaw
b. Ang taga-ulat d. Ang National Telecommunication
15. Nag-anunsyo ang Kalihim ng Edukasyon na si Leonor Magtulis Briones sa muling pagbubukas ng klase sa
darating ng Ika-24 ng Agosto, 2020. Dapat ba tayong maniwala sa anunsyo?
a. Oo, dahil siya ay magulang natin.
b. Oo, dahil siya ay isang lolang guro.
c. Oo, dahil siya ang punong-guro natin.
d. Oo, dahil siya ang Kilihim sa Kagawaran ng Edukasyon.
16. Paano at para saan mo gagamitin ang impormasyong iyong narinig?
a. para sa mga kalaban sa paaralan
b. para sa pakikisalamuha sa kapwa tao.
c. para sa katahimikan ng buong bayan
d. para sa pagbigay ng wastong pagpapasya
17. Bakit mahalagang tingnan natin ang maging kahihinatnan o bunga ng isang bagay bago tayo
gumawa ng pasya?
a. para mawalan ng desisyon c. para matagalan ang pagdedesisyon
b. para magkalayo ang desisyon d. para maibigay ang tamang desisyon
18. Paano ka bilang mag-aaral gumawa ng isang pagpapasya?
a. sa pamamagitan ng isang pagkakamali
b. sa pamamagitan ng pagpasya sa ibang tao
c. sa pamamagitan ng pagsawalang bahala sa lahat.
d. sa pamamagitan ng pagpasya sa ikabubuti ng lahat
19. Bakit kailangan ang wastong pagpapasya?
a. upang magkaroon ng mabuting resulta
b. upang magkaroon ng usapan ang mga tao
c. upang magkaroon ng babasahin ang mga tao
d. upang magkaroon ng tsikahan ang mga kababaihan
20. Paano ka magdesisyon kapag ikaw ang magpasya?
a. pag-isipan ng mabuti c. pabayaan lang ang usapan
b. pag-usapan sa susunod d. paglaruan ang desiyon ng iba

You might also like