DXMT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DXMT

Scriptwriting and Broadcasting

Anchor 1: 
Anchor 2:
News Presenter:
Field Reporter:
Sports Reporter:
Showbiz Reporter:
Scriptwriter:
Technical Application:
Infomercial:

Station ID 
Walang takot na pagpapahayag. Boses ang katotohanan. Balitang balanse at tapat ang
hatid sa inyo. Bumabanderang mga balita. Kakampi ng sambayanan. DXMT .. Radyo ng
masa. 

1. Anchor 1: Ito ang numero unong radyo ng masang Pilipino.


2. Anchor 2: Balitang tapat ang hatid sa inyo.  
3. Both: DXMT! Siyete Cinco Onse (75.11)
4. Anchor 1: Sentro ng katotohanan, 
5. Anchor 2: At mga balitang dapat niyong malaman.
6. Anchor (Boy): Dito lang sa DXMT!
(SFX)
7. Anchor 1: Magandang umaga Lungsod ng Tagum. Ito ang inyong lingkod na si (name) 
7. Anchor 2:  At ako naman si (name)
7. Anchor (Girl): At kayo’y nakikinig sa Radyo Express Balita (fx). Tutukan ang
pamamayagpag ng malayang pamamahayag. Punto-puntong susuriin ang
impormasyong layuning makapagpabago Radyo Express Balita (fx)
__________________
10. Voice: Para sa ulo ng mga tampok at pinag-uusapang balita.
(SFX)
11. Anchor 1: Apatnapu’t isang indibidwal ang tiklo sa cybersex activity.
(SFX)
12. Anchor 2: Trader na nagwala at nadakip matapos ang 2 oras na habulan, isasalang sa
drug test.
(SFX)
13. Anchor 1: Pinoy na makakasungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics, mag-uuwi
ng P30M (Trenta milyong piso).

(SFX)  
14. Anchor 1: Una sa balita. 
Nahuli ng Philippine National Police ang tatlong dosenang suspek sa iba't ibang
lugar sa Metro Manila matapos malaman ang iligal na gawain sa iilang
establisyemento. At para sa detalye nakatutok si (name sa anchor)

(SFX)
15. Anchor 3: Ang modus operandi ng mga suspek ay ang pagtatago ng cybersex activities
sa mga pekeng call center representatives sa mga lugar sa Paso de Blas, Valenzuela
City, Lipa City, Batangas at Sto. Tomas, Batangas. Namba-block ang mga suspek ng
biktima sa online registration matapos makakuha ng hindi bababa sa limampung dolyar.
Ayon sa hepe ng PNP, nakuha nila ang impormasyon mula sa isang concerned citizen
sa pamamagitan ng Enhanced, Anti-Cybercrime Campaign, Education, Safety and
Security or E-ACCESS. (name sa anchor) nagbabalita.
(SFX)
16. Anchor 2: Sa ibang balita, isang trader na hindi nagbayad ng hotel bills, isasailalim sa
drug test. Para sa karagdagang detalye live mula sa Quezon City, Police District si
(name of anchor)
(SFX)
17. Anchor 4: Nag check-out ang suspek na si Arvin Chua Tan sa isang hotel ngunit
tumanggi itong magbayad kaya napilitan ang mga tauhan na tumawag ng pulis.
Tumakas ang suspek gamit ang kanyang itim na BMW at  naaresto ng mga pulis
matapos ang halos dalawang oras na habulan na nagsimula sa Quezon City hanggang
Maynila, matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa loob ng kanyang sasakyan.
Patung-patong na kaso ang kinakaharap nito at ayon kay General Antonio Yarra, ang
suspek na si Arvin Chua Tan ay posibleng maharap din sa kasong paglabag sa Republic
Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ito (name sa anchor)
nagbabalita.
(SFX)
18. Anchor 1: Samantala cash incentive na P30 milyon, matatanggap ng Pinoy athlete na
kokopo sa kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games. Para sa detalye
narito si (name sa reporter).
(SFX)
19. Anchor 5: Inihayag ng Philippine Olympic Committee ang pangakong bonus na ibibigay
ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) sa mga atletang kokolekta ng Olympic
medal sa Tokyo, Japan. Bonus na P10 milyon ang ibibigay ng SMC para sa Olympic
gold medal, P5 milyon para sa silver at P2 milyon para sa bronze. Ang nasabing mga
bonus mula kina Pangilinan at Ang ay bukod pa sa parehong cash incentives na
nakasaad sa Republic Act 10699 o Expanded Athletes Incentives Act. Ibig sabihin,
kabuuang cash incentives na P30 milyon ang makakamit ng Olympic gold medalist, P15
milyon para sa silver at P6 milyon para sa bronze. (name sa reporter) Nagbabalita.
(SFX)
20. Anchor 1: Maraming salamat (name sa anchor) At kami po ay magbabalik sa loob
lamang ng ilang segundo
(SFX)

Infomercial         

21. Person 1: May bot! Nasa rooftop barilin nyo bilis! … Aray ang sakit ng mata ko! 
21. Person 2: Ayan, cellphone ka kasi ng cellphone. Nakapag parehistro ka na ba?
21. Person 1: Hindi pa
21. Persona 3: Obligasyon mo, karapatan mo. Pagbabago ay isulong. Magparehistro upang
makaboto. Nasa kamay mo ang kapalaran ng bansa at mga Pilipino. Maaaring
magparehistro hanggang Setyembre 30, 2021. Isang paalalang hatid sa inyo ng
Commission on Elections at ng himpilang ito.

--- name sa program ---- oras:  


(SFX) 

25. Anchor 2: Sa ibang balita naman, Olivia Rodrigo, pantapat sa Korean superstars. Anong
chika mo diyan (name of reporter)?
(SFX)
26. Anchor 6: Sikat ngayon si Olivia Rodrigo, isang Fil-Am singer na umingay dahil sa kanta
niyang Drivers License. In demand ngayon sa atin ang mga Korean superstar as
endorser, pati na rin ang may dugong Pinoy na pop superstar ang status sa America.
Nabalitaan ang kanyang pagbisita ng singer sa White House para makipag meeting kay
US President Joe Biden at US Covid-19 Medical Adviser Anthony Fauci upang hikayatin
ang mga kabataang amerikano na magpabakuna. Dagdag pa rito ang pagpapalabas ng
video ni Olivia upang hikayatin ang kabataan sa halaga ng pagpapabakuna at sasagot
sa mga tanong kung bakit kailangan magpabakuna. Nagpasalamat naman si US
President sa pagpunta ni Olivia sa White House.  (name sa anchor) para sa balitang
showbiz
(SFX)

Closing Spiel
Mula sa buong pwersa ng DXMT,  Sumain niyo ang mga balitang nakalap sa mas pinaigting na
pagbabantay. Syete bente kuwatrong sinusubaybayan ang mga pangyayaring bitbit ang
katotohanan sa buong kapuluan. Malayang mag-ulat. Nais magmulat. Ito ang DXMT, radyo ng
masa. Muli ito po ang inyong lingkod...
Anchor 1: Ako si 
Anchor 2: At ako naman si …
Anchor 1:  Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. 
Anchor 1 & 2: Magandang araw!

You might also like