Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Maria Leny P.

Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

GLOSARYO

abaloryo-maliliit at bilugang Kristal na maaaring gawing palamuti gaya ng kwintas

Abu Bakr-Muslim na nagtatag ng unang sultanato sa Sulu at bumalangkas sa Diwan


—ang kodigo ng batas sa Sulu na yon sa batas ng Qur’an

alcalde-mayor-namumuno sa pamahalaang lokal ng isang napayapang lalawigan

alcaldia-tumutukoy sa napayapang lalawigan

aliping namamahay-aliping Tagalog ba nakatira sa sariling bahay

aliping saguiguilid-aliping Tagalog na naninirahan sa tahanan ng datu at


dumudulog kailanman nainisin nito

anemometer-gamit sa pagsukat ng bilis ng hangin

animismo-paniniwala na lahat ng bagay sa kalikasan ay tirahan ng mga espiritu ng


mga ninuno

Antarctic Circle-pinakadulong bahagi ng mundo na naaabot ng pahilis na sinag ng


araw sa timog

Arctic Circle-pinakadulong bahagi ng mundo na naaabot ng pahilis na sinag ng


araw sa hilaga

atmospheric pressure-ang pwersa (pressure ng bigat ng hangin sa himpapawid)

Austronesian-kultural na ninuno ng mga Filipino

awit-tulang nagsasalaysay ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng isang


kabalyero

axis-likhang guhit na tumatagos mula sa Hilagang Polo patungong Timog Polo

ayeg-klu-isang mahabang bersong pang-harana ng mga Igorot

ayuey-pinakamababang uri ng oripun na nanilbihan kailanman naisin ng datu

ayuntamineto-tinatawag ding konseho; binubuo ng 12 regidores o konsehal; ang


pamunuan ng isang ciudad kasama ng escribano at alguacil-mayor

babaylan-katawagan sa Bisaya ng mga babaeng naguna sa mga panrelihiyong


rituwal sa sinaunang lipunang Filipino

bahag-piraso ng telang nakabalot sa baywang at may habang hanggang hita

bahay na bato-tawag sa ipnakilalang estruktura ng tahanan ng mga Espanyol, gawa


ang unang palapag nito sa bato at ang ikalawang palapag naman ay gawa sa matigas
na kahoy

Banco Espaňol Filipino de Isabel II-pinakamatandang bangko hindi lamang sa


Pilipinas kundi maging sa buong Timog-silangang Asya
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

bandala-ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng ani ng


mga magsasaka sa mababang halaga

barangay-ang pinakamaliit nay unit ng pamahalaang lokal

barter-sinaunang sistema ng pakikipagkalakalan na ginagawa sa pamamagitan ng


pagpapalitan at pagtutumbasan ng mga produkto

baybayin-tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Filipino; maaaring tumukoy din sa


bahagi ng lupa na malapit sa nayong tubig

bisinal-paraan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang bansa batay sa kalupaang


nakapalibot ditto

boleta-ang tiket na nagbibigya-karapatan sa mga mangangalakal na makilahok sa


kalakalang galyon

cabeza de barangay-pinuno ng isang barangay noong panahon ng kolonyalismong


Espanyol

Cadiz Constitution-ang kauna-unahang nasusulat at pinaka-liberal na saligang


batas ng Spain

Cariňosa-isang sayaw ng panunuyo o panliligaw kung saan ang babae ay animo ay


nahihiyang magpakita ng damdamin sa lalaki at itnatago ang mukha gamit ang
panyo o pamaypay; ang pambansang sayaw ng Pilipinas

carroza-sasakyan ng mga imahe ng santo tuwing prusisyon

cedula personal-isang maliit na papel na katumbas ng pagkakakilanlan bilang


mamamayan ng isang lalawigan

ciudad-mga pueblo na binubuo ng malalaking populasyon at pinangngasiwaan ng


ayuntamiento sa pamumuno ng alcalde

cofradia-mga samahang panrelihyon na namamahala sa Obras Pias

comandancia-pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang


masigurong magiging mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod sa mga
patakarang Espanyol ang mga nakatira dito

compass-isang instrumentong ginagamit upang tukuyin ang mga direksiyon at may


magnetic na karayom na laging nakaturo sa hilaga

compass rose-simbolo na makikita sa mapa na nagpapakita ng mga pangunahin at


pangalwang direksiyon batay sa compass

conquistador-sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapatupad at


pagpapalaganap ng kolonyalismo

corregidor-namumuno sa corregimiento

corregimiento-yunit-politikal ng pamahalaang panlalawigan na tumutukoy sa mga


hindi pa napayapang military zone

corrido-isang tulang may temang panrelihiyon


Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

crust-pinaka-ibabaw na bahagi ng daigdig na katatagpuan ng mga kalupaan

cumplase-karapatan ng gobernador-heneral na suspindihin ang ipinag-utos ng hari


at Council of the Indies batay sa pangangailangan ng nasasakupan nito

dallot-isang mahabang berso na binibigkas nang paawit

datu-buhat sa salitang Malay na dato o datuk na nagangahulugang “marangal na


tao” o “may dugong-mahal”

Doctrina Christiana-isang aklat ng mga dasal;unang nalimbag na aklat sa Pilipinas

donativo de Zamboanga-buwis na binayaran ng mga naninirahan sa may pampang


ng kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdepensa ng mga lalawigan dito mula sa
banta ng mga Muslim;tinatawag ding samboangan

encomendero-namumuno ng pamamahala sa isang encomienda;binigyan ng


karapatang maningil ng buwis sa mga mamamayang sakop ng encomienda

encomienda-teritoryong ipinagkatiwala ng Hari ng Spain sa mga conquistador bilang


pabuya o gantimpala sa pagtulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo

equator-likhang-isip na guhit na matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo at


humahati sa mundo sa hilagang-hating globo at timog-hating globo

estanco-monopolyo sa tabako sa lalawigan

fale-uri ng tahanan ng mga katutubong naninirahan sa hilagang bahagi ng Pilipinas,


partikular sa Cordillera; may isang malaking silid na mistulang hugis-globo ang loob

falla-buwis na binayaran ng kalalakihan upang maligtas sila mula sa sapilitang


paggawa

falua-siningil sa mga taga-Camarines Sur, Cebu, Misamis at karatig na mga


lalawigan bilang tulong sa pagdepensa sa bantang pananalakay ng mga Muslim sa
kanilang lalawigan;katumbas ng vinta

Ferrocaril de Manila-kauna-unahang riles sa bansa; tinatawag ding Manila-


Dagupan Railway

galyon-sasakyang pandagat na ginamit ng pamahalaang Espanyol upang


makipagkalakalan

ganbanes-uri ng gintong pulseras na isinusuot ng mga sinaunang Filipino sa


kanilang mga braso at binti

gangsa-uri ng tansong gong na ginagamit pa rin ng mga katutubong taga-Cordillera

globo-ang modelo o representasyon ng mundo


Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

gobernador-heneral-kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas;commander-in-chief


ng hukbong sandatahan at hukbong pandagat, pangulo ng Royal Audiencia at vice-
royal patron

gobernadorcillo-namumuno sa pueblo;tagapagtaguyod ng mga adminsitratibong


gawain sa mga pueblo

grid-kuwadradong espasyo sa globo na nabubuo sa pamamagitan ng pagtatagpo ng


mga parallel at meridian

hacienda-lupang gantimpala ng pamahlaaang Espanyol sa mga prayle dahil sa


pagpapalawak nila ng reduccion at pagpapalaganap ng Kristiyanismo

hangin-ang paggalaw ng ere na mararamdaman sa ibabaw ng lupa ng daigdig

hanging amihan-hanging malamig at tuyo na umiihip mula sa hilang-


silangan;tinatawag ding northeast monsoon

hanging habagat-hanging nagdadala ng malakas na pag-ulan at umiihip mula sa


timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas at umiihip sa buong Asya;tinatawag ding
southwest monsoon

hanging silangan-hanging umiihip mula sa hilagang-silangan o silangan matapos


bagtasin ang Pacific Ocean;tinatawag ding trade winds

harana-uri ng kundiman o awit ng pagsinta na inaawit sa harap ng tahanan ng


dalagang nililigawan

heograpiya-pag-aaral ng pisikal na daigdig at atmospera nito

humidity-ang dami ng alimuom o singaw ng tubig sa ere o himpapawid

jihad-banal na digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang


kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay

ilustrado-mga Filipinong mula sa panggitnang uri na nakakamit ng edukasyong


Kanluranin;dahil dito, sila ay tinaguriang naliwanagan dulot ng pag-aaral sa Maynila
o sa Europe

indulto de comercio-kapangyarihang makipagkalakalan na ibinibigay sa alcalde-


mayor

inquilino-mga mestizong kadalasan ay Tsino na nangungupahan sa mga lupang


pagmamay-ari ng mga prayle

inquilinato-lupang hinati mula sa hacienda na pagmamay-ari ng mga prayle at


pinaupahan sa mga mestizo

insular-ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa isang kapuluan


gaya ng Pilipinas

insulares-mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas


Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

International Date Line-likhang-isip na guhit na naghahati sa mundo sa


magkaibang araw

iskala-bahagi ng mapa na nagpapakita ng ugnayan ng sukat at distansiya sa mapa


at ang katumbas nitong sukat at distansiya sa mundo

iskalang fractional-tumutukoy sa ratio o tumbasan;nangangahulugang ang bawat


yunit ng panukat sa mapa ay may katumbas na bilang ng yunit sa ibabaw ng
mundo;maipapakita sa paggamit ng numerical ratio

iskalang grapik-grapikong sukatan na katulad ng ruler na nakaguhit sa mapa

iskalang verbal-pasalitang pagpapaliwanag sa ugnayan ng yunit na panukat sa


mapa at yunit ng panukat sa aktuwal na mundo

Islam-relihiyong may paniniwala sa iisang diyos na tinatawag na Allah

kahalumigmigan-ang dami ng alimuom o singaw ng tubig sa ere o


himpapawid;humidity

kalakalang galyon-tinatawag ding Kalakalang Maynila-Acapulco;kalakalang


pinangasiwaan ng Espanya gamit ang mga barkong pangkalakalan na galyon

kanggan-damit-pantaas ng mga sinaunang kalalakihang Filipino

kasong sibil-tumutukoy sa alitan sa pagitan ng mga indibiduwal, samahan, o sa


pagitan ng dalawa, kung saan pinagkalooban ng bayad-pinasala ang biktima

katalonan-katawagan sa Tagalog ng mga babaeng nangunguna sa mga


panrelihiyong rituwal sa sinaunang lipunang Filipino

kaulapan-ito ay nakikitang kumpulan ng likidong patak o mga yelong kristal na


nananatili sa himpapawid

klima-kainamang kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang panahon

komedya-dulang tungkol sa tunggalian ng mga Kristiyano at Muslim;kinilala bilang


moro-moro matapos ipangalan sa mga Muslim na tinawag noon na moro o moor

La Ilustracion-tumutukoy sa Enlightenment na umusbong sa mga bansa sa Europe;


isang kilusang intelektuwal na umunlad sa Europe noong ika-18 siglo bunga ng
pagtatangkang kumawala sa umiiral na kaisipan noong Middle Age

ladino-mga Filipinong tagapagsalin ng mga aklat at iba pang babasahin sa wikang


katutubo at Spanish;sila ang mga unang manunulat sa wikang Spanish

ladrones-nangangahulugang “magnanakaw”, isa sa mga pangalang itinawag ng mga


Espanyol sa mga katutubong tumangging sumailalim sa Kristiyanismo

latitude-ang angular na distansiya pahilaga o patimog mula sa equator

longitude-tumutukoy sa pahabang likhang-guhit sa globo na nakaguhit mula hilaga


patimog at paikot sa globo
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

Malacaňang Palace-ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas

mantilla-itim na balabal

mapa-patag na paglalarawan o representasyon ng kabuoan o bahagi ng mundo

medriňaque-hibla o tela mula sa saging o abaca

meridian-patayong likhang-isip na guhit sa globo

merkantilismo-pilosopiya kung saan ang batayan ng kayamanan at kapangyarihan


ng mga estado o bansa ay ang dami ng ginto at pilak na pagmamay-ari ng ma ito

Middle Ages-panahon sa Europe kung saan ay namayani ang pamahiin, bulag


napapanampalataya, at kawalan ng rason

monarkiyang konstitusyonal-uri ng monarkiya ( o pamahalaang pinamumunuan


ng hari, reyna o emperador) kung saan ang kanilang kapangyarihang mamuno ay
napasailalim ng saligang batas

Monte de Piedad y Caja de Ahorros-kauna-unahang savings bank sa Pilipinas

mumbaki-pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsilbing tagapamagitan ng tao


sa mga espiritu;itinuturing ding manggagamot ng kaluluwa

nasyonalismo-ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika-18 siglo


kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang idinikit o ibinabahagi sa
kaniyang nasyon o lugar na pinagmulan o kinabibilangan

North Pole-hilagang dulo ng mundo

nusantao-salitang Ausronesian na ngangahulugang “tao sa timog”

Obras Pias-kauna-unahang institusyong pananalapi sa kapuluan;dito inilagak ang


pondo ng mayayaman para sa simbahan at para sa kawanggawa

oidores-mga kasaping nagpapasiya sa mga bagay tungkol sa Audiencia

pabasa-paglalapat ng himig sa pasyon

Pacific Theory-teoryang nagsasabi na ang Pilipinas ay nabuo mula sa mga lumamig


na magma na galing sa mga pagputok ng bulkan sa ilalim ng dagat

Pagdiwata-isang sayaw ng pasasalamat para sa magandang ani ng mga Tagbanwa


ng Palawan

pagkakaingin-pagputol at pagsunog ng mga puno at damo upang gawing pataba sa


lupa

Panahon ng Metal-panahon kung kalian natuklasan ang paggamit ng


ginto,pilak,tanso,bronse at bakal
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

Panahong Prehistoriko-panahon na wala pang naisusulat na kasaysayan

pananda-tala ng mga simbolo at katumbas na impormasyon nito sa mapa

Pangaea-tawag sa malalaking masa ng lupa o supercontinent na pinagmulan ng


pitong kontinente ng daigdig ayon sa Continetal Drift Theory ni Alfred Wegener

pangangayaw-headhunting;isang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma at


pagpugot sa kaaway

panuelo-malaking panyo na ipinapatong sa balikat bilang palamuti sa katawan

panunuluyan-pagsasadula sa pagsilang kay Hesukristo

parallel-ang pahigang likhang-isip na guhit sa globo

paring regular-mga paring Espanyol na kabilang sa ordeng relihiyoso tulad ng


Agustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit at Dominican

paring sekular-mga Filipinong pari na hindi kabilang sa ordeng relihiyoso

peineta-pangganyak na suklay sa buhok

peninsulares-mga Espanyol na isinilang sa Spain

petroglyph-ukit o guhit sa bato at karaniwang gawa ng mga sinaunang tao

Picture Frame-isang estratehiyang ginagamit sa pagsasatao

piloncitos-mga inukitang barya na ginamit ng mga sinaunang Filipino sa


pakikipagkalakalan

placer mining-pagmimina sa batis gamit ang kawali ayon kay William Henry Scott

poblacion-ang sentro ng mga itinayong pamayanan ng mga Espanyol sa bisa ng


reduccion

prime meridian-ang likhang-isip na guhit na naghahati sa globo sa dalawang


bahagi-ang silangang hating-globo at kanlurang hating-globo

principalia-pangkat na binubuo ng mga inapo ng mga datu at maharlika,


mayayamang hacendero, mga pinuno at dating pinuno ng pamahalaang lokal

polo y servicio-patakaran sa sapilitang paggawa

polista-mga manggagawa sa polo y servicio

pomaras-alahas na hugis rosas

presipitasyon-galing sa likidong mula sa kalangitan o kaulapan na bumabagsak sa


kaulapan ng daigdig;maaaring galing sa ulan, ambon o hamog

pueblo-bayan

Puente Colgante-kasalukuyang Quezon Bridge;idinisenyo ng tanyag na si Gustave


Eiffel na siya ring nagdisenyo ng sikat na Eiffel Tower sa Paris, France; ang kauna-
unahang suspension bridge sa Asya

putong-piraso ng tela na ibinabalot sa ulo


Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

Real Compania de Filipinas-kompanyang itinatag ni Haring Carlos III sa hangaring


palakasin at paunlarin ang kalakalan ng Pilipinas at Spain

Real Sociedad Economica de Amigos del Pais-samahang binuo ng mga negosyante


at propesyonal na naglalayong pataasin ang produksiyon sa agrikultura at mapasigla
ang kalakaln ng bansa

reales-yunit ng pananalapi na ginamit ng Spain mula ika-14 na siglo hanggang sa


mapalitan ito ng escudo (1864) at peseta

rebolusyon-pag-ikot ng mundo sa araw

relatibong lokasyon-natutukoy batay sa mga anyong lupa at anyong tubig na


nakapaligid sa isang lugar

reduccion-kautusan ng sapilitang paglipat ng tirahan ng mga Filipino sa mga


bagong tayong pamayanan upang madali silang pangasiwaan

regidores-konsehal

residencia-hukumang tagasiyasat sa mga gawain ng gobernador-heneral sa


pagtatapos ng kaniyang panunungkulan

retablo-mga nililok na altar ng simbahan

rotasyon-pag-inog ng mundo sa sarili nitong axis

Royal Audiencia-kataas-taasang hukuman sa Pilipinas sa ilalim ng gobyernong


kolonyal ng Spain;pinamumunuan ng gobernador-heneral

Royal and Supreme Council of Indies-konseho na nagbibigay ng maungkahi sa


hari tungkol sa oangangasiwa ng mga kolonya ng Spain. Taglay nito ang lehislatibo,
ehekutibo at hudisyal na gampanin sa Amerika at Asya

salat-pagdarasal ng limang beses sa isang araw nang nakapatirapa at nakaharap sa


Mecca

salubong-pagsasadula sa pagkikita ng muling nabuhay na si Kristo at ni Maria


Magdalena

sanctorum-buwis para sa simbahan

santacruzan-prusisyon na nagsasadula sa pagkakatuklas ni Reyna Helena ng


Constantine sa tunay na krus ni Kristo

saya-maluwang na palda;sinaunang damit ng mga babae

sekularisasyon-pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamumunuan


ang mga parokya

senakulo-dula tungkol sa pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ni Hesus

Sepoy-mga sundalong Indian

Seven Years War-tunggaliang naganap sa pagitan ng mga bansa sa Europe


Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

Sharif Kabungsuan-nagtatag ng sultanato sa Mindanao

Sharif ul-Hashim-nagtatag ng unang sultanato sa Pilipinas

sona-iba-ibang bahagi ng mundo na nakararanas ng magkakaibang klima

South Pole-ang timog na dulo ng mundo

Spanish Cortes-Asamblea ng Spain

sultanato-sistema ng pamahalaan na batay sa katuruan ng Islam

tapis-telang karaniwang ibinabalot sa baywang

tarsila-salaysay ng pinagmulan at pinagnunuan ng mga sultan

tectonic plates-malaki at makakapal na tipak ng lupa

temperatura-nagpapahiwatig ng init o lamig;mababang temperatura ay


nagpapahiwatig na malamig ang isang bagay o tao;habang ang mataas na
temperatura naman ay nagpapahiwatig na mainit ang isang bagay o tao

Teorya ng Austronesian Migration-pinanukala ni Peter Bellwood, na nagsasabing


mga Austronesian mula sa timog China ang ninuno ng mga unang tao sa Pilipinas at
sa lahat ng mga tao sa Timog-silangang Asya

Teorya ng Continental Drift Theory-teoryang naglalarawan ng paggalaw ng mga


kalupaan sa mundo mula sa supercontinent Pangaea na nahati sa Laurasia
(hilagang hating-globo) at Gondwanland(sa timog hating-globo)

Teorya ng Core Population-teoryang nagsasabing ang mga Filipino umano ay mula


sa isang malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-silangang
Asya;pinanukala ni F. Landa Jocano

Teorya ng Land Bridges-teoryang nagsasabing pinagdurugtong ng mga tulay na


lupa ang mga pulo ng Pilipinas sa isa’t-isa at sa mga karatig bansa nito sa Timog-
Silangang Asya

Tinikling-isang sayaw na gumagaya sa paggalaw ng ibong tikling

tiyak na lokasyon-pagtukoy sa isang lugar sa pamamagitan ng latitude at longitude

torogan-marangyang tahanan ng mga datu sa Mindanao na pinatanyag ng


disenyong okir ng mga Maranao

tributo-uri ng buwis noong panahon ng kolonyalismong Espanyol na binayaran sa


pamamagitan ng salapi o katumbas ng halaga nito sa tabako, palay, bulak,tela at
manok

Tropiko ng Kanser-pinakahilagang bahagi ng mundo na tuwirang nasisinagan ng


araw

Tropiko ng Kaprikornyo-ang pinakatimog na bahagi ng mundo na tuwirang


nasisinagan ng araw

tumarampuk-oripun na nanilbihan lamang ng isang araw sa isang lingo para sa


datu
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

tumataban-oripun na nanilbihan sa datu tuwing may piging o pagtitipon

vertex-ang point kung saan nagtatagpo ang dalawang side ng isang angle

vinta-buwis na binayaran ng mga taga-Zamboanga sa mga Espanyol para sa


pagsupil sa mga Muslim;katawagan din sa mga bangkang may makulay na layag sa
Sulu at sa sayaw ng mga Moro

visita-pagpapadala ng Hari ng Spain ng visitador-general sa kolonya—nang walang


abiso—upang imbestigahan ang pamamahala ng mga opisyal

volcanic material-tumutukoy sa mga abo,pira-pirasong bato, lava na lumabas at


dumadaloy mula sa bunganga ng bulkan sa pagsabog nito

weather-katuturan ng panahon na tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa loob


ng isang araw

zarzuela-dulang may saliw ng musika at tungkol sa mga karaniwang paksang


panlipunan at pampolitika

You might also like