Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kahulugan at mga Halimbawa

1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita


na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang
namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio

“Hoy Gising!” ni Ted Failon

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza


“I shall return” ni Douglas MacArthur

2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang


salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay
wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:

Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)

Dayalek na Tempora (batay sa panahon)

Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)

Mga halimbawa ng Dayalek:

Tagalog = Bakit?

Batangas = Bakit ga?

Bataan = Baki ah?

Ilocos = Bakit ngay?

Pangasinan = Bakit ei?


3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng
wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang
sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

You might also like