Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Ang wikang Filipino ay gagamiting instrumento ng pagkakaisa ngayong pandemya”Ang

Pilipinas ay kasalukuyang kinakaharap ng panibagong pagsubok dahil sa pag usbong


ng panibagong variant na tinatawag na Lambda, kung saan ito ay mas mapanganib
kaysa sa ibang variant. Kung kaya’t kamakailan ay nagdeklara ang pamahalaan ng
Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa iba’t ibang lungsod sa Pilipinas upang
mapigilan ang mabilis na pagkalat ng virus. Maraming mga Filipino ang nadismaya dahil
sa muling pagkakaroon ng ECQ, sapagkat marami ang mawawalan ng trabaho dahil sa
mga panibagong patakaran ng gobyerno. Ang mga Filipino ay umaalya dahil sa mga
polisiya ng gobyerno at ang isa sa mga kadahilanan nito ay walang sinabi na
kongkretong plano ang gobyerno para sa mga mamamayan, kaya naman marami ang
nababahala sapagkat hindi nakikipag ugnayan ang gobyerno sa mga hinaing ng mga
sambayanang Filipino. Bilang ang komunikasyon ay isang mahalagang sangkap na
kinakailangan para sa pagkakaroon ng maayos na relasyon sa mga mamamayan,
wikang Filipino ang nararapat na gamitin bilang midyum sa paghahatid ng impormasyon
lalo na sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga Filipino. Simula noong
magkaroon ng quarantine, maraming mga Filipino ang nakatutok sa kanilang mga
telebisyon upang makibalita, ngunit lingid sa kaalaman ng iba na kadalasan ay may
mga termino na ginagamit ang mga nasa pamahalaan kung kaya’t nagiging hadlang ito
upang tuluyang maunawaan ng mga impormasyon. Noong ika walo ng Agosto 2021
nabalitaan na mayroong “no vaccine, no quarantine pass” ang lungsod ng Quezon City
na mula sa isang barangay, subalit pinabulaan ito ni Mayor Belmonte na hindi sila
nagtalaga ng isang polisiya ngunit mayroon lamang hindi pagkakaunawaan sa nagging
instruksiyon ng Local Government Unit (LGU) dahil sa hindi pagkakaintindi neto sa
gabay na nakasulat sa wikang Ingles. Higit pa rito ay naging usapan din ang nangyaring
magulong sistema ng pagkuha ng mga bakuna lalo na’t kadalasang nakapaskil sa mga
LGU ay nasa wikang Ingles kung kaya’t minsan ay nagbubunga ito ng kalituhan sa mga
Filipino dahil hindi nila agad ito naiintindihan. Ang dalawang pangyayaring ito ay hindi
nabago dahil karamihan sa mga Filipino ay bihasa sa wikang Ingles ngunit ito ay
tinuturo sa eskwelahan at nagsisilbing midyum of instruksiyon, subalit ito ay
nakakaalarma dahil marami pa rin sa mga Filipino ang hindi maalam sa wikang Ingles
at malaki ang nagiging epekto nito sa mga Filipino na hindi nakakaintindi ng wikang
Filipino. Mahalaga na ang wikang Filipino ang ginagamit upang maghatid ng mga
impormasyon tungkol sa COVID-19, upang mas madaling maunawaan ng mga Filipino
ang mga ibinibahagi na impormasyon. Mapapadali rin nito ang pakikipag ugnayan sa
mga Filipino para mabigyan sila ng tamang gabay sa kung ano ang dapat gawin
ngayong tumataas ang kaso ng may mga sakit at nasa panganib ang buhay ng mga
taong tatambad sa mga may sakit.

Nakaasa ang mga Filipino sa mga balita kaya nararapat na tandan ang
kahalagahan ng wikang Filipino sa pagbibigay ng kaalaman kung saan hindi ito
magdudulto ng kaguluhan. Kaya’t kung maaari dapat ay maabisuhan ang mga
tagapagsalita na gamitin ang wikang Filipino, at maaari na lamang magkaroon ng
subtitles sa wikang Ingles upang makonsidera ang mga banyagang naninirahan sa
bansa. Bukod dito ay dapat magawang ipahiwatig ng mga lider sa lungsod ang mga
resolusyong nasa wikang Ingles para maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang
pagkakaintindi sa impormasyon na ipinapahiwatig. Importante ang impormasyon sa
panahon ng pandemya dahil kapag ang mga indibidwal ay mayroong ideya sa
kasalukuyang kinakaharap ng bansa ay magagamit nila ito bilang sandata sa
nakakahawang sakit. Ito ang daan para sa pagkakaisa ng mga Filipino tungo sa
paghihikayat ng bayanihan sa paggamit ng wikang Filipino. Kaya naman hinahamon
kita na maging isang Maka-Filipinong mamamayan kasama ang mga kababayan natin
kontra sa COVID-19.

Sanggunian

QC barangay chiefs told to explain 'no vaccination card, no quarantine pass' policy.
Kinuha mula sa QC barangay chiefs told to explain 'no vaccination card, no quarantine
pass' policy | Philstar.com

You might also like