Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Maagang pagbubuntis o hindi ginustong pagbubuntis ng isang babae sa kanyang

pagdadalaga, isang kahulugan ng Teenage Pregnancy mula sa diksyunaryo. Kung

susundin ang nakasulat sa bibliya, isa itong malaking kasalan. Ang problema na ito ay

isang malaking isyu sa ating bansa at sa buong mundo. Taun-taon nasa 13 milyong

babae sa iba’t-ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad na 20 taon pababa, ito ay

ayon sa estadistika.

Ngunit sa kabilang banda ano nga ba ang positibong ideya ng maagang pagbubuntis?

Marami akong mga kamag-aral noon sa sekondarya na maagang nabuntis. Naalala ko

pa na may isang kaibigan akong nag kwento ng kanyang karanasan sa pagbubuntis ng

maaga. Nasabi niyang hindi talaga ito madali. Ngunit, may mga naikwento rin siyang

mga magandang karanasan niya nung nailuwal na niya sa mundo ang kanyang anak.

Sabi pa niya ang pagiging isang batang ina ay seryosong responsibilidad,ngunit

masaya siya sa magandang ugnayan nila ng kanyang anak. Ipinagmamalaki niya ang

kanyang anak at wala siyang ibang hinangad kundi ang nakakabuti para sa kanila. Mas

nagsikap siya at ang kanyang asawa upang mabigyan ng mas magandang buhay ang

kanilang anak.

Maari nating gamitin bilang motibasyon ang mga karanasan ng mga maagang nabuntis

bilang isang positibong epekto. At pati na rin sa pagbibigay kamalayan sa ibang pang

mga kabataan. Hindi madali ang pagiging isang magulang sa murang edad, ngunit wala

ka rin sa posisyon upang sila ay husgahan. Gawin natin itong motibasyon at maging isa

dapat tayo sa mga nagbibigay kaalaman tungkol sa malaking isyu na ito sa kapwa natin

kabataan.

You might also like