Ang Pananatili Sa Pagsamba

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

ANG PANANATILI SA PAGSAMBA

‫بسم اهلل الرحمن الرحيم‬


Ang Pananatili sa Pagsamba

Tunay na pinagaan ng Allah  para sa Kanyang mga alipin ang paggawa ng


pagsunod at pagsamba sa buwan ng Ramadhan, at ito kabilang sa mga biyaya at
habag ng Allah  sa kanila, Pinalakas sila sa bagay na yaon, at tinulungan sila sa
pag-iwan sa pagsuway at mga masamang pagnanais. At dahil dito, ang mga puso ay
nagiging mapagtanggap sa kabutihan tuwing sumasapit ang buwan na ito, na hindi
katulad sa ibang mga panahon. Isinalaysay ni Abu Hurayrah  na sinabi ng Propeta
Muhammad  :

‫ فَ لَ ْم يُ ْفتَ ْح ِم ْن َها‬،‫اب النَّا ِر‬ ْ ‫ َوغُلِ َق‬،‫ني َوَم َر َدةُ ا ْْلِ ِن‬
ُ ‫ت أَبْ َو‬
ِ َّ ‫ت‬
ُ ‫الشيَاط‬ ِ ‫ ص ِف َد‬،‫ضا َن‬
ُ َ ‫«إِذَا َكا َن أ ََّو ُل ل َْي لَ ٍة ِم ْن َش ْه ِر َرَم‬
،‫ْص ْر‬ َّ ‫ َوََي ََب ِغ َي‬،‫اْلَِْْي أَقْبِ ْل‬
ِ ‫الش ِر أَق‬ ْ ‫ ََي ََب ِغ َي‬:‫اد‬ ٍ َ‫ادي من‬ ِ
ُ َ‫ َويُن‬،‫ب‬
ِ ِ
ٌ ‫اب ا ْْلَنَّة فَ لَ ْم يُغْلَ ْق م ْن َها ََب‬
ُ ‫ت أَبْ َو‬ ْ ‫ َوفُتِ َح‬،‫ب‬ ٌ ‫ََب‬
»‫ك ُك َّل ل َْي لَ ٍة‬َ ِ‫ َوذَل‬،‫لِل ُعتَ َقاءُ ِم َن النَّا ِر‬
ِ ِ‫و‬
َ
(Kapag sa unang gabi ng buwan ng Ramadhan ay binubuksan ang mga pintuan ng
Paraiso at isinasara ang mga pintuan ng Impiyerno, at ginagapos ang mga Shaytan,
at mananawagan ang isang nanawagan: O’ ikaw na nagnanais ng kabutihan;
lumapit ka, at O’ ikaw na nagnanais ng kasamaan huminto ka, Sapagkat may mga
taong pinalaya ng Allāh mula sa Impiyerno, at nangyayari ito gabi-gabi). [Inulat ni
Tirmidhi (682) at Hadith ay Sahih ayon kay Al-Albaniy (1/209)].

At tunay na ang pakikibaka sa mga sarili na gawin sa panahon na hindi Ramadhan


ang mga ginagawa sa panahon ng Ramadhan ay napakahirap, dahil ang mga
dahilan na katulad ng mayroon sa Ramadhan ay wala sa ibang mga buwan, kaya’t sa
puntong ito marapat na alamin natin ang dalawang bagay:

[UNA] Ang ilan sa mga tao kapag natapos na ang buwan Ramadhan ay bumabalik
sila sa dati nilang nakasanayang Gawain, tulad ng pag-iwan sa mga ilang
obligadong pagsamba, o kaya’y paggawa ng ilang mga pagsuway at kasalanan, at
kung ito ay sa Ramadhan ay napakalaking kasalanan, ganoon rin ay hindi
mawawala ang pagiging kasalanan nito sa ibang mga buwan, dahil ang pagiging
obligado sa isang tao sa paggawa ng Mabuti at pag-iwan sa kasamaan ay mananatili
sa anumang panahon. Sinabi ng Allah :

١٠٢ :‫ﭐﱡﭐ ﱔ ﱕ ﱖ ﱗ ﱘ ﱙ ﱚ ﱛ ﱜ ﱝ ﱞﱟ ﱠ ﱠ آل عمران‬


((O mga nanampalataya, katakutan ninyo ang Allah nang tunay na pagkatakot at
huwag kayong mamamatay liban na lamang na kayo ay mga Muslim)). [3:102].

1
ANG PANANATILI SA PAGSAMBA

At sinabi pa ng Allah :

‫ﱡﭐ ﱲ ﱳ ﱴ ﱵ ﱶ ﱷ ﱠ‬
((Sambahin mo ang iyong Panginoon hanggang sa dumating sa iyo ang
kamatayan)). [15:99].

Sinabi ni Al-Hasan Al-Basriy:

"‫"إن هللا مل جيعل لعمل املؤمن أجالً دون املوت‬

“Tunay na ang Allah ay walang itinuring para sa Gawain ng Mananampalataya na


hangganan maliban sa kamatayan”.

Sinabi ni Eisa :

٣١ :‫ﭐﱡﭐ ﲇ ﲈ ﲉ ﲊ ﲋ ﲌ ﲍ ﱠ مرمي‬
((“At inutusan ako ng obligadong pagdarasal at obligadong kawanggawa habang
ako ay nabubuhay”)). [19:31].

At isinalaysay ni Sufyan Bin Abdillah  kanyang sinabi:

ِ ‫نت َِب‬
»‫ فَاستَ ِق ْم‬،‫هلل‬ ِ َ ‫ َي رس‬:‫ْت‬
ُ ‫آم‬
َ :‫ «قُل‬:‫ال‬ َ ‫ قُ ْل ِِل ِِف ا ِإلسالَِم قَوالً الَ أَسأَل َعنهُ أ‬:‫ول هللا‬
َ َ‫ ق‬،‫َح ًدا بَع َدك‬ ُ َ َ ُ ‫قُل‬
“Sinabi ko: O Sugo ng Allah! sabihin mo sa akin ang mga bagay sa Islam na wala
akong mapagtatanungang iba maliban sa iyo” at Sinabi ng Propeta : (Sabihin mo:
Ako’y naniniwala sa Allah at pagkatapos ay magiging matuwid). [Inulat ni Muslim
(38)].

Sinabi ng mga ‘Ulama: Ang pagiging matuwid ay ang mananatili sa pagsunod sa


Allah .

Kabilang sa mga pagsuway: Ang pagputol sa ugnayan nila sa mga Masjid ng Allah,
pagkukulang sa Salatul Jama’ah, pag-iwan sa pagbabasa ng Qur’an na siyang
binabasa nila tuwing Ramadhan, at pagkahumaling sa mga palabas sa telebisyon na
kung saan ay ipinapakita rito ang mga palabas na walang kwenta at pakinabang, at
mga nakababaliw na musika, at mga hubad at malalaswang larawan.

[PANGALAWA]: Pagkululang sa mga pagsambang boluntaryo (Sunnah), kaya’t


kaibig-ibig para sa isang Muslim na hindi niya putulin ang pagsasabuhay nito kahit
hindi sa Ramadhan, at tunay na isinabatas ang pag-aayuno, pagdarasal,

2
ANG PANANATILI SA PAGSAMBA

pangkakangwanggawa at mabubuting gawain upang magpuno sa mga oras at


upang manatiling naka-ugnay ang isang alipin sa kanyang Panginoon.

Isinilaysay ni A’ishah - ‫رضي هللا عنها‬- na ang Propeta  ay nagsabi:

ِ ‫ال إِ ََل‬
»‫هللا تَ َع َاَل أَ ْد َوُم َها َوإِ ْن قَ َّل‬ ِ ‫ب األَ ْعم‬
ُّ ‫َح‬
َ َ ‫«أ‬
(Ang pinakakaibig-ibig na gawain para sa Allah ay mga gawaing tuloy-tuloy
[Palagian] at kahit na ito ay kakaunti). [Inulat ni Bukhari (6464) at Muslim (783)].

Bagkus pinagbawalan ng Propeta  ang kanyang mga Sahabah  tumigil o huminto


sa paggawa ng mabubuting gawain, Isinalaysay ni Abdullah Bin A’mr Bin Al-A’s -
‫رضي هللا عنهما‬- na ang Propeta  ay nagsabi:

»‫ام اللَّْي ِل‬ ِ َ َ‫ َكا َن ي ُقوم اللَّيل ف‬،‫ الَ تَ ُكن ِمثْل فُالَ ٍن‬،‫هللا‬
ِ ‫«َي َعب َد‬
َ َ‫َت َك قي‬
َ َْ ُ َ َ ْ ْ َ
(O’ Abdullah, huwag kang maging katulad ni Fulan, na nagsagawa ng pagdarasal sa
gabi subalit iniwan niya rin ito kalaunan). [Inulat ni Bukhari (1152) at Muslim
(1159)].

ANG MGA SUNNAH NA ISINABATAS PAGKATAPOS NG RAMADHAN AT


IBA PA:

[1] Pag-aayuno ng anim na araw sa buwan ng Shawwal: Isinalaysay ni Abu Ayyub


Al-Ansariy  na ang Propeta  ay nagsabi:

»‫َّه ِر‬ ِ ‫ضا َن ُُثَّ أَتْ ب عهُ ِستًّا ِمن َش َّو ٍال َكا َن َك‬
ْ ‫صيَ ِام الد‬ َ ‫ام َرَم‬
ْ ََ َ‫ص‬ َ ‫«م ْن‬
َ
(Sinuman ang nag-ayuno sa buwan ng Ramadhan at pagkatapos ay kanyang
sinundan ito ng anim na araw na pag-aayuno sa buwan ng Shawwal siya'y katulad
ng pag-aayuno ng isang buong taon). [Inulat ni Muslim/1164].

[2] Pag-aayuno sa araw ng Arafah: Isinalaysay ni Abu Qatadah  na ang Propeta 


ay tinanong hinggil sa pag-aayuno sa araw ng Arafah? at kanyang sinabi:

»ُ‫السنَةَ الَِِّت بَ ْع َده‬ َّ ‫«يُ َك ِف ُر‬


َّ ‫السنَةَ الَِِّت قَ ْب لَهُ َو‬
(Binubura nito ang isang taon na mga kasalanang nauna at ang susunod pa na
taon). [Inulat ni Muslim (1162)].

3
ANG PANANATILI SA PAGSAMBA

[3] Pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan: Isinalaysay ni Abu Hurayrah  na


kanyang sinabi:

ِ ِ ِ ٍ ِِ
َ ‫ َوَرْك َع َِِت الض‬،‫ بِصيَ ِام ثَالَثَة أ َََّيٍم م ْن ُك ِل َش ْه ٍر‬:‫ بِثَالَث‬- ‫ صلى هللا عليه وسلم‬- ‫ص ِاِن َخليلي‬
‫ َوأَ ْن‬،‫ُّحى‬ َ ‫«أ َْو‬
»‫أُوتَِر قَ ْب َل أَ ْن أ َْرقُ َد‬
“Nagtagubilin sa akin ang matalik kong kaibigan  ng tatlo: Ang pag-aayuno ng
tatlong araw sa bawat buwan, dalawang Rak`ah sa oras ng Duhaa, at na
magsagawa ako ng Witr bago ako matulog”. [Inulat ni Bukhari (1178) at Muslim
(721)].

[4] Qiyamul Layl sa buong taon: Isinalaysay ni Abu Hurayrah  na ang Propeta 
ay nagsabi:

»‫صالَةُ اللَّْي ِل‬ ِ َ ‫الصالَ ِة ب ْع َد الْ َف ِري‬ ِ ‫ضا َن َش ْهر‬ ِ ‫ضل‬


َ ‫الصيَ ِام بَ ْع َد َرَم‬
َ ‫ضة‬ َ َّ ‫ض ُل‬ َ ْ‫ َوأَف‬،‫هللا ال ُْم َح َّرُم‬ ُ ُ َ ْ‫«أَف‬
(Ang pinakamainam na pag-aayuno pagkatapos ng Ramadhan ay sa buwan ng
Allah na Muharram, at ang pinakamainam na Salah pagkatapos ng mga obligado
nito ay ang Salatul Layl [Pagdarasal sa gabi]). [Inulat ni Muslim (1163)].

[5] Sadaqah: Sinabi ng Allah :

‫ﱡﭐ ﲫ ﲬ ﲭ ﲮ ﲯ ﲰ ﲱ ﲲ ﲳ ﲴ ﲵ ﲶ ﲷ ﲸ ﲹ ﲺ‬

‫ﲻﲼﱠ‬
((Yaong mga nagtutustos mula sa kanilang mga kayamanan sa gabi at araw, lihim
man o hayagan. Para sa kanila ang gantimpala mula sa kanilang Panginoon.
Walang takot para sa kanila at hindi sila malulungkot)) [2:274].

At iba pang mga dakilang pintuan ng kabutihan na palaging binubuksan ng Allah 


para sa Kanyang mga alipin.

At hindi alam ng isang tao kung kailan siya bibiglain ng kamatayan, kaya’t ang isang
tao na nag-iisip ay naghahanda sa pakikipagtapo sa kanyang Panginoon, at hindi
nagpapalinlang sa haba ng pag-asa; Sinabi ng Allah :

‫ﲰ‬
‫ﲱ‬ ‫ﲫﲭﲮﲯ‬
‫ﲬ‬ ‫ﱡﭐ ﲚ ﲛ ﲜ ﲝ ﲞ ﲟ ﲠ ﲡ ﲢ ﲣ ﲤ ﲥ ﲦ ﲧ ﲨ ﲩ ﲪ‬

‫ﲲﲳﲴﲵﲶﲷﲸﲹﲺﱠ‬
((O mga tao, katakutan ninyo ang inyong Panginoon at katakutan ninyo ang Araw
na walang pakinabang ang ama sa kanyang anak o ang anak sa kanyang ama na
kahit ano. Tunay na ang pangako ng Allah ay totoo. Huwag kayong magpalinlang

4
ANG PANANATILI SA PAGSAMBA

ng buhay sa mundo at huwag kayong magpalinlang tungkol sa Allah ng


Tagapaglinlang)). [31:33].

At sinabi ng Allah  sa mga pamayanan na humaba ang kanilang maling pag-asa, at


naging masama ang kanilang gawain, at kinaligtaan nila ang pag-alala sa kanilang
Panginoon:

‫ﱡﭐ ﱂ‬
‫ﱁﱃ ﱄﱅ ﱆﱇ ﱈ ﱉ ﱊ ﱋ ﱌﱍ ﱎ ﱏ ﱐ ﱑ ﱒ ﱓ ﱔ‬

‫ﱕ ﱗﱘ ﱙﱠ‬
‫ﱖ‬
((Alif Lam Ra. Ito ang mga talata ng Aklat at Quran na malinaw  Maaring naisin
ng mga hindi nanampalataya na sila ay mga Muslim  Hayaan mo silang kumain,
maglibang at maligaw ng maling pag-asa dahil malalaman nila)). [15:1-3].

Ang mundo ay hindi tahanan ng pananatili, kaya’t pinagpala ang isang alipin na
nalaman niya ang timbang at halaga ng mundong ito, nakuha niya mula rito ang
pinakamainam na bagay sa loob nito, at ito ang paggugol sa mga oras niya sa
paghahanda ng baon para sa buhay na walang hanggan, Sinabi ng Allah :

‫ﱍﱏ ﱐ ﱑ ﱒ ﱠ‬
‫ﱎ‬ ‫ﱇ ﱉﱊ ﱋ ﱌ‬
‫ﱈ‬ ‫ﱡﭐ ﱁ ﱂ ﱃ ﱄ ﱅ ﱆ‬
((Ang buhay sa mundo ay hindi hihigit pa sa pag-aaliw at laro. Tunay na ang
tahanan sa Kabilang-buhay ay ang buhay na walang hanggan. Kung nalalaman
lamang nila)). [29:64].

At alamin ninyo mga alipin ng Allah na ang lahat ng may buhay ay maglalaho at
may katapusan, sinabi ng Allah :

‫ﲗﲙﲚ ﲛﲜﲝﲞﲟ‬
‫ﲘ‬ ‫ﲑ ﲓﲔﲕﲖ‬
‫ﲒ‬ ‫ﭐﱡﭐ ﲎ ﲏ ﲐ‬

‫ﲠﲢﲣﲤ ﲥﲦﲧﲨﱠ‬
‫ﲡ‬

((Ang bawat isa ay makakatikim ng kamatayan. Kayo ay bibigyan mga gantimpala


ninyo sa Araw ng Paghuhukom. Sinumang nailigtas mula sa Impiyerno at
ipinasok sa Paraiso ay nagtagumpay. Ang buhay sa mundo ay hindi hihigit pa sa
libangan na mapanlinlang.)) [3:185].


.‫ وعلى آله وصحبه أمجعني‬،‫ وصلى هللا وسلم على نبينا حممد‬،‫واحلمد هلل رب العاملني‬

You might also like