Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sanligang Kasaysayan

Bunga ng mga nagaganap ng malawakang kilos protesta ng iba’t ibang samahan at ang mga
masigasig na aktibismo ng mga kabataan noong Panahon ng Isinauling Kalayaan, idinieklara ni
Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noon Setyember 21, 1972. Ito ang nagpasimula
ng pagpapakilala ng Pangulo sa tunghuhin ng kanyang pamahalaang pagkakamit ng ating bansa
ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Bagong Lipunan. Masasabing ang
panahong ito ng ating kasaysayan ay mahahati sa dalawang bahagi. Ang unsa ay sumasakop sa
panahong ng umla sa pagkakadeklara ng Batas Militar at nauukool sa pagtatag ng isang Bagong
Lipunan ng mga Pilipino. Nagtatapos ito sa pagsisimula naman ng ikalawang bahagi na maaring
tawaging Ikatlong Republika. Masasabi, gayunpaman na bagama’t itinigil na ang pamamalakad
ng bansa sa ilalim ng batas military noong Enero 17, 1881 sa pagsisimula ng Ikatlong Republika,
ang mga simulain ng Bagong Lipunan ay ppatuloy pa ring itinaguyod sa nasabing panahon.

Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar ang pansamantalang pagpapahinto ng publikasyon ng


mga pahayagan, ang sirkulasyon ng mga ito. Pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang
pagpapalabas ng mga panooring pantelebisyon at patanghal na mga pelikula. Pansamantalang
natigil ang mga programa sa radio. Nang lumaon, unti-unting ibionalik ang mga ito ngunit sa
pagkakataong ito ay isinasailalim sa pamamahala ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla,
Pinamumunuan ang nasabing Ministri ni Francisco “Kit” Tatad.

Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahong ito ang dula na nagkaroon ng pangunahing


tagapagtaguyod sa katauhan ng noon ay Unang Ginang n bansa na si Imelda Marcos. Bukod sa
pagpapatayo at pagsasaayos ng mga gusaling kulturalmasugid din niyang pinamahalaan ang
pagtatanghal ng mga sianunang dula at palabas.

Kasabay ng pagwawakas ng batas military ang pasilang ng Bagong Republika ng bands. Sa


ideolohiya, ang panahong ito ay pagpapatuloy lamang ng mga nasimulan sa ilalim ng
pamamahala sa batas military. Naging sentro ng mga gawain ang paglinang ng pag-unawa ng
mga Pilipino sa kanilang relasyon sa lipunang ginagfalawan. Nilinang sa isipan ang mga
mamamayan ang konsepto ng pakikibahagi sa ikapagtatamo ng pambansang adhikain. Isang
bansa, isang diwa. Ang kaisipang ito ay mababanaag sa iba’t ibang uri ng panitikan noon
panahong yaon. Sa panahon ng Bagong Republika. Naging mapksang nilalaman ng mga akda
ang mga gawaing nauugnay sa diin ng pamahalaan sa sinasagisag ng akronim na pledges na ang
kahulugan ay:
- Peace anng Order (Kapayapaan)
- Land Reform (Reporma sa Lupa
- Economic Reform (Reoirmang Pangkabuhayan)
- Development of Moral Values (Paglinang nga kahalagahang Pantao)
- Government Reforms (Rep[ormang Pamahalaan)
- Educational Reform (Repormang Pampaaralan)
- Social Reform (Repormang Panlipunan)
Ipinatupad sa mga paaralan, sa ilalim ng pamamahala ng Ministry ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusan sa Bilinggwalismo. Naging pangunahing layunin ang kautusan ang
paglinang ng kakayahan sa pakikipagtalastasan ng mga Pilipino sa dalawang opisyanal na wika
ng bansa, ang Pilipino at Ingles. Ang patakarang ito ng edukasyon ay nagpamalas ng interes at
suporta ng mga pamahalaan sa wikang Filipino sapagkatbunga ng nasabing kautusan, ang
Pilipino ay sinimulang ituro at ginamit na midyum ng pagtuturo mula sa pinakamababang antas
ng edukasyon. Ang PANITIKANG Pilipino ay itinuro sa lahat ng larangan o disiplina sa antas
tersarto. Sa pagpapatuloy ng paglatlathala ng mga pahayagang pampaaralan ay mulang sumigla
ang pagamitr ng Pilipino bilang wika ng pamamahayag pangkampus. Sa kabuuan, ang mga
nasabing hakbangin ay nakatulong sa mabilis na pagpapalaganap ng Wikang Pilipino.
Nagsimulang kilalanin ng mga Pilipino ang wikang ito bilang instrumento ng pambansang
pagkakaisa at pagkakilanlan. Pinakamsagila marahil na tagapagtaguyod ng wika si Pangulong
Marcos na gumagamit ng wikang pambansa sa kanyang mga talumpati.

Naging karaniwang paksain ng mga lathalain sa unang bahagi ng Dekada ’70 ang tatlong
tunguhin ng bansa sa ilalim ng BAGONG Lipunan. Ang mga ito ay ang pagtataguyod ng
kaunlarang pangkbuhayan, pagbabagong panlipunan at kalinangang pangkulura ng bansa. Dahil
dito, napakaraming akdang nasulat na naukol sa pagtataguyod ng mga programa ng
pamahalaan tulad ng luntiang himagsikan. Pagpigil ng polusyon, pagplano ng pamilya,
pagpapasigla ng turismo, wastong pagkain at muling paggugubat.

Bagaman at maraming kathang nalathala sa panahong mula 1972-1986 na nauukol sa


pagtataguyod ng mga layunin ng Bagong Lipunan, may mga lathalain ding naglalarawan ng
tunay na nadarama ng marami sa mga Pilipino nang panahong iyon. Ang mga nasabing akda ay
nagpapahiwatig ng mapanghimagsik na damdamin sa namamayani at nadaramang pagpili sa
ilang karapatang pantao tulad ng kalayaan sa pagpapahayag at pamamahayag. Ang mga
lathalain ito ay nalathala nang pailalim o palihim. Lalo na nang huling bahagi ng pamamahala ng
Pangulong Marcos, matapos ana maganap ang pagpatay sa dating Senador Aquino noong
Agosto 21, 1983,. Maraming lathalain ang lumaganap na bagaman hindi nalathala sa mga
lehitimong palimbagan ay pinaramiu naman sa pamamagitan ng mga siping Xerox at
ipinamahagi ng palihim.

You might also like