Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Modyul
Ikalawang Modyul
FILIPINO SA
PILING
LARANGAN
SIMULAN NATIN !
Sa pagsulat ng SINTESIS, mahalagang bigyang pansin ang mga sumusunod na katagiang dapat
nitong taglayin.
Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian ay gumagamit ng iba’t
ibang esturktura ng pagpapahayag.
Nagpapakita ng organisasyon ng teksto ng kung saaan madaling makikita ang mga
impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sanggunian at;
Napagtitibay nito ang nilalaman ang mga pinaghanguang akda at napalalalim nito ang
pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay –ugnay.
Kung ang isinulat na sintesis ay kakikitaan ng mga katangiang ito masasabing mahusay ang
pagkakasulat nito.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS
Walong hakbang ang pinanukala sa artikulong HOW TO WRITE A SYNTHESIS EASY na
kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Linawin ang layunin sa pagsulat - una sa lahat mahalagang maging malinaw ang
tunguhin ng pagsulat ng sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito susulatn. Sa
madaling sabi, para saan ba ito?
2. Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga
ito. Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis, magiging madali ang pagpili at
pagahahnap ng mga sanggunian para mabuo ito.
3. Buuin ang tesis ng sulatin. Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang
pangunahing ideya ng isususlat. Ihayag ito gamit ang buong pangungusap.
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. Maghanda ng isang balangkas na susundan
sa pagsulat ng sintesis. Ang balangkas na ito ay nakaayon sa iba’t ibang mga teknik o
kombinasyon ng mga ito upang magamit sa pagsulat ng sintesis. Kasama sa mga teknikna
ito ang mga sumusunod:
PAGBUBUOD - ang pinnakasimple at di-komplikadong paraaan ng
pagsulat ng sintesis.
Pagbibigay ng halimbawa- ito ay isang teknik na ginagamit sa
pamamagitan ng pagtukoy ng isang particular na halimbawang inilahad sa
isang sanggunian o ng isang ilustrasyon na ginagamit ditto.
PAgdadahilan- ditto inihahayag ng tesis at iniisa-isa ang mga dahilan
kung bakit ito ay totoo at mahalaga. Ginagawa ito sa pamamagitan ng
paaglalahad ng mga impormasyon at detalyeng susuporta sa
paninindigang inihaharap. Mas makabubuti kung isasaayos ang mga rason
sa paraang lohikal.
Strawman teschnique- sa teknik na ito inilalahad ang isang argumentong
kontra-tesis,, ngunit sinesegundahan agad ito ng paglalahd sa kahinaan ng
nasabing argumento. Sa paraang iyo ang kontra-tesis ay sisirain din at
ipapawalang saysay.
Panghuli ay ang Komparison at Kontrast na paghihimay-himay ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga akda o sanggunian. Sa comparison at
contrast nagkakaroon ng iba’t ibang mukha ang pagsusuri na lalong
nagpapalinaw sa kabuuan ng mga pinag-uugnay na akda. Sa ganitong
teknik kailangan mayroong isang tiyak na salik o serye ng mga ito na
siyang pinagtutuunang tingnan kung may pagkakaiba o pgkakatulad batay
sa iba’t ibang akdang napiling talakayin.
5. Isulat ang unang burador- gamit ang napiling teknik, isulat ang unag burador ng sintesis.
Tandaan lamang na maging pleksibol sa sarili.
6. Ilista ang mga sanggunian- gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro ilsta at ayusin
ang mga ginamit na sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binibigyang-pagkilala
ang anomang akda o sino mang awtor na pinanghanguan ng impormasyon sa ginagawang
akademikong sulatin. Karaniwang ginagamit na pormat ang MLA o Modern Language
Association at ang APA o American Psychological association.
7. Rebisahin ang sintesis- basahing muli nag sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito.
Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at higit sa lahat ang mga kamalian sa detalye.
Isulat muli nag sintesis para maisama ang mga nakitang punto na dapat baguhin.
8. Isulat ang pinal na sintesis- mula rebisadong burador, maisususlat na ang pinal na
sintesis.
IPALIWANAG NATIN !
Name: Score:
Section: Date:
Manood ng isang sikat na pelikula at isulat ang buod nito. Sundin lamang mga hakbang sa
paggawa ng isang buod.Isulat ang iyong buod sa kahon na nasa ibaba. Tatasahin ang iyong
ginawa sa pamamagitan ng pamatayan na makikita mo sa ibaba.
PAMANTAYAN PUNTOS
Kaangkupan at kasapatan ng
datos - (5)
Lohikal (2)
ORAGNISASYON (10)
Wastong pagsunod sa mga hakbang (3)
KABUUAN
kAYANG - KAYA NATIN!
Pangalan: Iskor :
Seksyon : Petsa:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_
Name: Score:
Section: Date:
I- Tukuyin ang konseptong inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang sa
unahan ng bawat bilang.
_________________1. Ito ang pangunahing ginagamit sa pagbubuod upang maipakita ang pagiging
obhetibo.
_________________2. Ito ang sintesis na may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.
_________________3. Isa itong paraan ng muling pagpapahayag sa nilalaman ng isang teksto, ngunit sa
anyong mas maikli na napananatili ang kabuuang mensahe ng orihinal na teksto.
_________________4. Ito ay paraan ng paglalahad na maaaring Makita sa sintesis o buod kung saan
inilalahad ang pagkakatulad at/o pagkakaiba-iba ng mga konsepto, ideya, o ng paksa.
_________________5. Ginagamit ang sintesis na ito sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat kahingian ng
ganitong akademikong sulatin ang pagrebyu ng mga kaugnay na babasahin upang mapalalim ang paksa
ng pananaliksik o pag-aaral.
_________________6. Naipapakita nga katangiang itoang paggamit ng mga pagunahing konsepto na
pinagtutuunan sa orihinal na tekstong pinagmulan ng buod.
__________________7. Isang sulating nagsasama-sama ng iba’t ibang sanggunian upang matalakay ang
mga ito base sa isang punto de bistang nais bigyang pansin.
II- Pansinin ang mga hakbang sa pagsulat ng buod at sintesis sa loob ng kasunod na kahon. Suriin ang
mga ito at isulat ang wastong pagkasunod-sunod ng mga ito sa kasunod na talahanayan. Titik lamang
ang isulat sa talahanayan (8-20).
a) Buuin ang tesis ng sulatin
b) Ilista ang mga sanggunian
c) Kung gumamit ng unag panauhan (hal. Ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apilyedo, ng “ang
manunulat”o “’siya”.
d) Isulat ang buod
e) Linawin ang layunin ng pagsulat
f) Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya at pangunahing paliwanag sa
bawat ideya.
g) Isulat ang unang burador ng sintesis.
h) Isulat ang pinal na sintesis.
i) Pumili ng naaayong sanggunian batay s alayunin at basahin nang mabuti ang mga ito.
j) Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
k) Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
l) Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
m) Rebisahin ang sintesis.
9. 14.
10. 15.
11. 16.
12. 17.
18.
19.
20.