Princess Ejusa Fil316

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Princess A.

Ejusa BSED-Filipino

Fil 316-0653

Mga Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutunan ng kabataang Pilipino ang iba’t-ibang uri ng
dulang pangtanghalan.
2. Paano natin mapapanatili ang mga dulang pangtanghalang ito sa ating kultura?
3. Sa inyong palagay, ano ang pangunahing layunin ng paglaganap sa bansa ng mga dulang nakilala
sa bansa.

Mga Sagot:

1. Nakadikit na sa ating lahi ang pagkakaroon ng marami at iba-ibang mga panitikan na labis na
kinagiliwan hindi lamang ng ating mga kapwa Pilipino kundi pati na rin ng ibang lahi dahil na rin
sa ating pagkamalikhain. Kung kaya kahit na lumipas ang maraming taon, maarami at nanatili pa
rin ang ating pagkagigil at pagkagiliw sa mga panitikang ito lalong-lalo na ang mga dulang
pangtanghalan na labis na nagbibigay sa atin ng iba’t-ibang emosyon. Mahalagang matutunan ng
kabatang Pilipino ang iba’t-ibang uri ng dulang pangtanghalan upang hindi mawala at patuloy na
mapayabong ang mga dula at upang matamasa nila ang kagandahan at karangyaan ng ating
kultura.
2. Mapapanatili ang mga dulang pangtanghalang ito sa ating kultura sa pamamagitan ng patuloy na
paggamit at pagpapaunlad ng mga ito. Nararapat lamang na payabungin at panatilihin ang mga ito
sapagkat nagmula pa ito sa ating mga ninuno.
3. Ang bawat bagay ay may nakalakip na mga Layunin at ang layunin sa paglaganap ng mga dulang
nakilala sa bansa ay upang magbigay aliw, mangaral at ipakita na ang mga Pilipino ay hindi
lamang magaling sa iba-ibang mga gamay kundi magaling din tayong bumuo at magtanghal na
labis na nagpayaman sa ating kultura at panitikan.

You might also like