Mga Akdang Patula

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Mga Akdang Patula

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda

 Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan sa kagandahan, ng kariktan na


natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag
na tula.

Ayon kay Iñigo Ed Regalado


 Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong
kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.

Ayon kay Fernando Monleon


 Ang tula ay panggagagad at lubhang kahawig ng sining ng pagguhit,
paglililok, at pagtatanghal.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla

Ang tula ay kamalayang


nagpapasigasig.
Uri ng tula

Pasalaysay
Pandamdamin
Pantanghalan
Patnigan
Tulang Pasalaysay – Naglalarawang ng
mga mahahalagang tagpo o pangyayari
sa buhay;
 Epiko - nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga
kababalaghan.
Halimbawa:
BIDASARI – MORO KUMINTANG - TAGALOG
BIAG NI LAM-ANG – ILOKO PARANG SABIR - MORO
MARAGTAS – BISAYA DAGOY AT SUDSUD - TAGBANUA
HARAYA – BISAYA TATUANG – BAGOBO
LAGDA – BISAYA INDARAPATRA AT SULAYMAN MORO NA
HARI NG BUKID – BISAYA BANTUGAN BUMUBUO SA
DARAMOKE-A-BABAY DARANGAN
Tulang Pasalaysay – Naglalarawang ng
mga mahahalagang tagpo o pangyayari
sa buhay;
 Awit – may sukat na 12 pantig at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o
bandurya.
Halimbawa
Florante at Laura (saknong 197)
Pag-ibig anaki’y aking nakilala
di dapat palakihin ang bata sa saya
at sa katuwaan kapag namihasa
kung lumakiy walang hihinting ginhawa.

Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis


mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib
lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis
anong ilalaban sa dahas ng sakit
Tulang Pasalaysay – Naglalarawang ng
mga mahahalagang tagpo o pangyayari
sa buhay;

 Korido – May sukat na 8 pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa


Halimbawa
Ibong Adarna
May sinabi noong una
doon sa Reyno ng Murcia,
yaong hari at monarka,
na may tatlong anak siya.

itong haring nagkasakit


buong baya’y naligalig
tanang medico’y nananhik
ay wala ring nasasapit.
Tulang Pasalaysay – Naglalarawang ng
mga mahahalagang tagpo o pangyayari
sa buhay;

 Balad - may himig na awit dahilang ito’y


inaawit habang may nagsasayaw. Nilikha
noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay
napapasama na ito sa tulang kasaysayan na
may 6-8 pantig.
Tulang Pandamdamin nagpapahayag ng damdaming
maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao o likha ng
maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata batay
sa isang karanasan.
 Awiting – Bayan – Ang karamiwang paksa ng uring ito ay pag – ibig,
kawalang pag-asa, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
Halimbawa: Gumisang ka Neneng, tayo’y manampalok
Leron, Leron, sinta Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Buko ng papaya Pagdating sa dulo’y uunda-undayog
Dala dala’y buslo Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.
Sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo’y Halika na Neneng at tayo’y magsimba
Nabali ang sanga, At iyong isuot ang baro mo’t saya
Kapos kapalaran Ang baro mo’t sayang pagkaganda-ganda
Humanap ng iba. Kay ganda ng kulay — berde, puti, pula.

Ako’y ibigin mo, lalaking matapang


Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam
Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.
Uri ng Awiting Bayan

 Awit ng Pag-ibig
 Awit ng Pandigma
 Awit sa Diyos-diyosan ng mga bisaya
 Awit sa Pagpapatulog ng bata
 Awit sa Kasal
 Awit sa mga Manggagawa
 Awit sa Pamamangka
Awit ng Pag - ibig

 Kundiman
Noong unang panahon ako ay bata pa,
Natisod mo na ay di pa alintana,
Nang ako ay lumaki at maging dalaga,
Tila sa wari ko ay may pagbabanta pa.

Pagsinta mo sa akin ay di ko tatanggapin,


Pagkat akong ito ay alangan sa tingin,
Ako ay mahirap, pangit pa sa tingin,
Bakit naman ngayon ay iyong iibigin.
Awit ng Pandigma

 Kumintang o Tagumpay

Ang nuno nating lahat,


Sa gulok di nasisisndak,
Sa labanan di naaawat,
Pinuhunan buhay, hirap,
Upang tayong mga anak,
Mabuhay nang mapanatag.
Awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya

 Dalit o Imno

Pumanaog, pumanaog si Mansilatan,


Saka si Badla ay bababa,
Mamimigay ng lakas,
Pasasaywain ang mga Baylan,
Paliligiran ang mga Baylan.
Awit sa Pagpapatulog sa Bata

 Oyayi o Hele

Tulog na bunso
Ang ina mo ay sa malayo
Di ka noya masundo
Pagkat ang daa’y maputik at mabaho.
Awit sa Kasal

 Diona

Umawit tayo at ipagdiwang


Ang dalawang pusong ngayon ay ikakasal,
Ang daraan nilang landas,
Sabuyan natin ng bigas.
Awit ng mga Manggagawa

 Soliranin

Hala gaod tayo, pagod tiisin,


Ang lahat ng hirap pag-aralang bathin,
Kahit malayo man, kung aking ibigin,
Daig ang malapit na ayaw lakbayin.

Kaya-pagkasawing palad ng
Ianak sa hirap
Ang bisig kundi iunat,
Di kumita ng pilak.
Awit sa Pamamangka

 Talindaw

Sagwan, tayo ay sumagwan,


Ang buong kaya ay ibigay,
Malakas ang hangin,
Baka tayo ay tanghaliin,
Pagsagway pagbutihin.
Soneto – tulang may labing-apat na taludtud hinggil sa
damdamin,kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may
malinaw na kabatiran ng likas ng pagkatao. sa kabuuan,
ito’y naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
 Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon

Sa balabang niyog, aking minamalas


Ang palabang buwang lumalantad-sumisilip
Sa abot-tanaw ko’y sultanang liwanag
Na napapaaasan ng aking pag-ibig…..
Sa lunday na putting kabigin-itulak
Pati paningin ko’y naglalakbay langit
Aling puso kaya ang di mangngarap
Kung ang kalikasa’y isang panaginip
Umigpa sa aking manlulumong diwa
Ang mga anino niring panimdim
Ang dalitang iwi’y nalimot na kusa
Madaling araw na, nang ako’y gumising
Pangarap! Pangarap! Pangarapang buhay!
Kaambil: ligaya: katapat; libingan!
Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o
gunigunitungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao

 "AWIT SA ISANG BANGKAY“ (Bienvenido A.)Ramos)


Ngayong hatinggabi'y nais kong awitin Notang sa silabato'y nagbinhi ng takot
ang ayaw marinig ng aking Diwata; at gintong makuyom sa bantay-salakay
awit na kaiba may bagong pagtingin sa bawat lansanga'y uwak na magtanod
may dugo ng buhay may tamis ng luha laganap ang salot sa hulo't luwasan…
awit na hinabi ng buwang may silim… (Sino ang pipigil, kung ito ay agos,
(isinumpang awit ng mga bathala) kung pati ang puno ay yagit na lamang?)

Inihimig pang pangako ring wasak


Anila, ang awit ay ang kagandahan sa binging pandinig ng mga naburol
na nakaayubo sa ating paligid agunyas man ito'y makaaagnas
mabituing langit, bagwis ng amihan sa pusong nagmoog sa daya at lason…
maingay na lunsod, at payapang bukid; (May bunyi ang awit ng palayong uwak
(di iyan ang awit na ngayon ay alay… Pagkat nagging uwak ang lahat ng ibon!)
(iya'y dati na't mga lumang himig)
Di para sa iyo ang awit kong ito
Ang awit kong ito'y pipi't walang nota (Narinig mo ba ang paos kong tinig?)
at dalit sa labi ng mga pulubi ang inaawit ko't para sa supling mo
kelan ay nasagpang ng mga buwitre kung magsusupling ka sa baog mong hasik…
aninong madapa sa mga bangketa Ngayong hatinggabi ay aawitin ko
sa gabing ang buwa'y ni ayaw ngumisi ang kamatayan mong di magbagong-binhi
Dalit – Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at
nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay

 “Halimbawa  Koro
Halina’t tayo’y mag-alay
ng bulaklak kay Maria
O Mariang sakdal dilag
Halina’t magsilapit
Dalagang lubhang mapalad
Dine sa Birheng marikit
Tanging pinili sa lahat
Ng isang kaibig-ibig
Nang Diyos Haring mataas
Dakilang reyna sa langit
Ng ampuni’t saklolohan
Itong bulaklak na alay
Tayong mga anak niya
Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo Birheng Mahal
Ng tuwa sa kalangitan
Pastoral – may layuning maglarawan ng tunay na buhay
sa bukid

 Bayani ng Bukid Sa aking paggawa ang tangi kong hangad


ni: Alejandrino Q. Perez Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init Umaasa akong puso’y nagagalak. Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Hindi natatakot kahit na sa lamig Sandata’y araro matapang sa init
Sa buong maghapon gumagawang pilit. At pagmasdan ninyo ang aking bakuran Hindi natatakot kahit na sa lamig
Inyong makikita ang mga halaman Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Ang kaibigan ko ay si Kalakian Dito nagmumula masarap na gulay
Laging nakahanda maging araw-araw
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman
Sa aming paligid namamalas pa rin
Ang haring araw di pa sumisikat Ang alagang hayop katulad ng kambing
Ako’y pupunta na sa napakalawak Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Na aking bukiring laging nasa hagap Nagdudulot lakas sa sariling atin.
At tanging pag-asa ng taong masipag.

Sa aking lupain doon nagmumula Ako’y gumagawa sa bawat panahon


Lahat ng pagkain nitong ating bansa Na sa aking puso ang taos na layon
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Na sa bawat tao, ako’y makatulong
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa. At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Oda – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba
pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng
pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong

 Tumangis si Raquel
Tumangis si Raquel
Wala na ang lusog ng hinubdang dibdib
Wala ana ang bango ng labing nilanta.
Ang mga buwitre’y nagpipiging
Sa katawang tinubos
Ng tatlumpung putol na pilak.
Tulang Pantanghalan

 Komedya - Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa


loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay.
 Trahedya - Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang
matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.
 Melodrama - Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung
minsan ay eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang
damdamin ay pinipiga para lalong madala ang damdamin ng mga nang
sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.
 Parsa - Kapag puro tawanan at walng saysay ang kwento, at ang mga
aksyoon ay puro “Slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at
maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.
 Saynete – Ang paksa ng ganitong dula ay karaniwang pag-uugali ng tao
o pook.
Tulang Patnigan

 Karagatan - Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa


mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao.
Batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya
sa dagat sa hangaring nitong mapangasawa ang kasintahang
mahirap.
 Duplo – Pumalit sa Karagatan. Pagtatalo na ginagamitan ng
tula, na karaniwang hango sa mga salawikain, kawikaan, at
kasabihan.
 Balagtasan - Isang patatalong patula tungkol sa isang paksa.
May lakandiwang namamagitan sa pagtatalong ito.

You might also like