Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

1. Ano ang komunikasyon?

- Ang komunikasyon ay ang paraang upang maibahagi ang saloobin o nais


iparating sa kinakausap; isa rin itong paraan upang isalin o ibahagi ang mga
ideya’t opinyon. Ito rin ay maaring ipahayag sa anumang paraan na nais;
maaring sa pasulat, pasalita o senyas.

2. Ano-ano ang anyo ng komunikasyon?


- Dalawa ang pamamaraan ng komunikasyon at yun ay ang berbal at hindi
berbal. Berbal na komunikasyon sapagakat tinutukoy nito ang paggamit ng
salita sa pagpapahayag ng saloobin ng isang tao patungo sa kaniyang kausap.
Isa ring tawag dito ay ang konkretong anyo dahil nga konkreto at tiyak ang
pagpaparating ng mensahe.

- Ang di-berbal na pakikipagtalastasan na nagsasaad ng ideya o panauhin gamit


ang kilos o kahit anong paaran na ginagamit basta’t hindi ginagamitan ng
salita o titik.

3. Ano-ano ang mga klasipikasyon ng DI-BERBAL na komunikasyon?


- Sa ilalim ng di-berbal na komunikasyon ay ang sumusunod, yan ay ang:

 Kinesika (Kinesics)
 Proksemika (Proxemics)
 Pandama o Paghawak (Haptics)
 Paralanguage
 Katahimikan/ Hindi Pag-imik
 Kapaligiran
 Bagay
 Kulay (Colorics)
 Simbolo (Iconics)
 Kapaligiran
 Oras (Chronemics)

Kinesika - Ito ay ang pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan. Bawat pagkilos ng


katawan ay mayroong kahulugan na bagamat hindi man nagsasalita, naipapahiwatig
ng ating kilos ang tunay na mesnaheng na nais iparating sa iba.

Proksemiko – Na ayon kay Edward T. Hall (1963), ito ay pag aaral na ng


kokmunikatibong gamit ng espasyo na ang kalahok sa isang komunkasyon. Kasama
na rito ang Espasyong Intimate, Publik, Sosyal, at Personal.

Pandama o Paghawak (Haptics) – isa sa mga primitibong anyo ng


komunikasyon, ang haptics ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Ito ay ang
breaking the touch barrier kung tatawagin, at ginagawa lamang ng mga taong malapit
sa isa’t isa.

Paralanguage – Hindi linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita


katulad ng pagsutsot, buntung-hingina, ungol at paghinto.

Katahimikan – Ang katahimikan ay nagsasaad na nais ng nagsasalita ng


pagkakataong mag-isip at ayusin ang kaniyang nais ipahiwatig. Ang pagtatahimik/di
pag-imik ay nagpapakita rin ng tagapagtanggap na handa sya sa mensahe ng
tagapagsalita.

Kapaligiran – Kinakailangan ng tao upang mangyari ang interaktibo at


komunikatibong Gawain sa buhay.

Kulay (Colorics) – Ang kulay ay ang nagpapahiwatig ng saloobin/damdamin.


Bagay (Objectics) – Gumagamit ng mga eletroniko o appliance upang channel
upang maipadala ang mensahe.

Simbolo (Iconics) – Mga simbolo sa paligid na na nagsasaad ng mensahe.


Oras (Chronemics) – Nahahati sa Teknikal, Pormal, Impormal at Sikolohikal.
4. Iguhit at ipaliwanag ang iba't Ibang modelo ng komunikasyon?

MODELO NI ARISTOTLE

Ang modelo ni Aristotle ay nagpapakita ng linyar na pakikipagtalastasan na kung


saan ang speaker o tagapagsalita ay lilikha ng nais niyang mensahe at ipapahiwatig
ito sa kaniyang tagapakinig. Ang layunin ng modelo na ito ay ang pagimpluwensiya
ang pananaw o damdamin ng tagapakinig.

MODELO NI HAROLD LASWELL

Dito nakasaad ang Who, What, Where at Why ng isang pag-uusap. Kung sino ang
naghatid ng mensahe, para kanino ito, sa paanong paaran at kung ano ang epekto ng
mensaheng naipadala.
MODELI NI DAVID BERLO 1960

Ang modelo ni Berlo, o ayon sa kaniya, ito ang pinakasimpleng anyo ng


pakikipagtalastasan; sa modelong ito ay ipinapakita na ang source ay magbabahagi
ng message sa isang channel sa receiver. Epektibo raw ayon kay Berlo ang ganitong
pakikipag-usap kung ang dalawang nakikipagtalakayan ay ganap na sanay sa
talakayan.

MODELO NI BRADDOCKS
Ang modelo ni Braddocks ay parehas lamang sa modeli ni Laswell at ni Osgood; ito
lamang ay isang ekstensyon.

MODELO NINA CLAUDE SHANNON AT WARREN WEAVER 1949

Nakasaad sa modelong ito na parang nakabatay ito sa isang pag-uusap sa


telepono. Katulad rin ng punto ng ibang mga modelo na nauna rito, ang sender ay
magpapahiwatig na kanyang punto sa isang channel na maaring abalahin ng noise o
ingay. Ang ingay na ito ay nagsisilbing hadlang sa dalawang nag-uusap sa kanilang
talastasan. Nakadepende ang kalinawan ng ideya ng sender sa kalinawan ng noise.
MODELO NI FRANK DANCE 1967
Ayon naman kay Frank Dance, ang mga linyar na modelo ay selektibo at nagpapakita
lamang ng isang topo ng komunikasyon. Ang kaniyang sirkular na modelo at
nagsasaad na ang komunikasyon ay dinamiko at patuloy-tuloy.

MODELO NI WILBER LANG SCHRAMM 1954

Sanggunian:

https://brainly.ph/question/701928
https://www.scribd.com/doc/98977763/Anyo-Ng-Komunikasyon
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-
71363858
https://www.slideshare.net/MinnieRose/uri-ng-komunikasyon-
verbal-at-diverbal
https://pdfslide.tips/documents/anyo-ng-komunikasyon.html

You might also like