Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Santa Rosa Campus


ACADEMIC CONTESTS COMMITTEE

PATIMPALAK SA PAGSULAT NG SANAYSAY


Mga Tuntunin

1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Santa Rosa
Kampus.
2. Isang kinatawan lamang ang maaaring ipadala ng bawat kolehiyo o departamento sa patimpalak sa
pagsulat ng sanaysay. Maaaring ang presidente ng bawat organisasyon na ang pumili sa
pinakamahusay na manunulat nila ng sanaysay ang kanilang ipapadala.
3. Kailangan magparehistro ang kinatawan sa pagsulat ng sanaysay sa link na ito.
https://tinyurl.com/2uc2bvwt
4. Gaganapin ang patimpalak sa Zoom Cloud Meeting sa ika-10 ng Setyembre 2021 sa ganap na ika-
10 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.
5. Inaasahang ang kalahok ay may maayos na koneksiyon ng internet at mayroon ding dalawang
electronic gadget na gagamitin sa oras ng patimpalak. Ang isa ay laptop o computer na mayroong
Microsoft Word na gagamitin sa pagsulat ng sanaysay at ang isa ay sa Zoom Cloud Meeting na
ilalagay sa tagiliran o likuran ng kinatawan. Kailangang makita sa bidyo ng Zoom Cloud Meeting
ang laptop o computer at ang kinatawan.
6. Ang kumpirmasyon ng paglahok ay isasagawa sa Zoom Cloud Meeting sa araw ng patimpalak, 30
minuto bago ito simulan.
7. Ang sino mang kalahok na hindi makukumpirma, 15 minuto bago simulan ang patimpalak ay hindi
na tatanggapin sa Zoom Cloud Meeting.
8. Ihahayag ang paksa ng sanaysay sa araw ng patimpalak, sa ika-10 ng Setyembre 2021 sa ganap na
ikasampu ng umaga.
9. Bibigyan ang mga kalahok ng isang (1) oras upang matapos at maisapinal ang sanaysay at
kinakailangang maipasa sa ibibigay na email address ng komite.
10. Ang kalahok ay hindi maaaring magtaglay ng anumang marka ng pagkakakilanlan maliban sa alyas-
pangalan na magiging pangalan ng file na ipapasa.
11. Ang ipapasang file ay kompiyuterisadong lahok (.doc o .docx format). Gagamitin
ang font na Arial 12 pt, word count na 1,000 salita, dobleng espasyo, sa A4 size (bond paper) na may
palugit na isang (1) pulgada sa itaas, baba at gilid.
12. Pinal ang hatol ng inampalan at hindi na maaaring pasubalian.

Kraytirya sa Paghusga ng Lahok

Nilalaman 75%
Kaugnayan sa Paksa (20%)
Mensahe (25%)
Kronolohiya (15%)
Pagpili ng Salita (15%)

Estilo at Teknikalidad 25%


Pagbabantas, pagbabaybay, pagpapalugit (13%)
Kalinisan, kaayusan, at estilo ng pagsulat (12%)

Kabuuang Marka 100%


Pangalan ng mga Hurado:

1. Christian C. Gandeza
Campus Research Coordinator
Ilocos Sur Polytechnic State College
Tagudin Campus

2. Jovy V. Larrios
Master Teacher II
Victoria SHS

3. Zendrex D. Ilagan
Master Teacher II
Calamba City School for the Arts

Tagapagpadaloy ng Patimpalak

1. Prop. Jonell John O. Espalto


2. Prop. Marion C. Laguerta

Inihanda nina:

JONELL JOHN O. ESPALTO MARION C. LAGUERTA


Guro sa Filipino Guro sa Filipino

You might also like