Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Subject: Panitikan

Section:

1. Bakit maituturing na kaluluwa/salamin ng Bayan ang Panitikan?


• Sa pamamaraan ng Panitikan mailalarawan o nagbibigay ng repleksyion sa buhay at
karanasan ng tao at maging ang pamumuhay at kasaysayan ng isang lugar o kumunidad.
Ito ang rason kung bakit ito maituturing na kaluluwa/salamin ng Bayan ang Panitikan
sapagkat makikita natin ang pinagdaan ng ating kumunidad noon mapasahanggang
ngayon na siyang nagbibigay ng identidad sa isang lugar. Ang mga panitikan din ay
siyang nagbibigay sa atin ng aral at leksyon na siyang maekokompara natin sa sariling
buhay o pamumuhay ng mga tao sa lugar kung saan nagmula ang panitikan.

2. Ano-ano ang mga uri ng Panitikan ayon sa kaanyuan at nilalaman? Magbigay ng tig dalawang
halimbawa ng bawat isa.
• Ayon sa Kaanyuan
➢ Tuluyan/Prosa
Halimbawa:
1. Alamat (Alamat ng Pinya)
2. Pabula (Ang Kuneho at ang Pagong)
➢ Patula
Halimbawa:
1. Epiko (Biag ni Lam-ang)
2. Bugtong (Bulaklak muna ang dapat gawi, bago mo ito kainin-Saging)
• Ayon sa nilalaman
➢ Pasalindila
Halimbawa:
1. Bulong
2. Awiting Bayan
➢ Pasulat
Halimbawa:
1. Nobela
2. Sanaysay
3. Ano-ano ang kahalagahan ng Panitikan?
• Sa pamamagitan ng Panitikan maipapakita ang kultura at tradisyon ng tao o lugar.
Maipapakita sa Panitikan ang ating pinag-daananan na maging gabay sa ating buhay at
kukulay sa ating Kultura.

4. Ano-ano ang tatlong uri at magbigay ng tig dalawang halimbawa ng mga sinaunang panitikan
even before the Spaniards colonization
• Kwentong Bayan
Halimbawa:
1. Mito (Maria Makiling)
2. Alamat (Alamat ng Palay)
• Awiting Bayan
Halimbawa:
1. Ako si Rosas Pandan
2. Bahay Kubo
• Karunungang Bayan
Halimbawa:
1. Kasabihan (Kung may tsaga, may nilaga)
2. Salawikain(Di makabasag pinggan)

5. Magbigay ng 5 doon sa labing dalawang impluwensya ng ating panitikan.


• Banal na Kasulatan o Bibliya
• Koran mula sa Arabia
• Canterburry Tales ni Chaucer
• Mahabharata
• Aklat ng mga Patay

You might also like