Scriptsss

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang umaga sa inyong lahat!

Bago natin sisimulan ang pagtatalakay ay inaanyayahan ko ang lahat na manalangin,

sa ngalan ng ama anak ng spiritu santo amen….

Play prayer….

Magandang Umaga sa inyong lahat Purihin si Hesus at si Maria, Ngayon at Magpakailanman,

Bago tayo magsisimula ay Pinahihintulutan ko si Binibining Marisol sa pagtala ng mga liban at mamaya ay kukunin ko ang kopya.

at ngayon , Para sa talakayan na ito Binibinig Canete ano ang iyong ideya sa larawan na aking ibinahagi?

Batay sa larawan, mga taong nag uusap , ginagamit nila ang kanilang wika upang sila ay magkaintindihan.

Maraming salamat…….Sa mga larawan na ito ay makikita natin ang pakikipag ugnayan at pakikipag usap ng ibat-ibang tao gamit ang wika at sa
pamamagitan nito ay tayoy magka intindihan.

Layunin natin ay una. ……………………

.Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa pagsasalita gamit ang wika sa pakikipag komunikasyon.

Ano nga ba ang iyong ideya sa pagsasalita gamit ang wika? Ginoong gudis?...

para sa akin ang pagsasalita gamit ang wika ay ito yung daan upang tayo ay magka intindihan sa pamamagitan nito ay maging malinaw ang nais
nating ibahagi.

Tama!

Isa sa ating dahilan kung bakit tayo nagsasalita ay upang maibahagi natin ang ating sariling saloobin o damdamin, maibahagi natin ang ating mga
ideya at mensaheng nais nating sabihin at sa pamamagitan ng pagsasalita ay mas maiintindihan natin ang ating sinasabi lalo na sa ating kausap
kapag gagamitin natin ang ating wika.

1. Kinakailangan talaga tayong magsalita gamit ang wika sa pagtatanong sa mga bagay na nais nating malaman sapagkat hindi mabubuo ang
isang kumunikasyon kapag wala ang magtatanong, ang magsasagot, at ang diyalogo na nabubuo sa pamamagitan ng pagsasalita gamit ang wika.

2. Kapag tayo ay nagsasalita mahalagang meron tayong tagapakinig upang maibuhos natin ang ating mga saloobin , ang ating sariling ideya sa
ating tagapakinig. Dahil sa pagsasalita nabibigyan ng mga posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o ipahiwatig sa iba.
Nakakatulong din ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.

3. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay ito yung daan upang magkaunawaan ang isa’t isa dahil sa pagsasalita ay masasabi natin kung ano
yung gusto nating sabihin sa isang tao halimbawa ng hindi kayo nagkaintindihan , so kailangan mong ipaliwanag sa kanya upang
mabigyan ng linaw ang nais mong sabihin , kailangan mong magsalita upang maging klaro ang lahat kaya ang pagsasalita ay isang
instrumento sa pagkakaunawaan ng bawat tao.

4. Ang pagtatagumpay ng tao sa kanyang mga hangarin sa buhay ay nakasalalay sa kanyang mga salita gamit ang wika sa pakikipag-ugnayan sa
paraang matapat, mabisa, malinaw, at kapani-paniwala. Mahalaga ang pakikipag-ugnayang pasalita sa mga hangaring pag-unlad ng bansa,
pamayanan at mamayan. Halimbawa na lang nito ay sa mga pagpupulong pulong para sa ikaunlad ng isang pamayanan ay kailangan ang
pagsasalita gamit ang wika upang lubos na magkaintindihan ang gagawing plano para sa kaunlaran ng pamayanan.

Ang isang mabisang pagsasalita ay magbubunga ng isang mabisang kumunikasyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, hindi kailanman
mabubuo ang isang mabisang kumunikasyon kapag mahihiwalay ang mga elemento ng proseso na magiging Daan sa paghatid ng mensahe ng
nagsasalita patungo sa tagapakinig.

KAALAMAN

Kinakailangan talaga na may sapat kang kaalaman sa mga mensahing iyong binibitawan sapagkat nakasalalay dito ang mga detalye ng
impormasyon na iyong ibabahagi sa tagapakinig, at dapat sapat sa kaalaman upang laging handa at may isasagot para sa mga tanong ng iyong
tagapakinig.

KASANAYAN

.Para sa kasanayan sa pagsasalita ng anyong di-berbal ay kailangan mong taglayin ang mga katangian sa pagsasalita, tulad ng pagkakaroon ng
talas ng isipan, dahil kapag mayroon kang talas ng isipan ay madali kang makakapag isip ng mga mensahing iyong isasalita at hindi ka mauubusan
ng mga salitang iyong sasabihin.

Analisis

Marisol 1.Bakit mahalaga ang kasanayang pampagsasalitaan?

Upang Magkakaruon ng ugnayan sa iba kaya mahalaga ang kasanayang pampagsasalitaan sa ating pang araw
araw.
Maraming salamat! isa rin kung bakit mahalaga ang kasanayang pampagsalitaan Dahil ito rin ay nagbibigay gabay sa
atin upang mahasa ang ating pagsasalita.
Canete 2. Bilang isang guro sa hinaharap, paano makatutulong sayo ang pagsasalita?
Para sa akin makaktulong ito sa pamamgitan ng aking pagbabahagi ng kaalaman sa aking lipunan.
Tama! Malaking epekto sa ating mga guro ang pagsasalita dahil ito ang ating sandata upang tayo ay makapagturo,
kinakailangang malinaw ang ating pagbibigay ng ideya sa ating mga mag-aaral.

Gudis 3. Paano nililinang ang paggamit ng wika sa iyong pagsasalita?


Nililinang ng wika sa aking pagsasalita sa pamamagitan ng aking pakikitungo sa kapwa upang mas lalo ko mahasa
ang aking pagsasalita gamit ang wika.

Mahusay! Sa pamamagitan ng palaging paggamit nito araw-araw at binibigyan ng sapat na atensyon sa pagkatuto ng
wika hanggang sa maging bihasa na sa paggamit nito.

Carbon 4. Paano mo pinapahalagahan ang ang wika sa iyong pang-araw-araw na pakikipag komunikasyon?
Sa pang araw araw nating ginagamit ang wika ay malaking ambag ito sa ating bansa lalo na sa ating lipunan upang
ang bawat tao ay magkaintindihan.

Para sa karagdagan ay, Pinapahalagahan natin ito sa bawat pakikitungo natin sa ating kapwa.

At Para naman sa inyong takdang aralin ay……………………….


At e turn in nyo ito sa ibibigay ko sa classroom para sa inyong submition.

At dito na nagtatapos ang ating talakayan , naway may natutunan kayo sa araw na ito , natapos na ang talakayan naway gabayan nawa
tayo ng may kapal…maraming salamat sa pakikinig. Paalam.

You might also like