Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 1

Padre Damaso: May relihiyon ba? Malaya pa ba ang mga pari? Napapahamak na ang bayan!
Dominiko & Tenyente: Ano ang ibig mong sabihin, reverencia?
Damaso: kinukunsinti ng mga nasa gobyerno ang mga ereheng kalaban ng Diyos kaya maraming
desgrasyang nagaganap.
Tenyente: ano ang ibig ninyong sabihin?
Damaso: Sinasabi ko ang gusto kong sabihin!...kapag ang isang pari ang nagpahukay ng
nakalibing ng isang erehe..kahit hari ay walang karapatang makialam..lalo na ang magparusa!.
Tenyente: (pasigaw) Padre ang kanyang kamahalan ang kapitan heneral, ay siyang vice-real
patron!
Damaso: anong kamahalan at anong vice real patron ang sinasabi mo!? Kung noon ito nangyari
tiyak na kinaladkad sa hagdan paris ng ginawa ng mga korporasyon sa suwail na gobyernador
Bustamante, noon ang panahon ng tunay na pananampalataya!
Tenyente: Hindi ko mapapayagan ito! Ang kanyang kamahalan ay kinatawan ng katas taasang
hari!
Damaso: Para saamin ay walang ibang hari kundi ang tunay lamang
Tenyente: Tumigil kayo!!!BAWIIN NINYO ANG LAHAT NG IYAN AT KUNG HINDI AY
MAKAKARATING ITO SA KANYANG KAMAHALAN BUKAS NA BUKAS DIN!.
Damaso: sige! Magsumbong ka kahit ngayon! Sige!
Padre Sibilya: Mga Ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa’t isa nang
walang namang dahilan.
(mananahimik ng saglit na minuto)
Sibilyan: Sino ang may ari ng bahay na ito? Hindi pa ako naipapakilala sakanya
Damaso: hindi na kailangan ng pagpapakilala ditto, mabait na tao si Santiago

Kabanata 2
(Santiago kasama si crisostomo Ibarra)
(humalik sa kamay si tiago kay damaso at sa isang pari)
Tiago: Magandang gabi po sainyo mga ginoo
(inalis ng isang pari ang kanyang salamin at tinignan mula ulo hanggang paa si Ibarra)
(manlalaki ang mata ni Damaso)
Tiago: Siya po si Crisostomo Ibarra anak ng namatay kong kaibigan, kararating lamang niya
mula Europa at sinalubong ko siya.

CI: Buenos Dias( hahalik sa kamay ng mga bisita ”maliban sa mga pari”)
CI: A! Sila ang kura sa aking baying bayan. Matalik na kaibigan ng aking ama si padre damaso.
Damaso: hindi ka nagkakamali!, pero kahit kelan ay hindi ko nagging matalik na kaibigan ang
iyong ama!.
(Kakamayan sana ni Ibarra si Damaso ngunit ng iabot nito ang kamay niya ay hindi naman
kumaway si damaso)
Tenyente: Maligayang pagdating. Sana’y higit kayong maging mapalad kesa sainyong ama.
CI: Salamat ginoo.
Voice: Nakahanda na po ang hapunan

Kabanta 3
(dahil sa kanilang kaugalian ay sabay na lumapit ang dalawang prayle)
Padre sibyla:Para sainyo ito padre damaso
Damaso:Para sainyo padre sibyla,
Sibyla: kayo ang dati nang kakilala ng maybahay para sainyo ang upuang ito.
Padre Damaso: Hindi po,……..kayo ang kura sa pook na ito
Sibyla: Yamang iniuutos ninyo ay susunod ako
Damaso: HINDI KO IPINAGUUTOS SA INYO!
(bago umupo si sibyla ay magkakatinginan sila ng tenyente
Sibyla: Ginoong tenyente nasa lipunan tayo at wala sa simbahan kaya ang upuang ito ay para
sainyo
Tenyente: Hindi po, sainyo nap o yan padre sibyla
(umupo na silang lahat)
(napatingin si Ibarra kay Santiago)
CI: Hindi po ba kayo makikisalo sa amin Don Santiago?
Tiago: Aba wag kayong titindig. Itong handaan na ito ay bilang pasasalamat sa mahal na birhen
dahil sainyong pagdating. Isilbi na ang tinola. Nagpaluto ako ng tinola sapagkat alam kong
matagal na kayong hindi nakakatikim noon.
(isang hita ng manok lamang ang napunta kay damaso)(Nagdabog si damaso)
Laruja: Ilang taon kayong hindi nakakauwi?
CI: mga pitong taon po
Laruja: maaring nakalimutan mo na ang pilipinas!
CI: malayo pong mangyari. Maaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang
naalala
Laruja: anong ibig mong sabihin
CI: isang taon na akong hindi nakakatanggap ng balita sa ating bayan.ni hindi ko alam kong
anong nangyari sa aking ama
Tenyente: a gayon pala!
Victorina: saan naman kayo naroroon at ni hindi nagpahatid ng kablegrama?
CI: Ginang nitong huling dalawang taon ay nasa alemanya at polanya rusa ako
Sibilyan:alin po sa bansa sa Europa ang higit ninyong nagustuhan?
CI: bukod po sa espanya na pangalawa kong bayan ay ang alin mang bansa sa malayang Europa.
Laruja: Sa paglalakbay ninyo sa maraming bansa anong pinakamahalagang bagay ang nakita
ninyo?
(nagisip kunwari ng matagal si Ibarra)
CI: Nakikita ko ang kasaganahan at paghihikahos ng mga bansa ay may tuwirang relasyon sa
kanilang kalayaan o pagkaalipin.
Damaso: wala ka bang nakita kundi iyan? Hindi dapat sayangin ang salapi para lamang sa
napakaliit na bagay!. Kahit munting batang nag-aaral ay nakakaalam niyan!.
(napatingin si Ibarra sa prayle)(nakatingin ang mga kumakain sa takot na may mangyaring gulo)
CI: Ipahintulot ninyong magpaalam na ako, mga ginoo. Kararating ko lamang at kailangan ko
nang umalis din ako bukas. Marami pa akong dapat tapusin
(tinungga ni CI ang alak)(nakigaya narin ang iba)
Tiago: Huwag muna kayong umalis!.Darating si Maria Clara sinundo siya ni tiya Isabel.
Darating din ang banal na bagong kura ng inyong bayan.
CI; daraan ako ditto bukas bago aalis
(umalis si CI)
Nakita niyo na iyan ang mayabang.hindi matanggap na mapagsalitaan ng kura. Ang palagay sa
sarili ay edukado! Iyan ang masamang epekto ng pagpapadala sa Europa ng kabataang Indio!
Kailangan itong ipagbawal ng gobyerno!

You might also like