TALUMPATI Patungkol Sa Pangkapayapaan.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name: Fatima Aisha Batua Dida-Agun September, 20, 2021

Subject: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


Teacher: Ma’am Normala Maulana

Sinabi ni Teddy Casino na pag-uusapan ng Government of the Philippines (GPH) at


ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang ilan sa mga problema ng
ating bansa at dapat bigyang solusyon upang yung mga taong nahihirapan o yung mga
taong mahihirap ay makaangat sakanilang kahirapan. Isa na diyan ang ating
mamamayang magsasakang pilipino, sila ay inaapi dahil wala silang sariling lupa. Pag-
uusapan ng Rebolusyonaryong kilusan at ng Gobyerno kung paano magkakaroon ng
sariling lupa ang ating magsasakang Pilipino upang sila ay hindi na mahirapan pa at
para narin makakain ang ating magsasakang Pilipino.
Pag-uusapan rin ng Comprehensive agreement at ng Gobyerno kung paano
mabibigyan ng solusyon yung mga taong nawawalan ng trabaho at yung mga taong
may trabahong may mabababang sweldo. Pag-uusapan rin kung paano mabibigyan ng
solusyon ang matinding pag kasira ng ating kalikasan sa tuwing may paparating na
malakas na bagyo, kung paano maiiwasan ang pag kawala ng mga tirahan ng ating
mamamayang Pilipino.
Isa sa mga problemang na nabanggit din ni Teddy Casino ay kung paano
magkakaroon ng libreng edukasyon ang mga estudyante mula elementarya hanggang
kolehiyo, kung paano magkakaroon ng libreng pagkain sa mga publikong hospital, kung
paano mapapalaya yung mga bilanggong pulitikal, at kung paano mabibigyang
solusyon ang pag papalakas ng Internet sa Pilipinas. Dito masusubukan ang mga
Gobyerno kung seryoso ba sila sa ganitong problema ng ating bansa. At kung maaaring
ma solusyunan lahat ng mga problema ng ating ekonomiya, matitiyak nating gaganda
ang ating environment para sa pag papatuloy ng usaping pangkapayapaan.

You might also like