MTB 2 Q1 Week 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

MTB 2-Q1-W1

Aralin 1 : Handa Ka Na Ba?

Mga Inaasahan

Nilalayon ng modyul na ito na mahubog ang kakayahan sa


mga sumusunod na kasanayan:

1. Nakalalahok sa talakayan ng kuwento sa


pamamagitan ng pagbibigay saloobin at
paglalahad ng mga katanungan gamit ang
kumpletong pangungusap. - MT2OL-Ia-6.2.1
2. Nakababasa ang mga salitang may maramihang
pantig na palagiang binabaybay. – MT2PWR-Ia-b-
7.3
3. Nakagagamit ang pangngalan sa pangungusap.

Paunang Pagsubok

Basahin ang mga pangkatang salita at ikahon ang


naiiba ang bigkas.

1. pasukan pasukan pasko pasukan


2. kaklase kaklase kaklase klase
3. paaralan paraan paaralan paaralan
4. pormal uniporme uniporme uniporme
5. talakayan talakay talakayan talakayan

Bago ka magpatuloy, balikan natin ang mga


natutuhan mo sa unang baitang. Ano ang iyong gagawin
kapag unang araw ng pasukan?

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
Balik-tanaw 2

Pagsunod-sunurin ang mga larawan kung paano ka


naghahanda sa pagpasok sa paaralan. Lagyan ng bilang
(1-5) ang kahon.

Pagpapakilala ng Aralin

Una at Ikalawang Araw


A. Ako bilang isang mag-aaral na Pilipino
Sa araling ito ay kilalanin mo ang inyong sarili bilang
isang mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng
pagbibigay ng iyong saloobin tungkol sa kuwento na
babasahin mo.

Paghahawan ng balakid
Panuto: Bago simulan ang pagbabasa ng kuwento, alamin
mo muna ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit
sa pangungusap. Bilugan ang kasingkahulugan ng mga
salitang may salungguhit.
1. Ulirang mag-aaral si Lisa
A. mabait B. modelo C. maganda

2. Nagtataglay sila ng magagandang katangian.


A. nagbibilang B. nagkukulang C. nagmamay-ari

3. Maagap sila sa pagpasok.


A. maaga B. nagmamadali C. huli
4. Nakakabit sa kanilang dibdib ang kanilang ID.
A. nakasukbit B. nakatali C. nakapin

5. “Heto na ang sasakyan natin!” wika ni Carlo.


A. sigaw B. tawa C. sabi
(Dr. Cecilia A. Javier At Cecilia L. Tamayo- Wika at Pagbasa 2 Makabayang (Filipino-
Sining ng Komunikasyon sa Mababang Paaralan 2003)

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
3

Magbasa at Unawain
Bilang isang mag-aaral na Pilipino, marami kang dapat
ihanda. Ano ang mga ito? Ito ang aalamin mo sa aralin sa
araw na ito.

Pasukan Na Naman
Inihahanda nina Carlito at Anita ang kanilang mga sarili sa
pagpasok sa paaralan. Maaga silang gumising, dumiretso sa
banyo,naligo at kumain ng agahan. Nagsuklay ng buhok si Anita
at naglinis ng kaniyang sapatos,samantalang si Carlito naman ay
nagsipilyo ng ngipin at ginupitan ang kuko.

Malinis na ang katawan ko! Malinis din ang damit ko! wika ni
Carlito. Si Anita naman ay suot na ang malinis at bagong
plantsang uniporme. Handang-handa na sila sa pagpasok sa
paaralan. Nakakabit na rin sa kanang dibdib ang kanilang mga
ID.

Sila ay ulirang mag-aaral na Pilipino. Nagtataglay sila ng


mga katangian ng isang tunay na Pilipino. Sila ay maagap,
malinis at handa sa anumang bagay. Maya-maya nariyan na
ang bus na maghahatid kay Carlito at Anita sa paaralan.

“Naku heto na ang sasakyan natin,” wika ni Carlito. Humalik


na sila sa pisngi ng kanilang ina at sumakay ang magkapatid
patungong paaralan.

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
4

(Dr. Cecilia A. Javier At Cecilia L. Tamayo- Wika at


Pagbasa 2 Makabayang Filipino- Sining ng Komunikasyon sa Mababang Paaralan
2003)

Ikatlong araw hanggang Ikaapat na araw

B. Salitang may maramihang pantig


Sa araling ito matutuhan mo ang wastong pagbabasa ng
mga salitang may maramihang pantig. Ang bawat salita ay
binubuo ng pinagsamang pantig. Binabasa ito ng may tamang
diin at intonasyon.
Halimbawa: pasukan - (pagpapantig) pa - su - kan
Ito ay may tatlong (3) pantig.
Basahin ang mga salitang may maramihang pantig. Hingin ang
gabay ng iyong magulang o tagapag-alaga upang mabasa ito.
Ipababasa muna sa iyong magulang pagkatapos ay
ikaw naman ang magbabasa. Bigkasin ang mga salita ng may
wastong intonasyon at diin.

1. Carlito 6. uniporme
2. paaralan 7. nakakabit
3. orasan 8. sasakyan
4. nagsipilyo 9. magkapatid
5. Pilipino 10. Maghahatid

-Bilangin ang pantig ng bawat salita.


-Ito ay ang mga salitang may maramihang pantig.
Ikalimang araw
C. Nagagamit ang Pangngalan sa pangungusap
Nagagamit ang pangngalan sa pagbuo ng pangungusap
tungkol sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari. Bago mo
gamitin ang pangngalan sa pagbuo ng pangungusap balikan
muna ang kahulugan ng pangngalan.
Ang pangngalan ay tawag sa salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari .

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
5

✓ Halimbawa

Tao Hayop Lugar Bagay Pangyayari


nanay aso Caloocan lapis kaarawan
Jose Rizal ibon parke papel pasko

Tingnan ang larawan

• Sino ang nagluluto?


➢ Sagot : (Nanay)
• Anong uri ng pangngalan ang salitang Nanay?
➢ Sagot: Ngalan ng tao.
• Gamitin sa pangungusap ang salitang Nanay.
➢ Sagot: Si nanay ay nagluluto.
Ginagamit ang pangngalan sa pangungusap para mas
madaling malaman kung ano o sino ang pinag-uusapan sa
pangungusap.

Mga Gawain

Gawain 1 – Unang araw: Mga Tanong

Anong katanungan ang nararapat sa iyong binasang kuwento.


Lagyan ng tsek (/) kung ang tanong ay nararapat tungkol sa
binasa mong kuwento at ekis (x) naman kung hindi nararapat sa
binasa mo na kuwento.
Sagot Mga tanong
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ano ang pangalan ng guro ni Carlito at Anita?
3. Ano ang nakatulong para gumising nang maaga si
Carlito?
4. Ano ang sasakyang ginamit nina Carlito at Anita sa
pagpasok sa paaralan?
5. Sino sa magkapatid ang hindi nakapasok sa
paaralan?

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
6

Gawain 2- Ikalawang araw: Ako Bilang Isang Mag-aaral

Panuto: Ilahad ang iyong saloobin tungkol sa binasang


kuwento. Sa pagsagot ng tanong ay gumamit ng kompletong
pangungusap.
1. Ano-ano ang paghahandang ginawa ng magkapatid sa
pagpasok sa paaralan?
___________________________________________________________
2. Nasiyahan ka ba sa ginawang paghahanda ng
magkapatid sa pagpasok sa paaralan? Bakit?
___________________________________________________________
3. Masasabi mo ba sila ay isang ulirang mag-aaral na
Pilipino? Bakit?
___________________________________________________________
4. Bilang isang mag-aaral na Pilipino ano ang iyong
gagawing paghahanda sa pagpasok sa paaralan?
___________________________________________________________
5. Ano ang katangiang dapat taglayin ng isang mag- aaral
upang maging handa sa pagpasok sa paaralan? Bakit?
___________________________________________________________

Gawaln 3- Ikatlong araw: Bigkasin at pantigin ang mga salita.

Panuto: Basahin at pantigin ang bawat salita. Isulat sa


patlang ang iyong sagot.
1. sipilyo - ____________________
2. sasakyan - ____________________
3. mag-aaral - ____________________
4. kaarawan - ____________________
5. kaibigan - _____________________

Gawain 4- Ikaapat na araw: Pagpapantig

Panuto: Pantigin ang mga sumusunod na salita. Isulat sa loob ng


kahon ang tamang bilang ng mga salita.

1. pisara - 4. magkakapatid -
2. paaralan – 5. magsusulat -
3. uniporme –

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
7

Gawain 5- Ikalimang araw


Gamitin sa pangungusap ang pangngalan.

1. - paaralan

Pangungusap-___________________________________________

2. uniporme

Pangungusap_____________________________________________

3. kaarawan

Pangungusap____________________________________________

4. aso

Pangungusap____________________________________________

5. kaklase

Pangungusap____________________________________________

Tandaan

Mga dapat mong isa-isip…

➢ Sa pagbabasa ng kuwento lubos mo itong mauunawaan


kung makikilahok sa talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay
ng saloobin at sumasagot sa mga katanungan.
➢ Ang paghahati ng salita ay tinatawag na pagpapantig.
May mga salitang binubuo ng isa, dalawa, tatlo, at higit

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
8

pang pantig. Binibigkas ang bawat pantig ng may wastong diin


at intonasyon.
➢ Ginagamit ang pangngalan sa pangungusap para mas
madaling malaman kung ano o sino ang pinag-uusapan sa
pangungusap. Ang paggamit ng pangalan sa pangungusap
ay isinusulat ng may wastong laki o liit ng letra, espasyo ng letra,
at bantas.

Magiging lubos ang iyong pang-unawa sa araling ito sa


pagsagot mo sa karagdagan gawain.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gumawa ng isang Picture Collage. Idikit ang limang


larawan mo sa isang oslo paper na nagpapakita kung paano ka
naghahanda sa pagpasok sa paaralan.
Rubrik para sa paggawa ng Picture Collage
Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Naipakita ang pagkasunod-sunod ng


paghahanda sa pagpasok sa paaralan
2. Naging malinaw ang intension o detalyeng
ipinahahayag ng collage.
3. Nagpamalas ng pagiging malikahain sa pagbuo
ng collage.
4. Naipapakita ang ganda at linis ng paggawa

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga tanong.

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
9

ang letra ng tamang sagot.

___1. Ilang pantig ang salitang magkakambal?_______


A. 4 B. 3 C. 5

___2. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pagpapantig ng


salitang paglilinis.
A. pag-lili-nis B. pag-li-li-nis C. p-ag-li-li-nis

___3. Tinutulungan ni Dina ang kaniyang ____ sa paglilinis ng silid-


aralan. Anong pangngalan pantao ang angkop sa
pangungusap?
A. nanay B. guro C. kakambal

___4. Anong katanungan ang nararapat sa iyong binasang


kuwento?
A. Bakit natutuwa si Gng. Castro sa magkakambal?
B. Sino-sino ang naging kaibigan ni Dino?
C. Ano ang baon ng magkakambal?

___5. Sino sa magkakambal ang dapat mong tularan? Bakit?


A. Si Dino, kasi magkakaroon ako ng madaming kaibigan.
B. Si Dina, kasi matutuwa sakin ang aking guro.
C. Sina Dino at Dina, kasi parehong maganda ang kanilang
ipinakitang pag-uugali.

Pagninilay

Basahin at unawain ang maikling kuwento.

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo
10

Maagang gumising si Mia. Inayos ang kaniyang higaan,


kumain, nagsipilyo, nagbihis ng maayos na damit at inihanda
ang sarili sa pag-alis. Nagpaalam siya sa kaniyang nanay at
tatay.

Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Anong katanungan ang nararapat sa iyong binasang


kuwento?

Sagot:__________________________________________________

2. Ano ang damdaming iyong naramdaman sa paghahandang


ginawa ni Mia? Bakit?

Sagot: ____________________________________________________

3-4. Pumili ng dalawang (2) salitang may maraming pantig mula


sa kuwento. Pantigin ang mga salitang napili.

Sagot_____________________________________________________

5. Sumulat ng isang pangungusap gamit ang pangngalang Mia.

Sagot: ____________________________________________________

Mahalagang katangian ang pagiging handa. Dapat mo itong


matutuhan habang bata ka pa. Maaari kang magsimula sa
paghahanda ng iyong sarili sa araw-araw. Sa ganitong paraan,
magagawa mo nang maayos ang mga gawain sa paaralan.

Modyul sa Mother Tongue-Based 2


Unang Markahan: Unang Linggo

You might also like