Professional Documents
Culture Documents
Ap10 Las q4 Final
Ap10 Las q4 Final
Araling Panlipunan
1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
Schools Division of Cauayan City
COPYRIGHT PAGE
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad".
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may- akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
2
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
I. COPYRIGHT PAGE 1
II. TALAAN NG NILALAMAN 2
Konsepto ng Pagkamamamayan (Aralin 1) - - - 4
Gawain 1: Kumpletuhin Mo Ako - - - - 4
Gawain 2: Tama o Mali - - - - - 4
Gawain 3: Mamili Ka sa Dalawa - - - - 5
Gawain 4:Filipino Citizenship Concept Map - - - 6
Repleksyon - - - - - - - 6
Susi sa Pagwawasto - - - - - 7
Konsepto ng Pagkamamamayan ( Aralin 2) - - - 8
Gawain 1: Si Juan Bilang Aktibong Mamamayan - 8
Gawain 2: Suri Basa - - - - - 9
Gawain 3: I – Vlog Mo! - - - - - 12
Repleksyon - - - - - - - 12
Mga Karapatang Pantao - - - - - 14
Gawain 1: My Right Pic! - - - - - 15
Gawain 2: Right Timing! - - - - - 17
Gawain 3: All is Right, You Bet! - - - - 18
Gawain 4: Uno, Dos, Tres, Artikulo Tres! - - - 20
Gawain 5: Sing it To me! Right Kiddo? - - - 22
Gawain 6: I See it Right! - - - - - 23
Politikal na Pakikilahok - - - - - - 25
Gawain 1: Ggk ‘TO! - - - - - - 26
Gawain 2: Try Mo! - - - - - - 26
Gawain 3: That’s Org! - - - - - 27
Gawain 4: Ibuod Mo! - - - - - 28
Gawain 5: Listen To Me! - - - - - 28
Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng
Mabuting Pamamahala - - - - - - 31
Gawain 1: Alamin Mo! - - - - - 32
Gawain 2: Katangian Mo, Unawain Mo! - - - 32
Gawain 3: Datos Suri! - - - - - 33
Gawain 4: Katapatan - - - - - 34
Gawain 5:Say It in Essay - - - - - 35
3
ARALING PANLIPUNAN 10 (UNANG LINGGO)
Gawaing Pampagkatuto
Konsepto ng Pagkamamamayan
Panimula(Susing Konsepto)
Panuto: Punan nang hinihinging impormasyon ang bawat patlang. Pumili ng sagot sa
loob ng kahon sa ibaba.
ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
4
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas
na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino,
na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Piliin kung
ang pahayag ay Jus Sanguinis o Jus Loci.
Jus soli o jus loci-ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
5
1. Ipinanganak si Carmen sa New York City kaya ang kanyang
pagkamamamayan ay Amerikano.
2. Filipino si Andrei dahil ang kanyang magulang ay Filipino.
3. Ang Turistang Intsik na si Mrs. Lee ay nanganak sa California samakatuwid ang
pagkamamamayan ng kanyang anak ay maaaring Amerikano .
4. Ang Turistang si Mrs. Chan ay nanganak sa US kaya ibig sabihin nito ang
pagkamamamayan ng kanyang anak ay Amerikano.
5. Pagkamamamayang Pilipino ang nakuha ni Roman kahit na ipinanganak siya
sa ibang bansa. Ito ay dahil ang kangyang mga magulang ay mga Pilipino
Batayan ng
Pagiging Mamamaya Dahilan ng
mamamayang ng Pilipino pagkawala ng
Pilipino pagkamamamay
an
6
Mga Sagot
Sanggunian
Inihanda ni:
7
ARALING PANLIPUNAN 10 (IKALAWANG LINGGO)
Gawaing Pampagkatuto
Konsepto ng Pagkamamamayan
https://www.google.com/search?q= 1. Sumusunod
sa____________________
imahe+ng+sumusunod+sa+batas&tbm=
isch&ved=2ahUKEwi
2. Pagtulong sa
_______________________
https://www.google.com/search?q=
imahe+ng+pagtulong+sa+mga+matatanda&tbm
=isch&ved=2ahUKEwjW6pjM_rPwAhUI7ZQK
Heg
7DdUQ2-
8
3. Pag-aaral
ng______________________
__
https://www.google.com/search?q=
larawan+ng+aktibong+mamamayan&tbm
=isch&ved=2ahUKEwig35r9_
rPwAhUCHKYKHf8xAW0Q2-
4. Panunumpa
sa______________________
__
Line.17qq.com
5. Tamang pagtatapon ng
____________________
https://www.facebook.com/Tamang-Pagtapon-ng-
Basura-1652037025063014/photos/
Gawain 2.Suri-Basa
9
Ang Pananaw ng mga Pilipino sa Pagiging Mabuting Mamamayan
Noong nakaraang lingo ay aking iniulat na tayong mga Pilipino, kung ihahambing sa
ibang nasyonalidad, ay napakahusay sa pangangalaga ng ating karapatan sa pagsasagawa ng
civil disobedience. Ngunit, tayo ay below average pagdating sa pangangalaga ng ating
karapatan sa minimum living standard, karapatan ng mga minorities, karapatan para sa pantay
na pagtrato, karapaan para marinig, at ang karapatang makilahok sa demokratikong proseso.
Hindi lamang ang paggiit ng mga karapatan ang kalakip ng pagiging mabuting mamamayan
kundi maging ang pagtupad sa mga tungkulin.
Sa lingong ito, aking iuulat, batay pa rin sa 2004 Survey on Citizenship of the
International Social Survey Program (www.issp.org), na ang mga Pilipino, kung ihahambing
sa iba, ay may mataas na pananaw sa kung ano ang mga dapat gawin ng isang mabuting
mamamayan.
Gumawa ang 2004 ISSP Citizenship Survey ng isang listahan ng 10 tungkulin ng mga
mamamayan at tinanong ang mga respondent na markahan ang bawat isa gamit scale na mula
sa 1 hanggang 7, kung saan ang 1 ay hindi mahalaga at ang 7 ay napakahalaga. Narito ang
bahagdan ng mga sumagot ng 6 o 7 na mga Filipinos, ang ibang nasyonalidad, at ang global
average, ayon sa pagkakasunod ng mga tungkulin ng mamamayan na minarkahan:
1. Laging boboto sa halalan: Filipinos 88, Americans 78, Mexicans 75, Koreans 71,
global 68, Taiwanese and Spaniards 68, Japanese 67. Sa pagbibigay ng kahalagahan sa
pagboboto, nanguna ang Pilipinas, sinundan ng Denmark (87) at Canada (84). Ang
pinakamababa ay ang Czech Republic (37).
2. Hindi iiwas sa pagbabayad ng buwis: Japanese 85, Americans 84, Taiwanese 80,
Filipinos 79, Koreans 78, Mexicans at Spaniards 75, global 73. Ang tungkulin sa
pagbabayad ng buwis ay ang tanging isyu kung saan naungusan ang mga Pilipino ng
ibang bansa. Ang Japan ay No. 1, at ang United States at United Kingdom ay ang
pangalawa. Ang Pilipinas, ay pang-siyam kasama ang Chile at Slovakia. Ang Flanders
ay ang panghuli (52).
3. Laging sundin ang mga batas at regulasyon. : Filipinos 86, Americans 85, Mexicans
84, Taiwanese 83, Japanese 81, global 78, Koreans 77, Spaniards 76. Ang
pinakamatataas, lahat ay 88, ang Venezuela, Bulgaria, Canada at Poland. Ang Pilipinas,
ay pang-walo kasama ang Chile at Ireland. Ang huli ay ang Switzerland (51).
4. Laging pagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan: Filipinos 79, Americans 75,
Mexicans 69, Japanese 59, Taiwanese 59, global 55, Koreans 53, Spaniards 50. Ang
Canada (81) ay ang nanguna, na sinundan ng Pilipinas at United States. Ang panghuli
ay ang Czech Republic (23).
5. Ang maging epektibo sa panlipunan at politikal na mga samahan: Filipinos
59, Mexicans 49, Spaniards and Americans 30, Koreans 27, global 26,
Taiwanese 22, Japanese 15. Ang Pilipinas ang nanguna rito; ito lamang ang
bansa kung saan ang mayorya ng mga respondent ay nagsabi na ito ay
mahalaga. Ang Mexico at South Africa ay parehong nasa ikalawang puwesto.
Finland ang pinakahuli (6).
6. Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong may ibang opinyon:
Mexicans 76, Filipinos 68, Americans 67, Spaniards 65, global 61, Koreans 59,
Japanese 49, Taiwanese 47. Ang Uruguay (85) ang nanguna, sinundan ng
Mexico. Ang Pilipinas ay pang-siyam. Ang pinakahuli ay ang Czech Republic
(35).
10
7. Pumili ng produkto para sa politikal, etikal o pangkalikasang kadahilanan,
kahit na ito ay mayroong dagdag na gastos: Spaniards 53, Filipinos 47,
Koreans 44, Taiwanese 39, Americans 37, Mexicans 35, global 34, Japanese
25. Ang Portugal (56) ang nanguna, sinundan ng Spain, at Australia (49).
Dalawang bansa lamang ang mayroong mayorya ng mga taong nagsabing ang
isang mabuting mamamayan. Ang Pilipinas ay pang-apat kasama ang Austria.
Ang pinakahuli ay ang Bulgaria (8).
8. Tulungan ang mamamayan ng bansang [pangalan ng bansang] may hindi
magandang kalagayan: Mexicans 85, Filipinos 79, Spaniards 74, Americans
70, global 62, Taiwanese 60, Koreans 50, Japanese 41. Ang mga bansang
nanguna ay ang Venezuela (90), Chile (88), Uruguay (86), at ang Mexico. Ang
Pilipinas ay pang-anim, kasunod ng Israel (80). Ang mga nasa huli ay Czech
Republic (31) at ang Hungary (38), pagkatapos ng Japan.
9. Tulungan ang mamamayan ng mga bansa sa mundo na may hindi
magandang kalagayan: Mexicans 80, Spaniards 67, Filipinos 55, global 44,
Americans 37, Taiwanese 36, Japanese 28, Koreans 20 (ang pinakahui). Pang-
una ang Venezuela (85), na sinundan ng Mexico. Ang Spain ay pang-4. Ang
Pilipinas, na mas mababa ng 30 puntos sa bansang nanguna, ay ang pang-
siyam dahil sa sampung bansa lamang ang mayorya ng mga respondent ang
nagsasabing ang pagtulong sa iba ay bahagi ng pagiging mabuting
mamamayan. Ito ay isa sa mga isyu kung saan ang United States ay below
average.
10. Handang maglingkod sa militar sa oras ng pangangailangan; : Filipinos 62,
Americans 60, Taiwanese 57, Mexicans 56, Koreans 54, global 43, Spaniards
25, Japanese 13. Ang Israel (79) ang nanguna, kung saan ang panlahatang
serbisyo militar ay bahagi ng kanilang seguridad. Malayo ang puntos ng Russia
(65) sa Israel, Poland (63), at ang Pilipinas, na kasama ang Venezuela sa pang-
apat na puwesto. Ang mga bansang nasa huli ay ang Flanders (12) at Japan.
Bukod sa mga Pilipino, ang mga Mexicans lamang ang laging mas mataas sa
global average. Dahil sa pagiging No. 1 ng dalawang beses, No. 2 ng isang beses, at
hindi lumalagpas ng No. 9, tayong mga Pilipino ay may average rank na 5.3 sa
pagbibigay halaga sa tungkulin ng pagkamamamayan. Ang mga Venezuelan ay may
tatlong No. 1, ngunit may mababang average na 8.3 dahil sa tatlong ranking na No.
14 o mas mababa. Ang mga Mexicans na naungusan ang mga Pilipino sa tatlo mula
sa sampung tungkulin ng mga mamamayan, ay mayroong average rank na 8.6.
11
Mga Gabay na Tanong
Pamantayan
Nilalaman 10
Pagkamalikhain 5
Epektong Panlipunan(Social Obligation 5
Effects)hal. Bilang ng nag-like o nagshare
sa post
Pamantayan
Nilalaman 10
Delivery 5
Voice Quality 5
Repleksyon
12
Sanggunian
Mangahas, M. (2008, April 19). Filipino Ideals of Good Citizenship. Retrieved March
19, 2014, from Inquirer:
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080419-131332/Filipino-
ideals-of-good-citizenship
Salin sa Filipino ni Mark Alvin M. Cruz
Inihanda ni:
13
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO
GAWAING PAMPAGKATUTO
Mga Karapatang Pantao
Ayon kay Chito Gascon, ang mga tao, sa simula pa lang ng panahon, ay
naghahanap na ng pagkilala ng mga karapatang pantao ngunit ang pormal, opisyal,
at legal na pagkilala sa karapatang pantao ay binuo matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. “The horrors of World War I and World War II brought to bear
the necessity of recognizing human rights if we were to survive as a civilization
because of so much atrocities that were committed during those periods. The notion
or concept of human rights was clearly included in the United Nations charter and the
first project of the United Nations after it was constituted was to adopt what was called
the Universal Declaration of Human Rights in 1948.” ayon kay Gascon.
Ayon kay Gascon, ang karapatang pantao ay mga binuong pamantayan kung
saan tinatawag ang lipunan na respetuhin at sundin. Ang mga ito rin ay resulta mula
sa karanasan ng hirap at pagpapasakit sa kasaysayan.
Ang karapatang pantao ay hanay din ng mga legal na pamantayan. Ang bawat
tao ay may karapatang pantao na dapat kilalanin ng estado upang umunlad ang
katayuaan ng isang tao at lubos na magampanan nito ay kanyang mga tungkulin
bilang tao. Ang mga karapatang pantao, ayon kay Gascon, ay universal,
interdependent, inalienable, at indivisible. Universal sapagkat ito ay nasa lahat ng tao,
14
interdependent dahil ang isang karapatan ay hindi lubos na magagamit ng wala ang
ibang karapatan, inalienable dahil kahit gustuhin mong tanggalin ito sa iyo ay hindi ito
maari, at indivisible sapagkat ang mga karapatn ay hindi nahahati at napaghihiwalay.
Mga Gawain
Subukin mong sagutan ang panimulang gawain na magtatakda kung ano ang iyong
nalalaman sa aralin. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo masasagutan nang wasto
upang mabigyang linaw at malaman ang mga tamang kasagutan na itatakda sa LAS na
ito.
Panuto: Ang mga nasa kahon ay ilan sa mga karapatan na nararapat tamasahin ng
bawat tao. Piliin kung anong karapatan ang ipinapakita sa mg larawan sa ibaba. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Karapatan sa pagkain
Karapatan sa edukasyon
15
1 2
5
6
16
Gawain 2: Right Timing!
17
Mga Dokumento Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao
Cyrus’ Cylinder
Magna Carta
Petition of Rights
Bill of Rights
Declaration of the
Rights
of Man and of the
Citizen
18
19
Gawain 4: Uno, Dos, Tres, Artikulo Tres!
SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa
kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,
pamamahay, papeles at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warant sa
paghalughog o warant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap
niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang
mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban
sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon
sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano
mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihyon, o nagbabawal sa
malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at
pagtatamasa ng paghahayag ng relihyon at pag-samba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi
dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o
pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw
ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat
bawahan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng
bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapag-pabatiran hinggil sa mga bagay-bagay
na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles
tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng
pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng
mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.
SEK. 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko
at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi
labag sa batas.
SEK. 9. Ang pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong
kabayaran.
SEK. 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata.
SEK. 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga
kalupunang mala-panghukuman at sa sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.
SEK. 12. (1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang
mapatalastasan ng kanyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na
kakayahan at malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili. Kung hindi niya makakayanan ang
paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang ito
maliban kung nakasulat at sa harap ng abogado.
20
2) Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano pa mang
paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim na kulungan, solitaryo,
ingkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ng detensyon.
(3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin na nakuha nang
labag sa seksyong ito o Seksyon 17 nito.
(4) Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksyong ito at
gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga pagpapahirap o katulad ng mga
nakagawian, at sa kanilang mga pamilya.
SEK. 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarusahan
ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat
mapyansahan ng sapat na pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng
batas. Hindi dapat bawahan ang karapatan sa pyansa kahit na suspindido ang pribilehyo ng writ of habeas
corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa.
SEK. 14 (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan
ng batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga’t hindi
napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng
abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang
kinikilingan, at hayagang paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang
matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya para sa kanyang kapakanan. Gayon man,
matapos mabasa ang sakdal, maaaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat
na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehyo ng writ of habeas corpus, maliban kung may pananalakay o
paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin
sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-panghukuman, o pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang mga paniniwala at hangaring
pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung kaparusahang pataw ng
hatol ng pagkakasala.
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa, o
ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga
kadahilanang bunsod ng mga buktot na krimen. Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang
parusang kamatayan.
(2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino
mang bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao.
SEK. 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
SEK. 21. Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag. Kung
pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan, ang pagkaparusa o pagkaabswelto sa ilalim
ng alin man dito ay magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon ding kagagawan.
SEK. 22. Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill of attainder.
21
Gawain 5: Sing it to me! Right Kiddo?
Panuto: Basahin ang liriko ng kantang Bawat Bata ng Apo Hiking Society. Ipahayag
ang iyong damdamin hinggil sa nilalaman nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bawat Bata
I
Ang bawat bata sa ating mundo
Ay may pangalan may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawat tao sa ating mundo
II
Hayaan mong maglaro ang bata sa araw
Kapag umulan nama'y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka
( REPEAT I )
III
Bawat nilikha sa mundo'y
Minamahal ng Panginoon
Ang bawat bata'y may pangalan
May karapatan sa ating mundo
IV
Hayaan mong bigyan na lang ng pagmamahal
Katulad ng sinadya ng Maykapal
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka
Hoo - wa - hoo - wa, la la la...
( REPEAT II )
Sa iyo ang mundo pag bata ka (3X)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
22
GAWAIN 6: I See it Right!
Panuto: Mula sa mga naunang gawain at mga teksto, sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Pagnilayan ito ng mabuti. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
3. Bilang isang mag – aaral, anong mga hakbang ang iyong maaaring
maiambag upang mapangalagaan ang karapatan ng bawat isa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1 Gawain 2, 3, 4, 5, 6
23
SANGGUNIAN
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-
ng-pilipinas-1987/
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm
https://tl.wikipedia.org/wiki/Karapatang_pantao
Inihanda ni:
24
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO
GAWAING PAMPAGKATUTO
Politikal na Pakikilahok
25
Gawain 1. Ggk ‘TO!
Panuto: Isulat ang Ggk – (Gagawin ko) kung sa palagay mo ay mabuting gawin ng
isang mamamayan at Hkg – (Hindi ko gagawin) kung ang pahayag ay hindi mabuti.
Panuto: Iguhit ang (smiley) sa katapat na kahon kung ang pahayag ay tama
at kung hindi ay (sad face).
26
8. Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang
nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos at
mga non-government organizations/People’s
Organizations.
9. Ang Operation Smile Foundation ay isang halimbawa
ng Government Organizations.
10. Ang local development council ay may layuning
bumuo ng komprehensibong plano para makamit ang
kaunlaran sa mga bayan, lungsod o lalawigan.
Gawain 3. THAT’S.ORG!
Ayon kay Putzel (1998) maraming ibat-ibang uri ng NGO at PO ang makikita
sa Pilipinas at bawat isa ay may kani-kanyang tungkulin sa bayan.
27
GAWAIN 4. IBUOD MO!
Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang saysay ng mga talata sa ibaba.
Pumili sa kahon.
28
Pamantayan Lubos na Mahuusay Hindi
Mahusay (20) (15) Gaanong
Mahusay (10)
Nilalaman Wasto o My ilang mali Karamihan sa
makatotohana o hindi mga datos na
n ang lahat ng makatotohana nailahad ay
mga datos ng datos mali o hindi
makatotohana
n.
Paglalahad Lubhang Maayos ang Kulang sa
maayos at paglalahad. kaayusan ang
organisado paglalahad.
ang
paglalahad.
Kalinawan Lubhang Malinaw at Maraming
malinaw at nauunawaan mga bahagi
nauunawaan ang mga ang hindi
ang mga pahayag. nauunawaan
pahayag. sa mga
pahayag.
Binabati Kita !
Susi sa Pagwawasto
29
GAWAIN 3: That’s.Org.
1. GUAPO
2. GRIPO
3. PACOs
4. DJANGO’s
5. FUNDANGO’s
6. TANGO’s
Inihanda ni:
NOVALYN A. CUARESMA
Cauayan City National High School – Main
30
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAPITO AT IKAWALONG NA LINGGO
GAWAING PAMPAGKATUTO
Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
31
Ang mga gawain ay iyong sasagutan upang lubos na maunawaan ang paksa.
Maaaring gumamit ng mga sanggunian tulad ng learning modules, google, facebook
at iba pa. Kung may mga katanungan mag post lamang sa group chat ng ating
seksyon.
1. Participatory Governance -
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3.Functional Partnership -
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
GOOD
GOVERNANCE
32
GAWAIN 3. Datos-SURI!
Panuto: Basahin at unawain ang isang balitang inilabas ng Philippine Star noong
Pebrero 4, 2021, tungkol sa democracy index ng 167 na mga bansa sa buong mundo.
Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
33
Mahahalagang tanong:
1. Ilan ang naitalang average iskor ng Pilipinas at ano ang rank nito?
2. Batay sa datos mula 2017 hanggang 2020, bumababa ba o tumataas ang average
iskor ng Pilipinas? Ipaliwanag
3. Anong mga bansa ang nanguna sa taas ng democracy index? Ano sa palagay mo
ang dahilan sa kanilang pangunguna?
4. Ilahad ang iyong reaksiyon sa pahayag ng Malacañang ukol sa rank bilang 55 at
nalagay sa kategoryang “flawed democracy”.
GAWAIN 4. Katapatan.
1. Suriin ang kabuuan, at ang kalagayan ng Pilipinas pagdating sa CPI nito mula 2012
hanggang 2020.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Magsaliksik tungkol sa mga kaparaanan upang mapaunlad ang CPI, at tukuyin ang
particular na gawain ng mamamayan para maging katuwang sa pagpuksa ng
Katiwalian o Corruption.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
34
GAWAIN 5. Say it! In ESSAY
Corruption and emergencies feed off each other, creating a vicious cycle of
mismanagement and deeper crisis. The large sums of money required to deal with
emergencies, the need for urgency in disbursing aid or economic stimulus packages
and the risk of undue influence over policy responses form a perfect storm for
corruption as they can increase opportunities for it to occur, while weakening the
mechanisms in place to prevent it. This, in turn, undermines fair, efficient and equitable
responses to crises. The handling of the COVID-19 pandemic around the world
perfectly illustrates the need for integrity in the management of crises.
With the release of the Corruption Perceptions Index (CPI) 2020, we looked at how
corruption undermines states’ capacity to respond to emergencies such as the dual
health and economic crises brought about by the COVID-19 pandemic. Our analysis
highlights that:
35
BINABATI KITA !
https://www.transparency.org/en/cpi/2020/table/phl
https://www.transparency.org/en/news/cpi-2020-research-analysis-why-
fighting-corruption-matters-in-times-of-covid-19
Inihanda ni:
NOVALYN A. CUARESMA
Manunulat
36