Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Module Info Attachments Pages: Others (specify) Qty:

Grade level: 8 1
Subject: Filipino 2
Module no.: 3 3
Date: Oktubre 19-23, 2020 4
No. of Pages: 14 5

St. Theresa’s College, Quezon City

Taong Panuruan 2020-2021
Mataas na Paaralan

Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Ikalawang Markahan
Paksa: Mga Elemento ng Balagtasan at Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon
Inihanda ni: Bb. Mary Grace M. Buensuceso

Saklaw na Petsa: Oktubre 19-23, 2020 (Ikatlong Linggo)

Paraan ng Pagtuturo: (Please check)

c Synchronous Distance Learning (students learn with the teacher real time)
 Asynchronous Distance Learning (students learn/work on their task at different
times)
c Both

Ginamit na Learning Management System: (Please check)

 CLE
c Google Docs
c Mentimeter
 Google Classroom
c Schoology, Showbie, Edmodo
Others: Pls. specify
c
Mga Kagamitan: (Please check)
 Textbook
c Handouts
c Reference Books Please state:
c YouTube Videos Please put title or link:
 Word File/Powerpoint/PDF File
c Others: _____________________

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,

mapanuring pag-iisip, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng
Amerikano, Komonwelt, at Kasarinlan gamit ang teknolohiya at iba pang mga akdang panitikang
Pambansa na nagpapamalas ng kanilang pagkakakilanlang Filipino

Pamantayang Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng isang tradisyunal na tulang may
anim na saknong na may paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan gamit ang masining na
antas ng wika at naitatanghal ito nang malinaw at madamdamin gamit ang teknolohiya
Karapatang-ari © 2020: Ipinagbabawal na sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito nang walang
pahintulot mula sa may-akda o tagapaglathala. Ang lalabag ay ipinagsasakdal sang-ayon sa batas sa
karapatang-ari, tatak-pangkalakal at iba pang kaugnay na batas.

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 1 of 15
PETSA: Oktubre 19, 2020

Paksa: ALIN ANG NAKAHIHIGIT SA DALAWA:

DUNONG O SALAPI;
PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT SA
PAGPAPAHAYAG NG OPINYON

MGA LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isang argumento
(MELCs)
2. Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan (MELCs)
3. Napahahalagahan ang karunungan at kayamanan sa pagmamagitan ng pagkakaroon ng
tamang desisyon sa buhay

Kasanayang Pampagkatuto: Kritikal na Pag-iisip, Pag-unawa sa Binasa, Cross-cultural

Understanding, Career & Learning Self-reliance (21st Century Lifelong Skills)

Pagpapahalaga: “Be Proactive– the habit of choice” (7 Habits of Highly Effective People) She is a
woman of faith and a seeker of truth with a strong sense of mission; She is self-directed,
compassionate and life-giving in her relationships. (Markings of a Theresian)

Daloy ng Aralin

LUSONG-KAALAMAN

Magandang umaga! Ngayong araw, masasaksihan mo sa isang akda ang dalawang

panig na patulang nagtatalo tungkol sa isang paksa. Batid kong may ideya ka na sa
paksang ating tatalakayin – ang balagtasang pinamagatang Alin ang Nakahihigit
sa Dalawa: Dunong o Salapi? Kaya’t sundan mo ang daloy ng modyul na ito
upang matulungan kang makapagtamo ng bagong kaalaman at lalong mapaunlad
ang iyong kasanayan. Basahin mo ang mga impormasyong makikita sa susunod na
bahagi ng modyul na ito bilang gabay sa ating pagtalakay ng akda.

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 2 of 15
GABAY-KAISIPAN

Sa akdang ating tatalakayin ngayon, muli mong mamamalas ang mga elemento ng
balagtasan na iyong napag-aralan sa nakaraang modyul gaya ng sumusunod:
Tauhan, Pinagkaugalian, Paksang Pagtatalunan, at Mensahe o Mahalagang Kaisipan.
Kaya naman, natitiyak kong handa ka na upang talakayin ang akdang Alin ang
Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi? Magtungo sa susunod na bahagi ng
modyul na ito para sa pagtalakay ng akda.

LAYAG-DIWA

Sa bahaging ito inaasahang mapalalalim ang iyong kaisipan tungkol sa akdang

iyong binasa – Alin ang Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi? Kaya naman
sagutin mo ang Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaisipan.

Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaisipan

ONLINE TASK

Panuto: Magtungo sa iyong CLE account at buksan ang folder na may pamagat na Gawain 1:
Pagpapalalim ng Kaisipan. Buksan ito at sundin ang panutong nakapaloob dito.

OFFLINE TASK

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.

1. Batay sa binasang akda, alin ang higit na dapat bigyang-pansin ng mga kabataan sa kasalukuyan,
ang dunong o ang salapi? Ipaliwanag at pangatwiranan.

________________________________________________________________________________

Buensuceso | Page 3 of 15
Mahusay! Mula sa iyong naging kasagutan, natitiyak kong naunawaan mo ang
akdang iyong nabasa sapagkat nakapagbigay ka ng malinaw paliwanag at
patunay rito.

DAONG-KAALAMAN

Mula sa iyong naging sagot sa Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaisipan, pansinin

ang mga pahayag na ginamit mo sa tanong bilang 2. Suriin kung alin sa mga ito
ang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Upang matulungan ka sa
pagsusuring ito, mahalagang malaman mo kung ano-ano ang mga hudyat na
ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa pagpapahayag ng opinyon. Sundin
ang panutong makikita sa ibaba.

Araling Panggramatika

ONLINE at OFFLINE TASK

Panuto: Buksan ang iyong aklat sa pahina 192-193 at pag-aralan ang aralin tungkol sa Pagsang-
ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon.

Batid kong marami kang natutuhan tungkol sa ating araling panggramatika.

Magtungo sa huling bahagi ng modyul na ito para sa pagbubuod ng ating aralin.

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 4 of 15
SINTESIS

Batay sa tinalakay na aralin, mababatid na kapwa mahalaga ang dunong at salapi

sa buhay ng isang tao. Maraming kapakinabangan ang ibinibigay ng dalawang ito
sa atin. Kaya naman kung ika’y magkakaroon nito, nararapat lamang na
pahalagahan at pag-ingatan mo ang mga ito sapagkat maituturing mo itong yaman
na iyong magagamit upang makatulong sa mga taong nangangailangan.

Pagbati! Matagumpay mong naisagawa ang mga pagsasanay para sa linggong

ito. Sa susunod na pagkikita ay dadagdagan pa natin ang mga kaalamang dapat
mong matamo para sa Markahang ito. Padayon!

KARAGDAGANG GAWAIN

ONLINE at OFFLINE TASK

Bilang paghahanda sa ating susunod na sesyon, basahin ang akdang SARANGGOLA sa pahina
289-294 ng inyong aklat na Pluma.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Pagtatapos ng Modyul 5 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Binigyang-pansin nina: __________________________

Pangalan at lagda Pangalan at lagda ng guro
ng magulang/tagapangalaga

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 5 of 15
PETSA: Oktubre 20, 2020

Paksa: SARANGGOLA (Maikling Kuwento);

KAANTASAN NG PANG-URI

MGA LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda (MELCs)
2. Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng
akdang tinalakay (MELCs)
3. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig (MELCs)
4. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga payo at pangaral ng magulang

Kasanayang Pampagkatuto: Kritikal na Pag-iisip, Pag-unawa sa Binasa, Cross-cultural

Understanding (21st Century Lifelong Skills)

Pagpapahalaga: “Be Proactive– the habit of choice”, “Begin with the End in Mind” (7 Habits of
Highly Effective People), She is a woman of faith and a seeker of truth with a strong sense of
mission. She is self-directed, compassionate and life-giving in her relationships. (Markings of a
Theresian)

Daloy ng Aralin

LUSONG-KAALAMAN

Magandang umaga! Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang akdang pampanitikang

Maikling Kuwento. Ito ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang
kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapagnyarihang
balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Ang kahulugang ito ay lalo pang pinasimple ni Genoveva Edroza-Matute, isang kilalang
kuwentista, na nagsabing “ang maikling kuwento ay isang maikling kathang
pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang
tauhan, may isang pangyayari, at may isang kakintalan.”

Sa modyul na ito ay matutunghayan mo ang kuwentong isinulat ni Efren Abueg, isa sa

mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at kritiko ng kanyang panahon.
Isa sa mga naisulat niya ay ang kuwentong pinamagatang Saranggola
STCQC – Sining na tiyak sa
ng Komunikasyon naFilipino 8
hahaplos sa iyong puso bilang isang anak. Kaya’t kung handa ka na, magtungo
Buensuceso sa 6 of 15
| Page
susunod na bahagi ng modyul na ito upang magabayan ka sa pag-aaral ng ating aralin.
GABAY-KAISIPAN

Sa bahaging ito, mahalagang malaman mo muna ang mga Elemento ng Maikling

Kuwento nang sa gayo’y magamit mo ito bilang gabay sa pagtalakay ng ating
aralin. Buksan ang iyong aklat sa pahina 299-300 at pag-aralan ang mga
impormasyong nakapaloob dito.

LAYAG-DIWA

Ngayong natukoy mo na ang mga Elemento ng Maikling Kuwento, sa bahaging ito’y

palalimin natin ang pagtalakay sa akdang Saranggola. Sagutin ang mga tanong sa
Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaalaman.

Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaalaman

ONLINE TASK
Panuto: Magtungo sa iyong CLE account at buksan ang folder na may pamagat na Gawain 1:
Pagpapalalim ng Kaalaman. Buksan ito at sundin ang panutong nakapaloob dito.

OFFLINE TASK
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang na
nakalaan.

1. Batay sa akda, bakit hindi maunawaan ng anak ang ginagawang pagdidisiplina ng kanyang ama
sa kanya? Makatwiran ba ang kanyang ginawang pagrerebelde sa kanyang magulang? Ipaliwanag at
pangatwiranan ang sagot.

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 7 of 15

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ilarawan ang iyong buhay sa pamamagitan ng

pagkukumpara nito sa isang bagay gaya ng “saranggola” na naglalarawan sa uri ng buhay na itinuro
ng ama sa anak, saan mo kaya ito ihahalintulad? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

Mula sa iyong naging mga kasagutan, mapatutunayang naunawaan mo ang

binasanag akdang Saranggola. Magtungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito
para sa mga karagdagan pang impormasyon.

DAONG-KAALAMAN

Balikan mo ang iyong naging sagot sa tanong bilang 2 sa Gawain 1:

Pagpapalalim ng Kaalaman. Kapansin-pansing gumamit ka ng mga salitang
nagpapahayag ng paghahambing. Nakikilala mo ba ang mga salitang ito? Upang
matulungan kang masagot ang tanong, pag-aralan ang mga impormasyong
nakapaloob sa ating araling panggramatika.

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 8 of 15
Araling Panggramatika

ONLINE at OFFLINE TASK

Panuto: Buksan ang iyong aklat sa pahina 303 at pag-aralan ang aralin tungkol sa Pang-uri at
Kaantasan Nito.

Batid kong marami kang natutuhan tungkol sa pang-uri at kaantasan nito.

Magtungo sa huling bahagi ng modyul na ito para sa paglalagom ng ating aralin.

SINTESIS

Ang kuwentong ating tinalakay ay nagbigay sa atin ng realisasyon na dapat nating

pahalagahan ang pagsunod sa payo at pangaral ng ating mga magulang sapagkat
sila ang mas nakaaalam kung ano ang makabubuti at makasasama sa atin. Walang
magulang na nagnais na ang kanyang anak ay mapahamak. Bawat magulang ay
nagnanais na ang kanilang anak ay mapalaki nila nang maayos, malayo sa
masamang bisyo, at may takot sa Diyos. Kaya naman, hangga’t nakakasama pa
natin ang ating mga magulang, huwag nating ipagsawalang-bahala ang mga
pangaral at payo na kanilang ibinibigay sa atin.

Magamit mo nawa ang iyong mga natutuhan sa modyul na ito upang lalong
mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan gaya ng maikling kuwento
gayundin ang mga aral na nakapaloob sa akdang ito. Magkita tayong muli sa
susunod na araw upang muling madagdagan ang iyong kaalaman. Hanggang sa
muli!

KARAGDAGANG GAWAIN
ONLINE at OFFLINE TASK

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 9 of 15
1. Buksan ang iyong aklat sa pahina 304-306. Sagutin sa inyong aklat ang bahagi ng MADALI LANG
‘YAN at SUBUKIN PA NATIN. Sundin ang panutong nakapaloob dito.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Pagtatapos ng Modyul 6 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Binigyang-pansin nina: __________________________

Pangalan at lagda Pangalan at lagda ng guro
ng magulang/tagapangalaga

PETSA: Oktubre 22, 2020

Paksa: TEKSTONG NAGLALARAWAN

MGA LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng
paksang tinalakay (MELCs)
2. Nakasusulat ng wakas ng maikling kuwento (MELCs)
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng matagumpay na buhay sa pamamagitan ng pagiging
kontento sa mga bagay na tunay na mahalaga at may kabuluhan

Kasanayang Pampagkatuto: Kritikal na Pag-iisip, Pag-unawa sa nakuhang impormasyon,

Kasanayan sa Pagsulat ng sanaysay, Pagpapalawak ng Paksa, Creativity (New Knowledge Creation
and Artful Storytelling) - 21st Century Lifelong Skills

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga Gabay na Makatutulong sa Pagbuo ng isang Maayos at

Makabuluhang sanaysay, “Be Proactive– the habit of choice”, (7 Habits of Highly Effective People)

Daloy ng Aralin

LUSONG-KAALAMAN
Magandang umaga! Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang paksang makatutulong
sa iyo upang lalo mong mapaunlad ang iyong kasanayan sa pagsusulat. Sa Unang
Markahan ay natalakay na natin ang tekstong nangangatwiran, ngayon nama’y
panibagong paraan ng pagpapahayag ang ating pag-aaralan. Kung handa ka na,
halina’t simulan na natin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa unang gawain.

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 10 of 15
ONLINE TASK
Panuto: Magtungo sa iyong CLE account at buksan ang folder na may pamagat na Gawain 1:
Paglalarawan ng Tauhan. Buksan ito at sundin ang panutong nakapaloob dito.

OFFLINE TASK
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ibigay ang katangian ng bawat isa na matingkad na
mamamalas sa tinalakay na akdang Saranggola. Isulat ang sagot gamit ang tinalakay na araling
panggramatika – Pang-uri. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.

GAWAIN 1: PAGLALARAWAN NG TAUHAN

TATAY ANAK NANAY

1. Tatay
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Nanay

3. Anak
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 11 of 15
Mahusay! Sa iyong naging sagot, malinaw na mamamalas ang gamit ng pang-uri
sa paglalarawan ng mga tauhan sa tinalakay nating akdang Saranggola. Upang
mabigyan ka ng ideya tungkol sa ating paksang pag-aaralan, basahin mo ang
mga impormasyong nakapaloob sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

GABAY-KAISIPAN
Sa unang gawain ay nabigyan ka ng pagkakataong mailarawan ang katangian ng
mga tauhan sa kuwentong Saranggola. Ang paglalarawan ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng

mga mambabasa o nakikinig sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang

naglalarawan, gaya ng pang-uri, kung saan malinaw na naipamamalas ang
katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama.
Napagagalaw din ng paglalarawan ang ating mga guniguni, imahinasyon at
nakatatawag-pansin ng mga mambabasa. Upang lalong mapalalim ang pagtalakay
sa ating paksa, basahin ang mahahalagang impormasyon sa susunod na bahagi
ng modyul na ito.

LAYAG-DIWA

Sa bahaging ito, pag-aralan natin ang mga katangian ng isang mahusay na

paglalarawan at ang mga uri nito.

ONLINE TASK at OFFLINE TASK

Panuto: Basahin at unawain ang mga impormasyong makikita sa ibaba.

TEKSTONG NAGLALARAWAN

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 12 of 15
Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao,
hayop, bagay, lugar o pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at mga
pandama (nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan, nahahawakan).

URI NG PAGLALARAWAN

1. Karaniwang Paglalarawan
 Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama.
 Nagbibigay lamang ng mga tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay
ayon sa pisikal o konkretong katangian nito.
 Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang
mga bagay o ang mga partikular na detalye sa payak na paraan.

URI NG PAGLALARAWAN

2. Masining na Paglalarawan
 Mga pandama (nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan, nahahawakan) ang mga
salitang ginagamit dito, bukod sa iba pang mahahalagang kasangkapang panlarawan,
gaya ng pagtatambis at tayutay.
 Ang mga detalyeng inihahayag dito ay may katotohanan din, ngunit nakukulayan na ito ng
imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng tagapagsalaysay.
 LAYUNIN: makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang
makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan

3. Teknikal na Paglalarawan
 Sa halip na nakatuon ang manunulat sa eksaktong representasyon ng mga bagay-bagay
at pangyayari upang makamit ng kaakmaan nito, kalimitang gumagamit ng mga
ilustrasyon ang manunulat upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng
inilalarawan.
 Dapat tandaan na hindi pa rin sapat ang mga ilustrasyon at iginuhit na larawan upang
magbigay ng sapat na representasyon. Ang mga ito’y nakatutulong lamang sa
pagpapakita ng larawan.
 LAYUNIN: mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol
sa mundo at kalawakan.

ANG MAHALAGANG KASANGKAPAN NG MASINING NA PAGLALARAWAN

1. Pandama
 Sa paglalarawan, ang dapat gamiting mga pananalita ay yaong nararamdaman ng limang
pandama – naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasahan at nahahawakan, sa gayon ay higit
na mauunawaan at lalong kawiwilihan itong basahin o pakinggan.
 Makukulay at mahuhugis o maanyo ang mga salitang dapat isaalang-alang.

2. Paghahambing
 Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis sa paglilinaw ng
mga bagay-bagay na inilalarawan.
 Higit ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong larawan
naipahayag ang inilalarawan.
 May agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may lasang
nadarama.

3. Angkop na Salita
 Pinipili ang paggamit ng mga angkop na salita.
 Kailangang tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man, yaong
STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8
Buensuceso | Page 13 of 15
mapagpahiwatig ng bagay.
 Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal.
 Ang pagpili ng gamit ng salita ay depende na rin sa naglalarawan kung alin ang inaakala
niyang higit na mauunawaan at madarama ng mambabasa.

4. Pagtatambis
 Ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idyomang bukambibig ng madla sa
pagsasalita.
 Ito ay maaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang tumutukoy, sadyang lumilihis sa
literal na kahulugan at sa tuntuning pambalarila, maaaring pinagtambal na dalawang
salitang may kani-kaniyang tanging sariling kahulugan ngunit madaling napapalitan ng
nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan.
 Ang pagtatambis o pagsasawikain ay isang paraang pagpapaunlad ng buhay sa salita.

5. Pagtatayutay
 Paggamit ng matalinghagang pagpapahayag, mula’t sapul, ay napapansin lamang kapag
nag-aaral ng tula at retorika.

http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-paglalarawan-na-pagpapahayag.html

Ngayong napag-aralan mo na ang mahahalagahang impormasyon tungkol sa

ating paksa, sagutin ang susunod na bahagi sa modyul na ito upang magkaroon
ng ganap na pagkatuto sa ating mga tinalakay.

SALOK-DUNONG
Upang mataya ang iyong mga natutuhan sa ating paksa, sagutin mo ang pagsasanay sa ibaba.

ONLINE at OFFLINE TASK

Panuto: Buksan ang iyong aklat sa pahina 301 at sagutin sa iyong aklat ang bahagi ng ISULATIN
NATIN. Sundin ang panutong nakapaloob dito.

SINTESIS
Batay sa tinalakay na aralin, natitiyak kong makatutulong ito sa iyo upang makasulat
ng isang sanaysay gamit ang tekstong naglalarawan. Gamitin mong gabay ang
iyong mga natutuhan upang makabuo ng isang kawili-wiling sulatin na naglalayong
makapukaw ng atensyon ng mga mambabasa.

Muli na namang nadagdagan ang iyong kaalaman sa araw na ito. Sa susunod na

sesyon ay gagamitin natin ang iyong mga napag-aralan sa modyul na ito upang
makabuo ng sulatin gamit ang tekstong naglalarawan. Kaya naman, magkita
tayong muli bukas. Padayon!
STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8
Buensuceso | Page 14 of 15
KARAGDAGANG GAWAIN
ONLINE at OFFLINE TASK

Balikan mong muli ang katangian ng isang tekstong naglalarawan. Maghanda para sa pagbuo ng
iyong sulating impormal.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Pagtatapos ng Modyul 7 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Binigyang-pansin nina: __________________________

Pangalan at lagda Pangalan at lagda ng guro
ng magulang/tagapangalaga

STCQC – Sining ng Komunikasyon sa Filipino 8

Buensuceso | Page 15 of 15

You might also like